LOGIN“I’ll see you soon.”
Hindi na bumalik sa dati ang mundo ni Lia matapos ang gabing iyon. Kahit bukas ang lahat ng ilaw sa Lia Atelier, may bahagi ng katahimikan na tila mas mabigat kaysa dati. Ang mga salamin ay pareho pa rin, ang marmol ay kasing kinis pa rin, ang mga disenyo ay kasing ganda ng inaasahan ng mundo—pero siya, hindi na. Hindi iyon nakikita ng iba. Wala sa mga tahi ng tela, wala sa mga sukatan ng baywang, wala sa perpektong hulma ng bawat gown. Ngunit sa bawat galaw niya, sa bawat paghinga, ramdam niya ang bigat ng isang presensyang hindi na kailangang makita para maramdaman. Hindi niya maalala kung ilang beses nang pumasok sa isip niya ang mga salitang iyon. Parang multong ayaw matahimik. Kahit pilitin niyang ibalik ang sarili sa trabaho—sa deadlines, sa fittings, sa ingay ng industriya—lagi at laging may sandaling nahuhuli siya ng katahimikan. At doon siya natatalo. Nakatayo si Lia sa gitna ng studio, hawak ang phone na matagal nang patay ang screen. Wala nang mensahe. Wala nang tawag. Pero parang may bakas pa rin ng init sa palad niya, parang anumang oras ay muli itong gagalaw at sisirain ang pilit niyang katahimikan. Huminga siya nang malalim. Kung eto talaga ang dapat mangyari sa’kin, naisip niya, tatanggapin ko. Ngunit iba pala ang pagtanggap sa pagpapatahimik ng sarili. Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nagwawala. Ang sakit ay hindi palaging malakas. Minsan, tahimik lang itong naninirahan sa loob—unti-unting inuubos ang espasyong para sana sa paghinga. Sa tuwing mapapatingin siya sa mga disenyo niya, naaalala niya kung paano niya natutunan ang maging mag-isa. Paano niya binuo ang pangalan niya nang walang kamay na hahawak sa kanya sa gabi. Paano niya tinahi ang bawat pangarap habang may bahagi ng sarili niyang naiwan sa isang lalaking piniling mauna ang mundo kaysa sa kanya. Akala niya, tapos na iyon. Akala niya, sapat na ang distansya. Ang divorce. Ang mga taon ng katahimikan. Pero may mga tao palang hindi umaalis. Nag-iiba lang ng anyo. Sa bawat yabag niya sa studio, may kakaibang pakiramdam—parang may matang sumusunod, kahit wala naman. Parang may hangin na dumadaan, may bigat na hindi maipaliwanag. Hindi takot ang una niyang naramdaman. Hindi rin galit. Pagod. Pagod siyang maramdaman na muli siyang hinihila pabalik sa bersyon ng sarili niyang matagal na niyang iniwan. Umupo si Lia sa paborito niyang upuan—iyong dati’y inuupuan niya tuwing hatinggabi, kapag tapos na ang lahat at siya na lang ang natitira. Noon, iyon ang oras ng kapayapaan niya. Ngayon, iyon ang oras na mas malinaw ang ingay sa loob ng isip niya. Naalala niya ang sarili niyang sinabi noon. Kung mananatili tayo sa ganito, pareho lang tayong mauubos. Hindi niya iyon sinabi dahil hindi na niya mahal si Adrian. Sinabi niya iyon dahil nawawala na siya. Unti-unti. Tahimik. Walang nakakapansin. At ngayon, naroon na naman ang pakiramdam na iyon—na parang may humihila sa kanya palayo sa sariling sentro. Na parang may boses na nagsasabing hindi pa tapos ang lahat, kahit matagal na niyang pinili ang wakas. Masakit iyon dahil bahagi niya ang gustong maniwala. Bahagi niya ang gustong isipin na may saysay ang lahat ng pinagdaanan nila. Na may dahilan kung bakit bumabalik