LOGINHindi maipaliwanag ni Lia kung kailan nagsimula ang kanyang kakaibang nararamdaman. Hindi niya ito matukoy, hindi rin mapangalanan. Walang eksaktong sandali. Walang malinaw na pangyayari.
Parang isang natural na pangyayari, naganap nang hindi niya namamalayan. Pagpasok niya sa Lia Atelier kinabukasan, pareho pa rin ang lahat sa unang tingin. Ang marmol na sahig ay kumikinang sa ilaw ng umaga. Ang mga mannequin ay nakahanay, suot ang mga disenyong pinagpuyatan niya. Ang amoy ng tela at kape ay pamilyar, walang bago, nakakakalma pa din. Pero may mali. Meron talaga. “Good morning, ma’am,” bati ng bagong guard sa lobby. Sandaling huminto si Lia. Bagong guard? “Nasaan si Kuya Ben?” tanong niya, banayad ang boses pero may bahid ng pagtataka. “Na-reassign po, ma’am. Under new building management daw po.” Tumango lang siya. Hindi naman iyon bago. Malaki ang building. Maraming tenant. Maraming desisyon ang labas na sa kapangyarihan niya. Pero bakit parang may malamig na kamay na dahan-dahang pumipisil sa likod ng batok niya? Nakakapangilabot pero bakit parang hindi naman dapat? Sa elevator, napansin niyang may bago na namang keypad. Dating access card lang. Ngayon, may fingerprint scanner na rin. “Upgrade po ng system, ma’am,” sabi ng maintenance staff na nagkataong nasa loob. “Mas secure raw.” Mas secure. Umulit ang salitang iyon sa isip niya habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin ng elevator. Hindi niya alam kung bakit, pero ang dating pakiramdam na protektado siya sa loob ng gusaling ito ay unti-unting napapalitan ng pakiramdam na… pinapagmasdan siya. Naguguluhan siya dahil hindi niya matukoy kung bakit kailangan niyang maramdaman iyon. Pagbukas ng elevator sa floor niya, may isa na naman siyang bagong napansin. May dalawang bagong CCTV camera sa hallway. Hindi iyon naroon dati. Sigurado siya do'n. Hindi niya alam kung bakit niya napansin iyon agad Siguro dahil sanay siyang pansinin ang maliliit na detalye, tahi na bahagyang tabingi, butones na hindi tugma ang kulay. Ang mundo niyang detalyado, na bawat piraso ay parte ng kabuuan. Iyon ang kanyang naging kanyang kaisipan. “Mountains are nothing without the grains of sand that make them.” bulong ng kanyang isip. Bago pa man siya mawala sa sariling mundo ay may narinig siyang tinig. “Ma’am Lia!” masiglang bati ni Mina, ang intern, habang tumatakbo papunta sa kanya. “Ang bilis po ng delivery ng French lace na inorder n’yo! Usually po three weeks pa iyon, di ba?” “French lace?” nagulat niyang tanong. “Opo! Nasa storage na. Sabi ng supplier, na-prioritize daw po ang shipment.” Napatigil si Lia. Na-prioritize. Hindi iyon nangyayari nang walang dahilan. Hindi sa industriya nila. Lalo na sa imported materials na kailangan pang dumaan sa customs at kung anu-anong permit. “Tinawagan ba nila tayo?” tanong niya. “Hindi po. Bigla na lang daw pong in-approve.” Isang maikling ngiti ang pinilit ni Lia. “Okay. Salamat, Mina.” Pero habang naglalakad siya papunta sa storage room, mas bumibigat ang bawat hakbang niya. Pagbukas niya ng kahon, bumungad ang mamahaling lace—pino, halos parang usok sa gaan. Eksakto sa texture na gusto niya para sa susunod na couture piece. Eksakto sa shade na minsan lang niyang nabanggit… apat na taon na ang nakalipas. Sa isang dinner na hindi na natuloy dahil sa isang “urgent meeting.” Dahan-dahan niyang hinaplos ang tela. Parang may alaalang nakakapit dito. At kasabay ng lamig ng lace sa balat niya, may isang pangalan na tahimik na sumingit sa isip niya. Adrian. “No…” bulong niya sa sarili. “Not all things are related to him, Lia. Stop.” Pero sino ba ang may kakayahang baguhin ang buong security system sa building nila? Hindi ba't si Adrian lang? Sino pa ba ang may kakayahang pabilisin ang international shipment na walang tanong-tanong? Sino nga ba ang may kakayahang gawin ang mga imposibleng bagay sa isang kumpas lang ng kanyang kamay? - Bandang tanghali, tinawag siya ni Marco sa opisina. “Lia, may napansin ka ba sa accounting system?” tanong nito at seryoso ang mukha. “Anong meron?” “Yung delayed payment natin sa Milan supplier last month? Na-settle na.” “Na-settle?” Kumunot ang noo niya. “Hindi pa natin ‘yon inaayos. May dispute pa tayo sa invoice.” “Exactly.” Tahimik silang nagkatinginan. “Baka internal adjustment lang,” sabi