Share

The Billionaire’s Instant Baby
The Billionaire’s Instant Baby
Author: Iamgorgeousbela

PROLOGUE

last update publish date: 2026-04-17 16:10:37

Tahimik ang gabing iyon ngunit hindi katulad ng isipan ko na napakaingay, magulo, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga palad ko habang hawak-hawak ko ang isang kahon kung saan ko inilagay ang anak kong mag tatatlong linggo pa lamang. Malungkot akong nakatingin sa malaking bahay na nakatayo sa harapan ko. Hindi ko alam kung may tao pero sana mayroon.

Huminga ako ng malalim bago ako humakbang papalapit sa malaking bahay. Tiningnan ko ang gate at nakahinga ng maluwag nang mapagtanto kong wala ang Security Guard ng malaking bahay.

Luminga-linga ako sa paligid ko at siniguradong walang taong makakakita sa akin bago ko ilapag ang kahon sa harapan ng malaking gate. Nang masiguro kong walang mga taong dadaan o kahit sasakyan ay inilapag ko ang dala kong kahon sa sahig at pagkatapos ay tiningnan ang anak kong mahimbing na natutulog.

Ang ganda-ganda niya, nag mana siya sa kanyang ama. Maging ang kutis nito ay mala porselana, kung kaya’t hindi nababagay sa kanya ang klase ng buhay na meron ako.

Magulo, maingay, marumi. Higit sa lahat ay walang pera. Hindi ko siya kayang buhayin, pero ang ama niya siguradong-sigurado na mabibigyan siya ng magandang buhay. Kaya anong karapatan kong ipag damot iyon sa kanya? Hindi ko pwedeng alisan siya ng karapatan na mabuhay ng maayos.

Hinawakan ko ang maliit niyang mga kamay at ngumiti ng malungkot. Nag simulang mamuo ang mga luha sa mga mata ko at parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko nang mahawakan siya.

“Baby, dito ka na lang sa Daddy mo ha? Alam ko mabibigyan ka niya ng magandang buhay, kaya dito ka na lang ha?” pinunasan ko ang mga luha na pumatak sa pisngi ko at pagkatapos ay dahan-dahan na tumayo.

Hindi na ako pwedeng mag tagal pa dahil baka may makakita sa akin. Hindi nila pwedeng makita ang mukha ko. Pumihit ako patalikod pero natigilan din nang marinig ko ang pag iyak ng sanggol.

Mariin akong pumikit at pinigilan ang sarili ko na muling lumingon sa kanya dahil natatakot ako na baka sa paglingon ko ay mag bago ang isipan ko at muling kunin siya. Hindi pwede...

Mayroong nag aabang sa kanya na magandang kinabukasan. Sigurado naman ako na kapag nalaman ng kanyang ama na anak siya nito ay kukunin siya nito at aalagaan ng maayos. Hindi katulad ko na nag lalako lamang ng turon sa kalsada at hindi sapat ang kinikita. Kulang pa iyon sa pambili ng kanyang gatas at diaper.

Muli kong inihakbang ang mga paa ko habang ang mga iyak ng anak ko ay papalakas ng papalakas sa pandinig ko, ganun din ang mga luha ko, pero hindi ko na siya nilingon pa at tuluyan ng nilisan ang lugar na iyon.

1 year ago…

“Open this goddamn door! Fuckers!” Rinig ko ang matinding pag mumura ni Rule Montclair habang kinakalampag ang pinto ng kwarto kung saan kinulong kami ng mga kaibigan niya.

Nakainom na siya at medyo lasing na pero mukhang alam pa din naman niya ang ginagawa niya. Iyon nga lang ay mukhang hindi niya alam na ipinagkanulo siya sa akin ng mga kaibigan niya. Nag tratrabaho kasi ako sa Bar bilang isang Stripper at binayaran ako ng mga kaibigan niya para sa gaganapin na Bachelor’s Party at ngayong gabi ang araw na iyon.

Nakaupo ako sa malaking kama habang suot-suot ang pulang lingerie at natatakpan naman ang kalahating mukha ko ng itim na maskara.

Nag dadalawang isip ako kung gagawin ko ba yung ipinapagawa sa akin pero dahil nag bayad sila ay wala naman akong ibang choice kung hindi gawin ang bagay na ito. Hindi naman kasi ito ang unang beses, madami-dami na rin akong naging Customer at wala naman akong ibang ginagawa kung hindi ang sayawan sila ng malaswa.

Iyon lang at hindi na lalagpas doon, ngunit iba ngayon dahil ang lalaking kasama ko ngayong gabi ay walang iba kung hindi si Rule Montclair, isa siyang sikat na Bilyonaryo at may-ari ng mga naglalakihang kumpanya dito sa bansa at maging sa iba pang bansa.

