ANMELDEN
Rhenan POV
“Sir, nasa labas po si Alexandra Lewis.” Bahagya akong napangisi habang dahan-dahang nilingon ang malaking bintana ng opisina ko. Sa labas ng mansyon, kitang-kita ko ang babaeng minsang sumira ng buhay ko. Basang-basa siya sa malakas na ulan. Nanginginig. Walang payong. Walang yabang. At sa unang pagkakataon… wala ring kapangyarihan. Tahimik kong pinagmasdan si Alexandra habang nakatayo sa harap ng napakalaking gate ng mansion ko rito sa San Diego. Ang mansion ng taong dati niyang inapakan. Ngayon… Ako na ang kinatatakutan nilang lahat. El Diablo. “Papasukin niyo siya,” malamig kong utos. “Y-Yes, Sir.” Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto ng opisina ko. Dahan-dahang pumasok si Alexandra. Nanlalambot ang mga tuhod niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nasaan na ang dating prinsesang mahilig mang-api? “R-Rhenan…” nanginginig niyang tawag. Umupo ako sa swivel chair ko at malamig siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. “Anong kailangan mo?” Bigla siyang lumapit at halos lumuhod sa harap ko. “Maawa ka… tulungan mo ang Papa ko. Kunin mo na lahat huwag lang ang lupa namin,” umiiyak niyang sabi. “Kapag nawala pa ‘yon… wala na kaming matitirhan.” Tahimik akong nakatingin sa kanya. Ito ba ang babaeng walang awang nagpabagsak sa akin noon? Ito ba ang babaeng ngumiti habang dinadala ako ng mga pulis? Ngayon siya naman ang nagmamakaawa. “Kahit ano gagawin ko…” mahinang dagdag niya. Napahilig ako sa upuan ko habang pinapaikot ang baso ng whiskey. “Anything?” “O-Oo…” Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya hanggang sa halos isang dangkal na lang ang pagitan namin. “Fine,” malamig kong sabi. “Tutulungan ko kayo. Pero may kondisyon.” Agad siyang napatingin sa akin. “Ano?” “You will be my slave.” Nanlaki ang mga mata niya. “W-What?” “Habang gusto kita… susunod ka sa lahat ng iuutos ko.” Yumuko ako para magtapat ang mga mata namin. “At kapag nagsawa ako… saka kita pakakawalan.” “Rhenan…” umiiyak niyang sambit. Biglang nagdilim ang mukha ko. “Bakit?” sigaw ko. “Ayaw mo? Lumayas ka rito! Hayaan mong mapatapon ang pamilya mo sa San Diego!” Napaiyak siya lalo. “Huwag…” nanginginig niyang sabi. “Please… gagawin ko lahat. Huwag mo lang kunin sa amin ang lupa…” Ngumisi ako. “Good girl.” Tumalikod ako at bumalik sa kinauupuan ko. “Ngayon,” malamig kong utos, “lumuhod ka.” Dahan-dahan siyang lumuhod habang nanginginig ang buong katawan niya. “At tumahol ka.” Parang tumigil ang mundo. Namumula ang mukha niya sa kahihiyan habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha niya. Pero sumunod pa rin siya. “Aw… aw…” Malakas akong natawa habang nakatingin sa kanya. “Bagay na bagay sa’yo,” malamig kong sabi. Ngunit lingid sa kanya… Habang nakaluhod siya sa harap ko— Mas lalo kong nararamdaman ang galit… at ang delikadong damdaming pilit kong pinapatay para sa kanya. Alexandra POV Parang bawat tahol na lumalabas sa bibig ko ay unti-unting dumudurog sa natitira kong dignidad. Hindi ko akalaing darating ang araw na ako—si Alexandra Lewis—ang luluhod sa harap ng lalaking minsan kong inapi. Ngunit wala akong choice. Kapag hindi ko ginawa ito… mawawala sa amin ang lahat. Patuloy ang pagpatak ng luha ko habang nakayuko sa marmol na sahig ng opisina niya. Ramdam ko ang malamig na tingin ni Rhenan sa akin. Hindi… Hindi na siya si Rhenan. Isa na siyang halimaw. “Look at me.” Nanginginig akong napatingin sa kanya. Napahinto ako nang makita ko ang mga mata niyang walang emosyon. Ang dating mabait at masayahing binata noon ay wala na. Ako ang pumatay doon. “Alam mo ba kung ilang taon kong hinintay ‘to?” malamig niyang tanong. Hindi ako nakasagot. Dahan-dahan siyang