niya, pero kahit siya, hindi kumbinsido sa sariling paliwanag. Sumandal si Marco sa mesa. “Simula nang palitan ang building management, parang may mga bagay na… masyadong umaayon sa atin. I'm not trying to be negative but that's creepy.” Hindi siya sumagot. Dahil iyon din mismo ang nararamdaman niya. Walang sinasaktan. Walang humaharang. Walang kumokontrol. Pero parang may kamay na umaayos sa daan niya. Tinatanggal ang mga harang, inaalis ang mga tinik. At mas nakakatakot iyon kaysa sa harapang pag-atake. Pakiramdam niya'y isang malaking bagyo ang paparating. - Gabi na nang maiwan siyang mag-isa sa studio. Tahimik. Malinis. Perpekto. Pero ngayon, ang katahimikang iyon ay parang hindi na payapa. Parang may bigat na nakasabit sa hangin, parang may presensyang nakabuntot sa kanya kahit wala naman siyang kasama. Lumapit siya sa bintana, tanaw niya ang siyudad sa ibaba. Mga ilaw ng kotse, mga gusaling hindi natutulog. Sa lawak ng mundong iyon, dapat pakiramdam niya maliit lang ang problema niya. Pero hindi. Dahil ang problema niya ay isang lalaking kayang abutin ang kahit anong parte ng lungsod na ito nang hindi man lang kailangang lumabas ang anino. Ang lalaking iyon ay kayang baliktarin ang lungsod na kanyang kinalalagyan sa isang utos lang nito. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. “Hindi ko siya kailangan,” mahina niyang sabi sa repleksyon niya sa salamin. “Hindi ako babalik sa mundong iyon. After what I had to go through, I should fight my own fight.” Pero sa likod ng matitigas na salitang iyon, may isang katotohanang ayaw niyang harapin— Hindi man siya bumalik sa mundo ni Adrian, parang ang mundo niya ang unti-unting pinapasok nito. At sa unang pagkakataon mula nang maghiwalay sila, naramdaman ni Lia ang isang bagay na matagal na niyang hindi pinapansin. Hindi takot. Hindi galit. Kundi ang pag-aalalang kahit anong layo ng takbo niya, may mga bagay na hindi ka bibitawan kahit nakuha mo na itong iwan.Ang tindi rin magbiro ng tadhana sa kanya. Kung kailan unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya pagkatapos ng matagal na paghihirap, doon pa siya makakatanggap ng ganitong klaseng bagsik.At ang dahilan ng sakit na ito at dahil lang sa isang tao, kay Adrian. Apat na taon na ang lumipas, bakit ba hindi pa rin siya makalaya sa sumpa ng lalaking iyon?Noon, ginawa siyang panangga sa gulo, at hindi niya isinumbat kahit nawala ang kakayahan niyang magpinta. Hindi niya isinumbat na hindi itinaboy siya ng sarili nilang anak.Pero bakit hanggang ngayon, ayaw niya pa rin siya nitong lubayan?Hindi pa ba sapat ang pinsalang idinulot nito sa kanya at sa mga bata?Habang tumatagal, lalong nagdidilim ang mukha ni Lia sa galit. Napahigpit ang kapit ng dalawa niyang kamay sa unan na tila ba anumang oras ay mapupunit na ito sa matinding emosyon.Hinawakan ni Leonard
Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya sa sobrang sakit.Ang babaeng noon ay buong-puso siyang minahal nang walang kapalit, ngayon ay malapit nang maging maybahay ng ibang lalaki.Magsasama sila sa iisang bubong, bubuo ng sariling pamilya, magkakaroon ng sariling mga anak. At pagdating ng araw na iyon, mawawalan na ng puwang si Adrian sa buhay nito. Magiging ina na lang ito ng dalawa niyang anak.Wala na itong natitirang nararamdaman para sa kanya. Kahit katiting.Nang mapagtanto iyon, hindi namalayang napadiin ang kapit ni Adrian sa hawak niyang baso. Sa isang iglap, tuluyan iyong nadurog sa palad niya. Bumaon nang malalim ang matatalas at transparent na bubog sa kanyang balat. Agad na dumanak ang malapot at pulang dugo, na dahan-dahang pumatak pababa sa kanyang pulso.Pero wala siyang naramdamang sakit. Manhid na ang buong katawan niya."Mr. Serano! Ano pong nangy
Biglang nag-flashback kay Lia ang nangyari noon, kung paano siya nahulog sa bitag ni Adrian noon. Ang sakit na idinudulot ng lalaking iyon sa buhay niya, ay tila walang katapusan.Nilunok ni Lia ang pait at pilit na pinanindigan ang pagiging kalmado. "Sinasadya ninyong sirain ang pangalan ko. Ipa-paimbestiga ko ito sa abogado ko para lumabas ang katotohanan. Pero isa lang ang sasabihin ko ngayon, guro at magulang lang ang ugnayan namin ni Adrian. Wala akong balak makipag-ugnayan sa kanya nang higit pa roon. Kung itutuloy ninyo ang paninirang-puring ito, idadaan ko kayo sa batas."Pagkatapos magsalita, tumalikod siya para lisanin ang entablado, pero isang malakas na tulak ang tumama sa likod niya. Kasabay nito ang muling pag-ulan ng mga masasakit na salita sa magkabilang tenga niya."Kapag hindi ka nagpaliwanag nang maayos, ibig sabihin guilty ka! Kung hindi mo inaakit si President Serano, bakit ayaw mong pakasalan 'yung
