Home / Romance / The Billionaire's Redemption / Chapter 6: Valiente Ball

Share

Chapter 6: Valiente Ball

Author: AbbeyPen
last update Last Updated: 2025-10-28 00:22:42

Bahagyang napapalunok ng laway si Alia dahil kasalukuyang nasa harapan niya ang bilyonarong asawa sa papel. Ang art session nilang dalawa ni Elias ay kanilang ginagawa ngayon. 

Ang serye ng art sessions na iyon ay nagbigay ng kakaibang experience para kay Alia.  Para sa kanya ang art session nila ay naging isang pormalisadong arena para sa kanilang psychological warfare. 

Tatlong beses sa isang linggo nila ginagawa ang session. Tanging ang tunog lamang ng paghampas ng brush ni Alia sa canvas at ang maingat na paghinga ni Elias ang pumupuno sa dating art gallery ni Laura. Si Alia ay gumagamit ng kulay at texture upang magtanong samantalang si Elias naman ay gumagamit ng kanyang kapangyarihan at katahimikan upang magtago.

Sa loob ng maraming oras ay tinititigan ni Alia ang bawat detalye ng mukha ni Elias. Hinahanap niya ang tunay na pagkatao nito sa likod ng perpektong maskara. Ngayon lamang niya napansin na may peklat sa gilid ng kaliwang mata si Elias. Hindi iyon kasing-haba ng daliri at mapapansin mo lang yon kapag tinitignan mo ng matagal ang lalaki.

Ayon kay Elias ay bakas ng aksidente ang peklat na iyon na nagpabago sa kanyang buhay. Ito ang araw na namatay si Laura at ang kanilang anak. Pakiwari ni Alia ay nasasaktan din siya sa tuwing binabanggit ni Elias ang tungkol sa pagkawala ng kanyang unang pamilya. 

Hindi man niya nakilala si Laura maging ang anak nila ngunit dahil sa natuklasan niyang kalagayan ni Elias kaya siguro siya nakakaramdam ng ganun. Ilang taon na din kasi ang nakalipas ngunit sariwang-sariwa pa iyon kay Elias dahilan upang magbago siya. Sa portrait na ipinipinta ni Alia ay pinilit niyang bigyang-diin ang peklat nito. Tila ba iyon ang ang pinaka-importanteng detalye sa mukha ng kanyang obra maestra. 

“Bakit mo pinipinturahan ang peklat nang ganyan kalinaw, Alia?” tanong ni Elias isang hapon.  Malamig ang tono ng kanyang tinig kabaliktaran sa init ng mga nito na kanyang nakikita.  

Hindi kailanman sumira sa kanilang schedule si Elias, ngunit ang kanyang body language naman ay nagpapahayag ng paghihimagsik sa kagustuhan ni Alia. Gayunpaman ay wala siyang magawa para doon.

“Dahil iyon ang pinakatotoong bahagi ng inyong mukha, Mr. Valiente,” matapang na tugon ni Alia at pinahid ang isang stroke ng ochre sa paligid ng wound. 

“Paano mo naman nasabi ang bagay na iyan?” nanghahamon na tanong ni Elias. 

“Dahil ang peklat na ito ay nagpapakita ng sugat hindi lang sa iyong puso kundi maging sa guilt na pilit ninyong tinatago.”

Hindi na nakapagsalita si Elias dahil tila patalim ang salita ni Alia na tumama sa kaibuturan ng kanyang puso. Nanatili na lang siyang tahimik sa kanyang kinauupuan ngunit ang mahigpit na paghawak niya sa armrest ay nagpahiwatig ng kanyang internal struggle sa nangyayari. 

Hindi niya kayang lumabas sa studio dahil alam niyang ang pag-alis niya ay katumbas ng pagsuko. Hangga’t maaari ay hinayaan niya ang kanyang sarili na maging vulnerable sa tingin at judgment ng babaeng contractual na asawa niya.  Ang art session ay ang kanilang lihim na paligsahan. Kung saan ay laging nagwawagi Alia sa pagbubunyag ng humanity ni Elias.

Sa wakas ay natapos na ang tahimik na paligsahan nilang dalawa ngunit hindi pa man umiinit ang katawang lupa ni Alia sa Valiente mansion ay nalaman niyang may bago na naman silang palabas ni Elias. 

