LOGINHindi agad nagsalita si Marco kahit narinig niyang tapos nang magsalita si Lia.
Hindi siya madaling basahin. Hindi niya kailangan magsalita para may patunayan, dahil ang kanyang katahimikan ang mismong sisigaw para sa kanyang mga napatunayan. Para sa kanya, Silence is not submission but knowing things are in control.
Siya ang uri ng lalaking mas pinipiling makinig kaysa magsalita, ngunit sa oras na magsalita siya, nagiging malinaw kung bakit siya dapat pakinggan. Walang labis, walang kulang. Sakto. Sapat.
Sa kompanya, kilala siya bilang strategic lead—ang huling tumitingin sa bawat plano bago ito isakatuparan. Ngunit higit pa roon, tila may dala siyang bigat na hindi kailanman ipinaliwanag. Isang uri ng pag-iingat na parang matagal nang natutong huwag magkamali.
At sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Adrian sa harap niya, may bahagyang pagbabago sa kaniyang mga mata, hindi man halata pero sa sandalling tumagal ang iyong tingin, sapat na upang mag-ugat ng isang hindi matukoy na tanong.
Hindi galit.
Hindi rin takot.
Isang tension na hindi maipaliwanag pero hindi rin mapangalanan.
Nakatayo lang siya sa tabi ng bintana ng opisina, nakatanaw sa abalang kalsada sa ibaba. Sanay si Lia sa ganitong eksena. Tahimik lamang si Marco habang nailatag niya na ang kanyang obserbasyon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit niya pinagkakatiwalaan ito. Lahat nang lumalabas sa bibig nito'y makabuluhan. Walang tapon ika nga.
“May problema ba?” tanong ni Lia, at inilapag ang folder na hawak sa mesa. Alam niyang hindi niya na dapat ito tinanong pero may kung anong tumulak sa isip niya't tinuloy niya pa rin.
Dahan-dahang humarap si Marco. Walang kaba sa mukha niya, pero may kung anong seryosong anyo na bihira lamang niyang ipakita.
“May mga bagay akong napapansin simula nung nagpalit ang building ng management,” sabi niya.
Umupo si Lia. “Alam ko.”
Nagtaas ito ng kilay. “So ramdam mo rin.”
Hindi iyon tanong.
Tumango si Lia. “Hindi ko lang masabi kung alin ang dapat kong pansinin, at alin ang dapat kong ipagwalang-bahala.”
Lumapit si Marco at inilapag ang tablet sa harap niya. May nakabukas na spreadsheet dito; mga transaction logs, system access records, security updates.
“Yung bagong security system,” sabi niya, at itinuro ang isang column. “Hindi lang simpleng upgrade. May external access point. Corporate-level encryption. Hindi ‘to pang-normal tenant.”
Sinundan ni Lia ng tingin ang mga numerong hindi niya lubos na naiintindihan, pero sapat ang tono ni Marco para maintindihan niya ang nais nitong ipahiwatig.
“Anong sinasabi mo?” mahinahon niyang tanong.
“May taong may sapat na pera at impluwensya para baguhin ang buong sistema ng gusaling ito. And he can do it without even letting us decide.”
Nanatiling tahimik si Lia.
"That person is not afraid of us."
Alam niya na ang sagot.
Ayaw lang niyang bigkasin.
“May nagmamanman sa atin?” bulong niya.
“Hindi ko masasabi kung ‘mamanman’ ang tamang salita,” sagot ni Marco. “Pero may nag-oobserba. Maybe that's a safe word. May nag-aayos ng mga bagay sa paligid mo. Fairy godmother?”
Sandaling napapikit si Lia.
Parang mas naging malinaw ang lahat sa kanya, at nakumpirma niyang hindi nga niya ito guni-guni lang. Ang bagong guard. Ang fingerprint scanner. Ang mabilis na shipment. Ang biglaang pag-ayos ng accounting issues. Mga maliliit na galaw na, kapag pinagdugtong-dugtong, bumubuo ng isang pamilyar na anino.
“Hindi ko gusto ‘to,” mahina niyang sabi.
“Me neither,” sagot ni Marco. “And I don't even want to start with being clueless of how will this ends.”
Tumayo si Lia at naglakad papunta sa bintana. Tanaw niya ang siyudad, ang mga gusali, ilaw, trapik, ingay. Isang mundong galaw nang galaw, walang pakialam sa personal na digmaan ng kahit sino.
“Hindi niya ako tinatakot,” saad niya, halos sa sarili lang. “He wants to make me feel he's here.”
At iyon ang mas nakakapanginig.