Bali-balitang ipinagkasundo siya ng kanyang mga magulang sa anak ng kasosyo nila sa Kumpanya kaya naman nalalapit na siyang ikasal. Kaya heto at naisipan ng mga kaibigan niya na gumawa ng Bachelor’s party para sa kanya.

Muli niyang kinalampag ang pinto pero hindi ko na siya pinansin at pinindot ang cellphone ko na naka connect sa speaker. Nag simulang mag play ang Birthday s*x na kinanta ni Chris Brown.

Nag simula akong maglakad papalapit kay Rule Montclair, sinigurado kong sexy ang paglalakad ko. Nang makalapit ako sa kanya ay hinawakan ko ang balikat niya at pinihit papaharap sa akin.

Para siyang isang estatwa na nakatingin sa akin. Hindi makagalaw at tila hindi alam ang gagawin. Malikot ang kanyang mga mata na tila ba hindi niya alam kung saan siya titingin kaya naman hinawakan ko ang baba niya at pinaharap sa akin.

Sinimulan kong igiling ang balakang ko habang kinikiskis ko ang katawan ko sa kanyang dibdib. Malakas man ang music ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pag hahabol niya ng kanyang hininga.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko sa kanyang dibdib at doon ko naramdaman ang malakas na pintig ng kanyang dibdib. Bigla akong ginanahan sa aking ginagawa dahil mukhang kinakabahan siya sa akin.

Mukhang may dating ang ginagawa kong pag sayaw sa kanya. Hinila ko ang necktie niya ngunit marahan lang iyon at humakbang papalapit sa malaking kama pagkatapos ay malakas ko siyang tinulak sa malambot na kama.

Saglit akong lumayo sa kanya upang ipag patuloy ang pag sayaw ko. Hinila ko ang upuan na props para sa pag sayaw ko at umupo doon. Ibinuka ko ang mahahaba kong biyas habang malaswang nakatingin sa kanya.

Nakatingin lang din siya sa akin at tila hinihintay ang kasunod kong gagawin. Mukhang tinanggap na niya ang kapalaran niya dahil hindi na siya nag pumilit pang lumabas ng kwarto.

Ginulo gulo ko ang buhok ko at muling tumayo mula sa upuan. Hinawakan ko ang sandalan nito at tumuwad sa harapan ni Rule habang iniindayog ang pwet ko.

“Tangina…” hindi ko man narinig ang boses niya pero alam ko na iyon ang sinambit niya dahil nabasa ko ang pag galaw ng labi niya.

Hindi ko siya pinansin at muling lumapit sa kanya. This time ay sa ibabaw na niya ako naupo habang malaswang ginigiling ang bewang ko. Inabot ko ang kanyang kamay at nilagay ko iyon sa aking bewang pagkatapos ay ipinulupot ko ang mga braso sa kanyang leeg habang patuloy pa din sa pag sayaw ng malaswa.

“You’re enjoying it, huh?” Dinig kong sabi niya, pinigilan kong huwag ma-distract sa mabangong amoy ng kanyang hininga na pinag halong amoy ng alak at mint candy.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay kinagat ko ang tenga niya, Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang pinag gagagawa ko, parang may sariling isip ang katawan ko. Narinig ko ang mahina niyang pag ungot kasabay nito ang pag baba ng kanyang mga kamay sa pwetan ko. Ramdam ko ang pag pisil niya sa parteng iyon kaya medyo nawala ako sa sarili.

“Is this what you want, baby?” Hinampas niya ang pwet ko ng mahina kaya naman napaungot din ako. Mali siya, hindi ito ang gusto ko pero bakit parang sumasang-ayon sa kanya ang katawan ko?

Pinilit ko pa din tapusin ang sinasayaw ko pero hindi ko magawa ng maayos dahil mayat-maya ang pag tapik at pag pisil niya sa pwet ko. Matatapos na ang music pero hindi ko magawang umalis sa ibabaw niya na para bang ang bigat ng katawan ko.

Hindi pwede ito, kailangan kong tumayo at umalis hanggang dito lang ang napag usapan namin ng mga kaibigan niya dahil hindi ko naman ito ginagawa sa mga naging Customer ko. Ewan ba, pero bakit ang hirap-hirap lumayo sa kanya na tila ba isa siyang magnet.

Nang matapos ang music ay sinubukan kong tumayo at umalis ng kama pero hinila niya ang kamay ko na naging dahilan ng pag bagsak naming dalawa sa kama.

“Where do you think you’re going, Demitria?” Napasinghap ako ng marinig ko sa kanya ang buong pangalan ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko siguro ay narinig niya iyon sa mga kaibigan niya kanina.

“U-umm, kailangan ko ng u-umalis—”

“You’re not going anywhere, we need to finish what you started,” ani niya pagkatapos ay tumawa ng mahina. Nadala ako sa tawa niyang iyon at parang ang sarap pakinggan. Madilim man pero kita ko pa din ang gwapo niyang mukha.

