Share

CHAPTER 6

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-12-18 15:13:06

"Nagpasa na ako ng aking resignation letter," sabi ni Erin.

 

Nagulat ang manager ng personnel department, "Huh?" Matagal bago ito nakasagot, "Pagkatapos nito... kailangan mo munang tapusin ang maiiwan mong trabaho."

 

Alam ni Erin na ayon sa pormal na proseso, kailangan niyang magtrabaho pa ng kalahating buwan bago tuluyang makaalis sa kumpanya. Hindi siya gusto gumawa ng mga bagay na walang simula at wakas. Kaya, kahit pa aalis siya, kailangang maayos ang lahat para hindi maging pabigat sa iba.

 

"Papasok ako mamaya para sa job handover," sabi ni Erin.

 

"Sige, hihintayin kita," sagot ng manager.

 

Pagkatapos ng tawag, huminga si Erin ng malalim. Naibenta na niya ang bahay at handa nang umalis kapag tapos na ang mga kailangan niyang tapusin.

 

Ngunit may kirot pa rin sa puso niya. Matapos magpahinga ng konti, sumakay siya ng kotse papunta sa law firm. Nang dumating siya, biglang naging mas magaan ang pakiramdam sa buong opisina.

 

"Miss Sandoval!" tawag ng mga staff na masayang-masaya sa kanyang pagbabalik. May saya at pag-asa sa kanilang mga mata na nagpainit sa puso ni Erin.

 

"Nandito ako para sa handover ng trabaho," sabi niya at ngumiti. "Allheyn, ipapasa ko muna sa iyo ang mga trabaho na ginagawa ko."

 

Napatingin ang mga staff  kay Erin.

 

"Gusto mo talagang umalis?" tanong ng isa.

Ngumiti si Erin, "Oo."

 

Hindi na nakapagpigil ang mga tao na tumingin sa isa’t isa na may halong lungkot at pag-unawa.

 

Samantala, nang malaman ni Jhonary na pumasok si Erin, dali-dali siyang pumunta sa opisina ni William upang magbalita.

 

"Pumasok na si Erin!" sigaw niya ng may kasiyahan. Ngumiti pa siya saka nagpatuloy, "Alam kong hindi niya kayang mabuhay ng wala ka. Akala ko talaga, aalis na siya ng tuluyan.. Kinabahan ako sa dami ng trabaho"

 

Tiningnan siya ni William ng walang ekspresyon, "Parang tamad ka lang. Magtrabaho ka kaya? baka bawasan ko ang porsiyento mo eh."

 

Mabilis na nagbiro si Jhonary "Biro lang! Ikaw naman, napakaseryoso!" Kahit mas komplikado at may mas malaking risk ang kaso, mas malaki rin ang maaaring kitain ng abogado. Ngunit kailangang may kakayahan ka para dito.

 

Bago lumabas si Jhonary, inutusan siya ni William, "papasukin mo nga si Erin dito."

 

Ngumiti naman ng malawak si Jhonary, "Okay."

 

Kasalukuyang abala si Erin sa trabaho, ng marinig niyang may nagsalita ng "Attorney Jones!"

 

Napatingala siya at nakita ang nakangiting si Jhonary.

 

"Abdul, ikaw na ang magdala nito!" sabi ni Erin.

 

Tumayo siya matapos lumapit ni Jhonary sa kanya.

 

"Erin, sabi ko sa iyo, laban sa walang pusong tao tulad ni William, dapat kang maging matapang. Huwag mo siyang sundin sa lahat ng bagay. Tapos ano? hindi natuloy ang kasal niyo, di ba? Tinatawag ka niya ngayon.. anong sasabihin mo sa kanya?"

 

Nakahawak si Erin sa doorknob at tumingin kay Jhonary,  "Gusto mo bang sumama sa akin sa loob? moral support ba?"

 

"Hindi na," mabilis na sagot nito. "Hindi ko kayang galitin ang nasa loob, baka maging halimaw pa yan. Ikaw na lang ang bahala." Agad itong umalis matapos ng kaunting sermon. 

 

Huminga ng malalim si Erin at binuksan ang pinto. Ang opisina ni William ay maayos at organize, may dark ang kulay ng mga muwebles at mga jurisdiction books na nagbibigay ng seryosong pakiramdam ay nakasalansan ng maayos. Nakaupo siya sa likod ng malaking mesa at nagbabasa ng mga dokumento.