yumuko sa harap ko at hinawakan ang baba ko. “Na makita kang nagmamakaawa.” Napapikit ako habang tuloy ang pag-agos ng luha ko. “Rhenan… please…” “Don’t call me that,” madiin niyang sabi. “Wala nang Rhenan.” Tumayo siya at tumalikod. “Simula ngayon dito ka titira.” Nanlaki ang mata ko. “A-Ano?” “Slave kita, remember?” malamig niyang sagot. “You obey me. You don’t question me.” “Pero ang Papa ko—” “Safe sila habang sumusunod ka.” Agad akong natahimik. Lumapit ang isa niyang tauhan at iniabot ang isang maliit na box sa akin. “Buksan mo.” Dahan-dahan kong binuksan iyon at halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang laman. Isang manipis at maiksing maid uniform. Namutla ako. “Rhenan…” halos pabulong kong sabi. Ngumisi siya habang nakatingin sa akin. “Bagay na bagay ‘yan sa isang katulad mo.” “Please… huwag naman ganyan…” Biglang tumigas ang mukha niya. “Noong nagsinungaling ka sa korte… nagmakaawa rin ako.” Natigilan ako. “Pero nakinig ka ba?” Tahimik akong napaluha. Hindi. Hindi ako nakinig noon. Lumapit siya sa akin hanggang halos magdikit ang mukha namin. “Kaya ngayon,” bulong niya, “oras mo naman para maranasan kung paano masira.” Pagkatapos noon ay tumalikod siya. “Magbihis ka. Ayokong naghihintay.” At habang papalayo siya… Doon ko naramdaman ang pinakamabigat na bagay. Hindi lang galit ang nasa puso ni Rhenan. Kundi sakit na ako mismo ang gumawa.Rhenan POV “Halikan mo ang paa ko hanggang binti ko, tapos puwede ka nang lumayas at pinapakawalan na kitang maging alalay ko,” mapanghamon niyang sabi. Napatingin ako sa makinis niyang paa at sa maputi niyang binti na parang porselana. Bigla akong napangiti nang may maisip. Tingnan lang natin kung sino ang mananalo sa atin. Ang bata-bata mo pa, ganyan ka na mag-isip, demonyita ka, bulong ko sa sarili. Dahan-dahan kong hinalikan ang paa niya, saka ko iyon dinampian ng halik paakyat sa binti niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang ginagawa iyon. Habang tumatagal, parang ako mismo ang nadadala. Ang lambot ng balat niya at hindi ko namalayang umabot na ako sa hita niya. Bigla siyang napatayo. “A-anong ginagawa mo?” nauutal niyang tanong. Tumayo rin ako at ngumisi. “Hindi ba’t iyon naman ang gusto mong mangyari?” mahinahon kong sabi. “O baka gusto mo pa ng higit doon?” Sa isip ko, baka diring-diri siya sa ginawa ko. Isang taong tulad ko, isang hamak na alal
Rhenan POV Hindi ako dapat nagpapadala sa paawa-awa ng babaeng iyon. Kilalang-kilala ko si Alexandra Lewis. Mana siya sa ina niyang matapobre at mapangmata sa mahihirap. Sanay siyang nakukuha ang lahat ng gusto niya kahit may nasasaktan nang tao. Pero kung si Don Romano lang ang pagbabasehan… Hindi ko maitatangging may utang na loob ako sa matanda. Kahit paano, naging mabait siya sa akin noon. Hindi niya ako trinato na parang basura tulad ng asawa at anak niya. Pero si Alexandra? Napakawalanghiya niya. At habang nagmamaneho ako, biglang bumalik sa isip ko ang mga ginawa niya noon. Flashback Rhenan POV Masaya ako noon dahil sa wakas, makakapag-college na ako. Ibig sabihin… mas makakalayo na ako kay Alexandra. At mas magkakaroon ako ng oras para kay Maui. Patago pa rin kaming nagkikita noon ni Maui dahil ayaw kong mapag-initan siya ni Alexandra. Isang tingin lang namin sa isa’t isa, alam na agad namin kung saan ang tagpuan. Sa may palayan kami madalas magki
