LOGIN𝘈𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵 𝘴𝘪𝘨𝘯𝘪𝘯𝘨, 𝘈𝘴𝘵𝘳𝘪𝘥 𝘙𝘦𝘺𝘦𝘴 𝘳𝘦𝘤𝘦𝘪𝘷𝘦𝘥 𝘍𝘪𝘷𝘦 𝘮𝘪𝘭𝘭𝘪𝘰𝘯 𝘱𝘦𝘴𝘰𝘴 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘛𝘩𝘰𝘳 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘰𝘴. 𝘈𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘔𝘳. 𝘢𝘯𝘥 𝘔𝘳𝘴. 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘰𝘴 𝘨𝘪𝘷𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘢𝘯𝘺 𝘵𝘰 𝘛𝘩𝘰𝘳, 𝘈𝘴𝘵𝘳𝘪𝘥 𝘯𝘦𝘦𝘥𝘴 𝘵𝘰 𝘴𝘪𝘨𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘢𝘯𝘯𝘶𝘭𝘮𝘦𝘯𝘵. 𝘚𝘩𝘦 𝘤𝘢𝘯 𝘴𝘵𝘪𝘭𝘭 𝘸𝘰𝘳𝘬 𝘢𝘴 𝘗.𝘈 𝘢𝘴𝘴𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘵 𝘰𝘧 𝘔𝘳. 𝘛𝘩𝘰𝘳 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘰𝘴 𝘪𝘧 𝘸𝘢𝘯𝘵𝘦𝘥.
𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵 𝘣𝘰𝘵𝘩 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘳𝘶𝘭𝘦𝘴. 1. 𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘧𝘢𝘭𝘭 𝘧𝘰𝘳 𝘦𝘢𝘤𝘩 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳. 𝘑𝘶𝘴𝘵 𝘸𝘰𝘳𝘬, 𝘯𝘰𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯𝘢𝘭. 2. 𝘐𝘵 𝘪𝘴 𝘧𝘰𝘳𝘣𝘪𝘥𝘥𝘦𝘯 𝘵𝘰 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘧𝘦𝘳𝘦 𝘪𝘯 𝘦𝘢𝘤𝘩 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳'𝘴 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘢𝘧𝘧𝘢𝘪𝘳𝘴. 𝘐𝘵 𝘪𝘴 𝘧𝘰𝘳𝘣𝘪𝘥𝘥𝘦𝘯 𝘵𝘰 𝘢𝘴𝘬 𝘲𝘶𝘦𝘴𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴. 𝘐𝘵 𝘪𝘴 𝘧𝘰𝘳𝘣𝘪𝘥𝘥𝘦𝘯 𝘵𝘰 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘧𝘦𝘳𝘦. 3. 𝘕𝘰 𝘰𝘯𝘦 𝘴𝘩𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘢𝘳𝘦 𝘮𝘢𝘳𝘳𝘪𝘦𝘥, 𝘦𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘢𝘯𝘺. 𝘛𝘩𝘦𝘺 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘱𝘳𝘦𝘵𝘦𝘯𝘥 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘮𝘢𝘳𝘳𝘪𝘦𝘥 𝘪𝘯 𝘧𝘳𝘰𝘯𝘵 𝘰𝘧 𝘛𝘩𝘰𝘳'𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘦𝘯𝘵𝘴. Pinabalik ako ni Thor kinaumagahan. Pagdating ko sa office niya, nadatnan ko na siya doon kasama ang isang judge. Binasa ko ang kontrata bago ito pinermahan. “Thank you po.” Paalam ko sa judge bago ito umalis. Pag alis ng judge ay tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog mula sa orasan ng dingding ang nagbibigay ingay sa loob. “Hindi ka ba nahihilo?” Inis na tanong niya. Kanina pa kasi ako pabalik balik sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gagawin ko. 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘢𝘣𝘢𝘩𝘰 𝘯𝘨 𝘗.𝘈? Tumingin ako sa kanya, umiwas din agad ng makita ang nanlilisik niyang mata na nakatingin sa akin. Napaayos ako ng tayo ng marinig ang mabigat na buntong hininga niya. Naiinis na yata sa akin. Kaya umupo na lang ako sa kaharap niyang upuan. “Anong gagawin ko?” Nakangiting tanong ko. Alangan naman kasi na tumunganga lang ako dito maghapon. Ang boring kaya, tiningnan niya ako ng may pang iinsulto. “Can you just stay there?” Turo niya sa kaharap na upuan. Umupo ako doon. “Okay po.” Sabi ko pero mabilis din na tumayo ng may maalala. Pagtitimpla ko na lang siya ng kape. Mas okay na ito kaysa manatili dito sa loob. Tumatalon talon akong lumabas ng opisina niya, hindi na nag abala na magpaalam sa kanya. Paglabas ko ay sinalubong agad ako ni Mr. Lee, ang secretary niya. “Paano ka nakapasok dito?” Malambot ang boses na tanong niya sa akin. Napangiwi ako. Bakla pala siya, sayang may itsura pa naman din. “Thor Hired me.” Nakangiting sagot ko ngunit mabilis rin akong napangiwi ng bigla niya akong kurotin sa bewang. “Luhh, sesante ka agad te, sa ginagawa mo. Tawagin mo siyang Mr. Santos.” Maarteng dagdag niya, umikot pa ang mata niya sa harap. “Okay,” walang kwentang sagot ko bago siya tinalikuran. Pupunta na sana ako sa office pantry nila kung saan nakalagay ang mga tinapay at kape para kapag biglang nagutom ang kahit na sino ay pwede silang pumunta dito. Aalis na sana ako ng mapansin ko yung mestiza na dumaan sa gilid ko. Para