"Am..." tawag ni Jonas sa akin pero hindi ako lumingon. Kanina niya pa ako kinakausap pero wala akong lakas makipag-usap sa sinuman sa mga taong nakiramay sa akin ngayon."Magpahinga ka muna, Am. Ilang araw ka nang walang maayos na tulog. Malulungkot si Lola Beling kung magkakasakit ka."Walang ampat pa rin ang pagtulo ng luha ko habang nakaharap sa kabaong ni Lola. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na mag-isa na lang ako. Mag-isa na lang harapin ang buhay. Mag-isa na lang haharap sa malupit na mundo."Am...""Ayos lang ako Jo..." putol ko sa kanya. "...a-ayos lang ako...h-hindi ko iiwan si Lola." Muli na namang lumakas ang mga hikbi ko. Ilang araw na akong umiiyak pero parang wala din katapusan ang pag-agos ng mga luha ko. Masakit na ang mga mata at lalamunan ko, nanghihina na rin ako." Ang sakit sakit, Jo. Bakit ako iniwan ni Lola? Ano na ang gagawin ko ngayon?"Marahang hinaplos ni Jonas ang likod ko para pakalmahin ako pero lalo lamang akong humagulhol. Huling araw na lan
"La...naalala mo ba nung maliit pa ako, madalas mong sinasabi sa akin na kapag nalulungkot ako dahil hindi ko man lang nakilala sina mama at papa, tumingala lamang ako dahil isa sila sa mga bituin na nakatingin sa akin?"Pilit kong nilalakasan ang aking loob na hindi na naman humagulhol. Nakaharap ako ngayon sa kabaong ni Lola at ilang minuto na lang, maiiwan na akong mag-isa."Ngayon Lola magkikita na kayo doon nina Mama at Papa. Tatlo na kayong hahanapin ko sa kalawakan." Huminto ako dahil nagsisimula ng mabasag ang aking boses. Naninikip na rin ang aking dibdib kaya kailangan ko munang pakalmahin ang aking sarili."...Tatlo na kayong pagkukuwentuhan ko kung anong nangyayari sa akin sa araw araw Lola. Tatlo na kayong magbibigay ng liwanag sa gabing nalulungkot ako at higit sa lahat, tatlo na kayong magbabantay sa akin."Isa-isang nahuhulog ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin sa mukha ni Lola. Hindi na ito kagaya nung mga nakaraang araw na tila malungkot. Ngayon, tila um
"Be strong for your baby, Amethyst." Biglang napuno ng luha ang aking pisngi habang nakatingin sa pregnancy test na may dalawang guhit. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon. Magpapa check-up lang naman sana ako dahil palagi akong nahihilo at nasusuka pero hindi ko inaasahan na ito pala ang dahilan kaya ganito ang nararamdam ko nitong mga nakaraang araw.Buntis na pala hindi ko man lang alam. Magiging ina na ako? Kaya ko ba 'to? Kaya ko bang mag-alaga ng bata? Maingat kong hinaplos ang aking tiyan kahit na wala pa naman itong umbok. How can I be so careless? Bakit hindi ako nag-ingat? Kung sana hindi ako naging mapusok, wala akong madadamay na bata ngayon. "That baby is a blessing for you, Am. For sure matutuwa si Lola Beling dahil may makakasama ka na." si doktora na pilit pinapagaan ang loob ko.Marahang hinaplos ng doktora ang aking likod dahil palakas ng palakas na ang mga hikbi ko. Natatakot ako. Hindi ako handa. Paano ko palalakihin ang batang nasa sinapupunan ko ngay
"Ate, wag ka na po umiyak, lumalaki po ilong niyo eh..." saway ni Lilet sa akin na may halong biro. Kanina niya pa ako pinapatahan pero hindi ko alam paano patigilin ang aking sarili. Simula pagising ko kanina hindi ko alam pero bigla na lang akong nalungkot. Bigla kong na-miss si Lola Beling, biglang kong na-miss ang bahay namin, si Jonas,si Nana, mga kapitbahay namin doon kahit hindi ko naman mga close, pati si Ate Merly na nasa middle east para magtrabaho nami-miss ko rin. Bigla nalang pakiramdam ko gusto kong umiyak. Gusto ko silang makita lahat at makipagkwentuhan.Na-miss ko ang tawanan namin ni Ate Cara, ang mga kalokohan niya, ang mga biro niya sa akin. Lahat-lahat bigla kong na-miss pagka gising ko kanina."Bakit ka ba umiiyak ate? Mag-aaudition ka ba sa PBB?" biro niya ulit pero alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. "Sabagay kong papasa ka dun Ate, pwede ka tawaging 'Nanay Rakitera ng Quezon City- Amethyst Dimaculangan', naks ang ganda. Astig!"Pero kahit anong biro a
