LOGINAlexandra POV
Matagal kong tinitigan ang damit na iniabot sa akin. Maid uniform. Wala naman problema sa akin kung magsuot ako ng pang-maid na damit. Ang hindi ko matanggap ay ang itsura nito. Sobrang iksi ng palda at manipis ang tela. Halos kita na ang cleavage ko. Para akong isang babaeng pinapasayaw sa bar, hindi isang simpleng katulong. Mas lalo akong nanlumo nang makita ko ang collar na parang isinusuot sa aso. Biglang tumulo ang mga luha ko. Ganito na ba talaga kababa ang tingin niya sa akin? Pero mariin kong pinunasan ang mukha ko habang pinipigilan ang hikbi. Hindi ako puwedeng sumuko. Gagawin ko ang lahat para sa parents ko. Kung alam lang ni Rhenan… matagal na akong nagbago. Simula nang mawala siya sa buhay ko, parang unti-unti ring nawala ang lahat sa amin. Ang dating marangyang buhay namin ay napalitan ng problema, utang, at kahihiyan. Minsan naiisip ko… Baka ito na ang karma namin. Dahil nagpakulong kami ng inosenteng tao. Dahil sinira ko ang buhay ng lalaking walang ginawa kundi magsumikap. Napapikit ako habang mahigpit na hawak ang uniform. Si Rhenan na dating inaapi ko… Ngayon siya na ang pinakamakapangyarihang tao sa San Diego. At ako? Isa na lang akong babaeng handang lunukin ang sariling pride para mabuhay ang pamilya niya. Dahan-dahan kong sinuot ang maid uniform habang nanginginig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko bawat hibla ng telang dumadampi sa balat ko ay unti-unting sumisira sa natitira kong dignidad. Pagkatapos kong isuot ang collar, napapikit ako sandali. Kaya mo ‘to, Alexandra. Para kina Mama at Papa. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. Ngunit paglabas na paglabas ko, agad kong naramdaman ang maiinit na tingin ng mga tauhan ni Rhenan. Nahihiya akong napayuko. “Sir is waiting for you,” sabi ng isang babae. Tahimik akong sumunod hanggang makarating sa dining area ng mansion. Pagpasok ko roon, agad kong nakita si Rhenan na nakaupo habang umiinom ng wine. Tumigil siya sa pag-inom nang makita ako. Mabagal na naglakbay ang tingin niya mula ulo hanggang paa ko. Para akong gustong lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan. “Turn around,” malamig niyang utos. Nanginig ako pero sumunod. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. “Bagay sa’yo.” Mariin kong kinagat ang labi ko para pigilan ang luha. “Rhenan…” mahina kong sabi. Biglang tumigas ang mukha niya. “I told you,” malamig niyang putol. “Don’t call me that.” Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Napaatras ako pero agad niyang hinawakan ang baba ko. “Nasaan na ang yabang mo ngayon, Alexandra Lewis?” Hindi ako nakasagot. Dahil tama siya. Wala na akong pride. Wala na akong kapangyarihan. At ang pinakamasakit… Habang tinititigan ko ang malamig niyang mga mata, ramdam kong mahal ko pa rin siya. Pero siya? Parang galit na lang ang natira para sa akin. Tahimik akong nakatayo habang mahigpit ang hawak ko sa tray ng pagkain. Kanina pa ako hindi mapakali dahil ramdam ko ang titig ni Rhenan sa akin. Parang sinusukat niya kung hanggang saan ko kayang lunukin ang pride ko. “Lumapit ka.” Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakaupo siya sa sofa habang nakabukas ang ilang dokumento sa mesa. Nanginginig ang tuhod ko nang hilahin niya ako palapit hanggang mapaupo ako sa kandungan niya. “Ano…” mahina kong sambit. “Relax,” malamig niyang sabi. “Hindi ka naman bago sa paglalaro ng tao, hindi ba?” Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya. Tahimik akong napayuko. Ramdam ko ang mabigat niyang paghinga malapit sa leeg ko habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Ngunit sa kabila ng malamig niyang trato, parang may kung anong sakit akong nararamdaman mula sa kanya. Galit. Sama ng loob. At sugat na ako mismo ang gumawa. “Bakit ka nanginginig?” bulong niya. “Hindi ako sanay…” Napatawa siya nang mapait. “Talaga? Hindi ka nasanay noong sinira mo buhay ko?” Napapikit ako habang pinipigilan ang pag-iyak. “I’m sorry…” Biglang tumahimik ang paligid. Ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko. Unti-unti niya akong binitawan bago malamig na tumayo. “Too late for apologies, Alexandra.” Tumalikod siya at muling uminom ng whiskey. “Simula ngayon,” malamig niyang dagdag, “dito ka matutulog sa kwarto ko. At tandaan mo… pag-aari kita.” Napalunok ako habang dahan-dahang yumuko. “O-Opo…” Ngunit habang nakatalikod siya, may isang pangalang paulit-ulit kong naririnig mula sa bibig niya habang lasing siya gabi-gabi. “Maui…” At doon ko lalong narealize… Kahit gaano ako kalapit kay Rhenan ngayon, Hindi pa rin ako ang babaeng nasa puso niya. Madilim na ang buong kwarto nang matapos akong mag-ayos. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama habang mahigpit na yakap ang sarili ko. Ito ang kwarto ni Rhenan. Hindi… Ni El Diablo. Napatingin ako sa malaking pintuan nang marinig kong bumukas iyon. Pumasok si Rhenan na bahagyang lasing. Nakatanggal ang coat niya at bahagyang nakaluwag ang polo habang malamig ang mga matang tumingin sa akin. “Bakit gising ka pa?” tanong niya. “Hinihintay kita…” Sandali siyang natigilan bago mapait na ngumisi. “Parang asawa?” sarkastiko niyang tanong. Napayuko ako. Wala akong karapatang umarte na parang asawa niya matapos ang ginawa ko. Dahan-dahan siyang lumapit hanggang tumigil sa harap ko. Ramdam ko agad ang init ng katawan niya at amoy ng alak. “Alam mo Alexandra,” mababa niyang sabi, “ilang beses kong pinangarap noon na mapunta ka sa tabi ko.” Napatingin ako sa kanya. “Pero hindi ganito.” Parang may mabigat na humawak sa dibdib ko. Unti-unti niyang hinawakan ang pisngi ko habang seryoso akong tinitigan. “Kung hindi mo ako sinira…” bulong niya, “baka iba ang buhay natin ngayon.” Tuluyan nang pumatak ang luha ko. “I’m sorry…” Napapikit siya sandali na parang pinipigilan ang emosyon niya. Ngunit pagdilat niya, malamig na naman ang tingin niya. “Matulog ka na,” sabi niya bago tumalikod. Natigilan ako. “Yun lang?” Napahinto siya. Hindi siya lumingon nang sumagot. “Ayaw kong galawin ang babaeng umiiyak para sa akin.” At pagkatapos noon ay tuluyan siyang humiga sa sofa. Tahimik akong napaluha habang nakatingin sa likod niya. Sa unang pagkakataon matapos ang lahat… Mas lalo akong nasaktan dahil nakita kong may parte pa rin sa kanya na mabuti. At iyon ang lalaking ako mismo ang sumira.Alexandra POV Pagdating namin sa bahay ay hindi ko na muna pinag-usapan kay Rhenan ang nangyari sa school. Hindi dahil gusto kong itago sa kanya. Gusto ko lang bigyan muna ng pagkakataon si Aaliyah na siya mismo ang magsabi sa Daddy niya. Alam kong hindi naman magagalit si Rhenan, pero kilala ko ang asawa ko. Kapag tungkol sa mga anak namin, minsan sobra siyang protective. Pagpasok namin sa bahay ay agad na tumakbo si Aaliyah papunta sa kanyang kuwarto. "Mommy!" "Hmm?" "May kailangan tayong bilhin." "Ano?" "Mga gamit para sa project ko." Napangiti ako. "Ah, oo nga." "Kailangan natin ng tela?" "Yes." "Thread?" "Yes." "Needle?" "Yes." Napabuntong-hininga siya. "Marami pala." Natawa ako. "Welcome to your new challenge." "Mommy!" Nagtawanan kami. "Okay." "Sasamahan kita mamili." Maya-maya ay dumating si Rhenan. Pagpasok pa lang niya ay agad niyang tinanggal ang coat at inilapag sa sofa. "Where are my girls?" "Nandito!" Sigaw ni Aaliyah. Tumakbo siya papunt
