Mag-log inELLISON MANSION
Nasa gilid ng pool si Psyche, nakatampisaw ang mga paa sa malamig na tubig habang pinagmamasdan ang kumikislap na reflection ng araw. Pero sa totoo lang, magulo ang isip niya. Hindi pa rin siya makamove on sa nangyari kanina sa opisina ni Harrison. Confession ba ‘yon? Or something else? Hindi pa rin niya alam… o baka ayaw lang talaga niyang intindihin. “My world once revolved solely around him, yet he barely acknowledged my presence. When he did, it was often in anger. But now, it feels like everything’s reversed—his world suddenly revolves around me. I used to envy the women who had his attention, because I wasn’t even part of his world.” Hindi niya namalayan na may nakatingin na pala sa kanya. “It seems my princess is lost in deep thought,” sabi ng isang pamilyar na tinig. Napalingon siya—si Don Ramon pala. Agad siyang tumayo, hinalikan ito sa pisngi, at inalalayan paupo sa gazebo. “May problema ba ang prinsesa ko?” tanong ng matanda, bakas ang pag-aalala. Ngumiti si Psyche. “Wala naman po, Lo. May mga iniisip lang ako, pero hindi problema.” “Your debut is fast approaching, my princess,” sabi ni Don Ramon na may ngiti. “I want a grand celebration—something as beautiful as your soul.” “Okay lang po sa akin kahit simple lang, basta nandiyan kayo,” lambing niya. “I wholeheartedly agree with Grandpa’s words—it’s your debut, and it deserves to be grand. I already contacted an event organizer,” biglang sabat ni Harrison na kararating lang. “That’s good, Harrison,” tugon ni Don Ramon. Umupo si Harrison sa harap ni Psyche, at bahagyang ngumiti. “How are you, my Azalea?” tanong niya, diretsong nakatitig sa kanya. “I’m fine, Kuya,” sagot ni Psyche, pilit ang ngiti. “Are you still afraid of me?” tanong ni Harrison, seryoso ang tono. “Hindi naman po sa ganun, Kuya…” sagot niya, medyo nailang. Natawa si Don Ramon. “You’re too strict, and your face always looks so serious—parang dragon na handang bumuga ng apoy! Kaya natatakot ang prinsesa ko sa’yo.” Napangiti si Harrison. “The beast within me only wakes when Azalea is harmed,” sagot nito, kalmado pero may lalim ang tono. “How poetic of you, apo,” natutuwang sabi ni Don Ramon. “Anong drama nila? Huwag kang assuming, Psyche. Little sister ka lang, tanga. Wag madumi utak mo, gaga!” bulong ni Psyche sa isip, pinipigilan ang ngiti. Maya-maya, dumating si Manang Elena kasama ang isang babae. “Don Ramon, nandito na po yung event planner.” “Good afternoon, Don Ramon. I’m Leslie Dela Cruz, the event planner you requested,” magalang na bati ng babae. “Good afternoon. Have a seat and let’s get down to business,” sagot ng Don. May dumating pang maid na may tray ng pagkain. Habang kumakain sila, nagsimula na ang planning para sa debut ni Psyche. Ayaw niya talaga ng magarbo, pero nag-insist si Lolo Ramon at si Harrison. They wanted something elegant and unforgettable for her. Tahimik lang siyang nakikinig habang pinagtatalunan ng dalawa ang mga detalye. Ngumiti na lang si Psyche. At least masaya sila, isip niya. --- INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM) Absent si Miranda — malamang, napuruhan pa rin sa suntok ni Psyche. Nasa classroom sila, naghihintay ng next teacher. “Hindi talaga mawala sa isip ko ‘yung sinabi ni Mommy tungkol sa Kuya Harrison mo, Psy,” sabi ni Claire habang nakasandal sa upuan. “Ano daw ‘yon?” tanong ni Calista, curious. Naglingon-lingon