Hindi siya nito tinutulak. Para siyang puwersahang napupunta sa posisyong gusto ng taong iyon.
“Lia,” maingat na tawag ni Marco. “Kung sino man ‘yan, malinaw na hindi siya basta-basta. At kung may intensyon siyang pumasok sa mundo mo, you know more than anyone else you have to stop it.”
Dahan-dahan siyang humarap. “Does it even matter to someone who doesn't know how to stop? Tell me, Marco. Paano mo pipigilan ang isang bagay na hindi marunong huminto?”
Hindi agad nakasagot si Marco.
Dahil pareho nilang alam ang sagot.
You can't stop it, you have to prepare for it.
---
Paglabas ni Marco, naiwan si Lia sa opisina, hawak ang tablet na parang isa itong mabigat na katotohanan. Isa-isang bumabalik sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
Naalala niya ang isang linyang minsang sinabi ng mentor niya sa Milan:
“The smallest adjustments shape the largest outcomes.”
Ang maliliit na galaw ang bumubuo ng malalaking pagbabago.
At ngayon, malinaw sa kanya na hindi ito biglaan. Isa itong dahan-dahang pag-ukit sa paligid niya, hanggang sa magising siyang ang mundo niya ay hindi na kanya.
Huminga siya nang malalim.
Hindi siya papayag na ang bawat hakbang niya ay nakadepende sa presensya ng isang lalaking matagal na niyang iniwan.
Ngunit sa kabila ng matitigas na desisyong iyon, may isang tanong na hindi niya maiwasang harapin—
Kung kaya niyang baguhin ang buong mundo niya nang hindi niya namamalayan, hanggang saan pa ang kaya niyang gawin?
At sa unang pagkakataon mula nang muling magpakita si Adrian, malinaw na malinaw kay Lia—
Hindi ito simpleng pagbabalik.
Dumating ang kargamento sa oras na hindi inaasahan.Hindi sa simula ng araw o sa patapos na sanang oras ng trabaho, kung hindi sa kalagitnaan ng araw habang ang mga tao'y nagpapasya kung manananghalian ba o tatapusin muna ang mga tinahi, ginunting, o trabahong kanilang nasimulan.Isang sandaling walang dapat gumambala dahil nasa importanteng parte sila ng araw.Ngunit may dumating, at biglang gumulo sa normal na Sistema ng araw na iyon.“Ma’am Lia?”Napalingon siya mula sa mesa ng kanyang mga sketch, ang lapis ay nakabitin sa ere, ang ideya niya'y biglang naputol. Nakatayo sa pintuan si Mara, ang kaniyang assistant, hawak ang clipboard at may bahagyang pag-aalinlangan sa mukha.“May dumating po para sa inyo.”Isang kahon ang kasunod nito-malaki, maingat na binalot, at may mga selyo ng customs clearance sa gilid. Hindi ito ordinaryong padala. Masyado itong pulido. “May pangalan ba?” tanong ni Lia habang lumalapit.Umiling si Mara. “Wala po. Walang sender. Walang note. Pero rare import
Hindi agad nagsalita si Marco kahit narinig niyang tapos nang magsalita si Lia.Hindi siya madaling basahin. Hindi niya kailangan magsalita para may patunayan, dahil ang kanyang katahimikan ang mismong sisigaw para sa kanyang mga napatunayan. Para sa kanya, Silence is not submission but knowing things are in control.Siya ang uri ng lalaking mas pinipiling makinig kaysa magsalita, ngunit sa oras na magsalita siya, nagiging malinaw kung bakit siya dapat pakinggan. Walang labis, walang kulang. Sakto. Sapat.Sa kompanya, kilala siya bilang strategic lead—ang huling tumitingin sa bawat plano bago ito isakatuparan. Ngunit higit pa roon, tila may dala siyang bigat na hindi kailanman ipinaliwanag. Isang uri ng pag-iingat na parang matagal nang natutong huwag magkamali.At sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Adrian sa harap niya, may bahagyang pagbabago sa kaniyang mga mata, hindi man halata pero sa sandalling tumagal ang iyong tingin, sapat na upang mag-ugat ng isang hindi matukoy na tanon