Ang kanilang susunod na public performance ay ang taunang Valiente Anniversary Ball. Ito ay isang kaganapan na nangyayari lamang isang beses sa isang taon kung saan ay dinadaluhan ng political at financial elite ng bansa. Ang main highlight ng gabing iyon ay ang first dance ng host couple.

Kasalukuyan na naman na nakaharap si Alia sa salamin at pinagmamasdan ang kanyang itsura. Kung maganda siya nung nakaraang gala na kanilang dinaluhan ay natitiyak niya na doble ang kanyang kagandahan ngayon. 

Pinili niya ang isang elegant, emerald green gown na perpektong sumasalamin sa kanyang balat at mata na nagbibigay-diin din sa kanyang natural beauty at vulnerability. Gaya nung gala ay si Elias muli ang bumili ng damit niya at ang presyo nito ay katumbas lamang ng kanyang buong dating pamumuhay. 

Sa halip na magdiwang ay hindi iyon muling maramdaman ni Alia. Batid niya na ang mga bagay na ginagawa ni Elias para sa kanya ay sumasagisag lamang sa kung ano ang kanyang bagong papel sa buhay nito. Napailing na lang siya sa kanyang naisip kaya nagpasya na siyang bumaba at magpakita sa bilyonaryong asawa sa papel. 

Nakasuot naman ng tailored black tuxedo si Elias na nagpapatingkad sa kanyang kapangyarihan. Gayunpaman, ang malamig na pagkatao ni Elias ay hindi kayang takpan ang kanyang kagwapuhan. Muling napailing si Alia sa kanyang naiisip dahil kanina lang ay kinamumuhian niya ang lalaki ngunit sa isang saglit ay agad naman niya itong hinahangaan ngayon. 

Blankong tingin lang ang binigay sa kanya ni Elias habang bumababa siya sa hagdan. Wala din  siyang sinabi sa damit ni Alia at tanging isang mabilis na glance lang ang ibinigay niya bago tumalikod.

“Alia, alam mo na ang drill natin,” malamig na paalala ni Elias, tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin at inaayos ang kanyang cufflinks.

“Ang ating sayaw ay symbolic. Tanging grace at stability lamang. Walang passion at walang over-the-top display ng pagmamahal. Tayo ay Valiente. Ang publiko ay kailangang makita ang isang rock solid union.”

“Naiintindihan ko po, Mr. Valiente. A business transaction, even on the dance floor,” tugon ni Alia, ang kanyang boses ay parang basag na kristal na puno ng mapait na sarcasm. Ang sakit ay naroon pa rin, ngunit sinubukan niyang gawing baluti ang kanyang pride.

"I will perform my duty, as always."

Pagdating nila sa ballroom ay mapapansin agad ang ambiance na opulent at dazzling. Ang mga chandeliers ay nagpapakita ng kanilang yaman, at ang mga tao ay nagbubulungan at nakatingin. Maihahalintulad sila sa mga vultures na naghihintay ng gossip. Ang kanilang pagpasok ay tila isang marangyang prosesyon. Ang mga mata ng socialites ay humahatol at nagtataka kung paanong ang isang babae na walang background ay nakakuha ng pinakamakapangyarihang lalaki sa bansa.

Pagdating ng oras para sa first dance ay inabot ni Elias ang kamay ni Alia. Muli ay naramdaman ni Alia ang mainit na mga palad ni Elias na nakahawak sa kanyang kamay. Ang lahat ng tao ay umalis sa dance floor ng magsimula ang waltz na tugtugin. Naiwan silang dalawa sa gitna habang nasa ilalim ng spotlight na tila isang sikat ng araw na naglalantad sa lahat ng kanilang kasinungalingan.

Nagsimula silang sumayaw. Ang unang mga galaw ni Elias ay kalkulado at pormal. Tumpak at perpekto ngunit walang emosyon. Pilit siyang lumalayo kay Alia at sinisigurado na ang kanilang mga katawan ay hindi nagdidikit. Nagpapakita iyon ng distansya na hinihingi ng kanilang kontrata.

Ngunit nang tumama ang climax ng tugtugin, ang musika ay naging mas sensual at dramatic. Bigla ay nagkaroon ng pagbabago kay Elias.

