Share

CHAPTER 6

Penulis: Darkshin0415
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-20 17:55:12

TBRW CHAPTER 6

3RD POV

"Nagustuhan mo ba ang binili ko?" Tanong sa kanya ni Liam, habang para siyang nalulula sa mga damit at alahas na nasa harapan niya.

"Sabihin mo lang kung hindi mo gusto ang iba r'yan, dahil itatapon k-."

"H-hindi!" Utal na sigaw niya, habang taka itong napatingin sa kanya.

"A-ang ibig kung sabihin 'wag mong itapon, nagustuhan ko kasi." Muling wika niya, habang pilit na ngumiti rito. Nang mapansin niya na napatitig ito sa kanya, ay bigla nalang siyang napalunok.

"Isukat mo na." Namilog ang mga mata ni Zena, dahil sa kanyang narinig mula rito.

"M-mamaya nalang." Napansin ni Zena na napa-kunot ang noo nito na tumingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi.

"Bakit mamaya pa? Gusto ko ngang makita na nagsusuot ka niyan." Wika nito, kaya napatingin siya sa kanyang damit at akmang huhubarin na sana ang suot niya. Pero natigilan siya nang marinig niya ang malakas na pagmumura ni Liam.

"Talaga bang maghuhubad ka sa harapan ko?" Galit na wika nito, habang mabilis siya
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire's Real Wife   CHAPTER 6

    TBRW CHAPTER 63RD POV "Nagustuhan mo ba ang binili ko?" Tanong sa kanya ni Liam, habang para siyang nalulula sa mga damit at alahas na nasa harapan niya. "Sabihin mo lang kung hindi mo gusto ang iba r'yan, dahil itatapon k-." "H-hindi!" Utal na sigaw niya, habang taka itong napatingin sa kanya. "A-ang ibig kung sabihin 'wag mong itapon, nagustuhan ko kasi." Muling wika niya, habang pilit na ngumiti rito. Nang mapansin niya na napatitig ito sa kanya, ay bigla nalang siyang napalunok. "Isukat mo na." Namilog ang mga mata ni Zena, dahil sa kanyang narinig mula rito. "M-mamaya nalang." Napansin ni Zena na napa-kunot ang noo nito na tumingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. "Bakit mamaya pa? Gusto ko ngang makita na nagsusuot ka niyan." Wika nito, kaya napatingin siya sa kanyang damit at akmang huhubarin na sana ang suot niya. Pero natigilan siya nang marinig niya ang malakas na pagmumura ni Liam. "Talaga bang maghuhubad ka sa harapan ko?" Galit na wika nito, habang mabilis siya

  • The Billionaire's Real Wife   CHAPTER 5

    TBRW CHAPTER 53RD POV Hindi mapigilan ni Zoe, ang ma-excite habang tinatanggal ang bendahe sa mukha ni Zena, ito na rin ang pagkakataon na hinihintay niya, para makatakas kay Liam, lalo na at malapit na ang party na gagawin nito para sa nalalapit nilang kasal. Napasinghap si Zoe, matapos niyang makita ang bagong mukha ni Zena, dahil para siyang nakaharap sa isang salamin. "Lolo!" Tili na sigaw niya, habang niyakap niya ang lolo Leon niya, dahil sa tuwa na kanyang nararamdaman. "Salamat Lolo, dahil makasama ko na rin si Ross." Ngiting wika niya, habang na-patingin kay Cora at Rose. "Sinabi na naman namin sa 'yo Apo, na gagawin namin ang lahat, sumaya ka lang." Sagot nito. Habang pinipigilan naman ni Zena ang kanyang mga luha na 'wag bumagsak, dahil hindi niya mapigilan na makaramdam nang inggit kay Zoe, lalo na sa pagmamahal ng pamilya niya rito. "Ito ang mga damit ko, ayoko na sa kanila kaya sa 'yo nalang. Gusto kung gayahin mo ako para hindi magdududa sa 'yo si Liam." Wika ni

  • The Billionaire's Real Wife   CHAPTER 4

    TBRW CHAPTER 43RD POV "Alam kung kailangan mo ng pera, kaya handa kaming magbigay sa 'yo, isang taon lang ang kailangan namin." Wika ni Rose, kaya kunot-noo na na-patingin si Zoe rito."Bakit isang taon lang Mommy?" Taka na tanong nito, habang nilapitan ang kanyang ina. "Dahil alam kung kapag tapos na ang isang taon, handa na siyang palayasin ni Liam." Sagot ni Rose, kaya malawak na na-pangiti si Zoe. "Mabuti sana kung ganun ang mangyayari Mommy, alam mo naman kung gaano ka-baliw lang Liam na 'yon sa akin." Maktol na wika nito, habang niyakap ito ni Rose. "'Wag kang mag-alala Anak, gagawin naman ni Zena ang lahat, para magbago ang tingin ni Liam sa 'yo." Ngiting wika nito, habang tumingin kay Zena."Pumapayag kana ba Zena?" Tanong nito kay Zena, habang tumango ito. Malakas naman na napasigaw sa tuwa si Zoe, dahil sa kanyang narinig. "Kung ganun, pwede na pala akong pumunta sa ibang bansa Mommy!" Wika nito, habang tumango rito si Rose. Matamlay at malungkot na pumasok si Zena s

