Share

Chapter 128

Author: LostInWell
last update publish date: 2026-06-20 20:07:18

Ang ingay ng mga paputok sa malayo ay tila nakikipagkumpitensya sa mabilis at nagwawalang pintig ng aking puso habang matagal kong tinititigan ang aking sarili sa harap ng salamin. Nakasuot ako ng isang The Off-Shoulder A-Line Gown sa kulay na Pearl White. Napakaganda at napaka-eleganteng gown niyon, kung saan ang bawat haplos ng marangyang tela sa balat ko ay tila isang malamig na paalala sa aking sistema—paalala na hindi na lang ako basta si Astrid. Ako na ngayon ang asawa ng isang kilala at
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 146

    Ang putok ng baril ay parang kulog na yumanig sa apat na sulok ng ICU. Sa tindi ng lakas ng tunog, tila nabingi ako ng ilang segundo. Nakita ko kung paano tumalsik ang hiringgilya mula sa kamay ni Sofia nang tamaan ng bala ang kanyang braso. Napasigaw siya sa matinding sakit, hawak ang kanyang duguang pulso habang umaatras patungo sa gilid ng bintana.Sa may pintuan, nakatayo si Matteo. Hawak ang kanyang rebolber na may umuusok pang dulo, ang kanyang mukha ay parang sa isang demonyong handang pumatay."Sabi ko sa iyo, Sofia..." malamig na pahayag ni Matteo habang mabilis na humahakbang papalapit, ang dulo ng baril ay nakatutok na ngayon sa pagitan ng mga mata ng babae. "Ang ospital na ito ang magiging huling hantungan mo."Ngunit bago pa man makalapit nang tuluyan si Matteo, isang malakas na kalabog ang narinig ko mula sa labas ng pasilyo. Biglang may sumabog na smoke grenade sa tapat mismo ng nakabukas na pinto ng ICU. Ang makapal, kulay-abo, at nakasasak

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 148

    Habang lumilipas ang mga araw na nakasama ko si Thor, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Kaya naman talagang gumuho ang mundo ko sa mga binitiwan niyang salita. “Who are you?” Ang boses na dati’y nagbibigay sa akin ng kalinga at init, ngayon ay parang isang matalim na kutsilyo na dumeretso sa puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Thor—mga matang gising, ngunit walang bakas ng kahit anong pagkakakilanlan sa akin. “L-Love… hindi mo ba ako naaalala?” nanginginig kong tanong. Pilit kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya, umaasang sa pamamagitan ng balat sa balat ay may kislap na babalik sa kanya. “Ako ito… si Astrid. Ang asawa mo.” Ngunit marahan niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. Isang reaksyon na mas masakit pa kaysa sa anumang sampal. Napalunok ako habang pilit na pinipigilan ang paghagulhol. “Asawa?” mahinang ulit ni Thor. Kumunot ang kany

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 145

    "Sigurado ka bang malinis ang buong paligid, Shan?" tanong ko habang nakatitig sa mga monitor ng CCTV sa security room ng ospital. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang mamatay ang espiya sa fire exit, ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang buong building."Yes. Nagtaas tayo ng red alert noong unang gabi dahil sa burner phone na nakuha mo, pero mukhang naging false alarm ang inaasahan nating paglusob. Walang cleanup crew na dumating," sagot ni Shan habang humihigop ng kape. "Baka natunugan ni Sofia na nahuli mo ang tauhan niya."Bumuntong-hininga ako. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil nanatiling tahimik ang mga nagdaang araw. Ngunit hindi kami basta magpapakampante; baliw na si Sofia. Ang sakit lang isipin na dahil sa labis na pagmamahal ay nasiraan siya ng isip."Huwag kayong pakasisiguro. Ang kalmado ng bagyo ay palatandaan lang na may mas malaking delubyong darating," malamig kong paalala bago ako tumayo para tingnan a

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 144

    Habang papunta sa kinaroroonan ng asawa ko ay tila umiikot ang sikmura ko sa tindi ng kaba. Nahihirapan pa rin akong huminga at makirot pa ang halos lahat ng parte ng katawan ko.Hindi ko lubos akalain na isang buwan akong walang malay. Hindi ko alam na sa paggising ko, hindi pa pala ako lubos na makakahinga nang maluwag dahil ang asawa ko ay nasa bingit pa rin ng kamatayan.Hindi ko pa nakukuha ang lakas ko ngunit hindi ako papayag na hindi ko siya makita. Kailangan kong makita si Thor. Gusto kong malaman na buhay pa siya at hindi niya talaga ako iniwan."Anak, dahan-dahan lang..." nag-aalalang sabi ni Mama habang tulak-tulak ang wheelchair ko sa kahabaan ng pasilyo.Ang amoy ng gamot na humalo sa malamig na hangin ay nagbibigay ng matinding kaba sa puso ko. Narito kami sa Intensive Care Unit—ang lugar kung saan ang buhay at kamatayan ay pinaghihiwalay lang ng isang manipis na linya.Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa balikat ko kaya