 

"Anong kailangan mo, Wlliam? hinahanap mo daw ako?" tanong ni Erin, kalmado ang boses. Sa kumpanya, tinatawag niya itong 'Attorney Ferrer' para walang isyu, pero 'William' ang tawag niya dito  kapag sila lang dalawa.

 

Sandaling natigilan si William, napatingala at bahagyang nakakunot ang noo. Isang linggo na ang nakalipas at mukhang mas payat si Erin. Ang bilog niyang mukha ay nawalan ng laman. Nakasuot siya ng simpleng puting polo at itim na pantalon.

 

"May sakit ka ba? Bakit ka pumayat?" tanong ni William.

 

Kahit minimally invasive ang appendicitis surgery, operasyon pa rin iyon.

 

"May problema ba,  Attorney Ferrer?" tanong ni Erin bilang tugon.

 

Hindi napigilan ni William na sumimangot nang marinig niya ang tawag na "Attorney Ferrer” Hindi niya maipaliwanag, pero may kung anong biglang bumigat sa kanyang dibdib. Alam niyang may mali sa kanyang nararamdaman—halatang nag-aalala siya—ngunit pilit niya itong binalewala.

Oo, nagkamali siya sa kasal nila, iniwan niya ito, pero hindi ba’t bahagi iyon ng buhay? Kailan pa ba  naging ganoon kalamig ang puso ni Erin? Kailan pa nito natutunang itulak palayo ang mga taong mahalaga dito?

“Isang linggo ka nang hindi pumapasok sa trabaho,” malamig na sabi ni William. “Sa tingin mo ba hindi kita kayang tanggalin sa trabaho?”

Nanatiling kalmado ang mukha ni Erin. Para bang wala siyang naririnig na banta. Hindi na siya makukuha ng mga ganitong pananakot.. masyado na siyang manhid sa sakit. “Naipasa ko na ang resignation letter  ko,” sagot niya, diretso at walang emosyon. Walang paawa epek, o padrama anthology.. isang smooth na linya lang iyon.

“Hindi ko iyon inaprubahan.” naiiling na tugon ng lalaki.

“Base sa Labor Law,” mahinahong sagot ni Erin, “walang karapatan ang employer na pigilan ang pagbibitiw ng empleyado niya kung ito ay kusang-loob na magbibitiw.”

“Erin!” biglang tumaas ang boses ni William, malamig at mariin, pinutol ang kanyang sinasabi.

Bahagyang nanginig ang mahahabang pilikmata ni Erin. Kinagat niya ang kanyang mapulang labi, tumingin sa malayo, at tuluyang nanahimik. Hindi na siya sumagot.

Bumigat ang katahimikan sa opisina. Walang nagsalita. Parang huminto ang oras.

Makalipas ang ilang sandali, muling nagsalita si William. Mas mahinahon na ang kanyang tinig. “May meeting tayo mamaya. Sumama ka sa akin.”

“William,” dahan-dahang sabi ni Erin, bawat salita’y malinaw at matatag, “sinabi ko na. Nagbitiw na ako. Hindi mo ba naiintindihan ang ibig sabihin ng resigned?”

Agad na nagdilim ang mukha ni William.

“Masaya ka ba sa ginagawa mong ito?” tanong niya, may halong galit at pagkabahala.

Totoo ba ito? Handa na ba talaga itong  umalis? Handa na ba nitong talikuran ang lahat—pati siya?

Mula noong unang araw na nakilala niya si Erin, palagi na itong nasa tabi niya. Kahit malamig ang kanyang pakikitungo dito, kahit madalas siyang magsalita nang masakit, hindi siya iniwan ni Erin. Tahimik itong sumunod, parang anino, laging nariyan.

Kahit saan siya magpunta, palagi siyang nasa likuran ni William. Sanay na sanay na siyang sumunod, na para bang bahagi na iyon ng kanyang buhay. Alam ni William iyon. Alam niyang palagi nitong iniisip na hindi niya kakayanin kung wala ito.

pagreresign?


Para kay William, parang imposible iyon. Hindi iyon kayang gawin ni Erin. Ginagawa lang nito ang bagay na iyon, upang siya ang magpakumbaba!

“May hangganan din ang pagiging pasaway mo,” malamig na sabi ni William, bumigat ang kanyang tinig. “Sa tingin mo ba wala akong kakayahang tumanggi sa pagbibitiw mo?”