Madalas ko siyang nakikitang nakasimangot kapag nag tutungo sila sa Bar ng mga kaibigan niya kaya ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nakatawa. Natulala ako sa kanya at hindi ko namalayan na malapit na pala ang mukha namin sa isat-isa hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pag lapat ng aming mga labi.

Tila ba may sariling isip ang mga mata ko na kusang pumikit ganon din ang mga labi ko na sinabayan ang bawat pag galaw ng kanyang labi. Naramdaman ko pa ang pag sups*p ng kanyang dila sa dila ko.

Hindi ako nag patalo sa kanya at sinabayan siya sa kanyang ginagawa. Next thing I knew…parehas na kaming walang saplot. Naka higa ako sa kama habang nasa gitna siya ng mga hita ko at umiindayog. Ang mga kuko ko ay nakabaon sa kanyang likod at kumakawala ang halinghing sa aking bibig.

“Damn it! You’re so tight Demitria,” ani niya, nakita ko ang pagtaas ng kanyang kamay at pag hawak sa maskara na suot ko. Akmang aalisin niya iyon pero mabilis ko siyang pinigilan.

“H-huwag, huwag mong alisin…please,”

“Alright, baby,” ngumiti siya ng matamis habang pabilis ng pabilis ang galaw niya mula sa ibabaw ko. Nang matapos kami ay parehas kaming humiga sa kama na nanghihina at nag hahabol ng hininga. Natulala ako sa kisame habang iniisip ang ginawa naming dalawa. Siya ang naka-una sa akin. Ikakasal na siya pero nagawa ko ang bagay na ito. Siguro naman hindi ako mabubuntis dahil isang beses lang naman ito.

Dahan-dahan ko siyang tiningnan at ganun na lang ang pag hinga ko ng maluwag ng makita kong nakapikit na ang mga mata niya at malalim na ang kanyang pag hinga. Mukhang nakatulog siya dahil sa pagod at sa kalasingan.

Dahan-dahan akong tumayo at nag tungo sa Bathroom para linisin ang katawan ko. Binilisan ko ang pagkilos ko sa takot na baka magising siya kaagad at maabutan niya ako. Nang matapos mag bihis ay kaagad akong nag tungo sa pinto. Nag pasalamat ako ng mag bukas na ang door knob, marahil ay binuksan na ng mga kaibigan niya. Wala na din sila sa loob ng Penthouse at mukhang naka alis na kaya matiwasay akong nakalabas at nakauwi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 5

    Linggo ngayon ibig sabihin lamang ay sarado ang karinderya ni Aling Sally kaya wala akong pasok. Heto at nag lalaba ako ng mga damit ko at isinama ko na din ang mga damit ng Tiya ko dahil naaawa ako sa kanya. Matanda na din kasi siya at pagod siya sa paglalako ng kanyang kakanin. Sa pamamagitan man lang nitong paglalaba ko sa kanya ay nabawasan ko ang mga gawain niya. “Talaga? O anong sabi sa iyo?” Inayos ko ang cellphone ko sa tenga ko at inipit iyon gamit ang balikat ko. Nag kukusot kasi ako ng mga damit kaya hindi ko iyon mahawakan. Kausap ko ngayon si Sunny at nakwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. “Wala naman…mukhang hindi din niya ako nakilala,” mahinang anas ko sa kanya na parang nadismaya pa. Narinig ko ang malakas niyang pag tawa sa kabilang linya na para bang naramdaman niya ang pagkadismaya ko.“Bakit? Gusto mo ba maalala ka niya?”“Hindi, mabuti pang hindi niya ako maalala at makilala,”“Bakit naman? May anak kayong dalawa—” kaagad kong pinutol ang sinasabi niya dahi

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 4

    Five years later… “Ano Mia? Wala ka na ba talagang balak na bumalik dito sa Manila at dito mag trabaho? Ano mag titinda ka na lang diyan habang buhay?” Ani ni Sunny mula sa kabilang linya. Napailing na lang ako sa kanya. Alam kong nag aalala siya sa akin dahil matagal na akong nag lalako ng turon sa kalsada pero suma-sideline naman ako sa karinderya ni Manang Sally paminsan-minsan. Limang taon na ang nakalipas simula noong iwan ko ang anak ko sa kanyang Ama. Sinigurado kong tatanggapin niya ang anak naming dalawa bago ako magpakalayo layo at napadpad dito sa Probinsya ng Lucban Quezon kung saan nakatira ang mga kamag anak ko. Mabuti na lang at pinatuloy ako ng Tiya ko na nag iisa na lamang din sa buhay dahil hindi na siya nagkaroon ng anak at asawa. Katulad ko ay naglalako siya ng kakanin sa kalsada. “Okay na ako dito Sunny, dadalawin na lang kita kapag nagkaroon ako ng pamasahe, o siya may Customer na, mamaya na lang ulit tayo mag usap,” ani ko sa kanya, nag paalam lang kami sa

