Share

Chapter Forty-Two

NAPAGDESISYUNAN ni Harry na isang araw na lang ang ipaghihintay niya rito sa India. Babalik na siya ng Singapore kahit na hindi niya makausap ngayon si Chester Singh. Sa kaniyang palagay ay inaabot siya ng kamalasan sa lugar na ito ngayon. Napapabuntunghininga siya. Ayaw pa naman niyang umuwi nang bigo pero tila mailap sa kaniya ang tagumpay dito. Gagamitin niya ang natitira pang pag-asa para sa araw na ito.

Ang hindi niya alam ay may bagong bagay na namang iniiyakan ngayon ang kaniyang asawa.

May nagpadala ng email kay Jemima. Ang laman ng email ay ang mga litrato ni Harry kasama ang mga babae sa pub house na pinagdalhan sa kaniya ni Noerna Khan. Hindi kilala ni Jemima ang sender.

“Who are you? What is the meaning of this?” Kaagad niyang ipinadala ang kaniyang sagot sa naturang e-mail pero wala siyang natanggap na sagot.

Ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita, pero malinaw sa kuha ng larawang ito na kausap ni Harry ang mga katabing babae habang umiinom ito ng alak, at sa tabi
Julia

If you're happy with this story, please do share, vote, and comment. 💋

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status