Biglang humigpit ang hawak ni Elias sa baywang ni Alia. Ang kanyang kamay ay bumaon sa fabric ng kanyang damit. Sa unexpected na galaw na iyon ay tila may kuryente na dumaloy sa pagitan nila. Ang kanyang kamay ay naging mapag-angkin. Nawala ang pagiging formal at distant niya kanina. Ang kanilang mga katawan ngayon ay nagdikit na at sa friction na iyon ay nalimutan ni Elias ang audience, ang contract, at ang kanyang sarili.

Nagkatinginan silang dalawa habang patuloy sa ginagawang pagsayaw. Sa mga mata ni Elias ay nakita ni Alia ang matinding labanan. Ito ay ang desire na sumabog sa kanyang control o ang pagnanasa na hindi niya dapat maramdaman. Ang tension ay masyadong malakas at hindi na ito show para sa publiko. Ito ay isang mapanganib na labanan ng self-control na batid nilang pareho nilang paglalabanan.

“Huwag kang tumingin sa akin nang ganyan,” mariing bulong ni Elias. Naramdaman ni Alia sa kanyang tenga ang mainit na hininga nito. Ang kanyang boses ay parang babala at pakiusap sa iisang pagkakataon na nagpapahiwatig ng kanyang pagkahumaling.

“Ang lahat ng ito ay show lamang Alia. Huwag mong sirain ang ating image.”

“Paano ba ako dapat tumingin, Elias?” pabulong na ganti ni Alia habang hinahayaan ang kanyang sarili na madala sa rhythm ng musika at sa init ng kanyang kamay.

“Bilang isang asset lang? Hindi ko alam kung paano magpanggap kung ikaw mismo ang lumalabag sa kontrata sa bawat haplos at bawat tingin mo sa akin. May nararamdaman ka at ito ay nagdudulot ng risk sa ating agreement.”

Ang kanyang mga salita ay tila nagbigay ng permission kay Elias upang maging mas raw. Iginaya niya si Alia sa isang dramatic turn. Hinawakan ang kanyang likod nang mas matindi at ang kanilang mukha ay halos magdikit na. Ang bawat paggalaw ay naging mas sensual at may halong intimate. Sa isang turn, ay naramdaman ni Alia ang kanyang hininga sa kanyang labi. Sa sandaling iyon, ang ballroom, ang mga mata, at ang contract ay nawala. Tanging ang init ng kanilang pagdikit ang nanatili.

Ngunit sa gitna ng intimate na turn ay napansin ni Alia ang isang bagong mukha na nakatingin sa kanila mula sa gilid ng ballroom. Isang babaeng nakasuot ng itim na damit na may matatalim at mapanghusgang mga mata. Nabanggit na iyon sa kanya ni Elias habang nasa art session sila kaya nakilala niya ang babae. 

Ito si Andrea, ang kapatid ni Laura. Sinasabing umalis ng bansa ang babae pagkatapos ng aksidente. Si Andrea ay may tingin na akusasyon at pagkamuhi sa kanilang dalawa ni Elias. Tila sinasabi ng kanyang mga mata na :

"Hindi mo alam kung sino ang pinakasalan mo, at hindi mo deserve ang kanyang apelyido."

Nang matapos ang sayaw ay halos hindi makahinga si Alia. Ang init ni Elias ay nakaukit pa rin sa kanyang baywang. Ngunit bago pa man siya makabawi ay bumalik na si Elias sa kanyang cold demeanor.

“Perfect performance,” sabi ni Elias, habang inilalayo ang kanyang kamay. Ang kanyang ekspresyon ay naging blank na parang hindi nangyari ang intense na sayaw. Pilit na pinipigilan nito ang anumang bakas ng emosyon kanina.

“Elias,” pigil ni Alia at tiningnan siya sa mata.

“May nakita ako. Isang babae. Sa gilid ng ballroom. Si Andrea, ang kapatid ni Laura. Alam kong siya iyon.”

Biglang nanigas si Elias. Ang kanyang mukha ay nawalan ng kulay, at ang lamig ay bumalik nang may mas matinding pagka-alarma. Mabilis siyang lumingon sa direksyon na itinuro ni Alia, ngunit wala na roon si Andrea. Tila isang masamang pangitain na naglaho ang naging atake nito.

