Mag-log inAng putok ng baril ay parang kulog na yumanig sa apat na sulok ng ICU. Sa tindi ng lakas ng tunog, tila nabingi ako ng ilang segundo. Nakita ko kung paano tumalsik ang hiringgilya mula sa kamay ni Sofia nang tamaan ng bala ang kanyang braso. Napasigaw siya sa matinding sakit, hawak ang kanyang duguang pulso habang umaatras patungo sa gilid ng bintana.Sa may pintuan, nakatayo si Matteo. Hawak ang kanyang rebolber na may umuusok pang dulo, ang kanyang mukha ay parang sa isang demonyong handang pumatay."Sabi ko sa iyo, Sofia..." malamig na pahayag ni Matteo habang mabilis na humahakbang papalapit, ang dulo ng baril ay nakatutok na ngayon sa pagitan ng mga mata ng babae. "Ang ospital na ito ang magiging huling hantungan mo."Ngunit bago pa man makalapit nang tuluyan si Matteo, isang malakas na kalabog ang narinig ko mula sa labas ng pasilyo. Biglang may sumabog na smoke grenade sa tapat mismo ng nakabukas na pinto ng ICU. Ang makapal, kulay-abo, at nakasasak
Habang lumilipas ang mga araw na nakasama ko si Thor, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Kaya naman talagang gumuho ang mundo ko sa mga binitiwan niyang salita. “Who are you?” Ang boses na dati’y nagbibigay sa akin ng kalinga at init, ngayon ay parang isang matalim na kutsilyo na dumeretso sa puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Thor—mga matang gising, ngunit walang bakas ng kahit anong pagkakakilanlan sa akin. “L-Love… hindi mo ba ako naaalala?” nanginginig kong tanong. Pilit kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya, umaasang sa pamamagitan ng balat sa balat ay may kislap na babalik sa kanya. “Ako ito… si Astrid. Ang asawa mo.” Ngunit marahan niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. Isang reaksyon na mas masakit pa kaysa sa anumang sampal. Napalunok ako habang pilit na pinipigilan ang paghagulhol. “Asawa?” mahinang ulit ni Thor. Kumunot ang kany
"Sigurado ka bang malinis ang buong paligid, Shan?" tanong ko habang nakatitig sa mga monitor ng CCTV sa security room ng ospital. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang mamatay ang espiya sa fire exit, ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang buong building."Yes. Nagtaas tayo ng red alert noong unang gabi dahil sa burner phone na nakuha mo, pero mukhang naging false alarm ang inaasahan nating paglusob. Walang cleanup crew na dumating," sagot ni Shan habang humihigop ng kape. "Baka natunugan ni Sofia na nahuli mo ang tauhan niya."Bumuntong-hininga ako. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil nanatiling tahimik ang mga nagdaang araw. Ngunit hindi kami basta magpapakampante; baliw na si Sofia. Ang sakit lang isipin na dahil sa labis na pagmamahal ay nasiraan siya ng isip."Huwag kayong pakasisiguro. Ang kalmado ng bagyo ay palatandaan lang na may mas malaking delubyong darating," malamig kong paalala bago ako tumayo para tingnan a
Habang papunta sa kinaroroonan ng asawa ko ay tila umiikot ang sikmura ko sa tindi ng kaba. Nahihirapan pa rin akong huminga at makirot pa ang halos lahat ng parte ng katawan ko.Hindi ko lubos akalain na isang buwan akong walang malay. Hindi ko alam na sa paggising ko, hindi pa pala ako lubos na makakahinga nang maluwag dahil ang asawa ko ay nasa bingit pa rin ng kamatayan.Hindi ko pa nakukuha ang lakas ko ngunit hindi ako papayag na hindi ko siya makita. Kailangan kong makita si Thor. Gusto kong malaman na buhay pa siya at hindi niya talaga ako iniwan."Anak, dahan-dahan lang..." nag-aalalang sabi ni Mama habang tulak-tulak ang wheelchair ko sa kahabaan ng pasilyo.Ang amoy ng gamot na humalo sa malamig na hangin ay nagbibigay ng matinding kaba sa puso ko. Narito kami sa Intensive Care Unit—ang lugar kung saan ang buhay at kamatayan ay pinaghihiwalay lang ng isang manipis na linya.Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa balikat ko kaya