Biglang nagdilim ang paligid bago muling umilaw ang dambuhalang LED screen sa harapan.Isang litrato ang sumambulat doon. Walang may alam kung sino ang may gawa, pero sapat na iyon para magbago ang ihip ng hangin sa buong bulwagan.Sa screen, kitang-kita ang matitinding titigan nina Adrian at Lia. Isang mapanganib na lapit. Doon pa lang, nagsimula nang magbulungan ang mga tao. Ang kaninang palakpakan, napalitan ng nakatutuling bulung-bulungan.Isang matalas na boses ang bumasag sa ingay. Isang babae ang lantarang nagturo kay Lia sabay panghuhusga."Teacher pa naman, tapos ganyan ang pinapakita niyang ehemplo? Kabit! Ang galing mong magturo, pero mas magaling ka palang pumatol sa lalaki!"Sumabay agad ang iba pa. "Oo nga! Ang balita ko, dalawang beses iniligtas ni Miss Imperial ang buhay ni President Serano. Ikakasal na nga sila sa susunod na buwan, tapos umeepal pa ang gurong 'ya
Nang marinig ang sunod-sunod na beeping sound, tuluyan nang nanghina si Wendy at napasandal sa sofa, humihinga nang malalim. Isang malamig na pawis ang gumapang sa kanyang likod.Kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang mahanap ang totoong babaeng nagbigay ng dugo kay Adrian noon, at kailangan niya itong patahimikin habambuhay. Dahil sa oras na maunahan siya ni Adrian sa pagtuklas ng sekretong iyon, titiyakin nitong mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa mabuhay.-Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Opisyal nang inilabas ang mga opisyal na resulta para sa National Olympiad.Ang buong paaralan ay niyanig ng isang napakalaking balita: lahat ng dalawampung estudyante sa klase na hinahawakan ni Lia ay nakakuha ng parangal at matataas na marka.Hindi lang iyon. Dalawa sa kanyang mga estudyante ang opisyal na napili para sa National Team na kakatawan sa buong bansa para sa Inter
Sa pumasok na hinalang iyon, pakiramdam ni Adrian ay hinawakan ang kanyang puso ng isang malamig na kamay at mariin itong piniga. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa loob ng kanyang bulsa, halos mabaon ang kanyang mga kuko sa sarili niyang palad.Matagal na niyang pinagdududahan si Wendy. Hindi niya maisip na ang isang taong may busilak na pusong itaya ang buhay para sa iba ay gagamitin ang insidenteng iyon para gapusin siya sa konsensya at pilitin siyang magpakasal. Ang wagas na pag-ibig ay hindi ganoon karumi.At bakit ang sinasabing kaarawan ni Lia, ayon kay Leonard, ay tumutugma sa nakasulat sa pendant na iyon?Bukod doon, alam niyang nakapagbigay na rin ng dugo si Lia noon.Napakaimposible ng ganitong uri ng pagkakataon. May kung anong puwersa sa kanyang dibdib na biglang sumabog, dahilan para maging garalgal ang bawat hininga niya.Hindi na siya nag-atubili. Humakba
Hindi nagmamadali si Adrian Serano.Ang mga bagay na tunay na mahalaga ay hindi hinahabol. Hindi hinihila. Inaangkin ang mga iyon—unti-unti, sistematiko, hanggang sa hindi na nila maalala kung kailan sila tumigil na lumaban.“Sir,” marahang sabi ng assistant mula sa likuran. “She left the studio la
“I’ll see you soon.”Hindi na bumalik sa dati ang mundo ni Lia matapos ang gabing iyon.Kahit bukas ang lahat ng ilaw sa Lia Atelier, may bahagi ng katahimikan na tila mas mabigat kaysa dati. Ang mga salamin ay pareho pa rin, ang marmol ay kasing kinis pa rin, ang mga disenyo ay kasing ganda ng ina
Flashback — Ang PaghihiwalayTahimik na inilapag ni Lia ang divorce papers sa mesa. Walang sigaw. Walang luha. Pero sapat ang bigat ng papel para tuluyang mabasag ang matagal nang katahimikan sa pagitan nila.“Kung mananatili tayo sa ganito, pareho lang tayong mauubos,” mahinahon niyang sabi.Hindi
“Check the monitors,” kalmado niyang utos sa assistant. “Tell me where Lia is. Now.” Walang pag-aalinlangan, agad itong kumilos. Sanay na ang lahat sa tono ni Adrian—walang emosyon, walang puwang para sa tanong. Utos iyon, at ang utos niya ay palaging sinusunod. “Yes, sir. Checking now.” Ilang se







