Share

Chapter 3

Author: Mr. Heat
last update publish date: 2026-05-25 10:30:11

Alexandra POV

Nagising ako sa malakas na yugyog sa balikat ko.

Napadilat agad ako at bumungad sa akin ang malamig na mukha ni Rhenan. Nanigas ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya.

Kagabi ay parang naging maayos naman siya kahit papaano… pero ngayong umaga, para na naman siyang ibang tao.

“Ayoko sa lahat ‘yung mas nauuna pang magising ang alipin ko kaysa sa akin,” malamig niyang sabi. “Hindi ka na reyna, Alexandra. Isa ka nang alipin ko. Naiintindihan mo?”

Agad akong nataranta at mabilis na bumangon.

“O-Opo… sorry po…”

Mas lalo siyang nagsalubong ang kilay.

“May kulang.”

Natigilan ako.

“A-Ano po?”

Yumuko siya nang bahagya para magtama ang mga mata namin.

“Master,” madiin niyang sabi. “Simula ngayon, Master na ang itatawag mo sa akin. Naiintindihan?”

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko pero pinilit kong lunukin ang pride ko.

“Opo… Master.”

Ilang segundo niya akong tinitigan bago tuluyang tumalikod.

“Ipaghanda mo ako ng almusal.”

“Yes, Master,” mahina kong sagot bago dali-daling bumaba ng kama.

Habang naglalakad ako palabas ng kwarto, mahigpit kong kinuyom ang kamay ko.

Masakit.

Sobrang sakit ng lahat.

Pero wala akong choice.

Kailangan kong tiisin ang lahat ng ito para sa pamilya ko.

At kahit paulit-ulit akong sinasaktan ng mga salita niya…

Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mahalin siya.

Habang tahimik na nag-aalmusal si Rhenan, nakatayo lamang ako sa tabi niya gaya ng iniutos niya. Nakayuko ako habang pinipilit tiisin ang mabigat na tingin ng mga katulong na nakahilera sa dining area.

Pakiramdam ko isa akong display.

Isang alipin.

Pagkatapos kumain ni Rhenan, dahan-dahan niyang inilapag ang napkin sa mesa at malamig akong tinignan.

“Yung tira ko,” sabi niya habang pinupunasan ang gilid ng labi niya, “iyon ang kakainin mo.”

Nanigas ako.

Dahan-dahan akong napatingin sa plato niya.

Tira-tirang pagkain.

At sa pagkakataong iyon, parang may kung anong pumutok sa loob ko.

Hindi ako pulubi.

Hindi ako aso.

Napahigpit ang kamao ko bago ako tuluyang napatingin sa kanya.

“Gagawin ko lahat ng sinabi mo,” pigil galit kong sabi. “Pero hindi ako patay-gutom para kainin ang tira mo.”

Tahimik ang buong dining area.

“Hindi ako aso na papasahan mo lang ng buto.”

Biglang tumalim ang tingin niya.

“Abay… kailan ka pa sumasagot sa Master mo?” malamig ngunit galit niyang tanong.

“Dahil hindi makatarungan!” depensa ko habang umiinit ang mata ko. “Pwede mo akong utusan pero huwag mo namang yurakan nang ganito!”

Ilang segundo kaming nagtitigan.

Hanggang sa bigla siyang ngumisi.

Pero mas nakakatakot ang ngiting iyon kaysa sa galit niya.

“Ah… ganoon pala.”

Mabilis siyang tumayo.

Bago pa ako makaatras, mahigpit na niyang nahawakan ang pulsuhan ko.

“R-Rhenan—”

“Anong tawag mo sa akin?” madiin niyang putol.

Napapikit ako.

“Master…”

“Good.”

At walang pakialam na hinila niya ako palabas ng dining area habang gulat na nakatingin ang mga katulong sa amin.

“Master… nasasaktan ako…” pigil kong sabi habang pilit sumasabay sa malalaki niyang hakbang.

Pero hindi siya huminto.

Diretso niya akong hinila papunta sa kwarto niya.

At habang papalapit kami roon…

Mas lalo akong kinabahan sa kung anong klaseng parusa na naman ang balak niyang gawin sa akin.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit at halikan.

Mariin.

Punong-puno ng galit at matagal na tinagong emosyon.

Nanigas ako habang ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga. Unti-unti ring gumapang ang mga kamay niya sa bewang ko hanggang balikat ko.