muna si Claire bago bumulong. Nanlaki ang mata ni Calista. “Wait—sinabi niya talaga ‘yon?” “Uh-huh,” sagot ni Claire, proud pa. “Siya pala ‘yung tinutukoy ni Daddy na mahirap kalabanin—kasi kaya daw niyang magpabagsak ng buong kaharian. That’s how powerful he is!” sabi ni Calista. “Kaharian?” kunot-noong tanong ni Claire. “It’s hyperbole, gaga,” sagot ni Calista. “Ohhh, gets ko na. Pero… totoo?” tanong ni Claire na halatang in shock pa rin. Napatawa si Psyche. “It’s a figure of speech, Claire. Don’t take it literally.” “Magbasa ka minsan, tanga,” sabi ni Calista, nakataas pa ang kilay. “Kung makatanga naman ‘to,” reklamo ni Claire. “Psy, totoo ba ‘yon?” tanong ni Calista. “Hindi ko rin alam, Cali,” sagot ni Psyche habang umiiling. “But he’s really protective of you, girl. Intense nga lang—pero maybe that’s just how he loves,” sagot ni Calista, kinikilig pa. “Ay grabe, ang swerte ng mapapangasawa niya. Lord, pahingi naman ng isang Harrison,” sabay tawa ni Claire. Napansin ni Psyche si Cheri, best friend ni Miranda, na nakatingin sa kanila ng masama. “Careful kayo, girls. Baka tayo naman ma-suspend kahit di natin kasalanan. Iba talaga pag malakas sa admin,” sabi ni Cheri, halatang naninira. “Yung BFF mong epal ang nauna kaya nasapak ni Psyche,” sabat ni Claire, nakapameywang pa. “Is there a problem with that? Baka gusto mo ring masampal,” balik ni Psyche, halatang nainis na. Nag-ingay ang buong klase. “Wooohhh!” sigaw ng ilan. “Sige, kapag sinapak ka ni Psyche, mukha ka ring panda gaya ni Miranda!” sigaw ng isa. “Ang ganda mo sana, Psyche, kaso nanununtok ka. Para kang tomboy!” tukso ng isa. “Mayaman nga, asal kalye naman. Walang breeding,” sabi ni Cheri, nang-aasar. “I’d rather stay real than lose myself trying to impress the crowd,” matapang na sagot ni Psyche. “Wooohhh! Barahan!” sigaw ulit ng mga kaklase. “Kung hindi lang mapapatawag ulit si Kuya Harrison, sinapak ko na ‘tong bruhang ‘to,” bulong ni Psyche sa isip. Biglang natahimik ang klase nang dumating ang teacher. “Settle down, everybody,” sabi nito. --- THE COFFEE BEAN CAFÉ Maaga silang natapos sa klase kaya nag-decide tambay muna sa café malapit sa school. Puno rin iyon ng mga estudyante. Nagtext na si Psyche sa driver na doon na siya susunduin. “Akala ko makikipag-away ka na naman kanina, Psy,” sabi ni Kenshin, sabay lagok ng iced latte. “Para ka talagang Amazona, girl,” dagdag ni Calista. “Gusto ko na ngang sapakin si Cheri, nagpipigil lang ako. Ayokong maka-strike two kay Kuya Harrison,” sagot ni Psyche habang umiiling. “Nabalitaan ko nga, ginigipit daw ni Harrison yung business ng mga Hidalgo,” sabi ni Lance. “Grabe, iba talaga si Harrison—laro lang sa kanya pero kaya niyang mangwasak ng isang business,” sabi ni Claire. “That’s why he’s feared in the business world,” seryosong sabi ni Kenshin. “He holds power—one move from him and people fall.” “Eh may mga kotse pa raw na worth millions of dollars,” singit ni Lance. “Eight million dollars daw ‘yung isa,” dagdag ni Kenshin. “Yun ‘yung ginamit niya nung hinatid at sinundo si Psyche sa BGC, right?” tanong ni Claire. “Yeah, that’s the one,” sagot ni Lance. “Totoo?!” halos sabay nilang tanong. “Tumigil nga kayo,” inis na sabi ni Psyche. “Mahilig lang talaga si Kuya sa kotse, so hayaan na natin siya.” Uminom siya ng iced coffee, pilit na kalmado. Tahimik ang grupo, hanggang sa biglang tumunog ang phone ni Psyche. 