LOGINLumipas ang halos ilang oras bago tuluyang naayos ang shipment issue. Nakuha pa ng courier ang box at ibinalik sa studio. Habang inaayos ang tamang lining, napansin ni Lia na wala si Mina sa main floor.
May kakaibang katahimikan sa pantry area nang madako siya. Paglapit niya roon, sa may bandang fire exit ay narinig niya ang mahinang hikbi.
Hindi siya agad pumasok. Hinayaan muna niyang makapaglabas ng sama ng loob ang bata. Pagkatapos ay kumatok siya nang marahan.
“
Lumipas ang halos ilang oras bago tuluyang naayos ang shipment issue. Nakuha pa ng courier ang box at ibinalik sa studio. Habang inaayos ang tamang lining, napansin ni Lia na wala si Mina sa main floor.May kakaibang katahimikan sa pantry area nang madako siya. Paglapit niya roon, sa may bandang fire exit ay narinig niya ang mahinang hikbi.Hindi siya agad pumasok. Hinayaan muna niyang makapaglabas ng sama ng loob ang bata. Pagkatapos ay kumatok siya nang marahan.“Mina?”Bumukas ang pinto at agad nagpunas ng luha ang intern. “Sorry po, ma’am.”“Halika,” sabi ni Lia, tinuturo ang isang hakbang ng hagdan.Umupo sila at hindi pa rin makatingin sa kanya si Mina.“I know I should be strict with you,” panimula ni Lia, hindi malamig ang tono. “At may dahilan kung bakit mataas ang standards dito. Pero things do go south sometimes. Hindi lahat ng pagkakamali ay katumbas ng katapusan.
Sanay na si Lia sa ingay ng atelier tuwing umaga. Hindi ito iyong magulong ingay na walang direksyon, kundi iyong klase ng tunog na may ritmo ng gunting na tumatama sa mesa, makina ng pantahi na sabay-sabay umaandar, mahinang diskusyon tungkol sa adjustments ng hemline o neckline. Ito ang mundo niya. Structured. Kontrolado. May sistema. At siya ang sentro ng sistemang iyon.Pagpasok pa lang niya, may hawak na siyang tablet kung saan nakaayos ang schedule ng kanyang buong araw. May fitting sa alas-diyes para sa isang bride na perfectionist. May tawag sa supplier bago magtanghali. May revision ng tatlong evening gowns para sa trunk show sa susunod na linggo. Hindi siya dramatic sa trabaho; hindi siya ‘yung designer na naglalakad na parang nasa runway. Tahimik siyang kumikilos, pero bawat staff alam kung kailan seryoso ang sitwasyon batay sa paraan ng pagtingin niya.Hindi pa man siya nakakaupo nang tuluyan, napansin na niya ang kakaibang tensyon sa paligid. Hindi siya sumigaw para magt
Hindi agad nawala sa isip ni Lia ang amoy ng silk.Pagkatapos niyang ibalik ang kahon kay Adrian, inakala niyang matatapos na roon ang usapin. Ngunit may isang maliit na piraso ng tela na naiwan sa studio. Iisang sample na hindi na naisama sa kahon dahil ginamit iyon ng isa sa mga assistant para i-compare ang texture. Hindi niya iyon pinapansin sa unang dalawang araw lalo na at abala siya sa fittings, sa revisions, sa pakikipag-usap sa buyers na gustong bawasan ang presyo ngunit hindi ang standards.Ngunit sa ikatlong gabi, nang siya na lamang ang natira sa atelier, napansin niya ito.Tahimik ang buong palapag. Ang ilaw sa loob ay mas malambot kapag gabi, mas dilaw, mas pribado. Iba ang tunog ng silid kapag wala ang mga makina at wala ang mga tao, mas malinaw ang bawat hakbang, bawat paggalaw ng tela sa mesa.Lumapit siya sa cutting table upang ayusin ang mga naiwan na pattern. Doon niya nakita ang piraso ng silk, nakapatong sa gilid, bahagyang nakalaylay.Hinawakan niya iyon upang it
Hindi agad ibinalik ni Lia ang sutla, at hindi rin niya ito itinago. Nanatili ang kahon sa sulok ng studio niya sa loob ng ilang araw, parang isang tahimik na bisita na walang balak umalis. Tuwing papasok siya sa atelier, una niyang napapansin ang natural na liwanag na dumadaan sa malalaking bintana, ang mga rack ng sample pieces, ang mga pattern na nakasabit sa corkboard—at pagkatapos noon, ang kahon.Hindi niya ito kailangang hawakan para maalala kung sino ang nagpadala.Sa tuwing nag-iisa siya sa studio sa gabi, doon nagiging mas malinaw ang presensya nito. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa alaala. May mga bagay na kahit gaano mo pa kalalim ilibing, babalik kapag tahimik na ang paligid, kapag maayos na ang lahat. Isang gabi, hindi niya napigilan. Lumapit siya, umupo sa harap ng kahon, at dahan-dahang binuksan iyon.Kumikislap pa rin ang sutla sa ilalim ng ilaw. Maingat ang pagkakatupi, halos parang hindi hinawakan ng ibang kamay.She sho
Hindi siya ngumiti nang binuksan ni Lia ang kahon.Ang liwanag mula sa monitor ang tanging gumagalaw sa madilim niyang opisina—repleksyon ng studio ni Lia sa kanyang mga mata. Muted ang interior, malamlam ang kulay ng dingding, malinis ang anggulo ng kuha. Presisyonado ang pagkaka-install ng camera. Bahagi iyon ng isang building-wide security upgrade.Legal. Diskreto. Hindi agaw-pansin.Isang sistemang siya mismo ang nagpatupad.Gaya ng gusto niya.Gaya ng kailangan niya.Tahimik siyang nakatingin habang hinihiwa ni Lia ang tape sa gilid ng kahon. Mabagal ang kilos nito—hindi dahil nag-aatubili, kundi dahil sanay itong hindi nagpapadala sa padalos-dalos na emosyon.Hindi siya interesado sa laman ng kahon.Interesado siya sa pagitan ng mga segundo.Sa paghinto.Kilala niya si Lia. Kapag may kutob ito, hindi agad kikilos. Hindi agad magtatanong. Susuriin muna ang espasyo, ang posibilidad, ang panganib. T
Dumating ang kargamento sa oras na hindi inaasahan.Hindi sa simula ng araw o sa patapos na sanang oras ng trabaho, kung hindi sa kalagitnaan ng araw habang ang mga tao'y nagpapasya kung manananghalian ba o tatapusin muna ang mga tinahi, ginunting, o trabahong kanilang nasimulan.Isang sandaling walang dapat gumambala dahil nasa importanteng parte sila ng araw.Ngunit may dumating, at biglang gumulo sa normal na Sistema ng araw na iyon.“Ma’am Lia?”Napalingon siya mula sa mesa ng kanyang mga sketch, ang lapis ay nakabitin sa ere, ang ideya niya'y biglang naputol. Nakatayo sa pintuan si Mara, ang kaniyang assistant, hawak ang clipboard at may bahagyang pag-aalinlangan sa mukha.“May dumating po para sa inyo.”Isang kahon ang kasunod nito-malaki, maingat na binalot, at may mga selyo ng customs clearance sa gilid. Hindi ito ordinaryong padala. Masyado itong pulido. “May pangalan ba?” tanong ni Lia habang lumalapit.Umiling si Mara. “Wala po. Walang sender. Walang note. Pero rare import