“Master…” nanginginig kong sambit habang pilit siyang tinutulak.

Pero mas lalo lang tumalim ang tingin niya.

“Hindi ba ito ang gusto mo noon?” malamig niyang tanong. “Bakit ngayon… nagpapakipot ka?”

Isa-isa niyang hinawakan ang damit ko na para bang gusto niya akong parusahan gamit ang sarili niyang galit.

Napaluha ako habang pilit siyang pinipigilan.

“Huwag…” umiiyak kong sabi. “Maawa ka…”

Sandali siyang natigilan nang marinig niya ang hikbi ko.

“Patawad…” nanginginig kong dagdag. “Patawad sa ginawa ko noon… at hanggang ngayon.”

Tahimik na bumagsak ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya.

Sa unang pagkakataon, nakita kong bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya.

Galit pa rin.

Pero may sakit na nakatago roon.

“Alam mo ba kung ilang taon kong gustong marinig ‘yan?” mahina ngunit mabigat niyang sabi.

Napapikit ako habang patuloy ang pag-iyak.

“Sinira kita…” bulong ko. “At alam kong wala akong karapatang humingi ng tawad…”

Tahimik ang buong kwarto.

Hanggang sa dahan-dahan niya akong binitawan.

Napahawak ako agad sa damit kong halos magulo na habang nanginginig.

Tumalikod siya at mariing sinuklay paatras ang buhok niya.

“Lumabas ka,” malamig niyang sabi.

Nagulat ako.

“Master…”

“Bago pa magbago isip ko.” Nanginginig ang boses niya sa pinipigilang emosyon. “Lumabas ka na.”

At doon ko narealize…

Sa kabila ng galit niya sa akin, may parte pa rin sa kanya na lumalaban.

Parte ng lalaking minsan kong minahal.

At lalaking ako mismo ang sumira.

Tahimik akong lumabas ng kwarto habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Pagkasara ng pinto, saka ako napasandal sa dingding.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung bakit mas masakit ngayon.

Dahil ba sa galit niya?

O dahil alam kong ako mismo ang sumira sa buhay niya?

Napayakap ako sa sarili ko habang pilit inaayos ang magulong damit ko.

“Miss Alexandra…”

Napatingin ako sa isa sa mga katulong na nag-aalalang nakatingin sa akin.

“M-May kailangan po si Sir sa study room…”

Tahimik akong tumango bago pinunasan ang luha ko.

Pagdating ko sa study room, nadatnan kong seryosong nakaupo si Rhenan habang may kausap sa telepono. Matalim ang aura niya at agad na tumahimik ang paligid nang pumasok ako.

Ibinaba niya ang tawag at malamig akong tinignan.

“Lumapit ka.”

Dahan-dahan akong sumunod.

May inilapag siyang folder sa harap ko.

“Basahin mo.”

Nanginginig kong binuksan iyon at agad nanlaki ang mga mata ko.

Mga dokumento iyon ng lupa namin.

“Master…” mahina kong sabi.

“Pipirmahan ko na sana para maibalik sa inyo,” malamig niyang sabi habang nakasandal sa upuan. “Pero mukhang nakakalimot ka kung sino ka rito.”

Napakagat ako sa labi.

“Sorry…”

Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Hindi sapat ang sorry mo, Alexandra.”

Huminto siya sa harap ko saka marahas na hinawakan ang baba ko para mapatingin ako sa kanya.

“Alam mo kung anong kinuha mo sa akin?” malamig niyang tanong.

Tahimik lang akong napaluha.

“Hindi lang kalayaan ko.” Tumawa siya nang mapait. “Sinira mo lahat ng pangarap ko.”

Parang may humigpit sa dibdib ko.

“May buhay na akong binubuo noon,” madiin niyang sabi. “May taong mahal ako. May pangarap akong makaahon kasama ang pamilya ko.”

Napapikit ako habang tuloy ang pagpatak ng luha ko.

“At dahil sa kasinungalingan mo…” nanginginig niyang dagdag, “nawala lahat.”

Tahimik ang buong kwarto.

“Hindi kita minahal noon, Alexandra,” malamig niyang sabi. “Pero nirespeto kita.”

Unti-unti siyang ngumisi ngunit puno iyon ng sakit.

“Hanggang sa ginawa mo akong halimaw.”

At habang nakatingin ako sa malamig niyang mga mata, doon ko lalong narealize,

Hindi paghihiganti lang ang dala ni Rhenan.