Hindi maipaliwanag ni Lia kung kailan nagsimula ang kanyang kakaibang nararamdaman. Hindi niya ito matukoy, hindi rin mapangalanan. Walang eksaktong sandali. Walang malinaw na pangyayari.Parang isang natural na pangyayari, naganap nang hindi niya namamalayan. Pagpasok niya sa Lia Atelier kinabukasan, pareho pa rin ang lahat sa unang tingin. Ang marmol na sahig ay kumikinang sa ilaw ng umaga. Ang mga mannequin ay nakahanay, suot ang mga disenyong pinagpuyatan niya. Ang amoy ng tela at kape ay pamilyar, walang bago, nakakakalma pa din.Pero may mali.Meron talaga.“Good morning, ma’am,” bati ng bagong guard sa lobby.Sandaling huminto si Lia.Bagong guard?“Nasaan si Kuya Ben?” tanong niya, banayad ang boses pero may bahid ng pagtataka.“Na-reassign po, ma’am. Under new building management daw po.”Tumango lang siya. Hindi naman iyon bago. Malaki ang building. Maraming tenant. Maraming desisyon ang labas na sa kapangyarihan niya.Pero bakit parang may malamig na kamay na dahan-dahang
Hindi nagmamadali si Adrian Serano.Ang mga bagay na tunay na mahalaga ay hindi hinahabol. Hindi hinihila. Inaangkin ang mga iyon—unti-unti, sistematiko, hanggang sa hindi na nila maalala kung kailan sila tumigil na lumaban.“Sir,” marahang sabi ng assistant mula sa likuran. “She left the studio late again.”Hindi lumingon si Adrian. Hindi niya kailangan. Ang impormasyong iyon ay kumpirmasyon lamang ng isang bagay na matagal na niyang inaasahan.“Good,” sagot niya, mababa ang boses.Tahimik ang opisina niya sa itaas ng siyudad. Isang katahimikan na hindi mapayapa, kundi puno ng tensiyon—parang hiningang matagal nang pinipigil. Nakatayo siya sa harap ng salaming bintana, tanaw ang ilaw ng lungsod na parang dagat ng apoy sa ibaba. Mga gusali, mga kalsada, mga buhay—lahat gumagalaw sa ilalim ng isang sistemang matagal na niyang binuo.Lahat ay sumusunod. Maliban sa isa. Si Lia.Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang binalikan sa isip ang sandaling inilapag nito ang divorce papers
“I’ll see you soon.”Hindi na bumalik sa dati ang mundo ni Lia matapos ang gabing iyon.Kahit bukas ang lahat ng ilaw sa Lia Atelier, may bahagi ng katahimikan na tila mas mabigat kaysa dati. Ang mga salamin ay pareho pa rin, ang marmol ay kasing kinis pa rin, ang mga disenyo ay kasing ganda ng inaasahan ng mundo—pero siya, hindi na.Hindi iyon nakikita ng iba. Wala sa mga tahi ng tela, wala sa mga sukatan ng baywang, wala sa perpektong hulma ng bawat gown. Ngunit sa bawat galaw niya, sa bawat paghinga, ramdam niya ang bigat ng isang presensyang hindi na kailangang makita para maramdaman.Hindi niya maalala kung ilang beses nang pumasok sa isip niya ang mga salitang iyon. Parang multong ayaw matahimik. Kahit pilitin niyang ibalik ang sarili sa trabaho—sa deadlines, sa fittings, sa ingay ng industriya—lagi at laging may sandaling nahuhuli siya ng katahimikan.At doon siya natatalo.Nakatayo si Lia sa gitna ng studio, hawak ang phone na matagal nang patay ang screen. Wala nang mensahe.
Flashback — Ang PaghihiwalayTahimik na inilapag ni Lia ang divorce papers sa mesa. Walang sigaw. Walang luha. Pero sapat ang bigat ng papel para tuluyang mabasag ang matagal nang katahimikan sa pagitan nila.“Kung mananatili tayo sa ganito, pareho lang tayong mauubos,” mahinahon niyang sabi.Hindi agad tumingin si Adrian.Nakaupo lamang siya sa kabilang dulo ng mesa, tuwid ang likod, suot pa rin ang suit na parang mas mahalaga pa kaysa sa sandaling iyon. Ang relo niya ang unang nagsalita—isang mahinang tunog, paulit-ulit, parang nagpapaalala na may mas mahalaga siyang pupuntahan kaysa sa babaeng kaharap niya.Sa tunog na iyon, bumalik ang lahat kay Lia. Noon, hindi ganito si Adrian, marunong pa itong tumigil.Naalala niya ang mga unang buwan ng kasal nila—kung paano nito isinasara ang laptop kapag umuuwi siya, kung paano sila sabay kumakain kahit pagod, kahit tahimik. Noon, sapat pa ang presensya. Hindi kailangan ng maraming salita.Pero unti-unti, nagbago ang lahat. Sa simula, malil