ang mga anino. Na baka may hindi pa natatapos. Ngunit mas malaki ang bahagi niyang pagod na. Pagod na siyang ipaglaban ang sarili laban sa isang lalaking hindi niya kailanman natalo—dahil hindi ito lumaban nang patas. Hindi ito sumigaw. Hindi ito nanakit nang direkta. Pinili lang nitong mawala. At ngayon, ang pagkawala na iyon ay bumabalik bilang presensya. Tumayo si Lia at naglakad papunta sa bintana. Tanaw niya ang siyudad—mga ilaw, mga gusali, mga taong abala sa kani-kanilang mundo. Dati, gusto niyang maging bahagi ng lahat ng iyon. Ngayon, gusto na lang niyang maging payapa. Kung eto ang buhay na napili para sa’kin, bulong ng isip niya, kailangan kong kayanin. Pero kahit ganoon, may katotohanang ayaw niyang tanggapin— Hindi pa siya handa. Hindi pa siya handang harapin ang pagbabalik ng lalaking minsang naging sentro ng mundo niya. Hindi pa siya handang patunayan kung gaano na siya katatag. Hindi pa siya handang ipagtanggol ang katahimikang matagal niyang binuo. Dahil ang katahimikan niya ay marupok pa rin. At sa gabing iyon, habang pinapatay niya ang ilaw ng studio at iniwan ang sarili sa dilim na dati niyang kinatatakutan, isang bagay ang malinaw kay Lia— Hindi niya alam kung paano lalaban.Hindi niya alam kung paano tatakbo. Ang alam lang niya, may bumabalik. At may bahagi sa kanya na natatakot na baka, sa pagkakataong ito, siya na naman ang mawawala. Hindi agad umalis si Lia sa studio. Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng dilim, hinayaang masanay ang mga mata niya. Dati, takot siya sa ganitong katahimikan—sa kawalan ng ingay, sa kawalan ng distraksiyon. Pero ngayon, mas kinatatakutan niya ang liwanag. Dahil sa liwanag, mas malinaw ang lahat ng bagay na pilit niyang iniiwasan. Mas malinaw ang alaala ni Adrian. Hindi ang lalaking bumalik—kundi ang lalaking minahal niya noon. Iyong bersyon na minsang humawak sa kamay niya at nangakong hindi siya pababayaan. Iyong lalaking minsang naniwala siyang kakampi niya laban sa mundo. Napapikit si Lia. Bakit ngayon? Bakit kung kailan buo na ulit ako—kahit pilit lang? Sa loob ng apat na taon, natutunan niyang mabuhay nang walang inaasahan. Natutunan niyang huwag maghintay ng tawag, huwag umasa sa yakap, huwag umasa sa “mamaya.” Ang mundo niya ay naging eksakto, kontrolado—isang ironiyang hindi niya napansin hanggang ngayon. At ngayo’y may isang lalaking bumabalik, dala ang eksaktong kabaligtaran ng katahimikan na pinaghirapan niyang buuin. May bahagyang panginginig sa kamay ni Lia habang kinuha niya ang phone at tiningnan ang screen—walang bagong mensahe. Pero parang naroon pa rin ang bigat ng mga salitang sinabi ni Adrian. Hindi iyon banta. Hindi rin pangako. Isang katiyakan. At iyon ang mas nakakatakot. Dahan-dahan siyang naupo sa sahig, isinandal ang likod sa malamig na salamin. Noon pa man, kapag pagod na siya sa mundo, ganito ang ginagawa niya—umuupo, humihinga, hinihintay na bumalik ang sarili niya. Pero ngayon, parang may nawawala. Hindi siya galit. Hindi rin siya umaasa. Ang nararamdaman niya ay isang uri ng kalituhan na mas masakit pa sa alinman sa dalawa. Dahil alam niyang kahit gaano niya pilitin, hindi niya kayang burahin ang katotohanang minsan, si Adrian ang tahanan niya. At ang mga tahanan, kahit