  • The Billionaire's Real Wife   CHAPTER 3

    TBRW C3 3RD POV Nang makita ni Zena ang isang lalaki na nasa swimming pool, ay agad siyang nagtago sa damuhan. Lihim niya itong tinitigan at nang makita niyang natumba ito ay mabilis niya itong nilapitan. Akmang tutulungan na sana niya ito. Pero tiningnan siya nito nang masama "Sino ka? At bakit mo ako nilapitan?!" Galit na sigaw nito, kaya mabilis siyang napa-atras. "Nakita kasi kitang natumba." Mahina na sagot ni Zena, pero malakas pa rin na sumigaw ang lalaki. "Hindi ko kailangan ang tulong mo! Kaya umalis ka!!" Muling sigaw nito, kaya agad na umalis si Zena at nagkubli muli sa halaman. Nang makita niyang lumapit si Zoe, ay muli siyang napatingin sa lalaki. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong nito kay Zoe, habang hindi maiwasan ni Zoe ang mapa-irap dito. "Alam mo naman na nagbihis pa ako." Galit na sagot nito sa binata. "Wala akong pakialam kung nagbibihis ka, ang gusto ko narito ka lang sa harapan ko!" Sigaw nito. "At ano ang tingin mo sa akin? Katulong mo? Na laging nakatayo

  • The Billionaire's Real Wife   CHAPTER 2

    TBRW C2 3RD POV Malakas na napasigaw si Zena, nang hawakan nang mahigpit ni Zoe, ang kanyang buhok. "Saan ka pupunta?" Galit na tanong nito, habang hindi pa rin siya binibitawan. "Aalis na ako rito, babalik na ako sa ampunan." Sagot ni Zena, kaya malakas siyang tinulak ni Zoe. "At sa tingin mo makakabalik ka pa ro'n?" Galit na wika nito, habang tinawag ang mga katulong. "Ano ang nangyayari rito?" Tanong ni Rose, matapos nitong makita si Zena na nasa sahig. Agad naman nitong nilapitan si Zoe, at tiningnan kung ayos lang ba ito, kahit nakita nitong si Zena ang naka-upo sa sahig at umiiyak. "Alam mo bang gustong tumakas ng babaeng 'yan Mommy." Napalingon si Rose kay Zena, dahil sa sinabi sa kanya ni Zoe. "Aalis ka?" Galit na wika ni Rose, at malakas itong sinampal. "Ang kapal din ng mukha mo, para gawin 'yon! Ni hindi ka man lang nagpasalamat at hinanap ka nila!" Galit nitong sigaw, habang muli na naman na sinampal si Zena. "Ikulong niyo ang babaeng 'yan! At 'wag na 'w

  • The Billionaire's Real Wife   CHAPTER 1

    THE BILLIONAIRE'S REAL WIFE CHAPTER 1 3RD POV "Anong ibig mong sabihin John?" Gulat na tanong ni Rose sa asawa niya. "Nakita na namin ang totoong Anak natin." Sagot nito sa asawa niya, habang bakas sa mukha nito ang gulat. "Hindi ba, sinabi ko na sa 'yo na 'wag mo na siyang hahanapin pa!" Galit na sigaw nito sa asawa niya. "Alam mong matagal ko nang natatanggap na wala na siya." "Rose, Anak natin siya, kaya may karapatan siyang bumalik sa bahay natin." "Pero paano na si Zoe? Gusto mo bang masaktan ang Anak natin?" "Maintindihan naman tayo ni Zoe, dahil patitirahin lang naman natin siya rito, at hindi naman natin siya mamahalin, katulad sa pagmamahal natin kay Zoe." Wika nito sa kanya. "Kahit na, alam mong si Zoe lang ang gusto ko, at wala nang iba pa." Madiin na wika ng asawa niyang si Rose, at mabilis na tinalikuran si John. "Zoe!" Tuwang wika nito, matapos nitong makita si Zoe, na bumaba sa kotse. "Mommy.." Tuwang wika nito, habang mahigpit na niyakap si Rose. "Halika An

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status