“Wala si Andrea sa bansa,” matigas na sabi ni Elias, hinila si Alia palayo sa dance floor papunta sa isang mas tahimik na sulok. Ang kanyang boses ay mahigpit at puno ng banta.

“Maaaring nagkakamali ka, Alia. Si Andrea ay nasa ibang bansa. Huwag kang mag-alala tungkol sa mga multo, Alia. Huwag mong hahayaan na guluhin ng imahinasyon mo ang ating plan. Ang pagdududa ay nakakasira ng negosyo at hindi ko hahayaan na masira mo ang lahat dahil sa isang ilusyon.”

Ngunit alam ni Alia ang nakita niya. Ang pagbabalik ni Andrea ay hindi imagination. Ito ay isang bagong banta sa kanilang pilit na kasunduan. Isang banta na mas personal at mas konektado sa lihim na pinakatatago ni Elias.

Ang dance of avoidance ay tapos na. Ang laban para sa katotohanan ay nagsisimula pa lamang. Ang guilt na nakita ni Alia sa peklat ni Elias ay tila may tunay na katauhan at ito ay si Andrea. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 11: Legacy Pressure

    Matapos ang matagumpay na media campaign na inilunsad ni Alia gamit ang kanyang masterpiece na "The Burden of Honor," ay pansamantalang naghari ang katahimikan sa Valiente Mansion. Ang portrait ay naging pambansang usapin dahil binago nito ang image ni Elias mula sa isang walang-pusong tycoon tungo sa isang nagsisising lalaki na nalunod sa guilt ng pag-ibig. Ang art ay naging isang sumpa at isang panalangin. Isang sumpa dahil ibinunyag nito ang vulnerability ni Elias, ngunit isang panalangin dahil ito ang nagligtas sa Valiente Corporation mula sa imminent collapse.Si Elias ay hindi na bumalik sa kanyang dating cold na persona. Ang kanyang pag-amin kay Alia tungkol sa pagkamatay ni Laura ay tila isang malaking bato na inalis sa kanyang balikat, ngunit ang bigat ng pagiging responsible sa trahedya ay nanatili. Sa tuwing nagkikita sila ni Alia sa dining table ay wala na ang mga maskara na matagalk na nagtago sa kanilang dalawa. Sa ngayon ay magkasanib na guilt at kakaibang partnership

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 10: Drawing Hope

    Ang art studio sa Valiente Mansion ay naging kanilang kulungan at sanctuary sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Ang kontrata na kanilang nilagdaan ay pansamantalang nawala dito at ang tanging nag-uugnay sa kanila ngayon ay ang puting canvas na nakatayo sa gitna. Tinanggal ni Elias ang kanyang armor ng pagiging CEO at isinuot ang mask ng isang lalaking sinira ng guilt.Si Elias ay kasalukuyang nakaupo sa isang matanda at lumang leather armchair. Tila siya ay isang nasirang monumento na pilit pa ring nagtatayo ng kanyang sarili. Sa loob ng maraming oras ay nanatili siyang tahimik at ang kanyang katawan ay kalmado, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang malalim na balon na puno ng pighati. Ang perpektong muse para sa isang masterpiece ng pagdurusa na nais iguhit ni Alia.Si Alia naman ay ganap na focused at walang-takot ay nagtatrabaho ng walang-tigil. Ang kanyang mga kamay ay gumagalaw ng may awtoridad at bilis. Ang charcoal ay naglalabas ng mga anino ng kasalanan sa canvas

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 9: Billionaire's Truth

    Ang library ng Valiente mansion ay nanatiling tahimik dahil sa mga kasalukuyang nangyayari. Ang bigat ng katotohanan ay mas mabigat pa sa mga mamahaling aklat na nakahanay sa mga shelves na nakadikit sa dingding. Sa isang malaking mahogany table ay nakasalansan ang mga conflicting evidence: Ang lihim na journal ni Laura, ang detalyadong financial reports ng fraud, at ang opisyal na Police Report na nagsasabing ang pagkamatay ay isang solitary vehicular accident. Sa pagitan ng mga documents na ito ay nagkatinginan sina Alia at Elias. Ang kanilang bargain ay naselyuhan ng katotohanan para sa pag-asa.Si Elias ay nakatayo pa at ang kanyang posture ay matigas pa rin, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang sugatang animal na nakulong. Si Alia naman ay nakaupo at ang journal ay mahigpit niyang hawak. Sa ngayon ay hindi na siya ang babaeng may utang dahil siya na ang Judge at ang Confessor.“Umupo ka, Elias,” utos ni Alia. Gamit ang kanyang pangalan ng may isang finality na nagpapah

