“Hey, can you stand up now? Nakahiga pa rin ang kaniyang asawa. Umupo siya sa tabi nito. “We’re going to the doctor, remember?”
“My head is aching, Harry.”
Hinaplos niya ang noo ng asawa. “I thought you all ready took your medicine.”
“Mother told me not to take any medicine until I see a doctor. She’s worried that it might cause complications.”
“Oh, all right. Let’s go see a doctor then.” Hinawakan niya ang palad ng asawa para kumbinsihin itong bumangon na.
“You will be late to work. I’ll go alone. Don’t worry about me.” SInesenyasan niya itong lumayo na.
“No, my wife. You’re not feeling well. I can’t just let you walk alone.”
“It’s just a headache, Harry. I’m not going to die. You better go now.”
Bumuntunghininga na lang ang lalaki. Hinalikan niya ang asawa sa noo at tumayo. “I’ll call Cohen. Wait for
Thank you for reaching this far. Many more to go. Keep reading.
Napagdesisyunan ni Harry na pumunta ng bahay ng ama niya kung saan naroroon ang buong pamilya niya. Pupunta siya doon hindi para dumalo ng nasabing family dinner. Kakausapin niya ng masinsinan ang ama niya. Kailangan nilang mag heart to heart talk na mag-ama. Hindi siya mapagpatol kapag sinasaktan siya ng babae, lalo na ni Jemima. Bukod kay Jemima, may ilan din namang babae ang kinulang sa tiwala sa kaniyang kakayahan noon. Hindi siya natinag ng mga iyon. Pero iba itong ginagawa ni Jemima sa kaniya ngayon. Sa palagay ni Harry ay binu-bully pa rin siya ni Jemima ngayon, nag-iba nga lang ng paraan. Dinadaan na siya nito ngayon sa emosyon. Sapul na sapul naman siya. Nararamdaman niya ang pagkirot ng kaniyang dibdib. Ang babaing iyon, harap-harapan kung magbigay ng pagkagiliw sa ibang lalaki. Oo, magkaibigan sila, pero kailangan ba talaga niyang haplusin ang mukha nito? Siya lang dapat ang ginaganoon ng asawa niya. Makikipaghiwalay na siya kay Jemima. Hindi siya
AGAD na nilapitan at niyakap ni Harry ang asawa. “Sshhh! I told you about it, didn’t I?” Kumalas si Jemima sa pagkakayakap ng asawa. “But it’s different when I see it in my eyes!” Umiling-iling siya sa asawa. “I can’t take it, Harry! I can’t bear to see any of it!” Walang lingon-likod siyang lumayo sa asawa. Hindi na ipinilit ni Harry ang kagustuhang makapagpaliwanag sa asawa. Hinayaan na lang niya itong iwanan siya. Natagpuan ni Jemima ang sariling pumipila para sumakay ng cable car. Tinakpan niya ng jacket at bag ang maliit na umbok sa kaniyang tiyan. Nalungkot siya nang makita ang ilang romantic couples na pumipila rin. Naalala niya si Harry. Pinahid niya ang sumungaw na luha sa kaniyang mata. Habang sakay ng cable car ay sinulyapan niya ang magandang tanawin sa ibaba. Mula sa Mount Faber Station, nadaanan nila ang Keppel Harbour at Singapore Cruise Terminal. Napabuntunghininga siya. Alam niya kasi na ang Adventure Cove Waterpark na ang susunod niy
Nilapitan niya ang asawa. Hindi siya nagpapahalata na nagulat siya nang makita si Harry. Pero agad niya itong tinawag nang makita niyang hinahabol ang asawa niya nina Shelly at Sheena. Ito ang naging first reaction niya sa nakita. Siguro ay nasa sistema na niya ang pagiging asawa ni Harry Sy, kahit na hindi niya ito piniling pakasalan. “Jemima, you’re here!” Nasorpresa siya sa pagdating ng asawa. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa pagdating nito. Hinalikan ni Jemima sa pisngi ang asawa. Alam niyang hindi nito inaasahan ang halik niya. “I’m here for you, my general.” Ngumiti siya ng matamis dito. At the back of her mind, binibelatan niya ang mga babaing humahabol sa asawa niya. Agad na naunawaan ni Harry ang biglang sweetness sa kaniya ng asawa. Hinapit niya ito at hinalikan sa labi. Hindi ito nakahuma. “Kiss me back,” anas niya dito. Ibinuka ni Jemima ang labi niya. Tinanggap niya ang dila ni Harry. Hinayaan niya itong simsimin ang labi ni