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 3

    Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para mag tinda ng Turon at lumpya. Walang laman ang tiyan ko dahil wala pa akong kain simula kagabi. Nanghihina na din ako at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras kaya naman ng madaanan ko ang isang parke ay kaagad akong nag tungo doon at humanap ng mauupuan. Umupo ako sa upuan na malapit sa puno at ibinaba ang Baby ko na mahimbing na natutulog sa kanyang basket. May takip naman ito kaya hindi ito naiinitan. Sinigurado kong nakakahinga din siya ng maayos at hindi naiinitan. Kumuha ako ng paninda ko at nag simulang kumain kahit labag sa loob ko dahil wala akong matutubo kung kakainin ko ang sarili kong itinitinda kaya lang ay baka naman mahimatay ako at maisugod sa hospital ay mapapagastos pa ako. Nakatingin ako sa mga taong dumadaan at sa mga batang nag lalaro habang nilalantakan ang turon na hawak ko. Ang saya-saya nila na parang walang problemang iniisip. Ang saya siguro maging bata ulit. “Mia?” Natigil ang pag nguya ko

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 2

    Isang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas kami sa Hospital. Sa tulong ni Sunny at ng kanyang manliligaw na may sasakyan ay mabilis kaming nakauwi ng anak ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sunny dahil pinahiram niya ako ng pera pandagdag sa pambayad sa Hospital. Binigyan din niya ako ng pambili ng Diaper at gatas ng anak ko dahil wala ng natira pa sa inipon ko kaya naman nahihiya na ako sa kanya dahil hindi naman niya responsibilidad na tulungan ako, kaya heto ako muling mag titinda ng turon at ng lumpya para magkaroon ulit ng pera. Sumasakit pa din ang katawan at ang tahi ko pero hindi na iyon mahalaga pa, magugutom kami ng anak ko kapag hindi ako kumilos. Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang isang Basket kung saan nakalagay ang anak ko, habang ang isa kong kamay ay bitbit ang basket na naglalaman ng mga paninda ko. Wala akong ibang kilala na mapag iiwanan sa anak ko kaya naman ay isinama ko na lamang siya isa pa ay mas panatag ako kapag nakikita ko siya. Nakatayo ako sa ha

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 1

    Maaga akong nagising para gumawa ng mga ititinda kong turon. Ito na ang naging kabuhayan ko simula noong nabuntis ako ni Rule Montclair. Gusto ko man humingi sa kanya ng sustento para sa anak niya na ipinag bubuntis ko ay hindi ko magawa sapagkat hindi naman din niya alam na nag bunga ang aming ginawa. Isa pa ay bali-balita ay ikakasal na siya sa kanyang Fiance. Kaya wala akong magawa kung hindi itago na lang ang ipinagbubuntis ko. Hindi din naman ako sigurado kung tatanggapin niya ang baby o maniniwala ba siya na siya ang ama nito. Kaya mabuti pang itago na lang sa kanya para walang gulo. Hinimas-himas ko ang malaki kong tiyan habang inaayos ang paninda ko sa araw na ito. Kabuwanan ko na ngayon pero heto ako at nag titinda pa din, wala naman akong choice dahil kung hindi ko ito gagawin ay hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng anak ko. Isa pa ay nag iipon din ako ng pampaanak ko. May naipon naman ako kaso ay kakarampot lang iyon, hindi ko alam kung kakasya ba iyon sa pag anak k

  • The Billionaire’s Instant Baby   PROLOGUE

    Tahimik ang gabing iyon ngunit hindi katulad ng isipan ko na napakaingay, magulo, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga palad ko habang hawak-hawak ko ang isang kahon kung saan ko inilagay ang anak kong mag tatatlong linggo pa lamang. Malungkot akong nakatingin sa malaking bahay na nakatayo sa harapan ko. Hindi ko alam kung may tao pero sana mayroon. Huminga ako ng malalim bago ako humakbang papalapit sa malaking bahay. Tiningnan ko ang gate at nakahinga ng maluwag nang mapagtanto kong wala ang Security Guard ng malaking bahay. Luminga-linga ako sa paligid ko at siniguradong walang taong makakakita sa akin bago ko ilapag ang kahon sa harapan ng malaking gate. Nang masiguro kong walang mga taong dadaan o kahit sasakyan ay inilapag ko ang dala kong kahon sa sahig at pagkatapos ay tiningnan ang anak kong mahimbing na natutulog. Ang ganda-ganda niya, nag mana siya sa kanyang ama. Maging ang kutis nito ay mala porselana, kung kaya’t hindi nababagay sa kanya ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status