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 8: Andrea's Attack

    Pagkatapos ng pagtuklas ni Alia sa journal ni Laura ay nagbago ang kanyang pakikitungo kay Elias. Hindi na iyon nababalot ng takot kundi ng tunay na galit at matinding pagdududa. Hindi lamang isang simpleng journal ang hawak niya ngayon dahil tila isa itong bomba na inihagis sa gitna ng kanilang contractual marriage. Malaking tulong ang journal na ito sa kung ano ang nais niyang malaman tungkol kay Elias at Laura, maging ang dahilan sa pagbabalik ni Andrea.Bawat pahina ng journal ay nagpapahiwatig na si Elias ay hindi lamang nagtatago ng isang masakit na alaala, kundi isang posibleng krimen na ginagamit ang kanyang buhay at ang buhay ng kanyang magiging anak bilang shield sa publiko. Ang bawat haplos at halik ni Elias ay naging kasangkapan upang panatilihin siyang tahimik. Ito ay hindi upang ipahayag ang kanyang damdamin. Sa mata ni Alia, si Elias ay isang lalaking nag-aalab sa guilt at kapangyarihan at kailangan niyang makawala sa kahit na anong paraan.Ang bigat ng impormasyong dal

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 7: The Past

    Hindi nagising si Alia dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng alaala ng nakaraang gabi. Ang silid niya ay tahimik at naliligo sa sinag ng umaga ngunit ang kanyang isip ay maingay at tila naliligalig. Pakiramdam niya ay hindi pa nawawala sa kanyang balat ang init ng pagdikit ni Elias sa kanya habang nagsasayaw sa dance floor. Ang pagnanasa na hindi niya mapigilan nang oras na iyon at ang nag-aalab na banta ng mainit na hininga ni Elias sa kanyang tainga. Ngunit ang pinakamabigat sa lahat ng kanyang nararamdaman ngayon ay ang sulyap ng babaeng nakaitim, si Andrea na dumagdag sa bagabag ng kanyang puso.Batid ni Alia sa kanyang sarili na hindi siya nagkamali. Dama niya ang galit sa mga mata ni Andrea ay totoo. Madilim man ang kinaroroonan niya nung panahong iyon ngunit batid ni Alia na totoo ang kanyang nakita. Ang mabilis na pagkawala ni Andrea sa kanyang paningin ay tila nagpapatunay lamang sa kanyang matagal na hinala. Si Elias ay may itinatagong malaking lihim tungkol sa kanyang nak

  • The Billionaire's Redemption   Chapter 6: Valiente Ball

    Bahagyang napapalunok ng laway si Alia dahil kasalukuyang nasa harapan niya ang bilyonarong asawa sa papel. Ang art session nilang dalawa ni Elias ay kanilang ginagawa ngayon. Ang serye ng art sessions na iyon ay nagbigay ng kakaibang experience para kay Alia. Para sa kanya ang art session nila ay naging isang pormalisadong arena para sa kanilang psychological warfare. Tatlong beses sa isang linggo nila ginagawa ang session. Tanging ang tunog lamang ng paghampas ng brush ni Alia sa canvas at ang maingat na paghinga ni Elias ang pumupuno sa dating art gallery ni Laura. Si Alia ay gumagamit ng kulay at texture upang magtanong samantalang si Elias naman ay gumagamit ng kanyang kapangyarihan at katahimikan upang magtago.Sa loob ng maraming oras ay tinititigan ni Alia ang bawat detalye ng mukha ni Elias. Hinahanap niya ang tunay na pagkatao nito sa likod ng perpektong maskara. Ngayon lamang niya napansin na may peklat sa gilid ng kaliwang mata si Elias. Hindi iyon kasing-haba ng daliri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status