Kundi ang galit ng isang lalaking ninakawan ko ng buhay at pangarap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 137

    Alexandra POV Pagdating namin sa bahay ay hindi ko na muna pinag-usapan kay Rhenan ang nangyari sa school. Hindi dahil gusto kong itago sa kanya. Gusto ko lang bigyan muna ng pagkakataon si Aaliyah na siya mismo ang magsabi sa Daddy niya. Alam kong hindi naman magagalit si Rhenan, pero kilala ko ang asawa ko. Kapag tungkol sa mga anak namin, minsan sobra siyang protective. Pagpasok namin sa bahay ay agad na tumakbo si Aaliyah papunta sa kanyang kuwarto. "Mommy!" "Hmm?" "May kailangan tayong bilhin." "Ano?" "Mga gamit para sa project ko." Napangiti ako. "Ah, oo nga." "Kailangan natin ng tela?" "Yes." "Thread?" "Yes." "Needle?" "Yes." Napabuntong-hininga siya. "Marami pala." Natawa ako. "Welcome to your new challenge." "Mommy!" Nagtawanan kami. "Okay." "Sasamahan kita mamili." Maya-maya ay dumating si Rhenan. Pagpasok pa lang niya ay agad niyang tinanggal ang coat at inilapag sa sofa. "Where are my girls?" "Nandito!" Sigaw ni Aaliyah. Tumakbo siya papunt

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 136

    Alexandra POV Nagulat ako nang bigla akong makatanggap ng tawag mula sa school ni Aaliyah. "Ma'am Alexandra, maaari po ba kayong pumunta sa school? May kailangan lang po kaming pag-usapan tungkol kay Aaliyah." Agad akong kinabahan. "May nangyari po ba sa anak ko?" "Wala naman pong seryosong nangyari, Ma'am. Mas mabuti po sigurong mapag-usapan natin nang personal." Pagkababa ko ng tawag ay agad kong inayos ang mga gamit ko at pumunta sa school. Hindi ko maiwasang mag-isip habang nagmamaneho. Hindi naman pala sakit si Aaliyah. Wala rin namang problema sa mga grades niya. Kaya ano kaya ang nangyari? Pagdating ko sa school ay agad akong pumunta sa faculty room. Nakita ko roon ang teacher ni Aaliyah. "Good afternoon, Ma'am." "Good afternoon po." Umupo ako sa harap niya. "May problema po ba kay Aaliyah?" Huminga muna nang malalim ang teacher bago nagsalita. "Ma'am, may isang subject po kasi na hindi niya pinapasukan nitong mga nakaraang linggo." Napakunot-noo ako. "Anong

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 135

    Rhenan POV Naiwan akong nakatingin sa hagdan. Napabuntong-hininga ako. "Alam ko, Champ." Mahina kong bulong. "Hindi mo pa kailangang sabihin." "Pero kapag dumating ang araw na magsabi ka..." "...handa akong makinig." Lumapit si Alexandra at marahang hinawakan ang balikat ko. "You're doing the right thing." Tumingin ako sa kanya. "Umaasa lang ako." "Na hindi pa malala." Tumango siya. "At kung sakaling malala na..." Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. "...hindi niya haharapin iyon mag-isa." Sa loob-loob ko, unti-unti kong isinantabi ang lahat ng bagay na minsan kong naging pagkakakilanlan. Ang pagiging makapangyarihan. Ang pangalan ko sa Seven Pillars. Ang reputasyon kong kinatatakutan ng marami. Sa sandaling iyon, hindi ako isang taong kinatatakutan ng organisasyon. Hindi ako isang negosyante. Hindi ako ang lalaking tinatawag nilang blacklist. Isa lang akong ama. At ang tanging gusto ko ay malaman kung ano ang nagpapabigat sa puso n

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 134

    Rhenfield POV Kinabukasan, sinubukan kong umiwas kay Loisa. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, pero pakiramdam ko kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Ayokong lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong magkaroon siya ng problema dahil sa akin. At higit sa lahat, ayokong malaman ni Ryan na may gusto ako sa kaibigan niya. Pagpasok ko sa classroom ay agad kong nakita si Loisa. Nasa upuan siya at may binabasang libro. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti siya. Mabilis akong umiwas ng tingin. "Rhenfield." Narinig ko ang boses niya. Nagkunwari akong hindi narinig. "Rhenfield." Mas malapit na siya ngayon. Napabuntong-hininga ako bago tumingin sa kanya. "Good morning." "Good morning." May maliit siyang ngiti. "Galit ka ba sa akin?" "Hindi." "Then bakit hindi mo ako pinapansin?" "Wala lang." "Again?" Napatingin siya sa akin. "Palagi mong sinasabi 'yan." Hindi ako nakasagot. "May gusto akong sabihin." "Ano?"