Tahimik si Erin saglit, saka dahan-dahang itinaas ang kanyang ulo upang tingnan ang lalaki. “Hindi ko na kailangan ang pahintulot mo,” malinaw niyang sagot. “Aalis ako pagkatapos kong maayos ang lahat ng dapat i-turn over. Makatitiyak  ka, Attorney Ferrer  na hindi ito magtatagal. Kaya kong tapusin ang lahat sa loob ng isang araw.”

Lalong dumilim ang mukha ni William, parang babagyo sa loob ng opisina anumang oras. Bubuka pa sana ang kanyang bibig nang biglang may kumatok sa pinto. Sumilip si Jhonary, kalahati lang ng ulo ang nakikita. “Attorney Ferrer, pupunta po ako sa—”

Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin, biglang kinuha ni William ang mga dokumento sa mesa at malakas na inihagis ang mga ito. “Lumabas ka!”

Bumagsak ang folder sa sahig. Kumalat ang mga papel kung saan-saan. Agad na nawala si Jhonary sa pintuan, parang natakot na batang napagalitan.

Napakunot ang noo ni Erin.

Sa lahat ng panahong kilala niya si William, bihira niya itong makitang mawalan ng kontrol. Kahit galit ito, kadalasan ay tahimik lang—nakasimangot, malamig, pero hindi naninira ng gamit. Ang ganitong pagsabog ng emosyon ay ngayon lang niya nakita.

Inilayo ni Erin ang kanyang tingin. Nanatiling kalmado ang kanyang maputing mukha. “Bukod doon,” mahinahon niyang dagdag, “ang mga share ko dito ay maaari kong ibenta ayon sa presyong pang-merkado—”

Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumayo si William at mabilis na lumapit sa kanya. Dahil sa tangkad nito, agad siyang nakaramdam ng matinding pressure. Ang mga mata ni William ay malamig, parang mangangain ng tao anumang oras.

“Erin,” mariin niyang sabi, bawat salita ay mabigat, “pag-isipan mong mabuti. Kapag tuluyan kang nagbitiw, huwag mo nang asahang makakabalik ka pa.”

Pagkabagsak ng mga salita ni William, bumalot ang mabigat na katahimikan sa buong opisina. Walang nagsalita. Tanging ang tunog ng kanilang paghinga ang maririnig.

Matalim na tumingin si William kay Erin, nag-aapoy ang kanyang mga mata. Sigurado siya na pagkatapos ng mga masasakit niyang sinabi, bababa ang ulo ni Erin, hihingi ng tawad, at aaminin ang  pagkakamali. Ganito naman palagi sa nakalipas na limang taon si Erin. Kahit anong mangyari, palagi siyang tinatanggap ni Erin nang walang kondisyon. Sa babae, palaging siya ang tama.

Hindi niya kailanman inisip na seryoso si Erin sa pagbibitiw. Para sa kanya, lahat ay maaaring umalis—mga kaibigan, kasamahan, kahit sino—pero hindi si Erin. Lalo na hindi siya nito kayang iwanan. Si Erin ay parang anino niya.. Kahit saan siya magtungo, susunod at susunod ito.

Ngunit hindi nangyari ang inaasahan niya.

Tahimik lang na nakatayo si Erin. Wala siyang takot sa mga mata. Sa halip, bahagyang gumuhit ang isang napakaliit na ngiti sa kanyang mga labi—hindi masaya, ngunit malinaw at buo ang loob.

“Napag-isipan ko na ito nang mabuti,” mahinahon niyang sabi habang inilalapag ang bagong resignation letter sa mesa. “Attorney Ferrer, kung wala na po kayong ibang sasabihin, mauuna na ako.”

Hindi na siya lumingon pa. Tahimik siyang tumalikod at naglakad patungo sa pinto ng opisina. Maayos ang kanyang mga hakbang, walang pag-aalinlangan, at walang bakas ng panghihinayang.

Nanatiling nakatayo si William, tulala.

Maraming senaryo ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya kailanman naisip ang ganito. Hindi ba’t dapat magmakaawa si Erin? Hindi ba’t dapat magpaliwanag siya na isa lang itong tampuhan? Hindi ba’t dapat, tulad ng dati, ito ang unang susuyo at magpapakumbaba?

“Erin!”

Nang makita niyang hawak na nito ang doorknob, biglang napataas ang boses ni William. May halong kaba—isang emosyon na ngayon lang niya naramdaman at hindi niya inaasahang mararamdaman.