gumuho na, ay may paraan talagang manatili sa alaala. Kung ito talaga ang babalik sa buhay ko, naisip niya, kailangan kong maging mas matatag kaysa dati. Hindi niya alam kung paano. Hindi niya alam kung kailan. Pero alam niyang hindi na siya ang babaeng iiwan ang sarili niya para sa sinuman—kahit pa sa lalaking minsang minahal niya nang buo. Tumayo si Lia, pinahid ang anumang bakas ng panghihina sa mukha niya. Bukas, babalik siya sa trabaho. Sa mundo. Sa papel na ginampanan niya nang mahusay sa loob ng maraming taon. Ngunit sa gabing iyon, hinayaan muna niyang maging totoo ang takot. Dahil ang tunay na lakas, minsan, ay nagsisimula sa pag-amin—na may bumabalik, at may puso pa ring maaaring masaktan.Lumipas ang halos ilang oras bago tuluyang naayos ang shipment issue. Nakuha pa ng courier ang box at ibinalik sa studio. Habang inaayos ang tamang lining, napansin ni Lia na wala si Mina sa main floor.May kakaibang katahimikan sa pantry area nang madako siya. Paglapit niya roon, sa may bandang fire exit ay narinig niya ang mahinang hikbi.Hindi siya agad pumasok. Hinayaan muna niyang makapaglabas ng sama ng loob ang bata. Pagkatapos ay kumatok siya nang marahan.“Mina?”Bumukas ang pinto at agad nagpunas ng luha ang intern. “Sorry po, ma’am.”“Halika,” sabi ni Lia, tinuturo ang isang hakbang ng hagdan.Umupo sila at hindi pa rin makatingin sa kanya si Mina.“I know I should be strict with you,” panimula ni Lia, hindi malamig ang tono. “At may dahilan kung bakit mataas ang standards dito. Pero things do go south sometimes. Hindi lahat ng pagkakamali ay katumbas ng katapusan.
Sanay na si Lia sa ingay ng atelier tuwing umaga. Hindi ito iyong magulong ingay na walang direksyon, kundi iyong klase ng tunog na may ritmo ng gunting na tumatama sa mesa, makina ng pantahi na sabay-sabay umaandar, mahinang diskusyon tungkol sa adjustments ng hemline o neckline. Ito ang mundo niya. Structured. Kontrolado. May sistema. At siya ang sentro ng sistemang iyon.Pagpasok pa lang niya, may hawak na siyang tablet kung saan nakaayos ang schedule ng kanyang buong araw. May fitting sa alas-diyes para sa isang bride na perfectionist. May tawag sa supplier bago magtanghali. May revision ng tatlong evening gowns para sa trunk show sa susunod na linggo. Hindi siya dramatic sa trabaho; hindi siya ‘yung designer na naglalakad na parang nasa runway. Tahimik siyang kumikilos, pero bawat staff alam kung kailan seryoso ang sitwasyon batay sa paraan ng pagtingin niya.Hindi pa man siya nakakaupo nang tuluyan, napansin na niya ang kakaibang tensyon sa paligid. Hindi siya sumigaw para magt
Hindi agad nawala sa isip ni Lia ang amoy ng silk.Pagkatapos niyang ibalik ang kahon kay Adrian, inakala niyang matatapos na roon ang usapin. Ngunit may isang maliit na piraso ng tela na naiwan sa studio. Iisang sample na hindi na naisama sa kahon dahil ginamit iyon ng isa sa mga assistant para i-compare ang texture. Hindi niya iyon pinapansin sa unang dalawang araw lalo na at abala siya sa fittings, sa revisions, sa pakikipag-usap sa buyers na gustong bawasan ang presyo ngunit hindi ang standards.Ngunit sa ikatlong gabi, nang siya na lamang ang natira sa atelier, napansin niya ito.Tahimik ang buong palapag. Ang ilaw sa loob ay mas malambot kapag gabi, mas dilaw, mas pribado. Iba ang tunog ng silid kapag wala ang mga makina at wala ang mga tao, mas malinaw ang bawat hakbang, bawat paggalaw ng tela sa mesa.Lumapit siya sa cutting table upang ayusin ang mga naiwan na pattern. Doon niya nakita ang piraso ng silk, nakapatong sa gilid, bahagyang nakalaylay.Hinawakan niya iyon upang it