Alexandra POV Nagulat ako nang bigla akong makatanggap ng tawag mula sa school ni Aaliyah. "Ma'am Alexandra, maaari po ba kayong pumunta sa school? May kailangan lang po kaming pag-usapan tungkol kay Aaliyah." Agad akong kinabahan. "May nangyari po ba sa anak ko?" "Wala naman pong seryosong nangyari, Ma'am. Mas mabuti po sigurong mapag-usapan natin nang personal." Pagkababa ko ng tawag ay agad kong inayos ang mga gamit ko at pumunta sa school. Hindi ko maiwasang mag-isip habang nagmamaneho. Hindi naman pala sakit si Aaliyah. Wala rin namang problema sa mga grades niya. Kaya ano kaya ang nangyari? Pagdating ko sa school ay agad akong pumunta sa faculty room. Nakita ko roon ang teacher ni Aaliyah. "Good afternoon, Ma'am." "Good afternoon po." Umupo ako sa harap niya. "May problema po ba kay Aaliyah?" Huminga muna nang malalim ang teacher bago nagsalita. "Ma'am, may isang subject po kasi na hindi niya pinapasukan nitong mga nakaraang linggo." Napakunot-noo ako. "Anong
Rhenan POV Naiwan akong nakatingin sa hagdan. Napabuntong-hininga ako. "Alam ko, Champ." Mahina kong bulong. "Hindi mo pa kailangang sabihin." "Pero kapag dumating ang araw na magsabi ka..." "...handa akong makinig." Lumapit si Alexandra at marahang hinawakan ang balikat ko. "You're doing the right thing." Tumingin ako sa kanya. "Umaasa lang ako." "Na hindi pa malala." Tumango siya. "At kung sakaling malala na..." Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. "...hindi niya haharapin iyon mag-isa." Sa loob-loob ko, unti-unti kong isinantabi ang lahat ng bagay na minsan kong naging pagkakakilanlan. Ang pagiging makapangyarihan. Ang pangalan ko sa Seven Pillars. Ang reputasyon kong kinatatakutan ng marami. Sa sandaling iyon, hindi ako isang taong kinatatakutan ng organisasyon. Hindi ako isang negosyante. Hindi ako ang lalaking tinatawag nilang blacklist. Isa lang akong ama. At ang tanging gusto ko ay malaman kung ano ang nagpapabigat sa puso n
Rhenfield POV Kinabukasan, sinubukan kong umiwas kay Loisa. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, pero pakiramdam ko kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Ayokong lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong magkaroon siya ng problema dahil sa akin. At higit sa lahat, ayokong malaman ni Ryan na may gusto ako sa kaibigan niya. Pagpasok ko sa classroom ay agad kong nakita si Loisa. Nasa upuan siya at may binabasang libro. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti siya. Mabilis akong umiwas ng tingin. "Rhenfield." Narinig ko ang boses niya. Nagkunwari akong hindi narinig. "Rhenfield." Mas malapit na siya ngayon. Napabuntong-hininga ako bago tumingin sa kanya. "Good morning." "Good morning." May maliit siyang ngiti. "Galit ka ba sa akin?" "Hindi." "Then bakit hindi mo ako pinapansin?" "Wala lang." "Again?" Napatingin siya sa akin. "Palagi mong sinasabi 'yan." Hindi ako nakasagot. "May gusto akong sabihin." "Ano?"