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 149

    Ilang oras matapos ang marahas na katotohanang sumampal sa akin, nanatili pa rin ako sa sulok ng madilim at malamig na pasilyo ng ospital.Karga ko si Astria na sa wakas ay nakatulog na rin pagkatapos ng walang humpay na pag-iyak. Basang-basa pa rin ng luha ang kanyang maliliit at namumulang pisngi. Ang sakit na idinulot ng pagtanggi ni Thor sa sarili niyang dugo at laman ay tila isang lason na dahan-dahang pumapatay sa bawat hibla ng aking puso."Hija..." Lumapit si Mama sa akin, may hawak na baso ng tubig. "Uminom ka muna. Kailangan mong maging malakas para sa anak mo. At para na rin sa sarili mo."Kinuha ko ang baso ngunit nanatili lang itong nakatigil sa aking kandungan; hindi ko magawang uminom. "Ma... paano naging ganoon kalupit ang tadhana? Kung kailan wala na si Sofia, kung kailan gising na si Thor... doon pa ba kami tuluyang nabura sa buhay niya?" Ang boles ko ay basag na basag, gumaralgal sa tindi ng dalahin. "Wala ako... wala kami sa alaala niya

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 147

    Apat na araw na ang lumipas mula noong gabing dumanak ang dugo sa ICU ward. Inilipat kami ng mga tauhan ni Matteo sa isang pribado at mas ligtas na suite sa pinakatuktok ng ospital—isang lugar na binantayan na ng tatlong patong ng mga armadong gwardya. Wala na si Sofia. Alam kong dapat ay payapa na ang isip ko, pero tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, naririnig ko pa rin ang huling halakhak niya bago siya tuluyang bumagsak sa semento.Ngunit ngayon ang February 10. Ang mismong araw ng kaarawan ng aming anak na si Astria."Happy birthday, anghel ko," bulong ko habang hinahalikan ang noo ni Astria na nakaupo sa aking kandungan. May maliit na cupcake sa ibabaw ng lamesa na may nag-iisang kandila. Walang malaking handaan, walang ingay. Ang tanging hiling ng anak ko, tulad ng lagi niyang sinasabi, ay ang magising na ang kanyang Papa.Inilapit ko ang aking wheelchair sa gilid ng kama ni Thor. Hawak ni Astria ang maliit niyang laruan habang ang isa niyang kama

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 100

    Nanatiling nakabuka ang aking bibig—pinoproseso ang mga nangyayari. Ang kamay na nakayakap kay Astria ay parang marshmallow na unt-unting natutunaw sa apoy, dahan-dahan itong bumagsak mula sa likod ng anak ko. Samantala, ang iyak ni Sonya ay naging hagulgol; kamakailan lang nang magkaayos kami

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 099

    "The party is over!"Dumagundong ang malalim at puno ng awtoridad na boses ni Tony nang bitawan niya ang mga salitang iyon. Sa isang kumpas ng kanyang kamay, tila mga makinang sumunod ang mga security at pinalabas ang lahat ng tao.Sa loob ng ilang sandali, ang dambuhalang bulwagan na kanina ay pun

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 098

    Habang pababa kami ng hagdan, pakiramdam ko ay tina-traydor ako ng sarili kong mga binti. Bawat hakbang ay tila nanginginig sa ilalim ng bigat ng kabang nararamdaman ko. Ang aninong nakita ko kanina ay parang bula na naglaho sa dilim, pero ang panlalamig sa aking batok ay nananatili—isang babala na

  • The Billionaire's Obsession    Chapter 097

    Mabilis ang pagdaan ng oras—tila pati ang tadhana ay hindi na makapaghintay sa gabing ito. Ito ang gabing sa wakas ay makikilala na ng buong pamilya Santos si Astria.Nang sumapit ang gabi ng party, parang sasabog ang dibdib ko habang inaayusan ang aking anak. Suot niya ang isang napakagandang kula

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status