Ilang oras matapos ang marahas na katotohanang sumampal sa akin, nanatili pa rin ako sa sulok ng madilim at malamig na pasilyo ng ospital.Karga ko si Astria na sa wakas ay nakatulog na rin pagkatapos ng walang humpay na pag-iyak. Basang-basa pa rin ng luha ang kanyang maliliit at namumulang pisngi. Ang sakit na idinulot ng pagtanggi ni Thor sa sarili niyang dugo at laman ay tila isang lason na dahan-dahang pumapatay sa bawat hibla ng aking puso."Hija..." Lumapit si Mama sa akin, may hawak na baso ng tubig. "Uminom ka muna. Kailangan mong maging malakas para sa anak mo. At para na rin sa sarili mo."Kinuha ko ang baso ngunit nanatili lang itong nakatigil sa aking kandungan; hindi ko magawang uminom. "Ma... paano naging ganoon kalupit ang tadhana? Kung kailan wala na si Sofia, kung kailan gising na si Thor... doon pa ba kami tuluyang nabura sa buhay niya?" Ang boles ko ay basag na basag, gumaralgal sa tindi ng dalahin. "Wala ako... wala kami sa alaala niya
Apat na araw na ang lumipas mula noong gabing dumanak ang dugo sa ICU ward. Inilipat kami ng mga tauhan ni Matteo sa isang pribado at mas ligtas na suite sa pinakatuktok ng ospital—isang lugar na binantayan na ng tatlong patong ng mga armadong gwardya. Wala na si Sofia. Alam kong dapat ay payapa na ang isip ko, pero tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, naririnig ko pa rin ang huling halakhak niya bago siya tuluyang bumagsak sa semento.Ngunit ngayon ang February 10. Ang mismong araw ng kaarawan ng aming anak na si Astria."Happy birthday, anghel ko," bulong ko habang hinahalikan ang noo ni Astria na nakaupo sa aking kandungan. May maliit na cupcake sa ibabaw ng lamesa na may nag-iisang kandila. Walang malaking handaan, walang ingay. Ang tanging hiling ng anak ko, tulad ng lagi niyang sinasabi, ay ang magising na ang kanyang Papa.Inilapit ko ang aking wheelchair sa gilid ng kama ni Thor. Hawak ni Astria ang maliit niyang laruan habang ang isa niyang kama
Kumuyom ang aking kamao hanggang sa bumaon ang aking mga kuko sa aking palad. Nanunuyot sa pait ang aking lalamunan, at ang bawat paghinga ko ay mabagal at hirap—tila may kasamang buhangin sa sobrang hapdi."Kukuha lang po ako ng tubig, Mama," mahinang paalam ko. Halos hindi ko na makilala ang sari
𝑻𝒉𝒐𝒓 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒐𝒔 𝑷𝒐𝒊𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝑽𝒊𝒆𝒘Bawat patak ng ulan sa labas ng ospital ay tila bala na tumatama sa aking sentido. Pero mas masakit ang sarili kong pananahimik. Gusto kong sumigaw. Gusto kong itanggi ang lahat. Gusto kong hilahin si Astrid pabalik sa akin at sabihing, "Nagsisinungali
Ang tanging ingay na naririnig ko ay ang mekanikal na tunog ng mga machine na nakakabit kay Astria. Bawat tunog ay paalala na buhay ang anak ko—isang himala sa gitna ng unos. Pero sa bawat segundong lumilipas, ang isip ko ay wala sa loob ng silid na ito. Ang isip ko ay naiwan sa hallway, doon sa na
Ang bawat segundo sa loob ng ICU ay tila isang taon ng paghihirap. Ang tunog ng defibrillator na tumatama sa dibdib ni Astria ay tila ba sa puso ko rin humahagupit."Charge to 100! Clear!" sigaw muli ng doktor.Nakita ko ang muling pagtalon ng maliit na katawan ng anak ko. Nanatili akong nakaluhod