Inakala niyang titigil si Erin. O kahit man lang lilingon.

Ngunit hindi iyon naganap.

Maayos nitong binuksan ang pinto. Sa labas, nandoon si Jhonary, na halatang nakikinig. Napaatras ito at muntik pang matumba dahil sa pagkakadikit sa pintuan, halatang nahihiya. “Ah… uh… kakausapin ko lang sana si Wilam…”

Saglit lang siyang tinignan ni Erin at bahagyang tumango bilang pagbati, saka dumaan sa tabi niya nang hindi humihinto. Diretso itong naglakad pabalik sa kanyang mesa. Payat ang likod, ngunit tuwid at matatag—naninindigan sa desisyon.

Nanatiling nakapako si William sa kinatatayuan niya. Habang pinagmamasdan ang paglayo ni Erin, parang may mahigpit na pumisil sa kanyang dibdib. Ang hindi maipaliwanag na bigat ay muling bumalik—mas masakit kaysa dati.

"William.. kakausapin sana kita tungkol sa..." hindi na naituloy ni Jhonary ang sasabihin, ng bulyawan siya ni William.

“Tumahimik ka!” biglang sigaw ni William.

Sa sandaling iyon, saka lang niya napagtanto—ngayon lang siya tunay na nawalan ng kontrol sa sarili..

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 7

    Nang mapansin ni Jhonary na may mali sa inaarte ni William, agad niyang isinara ang pinto ng opisina. Ayaw niyang may makarinig sa labas. Pagkatapos, mabilis siyang lumapit at napabuntong-hininga.“William, hindi ka ba pwedeng magsalita nang maayos?” sabi niya, halatang nag-aalala. “Hindi mo ba kilala si Erin? Kapag talagang umalis siya, sa tingin mo ba makakatayo pa ang law firm mo?”Malamig na tumingin si William sa kanya. Sa tono niya, may halong pagtatanggol na hindi niya namalayang lumabas. “Hindi mo ba narinig kanina? Siya ang gustong magbitiw. Bakit ko naman siya pipigilan kung ayaw na niya?”Natigilan si Jhonary. Halos hindi siya makapaniwala sa narinig. Seryoso ba ang lalaking ito sa sinasabi niya? talagang pakakawalan nito si Erin? asset iyon ng kumpanya!“Resign resign, huh!” ulit niya. “ Paano niya iiwan ang S&F? Sa buong firm, kahit sino pwedeng umalis—pero hindi si Erin! Hindi niya iyon kayang gawin. Mahal niya ang kumpanya.”Napailing siya. “Kung ganoon, bakit mo siya t

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 6

    "Nagpasa na ako ng aking resignation letter," sabi ni Erin.Nagulat ang manager ng personnel department, "Huh?" Matagal bago ito nakasagot, "Pagkatapos nito... kailangan mo munang tapusin ang maiiwan mong trabaho."Alam ni Erin na ayon sa pormal na proseso, kailangan niyang magtrabaho pa ng kalahating buwan bago tuluyang makaalis sa kumpanya. Hindi siya gusto gumawa ng mga bagay na walang simula at wakas. Kaya, kahit pa aalis siya, kailangang maayos ang lahat para hindi maging pabigat sa iba."Papasok ako mamaya para sa job handover," sabi ni Erin."Sige, hihintayin kita," sagot ng manager.Pagkatapos ng tawag, huminga si Erin ng malalim. Naibenta na niya ang bahay at handa nang umalis kapag tapos na ang mga kailangan niyang tapusin.Ngunit may kirot pa rin sa puso niya. Matapos magpahinga ng konti, sumakay siya ng kotse papunta sa law firm. Nang dumating siya, biglang naging mas magaan ang pakiramdam sa buong opisina."Miss Sandoval!" tawag ng mga staff na masayang-masaya sa kanyang

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 5

    “Miss Sandoval?” tawag ng nurse na nagbalik sa kanya sa katinuan.Halos maiyak siya sa biglang alaala ng mga nangyari. Masakit pala talaga kapag nag-iisa ka na, lalo na kapag ibinigay mo na lahat ng pagmamahal at sakripisyo mo sa ibang tao. Pinahid niya ang mga luha na halos bumagsak sa kanyang pisngi, at agad na pinirmahan ang waiver para sa operasyon.Ilang sandali pa, dinala na siya sa operating room. Matapos siyang turukan ng anesthesia, unti-unting nanumbalik ang kawalan ng pakiramdam sa kanyang katawan. Mas nanaig ang walang sakit kaysa sa hapdi na nararamdaman niya. Sa kabila nito, may mga malalabong boses na naririnig niya, hindi niya maintindihan kung saan nanggaling.Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala ng lalaking minahal niya noon. Nakita niya itong nakalugmok sa lupa, habang pinipigilan ng mga kapitbahay na umakyat sa bundok para iligtas ang ina. Naalala rin niya ang unang araw na binuo nila ang S&F Law Firm. Yumakap siya sa lalaki, at halatang nahihiya ito sa kany