📱 Harrison’sPDPA: I’m currently at the parking lot. Kinabahan siya. “O, anong problema?” tanong ni Calista, nag-aalala. “Nothing,” sagot ni Psyche, pilit ang ngiti. “Gagi, anong ginagawa niya dito? Nasaan si Mang Ricardo? Bakit siya na naman? Iniiwasan ko nga siya, eh. Nakakainis! Hindi ko talaga maintindihan kung ano bang gusto niya. Laging parang may puzzle sa mga sinasabi niya.” Tumayo si Psyche. “Uy, saan ka pupunta?” tanong ni Lance. “Ahm… nandiyan na sundo ko. I really have to go,” mabilis niyang sagot. Nagpaalam siya at umalis, halos nagmamadali. “Nagmamadali ‘yon ah,” sabi ni Claire. “Hayaan niyo na, baka mapagalitan ni Harrison kapag nalate umuwi,” sabi ni Kenshin. “Alam niyo naman, super strict si Kuya Harrison,” dagdag ni Calista.ELLISON MANSION…Nakahiga si Psyche sa malambot na kama na parang ulap ang lambot—Italian silk sheets, custom-made mattress, at banayad na amber light mula sa crystal lampshade. Pero kahit gaano pa kaluxurious ang paligid, hindi pa rin siya dalawin ng antok. Pabaling-baling siya, tila mas mabigat pa ang mga iniisip niya kaysa sa katawan niyang pagod.Pumasok sa isip niya si Nathalie.Si Harrison.At ang nakaraan na pilit niyang ikinukubli sa pinakamalalim na sulok ng puso niya.Naalala niya noon—noong si Nathalie pa ang girlfriend ni Harrison. Masyadong mainit ang dugo nito sa kanya. Hindi man lantaran, pero ramdam niya. Isang taas ng kilay. Isang malamig na tingin. Isang mapanirang bulong sa likod niya. Worst of all, sinisiraan pa siya nito sa mga kakilala ng Lolo Ramon niya—na para bang isa lang siyang sagabal sa perpektong mundo nila.Masakit. Tahimik. Pero tiniis niya.Hanggang sa malaman iyon ng kanilang Lolo Ramon.Hindi niya makalimutan ang galit sa mga mata ng matanda noon—gal
Helm by Josh Boutwood — Bonifacio Global CityPunô ng warm lights at elegant minimalism ang Helm. Soft jazz hummed in the background habang ang city lights sa labas ay parang mga bituin na kayang abutin ng kamay—isang lugar na sakto para sa mga taong sanay sa karangyaan pero marunong pa ring mag-enjoy sa simpleng saya.Nagtatawanan silang tatlo pagpasok pa lang.Maingat na inalalayan ni Harrison si Psyche sa pag-upo, hinila pa niya ang upuan nito bago siya mismo umupo—isang kilos na parang natural na sa kanya, pero halatang puno ng lambing.Napailing si Lander, nakangisi.“Grabe ah… mukhang third wheel na talaga ako rito,” biro niya habang umiinom ng wine.Ngumiti si Psyche. “Arte mo, Kuya Lander. Ikaw naman yung pinaka-maingay.”“Syempre, kailangan kong i-balance yung sweetness n’yong dalawa,” sagot ni Lander sabay kindat.Sa di kalayuang mesa, napahinto si Nathalie sa pag-inom ng cocktail nang makita ang tatlo. Nakatitig siya kay Psyche—mula ulo hanggang paa—habang hawak ni Harrison
ELLISON TOWERS — HARRISON’S OFFICETahimik ang buong floor ng Ellison Towers. Floor-to-ceiling glass ang pader ng opisina ni Harrison, tanaw ang Manila skyline na kumikislap sa dapithapon—parang mga diyamante sa dilim. Sa gitna ng katahimikan, mahimbing na nakahiga si Psyche sa couch, yakap ang malambot na throw pillow na espesyal pang ipinadala mula Milan.Kanina pa siya tinamaan ng antok, kaya inutusan ni Harrison si Marlon na kumuha ng kumot at dagdag na unan mula sa private mini room niya sa likod ng opisina. Maingat niyang inayos ang kumot sa balikat ni Psyche, parang takot magising ang isang mahalagang alaala.Napangiti siya ng bahagya.Sa dami ng giyerang hinaharap ko araw-araw, ikaw lang ang pahinga ko, naisip niya.Biglang bumukas ang pinto.“Boss—”Napahinto si Lander nang mapansing may natutulog sa couch. Medyo napalakas ang pagsara ng pinto kaya kumaluskos ang salamin.Isang matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ni Harrison—yung tinging kayang magpatigil ng board meeting
INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM)Matapos ang ilang araw na pag-absent dahil sa biyahe nila sa Monaco, muling bumalik si Psyche sa loob ng ISM—suot ang simple pero eleganteng school uniform na parang kahit kailan ay hindi kailangang magpumilit para magmukhang classy. Kahit naka-ponytail lang ang buhok at halos walang make-up, ramdam pa rin ang kakaibang aura niya—yung tipo ng elegance na hindi tinuturo, kundi isinisilang.Sa hallway pa lang ay ramdam na niya ang mga matang nakasunod sa kanya.“Iba na talaga kapag mayaman, ’no?” bulong ng isang estudyante sa kaibigan niya.“Monaco just to attend a yacht party?”“Grabe, parang weekend getaway lang sa kanila ’yon,” sabay tawa.“Kung ako ’yon, tuition ko pa lang ubos na,” dagdag ng isa pa, may halong inggit at paghanga.Hindi pinansin ni Psyche ang mga bulungan. Sanay na siya. Pero sa totoo lang, hindi ang chismis ang bumabagabag sa isip niya—kundi ang katahimikan ng kaibigan niyang si Calista.Pagpasok nila sa classroom, agad niyang napa
MONACO INTERNATIONAL AIRPORT — PRIVATE TERMINALSa private terminal ng Monaco Airport, tila isang eksena mula sa isang high-society film ang nagaganap. Ang marble floor ay kumikislap sa ilalim ng crystal chandeliers, habang nakahilera ang mga black-suited security at ground crew na parang isang well-rehearsed orchestra. Sa labas ng floor-to-ceiling glass walls, tahimik na nakapark ang Ellison private jet—sleek, matte black, may gold-accented tail logo na agad nagsasabing old money meets absolute power.Hinatid sila nina Marcus at Dimitri hanggang mismong boarding stairs.“Take care, both of you,” sabi ni Dimitri, calm ngunit may bigat, ang French accent niya bahagyang humahalo sa English. Kita sa mata niya ang respeto—kay Harrison bilang kaibigan, at kay Psyche bilang someone precious sa pamilya.“We’ll see each other again,” dugtong ni Marcus, tinanggal ang sunglasses at tumingin diretso kay Harrison, may ngiting hindi mabasa kung biro ba o babala.Bahagyang ngumiti si Harrison—yung
WALTON-ELLISON MANSION, MONACO…Nagising si Psyche na may bahagyang dilim na sa labas. Ang malalaking glass windows ng kwarto niya ay tanaw ang kumikislap na ilaw ng Monte Carlo—mga yacht na parang mga bituin sa dagat, mga sasakyang dumaraan sa serpentine roads sa ibaba, at ang katahimikang tanging sa Monaco mo lang mararamdaman—mayaman, elegante, at mapanganib sa sariling paraan.Paglingon niya, agad niyang nakita si Harrison—mahimbing na natutulog sa couch sa gilid ng kama. Nakabukas pa ang isang butones ng tailored shirt nito, bahagyang gusot ang buhok, at nakataas ang isang braso na parang handang bumangon anumang oras.Ilang beses na niyang nahuhuling ganito si Harrison—natutulog sa couch, nakabantay sa kanya, parang isang bantay na hindi kailanman pinapayagang pumikit nang tuluyan.Napangiti siya, may lambing at kaunting kirot sa dibdib.Grabe ka talaga… kahit tulog ako, ikaw ang gising para sa’kin.Dahan-dahan siyang bumangon, tahimik na tahimik, para bang takot siyang magising