Alexandra POV Pagkatapos ng gabing puno ng init at pananahimik, agad na tumalikod si Rhenan sa akin. Parang diring-diri. Parang wala lang ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Tahimik akong napapikit habang unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Ramdam ko pa ang bigat ng paghinga niya habang nakahiga sa kama, ngunit ni hindi man lang niya ako nilingon. Parang isa lang akong bagay na ginagamit niya kapag gusto niya. Dahan-dahan akong napahawak sa tiyan ko. Napakagat ako sa labi para pigilan ang hikbi. Paano kapag nalaman niyang buntis ako? Matutuwa kaya siya? O mas lalo niya lang kamumuhian ang batang dinadala ko dahil ako ang ina nito? Tahimik akong bumangon mula sa kama at nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan. Habang umaagos ang tubig sa balat ko, mas lalo kong naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Hindi dahil sa pagod. Kundi dahil sa paraan ng pagtrato niya sa akin. Pagkatapos kong magbihis ng manipis na damit pantulog, dahan-dahan akong lumabas
Present Alexandra POV Naiiyak akong napaupo sa gilid ng bathtub habang mahigpit na hawak ang pregnancy test. Positive. Dahan-dahan kong hinawakan ang tiyan ko habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko. Buntis ako. Anak ni Rhenan. Napapikit ako habang bumabalik sa isip ko ang lahat—mula sa unang beses na nasaktan ako dahil kay Rhenan hanggang sa kung paano kami nauwi sa ganitong sitwasyon. Mahal ko siya noon. Mahal ko pa rin hanggang ngayon. Pero natatakot ako. Natatakot akong baka kamuhian niya ang batang ito dahil ako ang ina. Lalo na’t alam kong hindi niya ako mahal. Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang maalala ko ang bilin niya sa akin noon. Pinapainom niya ako ng pills para siguradong hindi ako mabubuntis. Pero hindi ko ginawa. Dahil sa kaibuturan ng puso ko… Ginusto kong magkaroon ng anak sa kanya. Bigla akong napapahid ng luha nang marinig ko ang malakas na katok mula sa labas ng banyo. “Ano bang ginagawa mo riyan? Ang tagal mo. Inaantok n
Flashback Alexandra POV “Bawal ka nang makipag-usap sa kanya.” Galit kong sabi habang kaming dalawa na lang ang naiwan sa parking lot. Nakatigil sa harap namin ang itim na van ng pamilya namin ngunit hindi pa kami sumasakay. Tahimik lang si Rhenan habang hawak ang mga gamit ko. “Miss Alexandra,” mahinahon niyang sabi, “hindi po puwede ‘yon. Personal life ko na po ang pinapakialaman niyo.” Lalo akong nainis sa sagot niya. Sanay akong sinusunod. Pero si Rhenan? Parang habang tumatagal, mas lalo siyang nagiging matapang sa akin. Humakbang ako palapit sa kanya hanggang halos magdikit ang katawan namin. “Sino ba mas maganda?” diretsahan kong tanong. Bahagya siyang natigilan. “Ako o si Maui?” At bago pa siya makasagot, sinadya kong dumikit ang dibdib ko sa katawan niya. Kitang-kita ko agad ang pagkagulat sa mukha niya. Mabilis siyang napaatras habang namumula ang tenga niya. “Miss Alexandra…” nanginginig niyang sabi. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ngayo
Flashback Alexandra POV Grade 7 pa lang ako noon nang unang beses kong makita si Rhenan. Nasa garden kami ni Mommy habang nagme-merienda nang may dumating na mag-anak. Halatang mahirap sila dahil sa kupas nilang damit at sa mga bag nilang nakaplastic pa dahil may sira. Pero wala naman talaga akong pakialam sa kanila. Ang umagaw ng atensyon ko ay ang lalaking kasama nila. Matangkad siya, payat, at tingin ko ay mas matanda sa akin ng dalawang taon. Maitim ang balat niya dahil siguro sa bilad sa araw pero sobrang guwapo niya. Para siyang younger version ng actor na si Rico… ang pinagkaiba lang, singkit ang mga mata niya. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan… Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang naranasan iyon. “Sila ba ang tinutukoy mo, Digna?” mataray na tanong ni Mommy habang umiinom ng tsaa. “Opo, Ma’am,” sagot ng mayordoma naming si Ate Digna. “Pinsan ko po si Ruben. Magaling po siya sa mga halaman. Puwede rin po siyang maging driver.” Kumumpas lang si M