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 4

    CHAPTER 4“Tita, ospital ito. Lahat ng uri ng dugo ay nasa blood bank nila, hindi na kailangang kumuha ng dugo mula sa akin,” malinaw at malamig niyang tugon. "Mas marami namang option dito.."Ang mukha ni Lourdes ay puno ng kalungkutan at pag-aalinlangan. Para bang hindi siya makakapayag na tumatanggi si Erin ngayon. “Ngunit…”Hindi na siya tiningnan ni Erin. Sa halip, ibinaling niya ang kanyang tingin kay William na nakatayo sa gilid. “William, inilagay ko ang aking resignation letter sa iyong mesa. Nakaimpake na rin ang lahat ng gamit ko. May oras ka para bumalik sa kumpanya at pumirma,” mahina ngunit tiyak ang kanyang boses.Napakunot ang noo ni William. “Anong resignation letter?”“Bata ka!” biglang sumigaw si Lourdes, halatang nabalisa. “Ganyan na ba kalaki ang galit mo sa akin? Hindi iyon ang ibig kong sabihin!”Ngumiti si Erin, malamig at walang pag-aalinlangan. “Tita, magpahinga ka. Bigyang-pansin mo ang iyong katawan. Kailangan ko ng umalis at ipagpatuloy ang pag-iimpake n

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 3

    Ngunit si Erin, sa loob ng limang taon, pinaniwala niya ang sarili na sapat na sa kanya ang maliliit na bagay na ginagawa ni William para sa kanya. Kahit ang pinaka-payak na sandali nila ay ginawa niyang kayamanan—mga alaala na naging dahilan kung bakit patuloy siyang lumalakad sa dilim, umaasang may liwanag sa dulo, at makakamtan niya ang pag ibig ng lalaki.Ngunit ngayon, malinaw na ang lahat sa kanya: ito na ang katapusan.“Erin,” malambing na sabi ni Menchie, nakakunot ang kilay na tila nag-aalala, kahit halatang kaplastikan iyon. “Pasensya na sa pagkasira ng kasal ninyo ni William ngayon. Humihingi ako ng paumanhin.. Ng dahil sa akin, hindi natuloy ang kasal niyo...”Pagkasabi niya niyon, agad niyang kinuha ang braso ni William, parang sinasadyang ipakita kay Erin na siya ang may hawak ng sitwasyon. Naging malambing ang tinig niya habang bahagyang sumasandal sa lalaki. “William, nakita mo? Nag-sorry na ako. Huwag ka nang magalit sa akin…”“Hm,” maikling tugon ni William, walang e

  • The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin   CHAPTER 2

    Huminga nang malalim si Erin, pilit pinipigilan ang kirot ng sugat na hindi niya makita pero ramdam hanggang buto. Ibinaba niya ang tingin sa magandang floor-to-ceiling windows sa harap niya. Sa labas, tirik ang araw, masikip ang trapiko, at sa ibaba niya ay ang malawak at magarang tanawin ng Cebu City—isang lungsod na minsan niyang pinangarap na maging sentro ng tagumpay nila ni William.Isang pangarap na sila sana ang bubuo. Magkasama.Bigla siyang ibinalik ng alaala sa unang araw ng S&F Law Firm—noong nagsimula pa lamang ito bilang maliit na espasyong halos walang laman. Siya, si Erin, ang nagbenta ng nag-iisang bahay na nakapangalan sa kanya upang makapagbayad ng renta. Lahat ng puhunan, oras, lakas, tiwala, at kinabukasan niya ay ipinuhunan niya para matulungan si William.At ngayon… ang buong palapag na ito, ang opisina na minsan niyang pinaghirapan, ay pag-aari na ng lalaki. At siya—ang babaeng naglagay ng unang bato ng pundasyon—wala nang lugar dito.Naalala niya ang unang ar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status