itong modelo kung maglakad. Kumikinang ang pulang dress nito na nakikita ko sa television kapag ang bidang babae ay nagsasayaw sa bar. Sobrang iksi, halos makita na ang pisngi ng pwet niya. Tutuwad lang ito, makikita na ang tinatago. Mahaba ang kulay light brown niyang buhok na paalon. Mataas din ang sandal niya na mas lalong nag patangkad sa kanya. Tumaas ang kilay ko ng dumiretso siya sa opisina ni Thor. Napabilis tuloy ang pagtimpla ko sa kape niya. Black coffee ang ginawa ko, dalawa, para sa amin ni Thor. Inaantok na din kasi ako, dinagdagan ko na din ng dalawang tinapay. Parehong fudgee bar na chocolate flavor ang pinili ko. Nagpatulong pa ako kay Mr. Lee sa pagbukas ng pinto, mabuti na lang gentleman siya kahit bakla siya. Ngunit parang gusto kong umatras ng makitang naka kandong yung babae kay Thor. Kusang tumaas ang kilay niya ng babae ng makita ako. Habang si Thor ay walang reaksyon na nakatingin sa akin, tuwang tuwa pa talaga sa nangyayari sa kaniya. “Hindi ka ba marunong kumatok?” Inis na tanong ng babae pero hindi naman umalis sa pagkakakandong niya kay Thor. “Bakit kailangan ko pa bang kumatok?” Pagtataray ko din. Lumapit ako sa kanila at inilapag ang kape ni Thor sa lamesa. Sa sobrang lakas ng pagkakabagsak ko natapon pa ang iba. Nakita ko ang pagkunot ni Thor ng kanyang noo. 𝘐𝘣𝘢 𝘬𝘢 𝘴𝘦𝘭𝘧, 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘥𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨 𝘢𝘢𝘵𝘵𝘪𝘵𝘶𝘥𝘦 𝘬𝘢 𝘯𝘢. “Pasensya na, hindi ko sinasadya. Sa sobrang lamig kasi nanginig itong kamay ko.” Sambit ko bago inirapan yung babae. “By the way Thor, hindi naman bar ito no? Bakit may nakapasok?” “What the… pinapatamaan mo ba ako?” Inis na tanong niya bago tumayo at inayos ang nagusot niyang bestida. Ngumisi ako. “Bakit tinamaan ka? Oopsss! Miss ilag-ilag din ah lalo na kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka p****k.” Umupo ako sa pwesto ko kanina. Nakita ko ang pamumula ng buo niyang mukha dahil sa sinabi ko. Mas lalo tuloy akong napangisi. Sa sobrang tuwa ko hinigop ko yung mainit kong kape, binalik ko din ito ng mapaso ang dila ko sa sobrang init. Lihim akong napatingin kay Thor at nakita siyang nakangiti, nakita yata yung pagluwa ko sa kape. “Thor doesn't like sweets.” Ngumisi na siya ng inilahad ko kay Thor yung tinapay na kinuha ko. “Kilalang kilala mo siya no?” Sabi ko hindi pa rin binabawi ang tinapay na nakalahad kay Thor. “Of course, I’m his 𝘧𝘪𝘢𝘯𝘤𝘦𝘦!” Proud na sabi ng baba. Halos lumuwa ang mata ko at literal na nalaglag ang panga ko sa narinig. Napatingin ako kay Thor na tahimik lang akong pinapanood. 𝘗𝘶𝘯𝘺𝘦𝘵𝘢? Ikakasal na pala ang lalaking ito? Pero kasal na kami? Sasabihin ko na sana na ako ang asawa ng maalala ang mga rules, bawal malaman ng iba na kasal kami. Babawiin ko na sana ang kamay ko na naka lahad pa rin sa harap nila ng bigla itong hawakan ni Thor at kinuha ang tinapay na binibigay ko. Pareho kaming hindi makapaniwala ng babae na nakatingin sa kanya. Akala ko ba hindi ito mahilig sa sweet? Bakit binuksan na niya yung tinapay ko. “Sofia, you need to leave, me and Astrid have something need to do.” Maawtoridad na sambit nito. Wala naman ng nagawa si Sofia, halata sa boses ni Thor na hindi na magbabago ang isip niya. Tinaliman ako ng tingin ni Sofia bago padabog na umalis ng opisina. Sinundan ko ito ng tingin. Mapapangasawa niya ba iyon? Parang hindi naman, ang lamig ng pakikitungo ni Thor sa kanya eh. Pero bakit hinayaan niya na kumandong? “Stop looking at her that way.” Mahina siyang natawa kaya binalingan ko siya ng tingin. “Come here,” utos niya. Napalunok ako. Inalala ang mga ginawa ko kanina. Ang tanga mo Astrid, bakit mo naman ginawa yun sa bisita niya? Huminga ako ng malalim upang makakuha