Hindi agad ibinalik ni Lia ang sutla, at hindi rin niya ito itinago. Nanatili ang kahon sa sulok ng studio niya sa loob ng ilang araw, parang isang tahimik na bisita na walang balak umalis. Tuwing papasok siya sa atelier, una niyang napapansin ang natural na liwanag na dumadaan sa malalaking bintana, ang mga rack ng sample pieces, ang mga pattern na nakasabit sa corkboard—at pagkatapos noon, ang kahon.Hindi niya ito kailangang hawakan para maalala kung sino ang nagpadala.Sa tuwing nag-iisa siya sa studio sa gabi, doon nagiging mas malinaw ang presensya nito. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa alaala. May mga bagay na kahit gaano mo pa kalalim ilibing, babalik kapag tahimik na ang paligid, kapag maayos na ang lahat. Isang gabi, hindi niya napigilan. Lumapit siya, umupo sa harap ng kahon, at dahan-dahang binuksan iyon.Kumikislap pa rin ang sutla sa ilalim ng ilaw. Maingat ang pagkakatupi, halos parang hindi hinawakan ng ibang kamay.She sho
Hindi siya ngumiti nang binuksan ni Lia ang kahon.Ang liwanag mula sa monitor ang tanging gumagalaw sa madilim niyang opisina—repleksyon ng studio ni Lia sa kanyang mga mata. Muted ang interior, malamlam ang kulay ng dingding, malinis ang anggulo ng kuha. Presisyonado ang pagkaka-install ng camera. Bahagi iyon ng isang building-wide security upgrade.Legal. Diskreto. Hindi agaw-pansin.Isang sistemang siya mismo ang nagpatupad.Gaya ng gusto niya.Gaya ng kailangan niya.Tahimik siyang nakatingin habang hinihiwa ni Lia ang tape sa gilid ng kahon. Mabagal ang kilos nito—hindi dahil nag-aatubili, kundi dahil sanay itong hindi nagpapadala sa padalos-dalos na emosyon.Hindi siya interesado sa laman ng kahon.Interesado siya sa pagitan ng mga segundo.Sa paghinto.Kilala niya si Lia. Kapag may kutob ito, hindi agad kikilos. Hindi agad magtatanong. Susuriin muna ang espasyo, ang posibilidad, ang panganib. T
Dumating ang kargamento sa oras na hindi inaasahan.Hindi sa simula ng araw o sa patapos na sanang oras ng trabaho, kung hindi sa kalagitnaan ng araw habang ang mga tao'y nagpapasya kung manananghalian ba o tatapusin muna ang mga tinahi, ginunting, o trabahong kanilang nasimulan.Isang sandaling walang dapat gumambala dahil nasa importanteng parte sila ng araw.Ngunit may dumating, at biglang gumulo sa normal na Sistema ng araw na iyon.“Ma’am Lia?”Napalingon siya mula sa mesa ng kanyang mga sketch, ang lapis ay nakabitin sa ere, ang ideya niya'y biglang naputol. Nakatayo sa pintuan si Mara, ang kaniyang assistant, hawak ang clipboard at may bahagyang pag-aalinlangan sa mukha.“May dumating po para sa inyo.”Isang kahon ang kasunod nito-malaki, maingat na binalot, at may mga selyo ng customs clearance sa gilid. Hindi ito ordinaryong padala. Masyado itong pulido. “May pangalan ba?” tanong ni Lia habang lumalapit.Umiling si Mara. “Wala po. Walang sender. Walang note. Pero rare import