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 133

    Rhenfield POVKinabukasan, maaga akong pumasok sa school.Mas pinili kong dumating bago pa dumating ang karamihan sa mga estudyante. Mas tahimik kasi kapag ganoon, at mas gusto kong nasa library kaysa makipagsabayan sa hallway.Habang naglalakad ako papunta sa classroom, napansin ko ang isang pamilyar na babae na dumaan sa harapan ko.Si Loisa.Kaibigan siya ni Ryan, ang isa sa mga madalas mang-bully sa akin.Napatingin ako sa kanya nang hindi ko namamalayan.Maganda si Loisa.Simple lang siya manamit at hindi mahilig magpabida. Mahaba ang buhok niya at palaging may mahinang ngiti sa labi. Hindi ko rin siya kailanman nakitang sumali sa pang-iinsulto sa akin.Sa totoo lang...Mabait siya.At iyon ang problema.Dahil kahit anong pilit kong itago, gusto ko siya.Sobra.Pero pinili kong lagyan ng pader ang pagitan namin.Hindi dahil may ginawa siyang masama sa akin.Kundi dahil kaibigan niya si Ryan.At ayokong madamay siya sa problema ko.Ayokong dumating ang araw na malaman ng mga kaibi

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 132

    Rhenfield POV Hindi ko sinasabi kina Daddy at Mommy ang tungkol sa mga nangyayari sa school. Ayoko. Hindi dahil wala akong tiwala sa kanila. Kundi dahil ayokong dagdagan pa ang mga problema nila. Alam kong maraming ginagawa si Daddy sa negosyo at sa Seven Pillars. Si Mommy naman ay abala kay Aaliyah at sa bahay. Ayoko ring isipin nila na mahina ako. Kaya hangga't kaya ko, ako na lang ang haharap. Hindi ko sila papatulan. Hindi ko sila susumbatan. Hindi ko sila papatulan kahit ilang beses nila akong insultuhin. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi masakit. Masakit. Sobra. Lalo na kapag maraming nakatingin. "Hey, probinsyano boy!" Napahinto ako sa paglalakad. Alam ko na kung sino. Dahan-dahan akong lumingon. Nasa kabilang hallway ang grupo ng mga lalaki at babae na ilang linggo nang nang-iinis sa akin. Nakatayo sila malapit sa lockers. Nakangisi. "Ikaw ba kausap ko?" Tanong ng isang lalaki. Hindi ako sumagot. "Hoy!" Tinawanan niya ako. "Bingi ka ba?" "Hayaan

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 1

    Rhenan POV “Sir, nasa labas po si Alexandra Lewis.” Bahagya akong napangisi habang dahan-dahang nilingon ang malaking bintana ng opisina ko. Sa labas ng mansyon, kitang-kita ko ang babaeng minsang sumira ng buhay ko. Basang-basa siya sa malakas na ulan. Nanginginig. Walang payong. Walan

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 5

    Alexandra POV Dahan-dahan akong bumangon mula sa magulong kama, ninanamnam ang natitirang sakit at hapdi sa aking kaibuturan—isang pisikal na patunay na sa loob ng ilang sandali, naging akin si Rhenan. Hinugot ko ang kumot at ibinalot sa aking hubad na katawan, habang ang amoy ng aming pinagsaluha

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 4

    Alexandra POV “Anong gusto mong gawin ko para makabawi ako sa’yo?” tanong ko. Bigla akong naawa sa kanya. May dahilan nga talaga kung bakit siya naging ganito sa akin. Gusto ko siyang paligayahin. At walang kaabog-abog, hinalikan niya ako. Marahas ang halik niya, pero kahit ganoon, hinalikan ko

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 2

    Alexandra POV Matagal kong tinitigan ang damit na iniabot sa akin. Maid uniform. Wala naman problema sa akin kung magsuot ako ng pang-maid na damit. Ang hindi ko matanggap ay ang itsura nito. Sobrang iksi ng palda at manipis ang tela. Halos kita na ang cleavage ko. Para akong isang babaeng pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status