ng lakas bago lumapit sa kanya. “Thor…” Halos mapatili ako ng bigla niya akong hatakin paupo sa binti niya. “Anong ginagawa mo?” Sinubukan kong tumayo ngunit pinulupot niya yung braso niya sa bewang ko. Lumabas ang ngisi sa labi niya. “I think you're jealous of what you saw, so I'll let you sit on my lap.”Ilang araw na ang nakalipas magmula nang magising si Thor at hindi ako maalala.Isang linggo na ang lumipas sa sunod-sunod na pagsusuri at gamutan. Unti-unti na siyang lumalakas, bagay na labis kong ipinagpapasalamat. Hindi ko siya iniwan; nanatili ako sa tabi niya kahit na yelo ang pakikitungo niya sa akin. Kung kailangan kong magsimula sa simula, gagawin ko. Dahil kung may natutunan man ako sa lahat ng pinagdaanan namin, iyon ay ang katotohanang walang madaling laban pagdating sa taong mahal mo.Ngayong hapon, pumasok ako sa kanyang kwarto bitbit ang prutas na binalatan ko. Saktong nakita ko siyang hawak ang photo album na iniwan ko sa kanya noong isang gabi. Nakatitig siya sa isang partikular na pahina—ang litrato kung saan nasa loob kami ng bahay, parehong may malalaking ngiti habang nakatingin sa isa’t isa nang may purong pagmamahal.Nang marinig niya ang gulong ng wheelchair ko, mabilis niyang isinara ang album at inilapag ito sa gilid, binalot muli
Ilang oras matapos ang marahas na katotohanang sumampal sa akin, nanatili pa rin ako sa sulok ng madilim at malamig na pasilyo ng ospital. Karga ko si Astria na sa wakas ay nakatulog na rin pagkatapos ng walang humpay na pag-iyak. Basang-basa pa rin ng luha ang kanyang maliliit at namumulang pisngi. Ang sakit na idinulot ng pagtanggi ni Thor sa sarili niyang dugo at laman ay tila isang lason na dahan-dahang pumapatay sa bawat hibla ng aking puso. "Hija..." Lumapit si Mama sa akin, may hawak na baso ng tubig. "Uminom ka muna. Kailangan mong maging malakas para sa anak mo. At para na rin sa sarili mo." Kinuha ko ang baso ngunit nanatili lang itong nakatigil sa aking kandungan; hindi ko magawang uminom. "Ma... paano naging ganoon kalupit ang tadhana? Kung kailan wala na si Sofia, kung kailan gising na si Thor... doon pa ba kami tuluyang nabura sa buhay niya?" Ang boles ko ay basag na basag, gumaralgal sa tindi ng dalahin. "Wala ako... wala kami sa alaala niya." Hinaplos ni Mama ang li
Habang lumilipas ang mga araw na nakasama ko si Thor, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Kaya naman talagang gumuho ang mundo ko sa mga binitiwan niyang salita. “Who are you?” Ang boses na dati’y nagbibigay sa akin ng kalinga at init, ngayon ay parang isang matalim na kutsilyo na dumeretso sa puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Thor—mga matang gising, ngunit walang bakas ng kahit anong pagkakakilanlan sa akin. “L-Love… hindi mo ba ako naaalala?” nanginginig kong tanong. Pilit kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya, umaasang sa pamamagitan ng balat sa balat ay may kislap na babalik sa kanya. “Ako ito… si Astrid. Ang asawa mo.” Ngunit marahan niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. Isang reaksyon na mas masakit pa kaysa sa anumang sampal. Napalunok ako habang pilit na pinipigilan ang paghagulhol. “Asawa?” mahinang ulit ni Thor. Kumunot ang kany
Apat na araw na ang lumipas mula noong gabing dumanak ang dugo sa ICU ward. Inilipat kami ng mga tauhan ni Matteo sa isang pribado at mas ligtas na suite sa pinakatuktok ng ospital—isang lugar na binantayan na ng tatlong patong ng mga armadong gwardya. Wala na si Sofia. Alam kong dapat ay payapa na ang isip ko, pero tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, naririnig ko pa rin ang huling halakhak niya bago siya tuluyang bumagsak sa semento. Ngunit ngayon ang February 10. Ang mismong araw ng kaarawan ng aming anak na si Astria. "Happy birthday, anghel ko," bulong ko habang hinahalikan ang noo ni Astria na nakaupo sa aking kandungan. May maliit na cupcake sa ibabaw ng lamesa na may nag-iisang kandila. Walang malaking handaan, walang ingay. Ang tanging hiling ng anak ko, tulad ng lagi niyang sinasabi, ay ang magising na ang kanyang Papa. Inilapit ko ang aking wheelchair sa gilid ng kama ni Thor. Hawak ni Astria ang maliit niyang laruan habang ang isa niyang kamay ay pilit na inaabot an