Rhenfield POVKinabukasan, maaga akong pumasok sa school.Mas pinili kong dumating bago pa dumating ang karamihan sa mga estudyante. Mas tahimik kasi kapag ganoon, at mas gusto kong nasa library kaysa makipagsabayan sa hallway.Habang naglalakad ako papunta sa classroom, napansin ko ang isang pamilyar na babae na dumaan sa harapan ko.Si Loisa.Kaibigan siya ni Ryan, ang isa sa mga madalas mang-bully sa akin.Napatingin ako sa kanya nang hindi ko namamalayan.Maganda si Loisa.Simple lang siya manamit at hindi mahilig magpabida. Mahaba ang buhok niya at palaging may mahinang ngiti sa labi. Hindi ko rin siya kailanman nakitang sumali sa pang-iinsulto sa akin.Sa totoo lang...Mabait siya.At iyon ang problema.Dahil kahit anong pilit kong itago, gusto ko siya.Sobra.Pero pinili kong lagyan ng pader ang pagitan namin.Hindi dahil may ginawa siyang masama sa akin.Kundi dahil kaibigan niya si Ryan.At ayokong madamay siya sa problema ko.Ayokong dumating ang araw na malaman ng mga kaibi
Rhenfield POV Hindi ko sinasabi kina Daddy at Mommy ang tungkol sa mga nangyayari sa school. Ayoko. Hindi dahil wala akong tiwala sa kanila. Kundi dahil ayokong dagdagan pa ang mga problema nila. Alam kong maraming ginagawa si Daddy sa negosyo at sa Seven Pillars. Si Mommy naman ay abala kay Aaliyah at sa bahay. Ayoko ring isipin nila na mahina ako. Kaya hangga't kaya ko, ako na lang ang haharap. Hindi ko sila papatulan. Hindi ko sila susumbatan. Hindi ko sila papatulan kahit ilang beses nila akong insultuhin. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi masakit. Masakit. Sobra. Lalo na kapag maraming nakatingin. "Hey, probinsyano boy!" Napahinto ako sa paglalakad. Alam ko na kung sino. Dahan-dahan akong lumingon. Nasa kabilang hallway ang grupo ng mga lalaki at babae na ilang linggo nang nang-iinis sa akin. Nakatayo sila malapit sa lockers. Nakangisi. "Ikaw ba kausap ko?" Tanong ng isang lalaki. Hindi ako sumagot. "Hoy!" Tinawanan niya ako. "Bingi ka ba?" "Hayaan
Rhenan POV “Sir, nasa labas po si Alexandra Lewis.” Bahagya akong napangisi habang dahan-dahang nilingon ang malaking bintana ng opisina ko. Sa labas ng mansyon, kitang-kita ko ang babaeng minsang sumira ng buhay ko. Basang-basa siya sa malakas na ulan. Nanginginig. Walang payong. Walan
Alexandra POV Dahan-dahan akong bumangon mula sa magulong kama, ninanamnam ang natitirang sakit at hapdi sa aking kaibuturan—isang pisikal na patunay na sa loob ng ilang sandali, naging akin si Rhenan. Hinugot ko ang kumot at ibinalot sa aking hubad na katawan, habang ang amoy ng aming pinagsaluha
Alexandra POV “Anong gusto mong gawin ko para makabawi ako sa’yo?” tanong ko. Bigla akong naawa sa kanya. May dahilan nga talaga kung bakit siya naging ganito sa akin. Gusto ko siyang paligayahin. At walang kaabog-abog, hinalikan niya ako. Marahas ang halik niya, pero kahit ganoon, hinalikan ko
Alexandra POV Nagising ako sa malakas na yugyog sa balikat ko. Napadilat agad ako at bumungad sa akin ang malamig na mukha ni Rhenan. Nanigas ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Kagabi ay parang naging maayos naman siya kahit papaano… pero ngayong umaga, para na naman siyang ibang