KINAKABAHAN si Jemima, may pagdududa siya sa motibo ni Ivana sa kaniya, pero nagpaunlak siya sa imbitasyon nito. Nasa loob sila ngayon ng coffee shop. Magkaharap sila habang kumakain ng cake si Ivana. “They serve great coffee here,” Ivana said with a friendly smile. “You only ordered water. Healthy habits?” Ngumiti naman ng matipid si Jemima. “I’m still full.” Natuon ang paningin ni Ivana sa umbok sa tiyan ng kaharap. “You’re a catcher, I guess.” Ngumiti siya ng matipid. Matapos niyang humugot ng hininga ay tumingin siya uli sa tiyan nito. “I envy you,” aniya sa malungkot na boses. “Ivana,…” hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa babae. Sa itsura nito ngayon na tila pinagsakluban ng langit ay nawalan siya ng ganang makipagmatigasan dito. “I guess you own Harry now, huh!” Her lips thinned. Nang nagtagpo ang kanilang paningin ay muli siyang nalungkot. “Those years of waiting, he finally ended it with you carrying his
INIUWI na ni Harry ang asawa. Sinisigurado niyang hindi masasagi ng sinuman at anuman ang napasong kamay nito. Sa loob ng bahay, pinagmamasdan ni Jemima ang asawa habang abala ito sa pag-aayos ng beddings. Nakaupo si Jemima sa couch. Napatitig siya sa unan sa tabi niya. Nahinuha niyang malamang na ito ang dahilan kaya siya nabisto ni Ivana. Hinaplos niya ang unan. Mula nang umalis si Harry ay niyayakap at inaamoy-amoy niya ito. Naiwan pa rin kasi sa unan ang masculine scent ni Harry na suwabe sa ilong. Alam niya, kahit na natuluan niya ito ng luha ay ang amoy ni Harry pa rin ang namamayani dito, at marahil ay naamoy din ito ni Ivana. Gumuhit ang kirot sa dibdib niya nang maisip kung gaano ka-pamilyar ang amoy ng asawa niya kay Ivana. “You have to rest.” Hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kaniya si Harry. Umiwas siya nang aalalayan sana siya nito patayo.
NAGISING si Harry dahil sa malambot na bagay na dumampi sa kaniyang mga labi. Hindi pa man niya iminumulat ang mga mata ay alam niyang nasa harap ng mukha niya ang mukha ni Jemima, nalalanghap niya kasi ang mainit nitong hininga. Sabay ng pagmulat ng kaniyang mata ay ang pagngiti niya sa asawa. Sa palagay niya ay mukhang back to romantic melody na silang mag-asawa ngayon. Mukhang wala na itong sumpong. “Good morning,” anas niya. “It’s just the break of dawn,” malambing niyang sagot sa asawa kasabay ng matamis niyang pagngiti, “we can still make it, Harry.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ng lalaki, nasorpresa siya sa sinabi ng asawa. Napangiti siya laluna nang ipinatong nito ang katawan sa katawan niya. Bumulong siya sa tenga ni Harry, “we should cope up from our absences, don’t you agree?” at ipinasok niya sa bibig ang punong tenga ng asawa. Napangiti siya n
Habang nasa elevator ay pinagmamasdan ni Harry ang balisang asawa. Ginagap niya ito sa kamay. Bahagyang nagulat si Jemima sa paghawak sa kaniya ni Harry. Nanatili siyang tahimik, ayaw niyang makatawag ng pansin sa mga kasabay nila sa elevator. Muli siyang nagulat nang h******n siya ng asawa sa noo. Nakalabas na kasi sila ng elevator at maghihiwalay na sila patungo sa kani-kanilang opisina. Nakahakbang na si Jemima nang hinawakan siya sa bisig ni Harry. “Is there something wrong, hon?” Napasinghap si Jemima. “What’s wrong, honey? What’s bothering you?” tanong niya habang hinahaplos ang mukha ng asawa. “Did I do something bad to you?” Tila lumukso ang puso ni Jemima kasunod ay tila pagkurot ng karayom dito nang marinig niya ang huling tinanong ng asawa. ‘It’s me who did something awful, Harry.’ Pero hindi niya ito kayang aminin sa asawa. Niyakap ni Harry ang asawa. Inisip niyang baka dulot na naman ng hormones dahil sa p
MATAPOS niyang tulungang humiga sa kama nila ang asawa, h******n niya ito sa noo. Lumabas siya ng kuwarto. Hinarap niya sa salas ang ama. “No more flying pillow?” Nangingiting umiling-iling si Harry sa ama. “Her mood can easily change. Are all pregnant women like that?” “Maybe. Maybe not.” Sinenyasan niya si Harry na umupo paharap sa kaniya. “What is it that you’d like to talk about, Dad?” Kinuha ni Samuel ang isang sobre mula sa kaniyang bag. Iniabot niya ito sa anak, na tinanggap naman nito. Tiningnan niya sa mata ang nagtatakang anak. “Now that you got your two billion, I think you will not be upset if you won’t be chosen as president of the company tomorrow.” Namilog ang mga mata ni Harry. “This is it?” Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa ama. Napangiti siya sa kasiyahan. “Are you sure, Dad?” Tiningnan niya ang la