Ang putok ng baril ay parang kulog na yumanig sa apat na sulok ng ICU. Sa tindi ng lakas ng tunog, tila nabingi ako ng ilang segundo. Nakita ko kung paano tumalsik ang hiringgilya mula sa kamay ni Sofia nang tamaan ng bala ang kanyang braso. Napasigaw siya sa matinding sakit, hawak ang kanyang duguang pulso habang umaatras patungo sa gilid ng bintana. Sa may pintuan, nakatayo si Matteo. Hawak ang kanyang rebolber na may umuusok pang dulo, ang kanyang mukha ay parang sa isang demonyong handang pumatay. "Sabi ko sa iyo, Sofia..." malamig na pahayag ni Matteo habang mabilis na humahakbang papalapit, ang dulo ng baril ay nakatutok na ngayon sa pagitan ng mga mata ng babae. "Ang ospital na ito ang magiging huling hantungan mo." Ngunit bago pa man makalapit nang tuluyan si Matteo, isang malakas na kalabog ang narinig ko mula sa labas ng pasilyo. Biglang may sumabog na smoke grenade sa tapat mismo ng nakabukas na pinto ng ICU. Ang makapal, kulay-abo, at nakasasakal na usok ay mabilis na pu
"Sigurado ka bang malinis ang buong paligid, Shan?" tanong ko habang nakatitig sa mga monitor ng CCTV sa security room ng ospital. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang mamatay ang espiya sa fire exit, ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang buong building. "Yes. Nagtaas tayo ng red alert noong unang gabi dahil sa burner phone na nakuha mo, pero mukhang naging false alarm ang inaasahan nating paglusob. Walang cleanup crew na dumating," sagot ni Shan habang humihigop ng kape. "Baka natunugan ni Sofia na nahuli mo ang tauhan niya." Bumuntong-hininga ako. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil nanatiling tahimik ang mga nagdaang araw. Ngunit hindi kami basta magpapakampante; baliw na si Sofia. Ang sakit lang isipin na dahil sa labis na pagmamahal ay nasiraan siya ng isip. "Huwag kayong pakasisiguro. Ang kalmado ng bagyo ay palatandaan lang na may mas malaking delubyong darating," malamig kong paalala bago ako tumayo para tingnan ang lagay nina Astrid sa ita
Ang mundong sinusubukan naming buuin ni Thor sa isang iglap ay gumuho. Ang mga pangakong binitawan niya sa ilalim ng mga bituin ay tila naging mga abo na tinangay ng malamig na hangin ng gabing ito.Nanghihina man, pinilit ko pa rin ang sarili na lumayo sa dambuhalang lugar; palayo sa lalaking ang
Nanatiling nakabuka ang aking bibig—pinoproseso ang mga nangyayari. Ang kamay na nakayakap kay Astria ay parang marshmallow na unt-unting natutunaw sa apoy, dahan-dahan itong bumagsak mula sa likod ng anak ko. Samantala, ang iyak ni Sonya ay naging hagulgol; kamakailan lang nang magkaayos kami
Habang pababa kami ng hagdan, pakiramdam ko ay tina-traydor ako ng sarili kong mga binti. Bawat hakbang ay tila nanginginig sa ilalim ng bigat ng kabang nararamdaman ko. Ang aninong nakita ko kanina ay parang bula na naglaho sa dilim, pero ang panlalamig sa aking batok ay nananatili—isang babala na
“So, what work do you prefer?” Malamig ang boses na simula niya ng makaupo sa mamahalin niyang itim na upuan. Nilibot ko ang tingin pagpasok ko sa loob ng opisina niya. Walang kabuhay buhay. Dalawang kulay lang ang nakikita ko, kulay itim at abo lang. Umangat ang ulo ko sa lalaking prenting nakaup