Pogi talaga nitong baby namin, pa-kiss nga si Ate Lilet dyan, please..."Sinilip ko silang dalawa. Nakabusangot si Clark kaharap ang Ate Lilet niya dahil pinanggigilan na naman ni Lilet ang pisngi niya. Kinukulit na naman ni Lilet si Clark. Kagagaling lang nilang dalawa ng anak kong si Clark Skyler sa park. Sabado ngayon, walang pasok si Lilet sa school at wala din akong pasok sa opisina. I've been working for five years now as executive secretary of Mr. Tristan Angelo Gonzales of Gonzales Group of Companies. Ang kumpanyang tumanggap sa akin noong panahong lugmok ako at tanging kay Clark na lang ako kumakapit. Si Sir Tristan mismo ang tumanggap sa akin kahit hindi ako nakatungtong ng college. Siya din ang nag-encourage sa akin na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral kaya ngayong taon nakapagtapos din ako. Ang bilis lang talaga ng panahon, parang kailan lang sinasabayan ko pa si Clark sa tuwing umiiyak ito at hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Para akong batang nangangapa dah
"Let, tapos ko ng plantsahin ang mga damit natin para sa church mamaya. Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin ikaw na ang magpaligo kay Clark."Maaga pa lang naghahanda na kami ni Lilet dahil nakagawian na naming tatlo magsimba tuwing Linggo. Sunday is family day. After church, pinapasyal ko si Lilet at Clark sa mall o kung saan nila gusto.Maaga akong nagluto kanina. Sarado din ang tindahan tuwing Linggo para makapagpahinga din ang dalawang taga bantay dito at magkaroon din ng oras para sa pamilya nila.Mamayang hapon pa ang balik ni Ate Tess mula sa dalawang araw niyang day off dahil bukas back to work na naman ako at sa school naman si Lilet at Skyler."Ate hindi na po pumapayag si Clark na paliguan ko, big boy na nga raw kasi siya, kaya ako na lang ang mahuhugas nito." Sagot ni Lilet at nagsisimula ng sinupin ang pinagkainan namin. Sinulyapan niya pa ang anak kong tahimik lang na nakaupo sa tabi ko na katatapos lang ding kumain.As usual, my son is quiet early in the morning.
"Clarky , stop crying na baby please...malapit ng dumating si Nanay.Gusto mo pasyal muna tayo habang wala pa si Nanay?"Nasa labas pa lang ako ng bahay dinig ko ng pinapatahan ni Lilet at Ate Tess si Clark. Ngayon lang ulit nagtantrums ang anak ko simula ng tumuntong itong five."Sino nag-away sayo baby, reresbakan ni Ate Lilet bukas? Hmp! Bantay kayo ha! Away niyo baby Clarky ko ah!" Ani Lilet pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak.Hindi muna ako pumasok, sinilip ko muna kung anong ginagawa nilang tatlo sa sala at kung bakit umiiyak ang anak ko. Nakaupo si Clark sa sofa, katabi nito si Ate Tess na nagpupunas ng pawis sa likod niya habang si Lilet na man ay naka-squat sa harap ng anak ko."Tahan na Baby, hindi magagalit si Nanay sayo, ipaliwanag mo lang sa kanya ang nangyari." Malumanay na pakiusap ni Ate Tess sa kanya. Nakita ko pang pinanlakihan niya ng mata si Let pero ang huli deadma lang."Malilintikan talaga kay Ate Lilet ang nag-away sa baby boy nato. Bantay talaga kayo sa akin."
"Look at what your bastard did to my son!" nanggagalaiti sa galit ang ina ng batang sinapak ng anak ko. I understand what she feels dahil nasaktan ang anak niya pero hindi ako makakapayag na tawagin niya ng kung ano-ano ang anak ko.May pasa sa ilalim ng mata ng anak niya. Siguro malakas ang pagakakasuntok ni Skyler dito kahapon kaya nagkaganun. I feel sorry for his son dahil alam kung mali ang ginawa ng anak kong pananakit sa kanya pero hindi rin naman tama na e-bully niya at gawing katatawanan ang anak ko."Be careful with your words Miss." warning ko sa kanya. I'm trying to control myself dahil nasa harap kaming principal nila at kasama pa namin ang anak ko at anak niya. We have to set a good example pero ang babaeng to ay kanina pa naninigaw. Walang respeto.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka ngumiti ng nakakaloko. Her aura is so intimidating. Halatang mayaman. Maganda ang handbag at damit niya. Halatang mamahalin ang mga ito, dinagdagan pa ng malalaking alahas na suot