Share

//7

Author: Darn Maligaya
last update Last Updated: 2024-09-09 18:35:28

Chapter seven

Samantha

“Kuya!” sigaw ko sa kaniya,bukas kase yung pinto ng kwarto niya at nakita ko siya na nasa table niya kaya nilapitan ko.

“Hindi ka pa ba aalis, malalate ka.”

“Magpapaalam palang naman ako na aalis na ako, sunod ka na lang kuya Jiro!” nakangiti ako sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin.

Hindi ako natatakot sayo kahit ganiyan ka makatitig hahaha, alam kong maglelecture ka pa sa amin mamaya. Natutuwa nga ako dahil kasama kita araw araw kahit isang oras lang.

Yung pakiramdam ko napakasafe ko talaga.

Si mang Domeng ang naghatid sa akin ngayon dahil day off ng driver namin. “Ang saya moa ta ngayon.”

“Syempre manong , nasa campus mamaya si sir Jiro.”

“Kaya pala.”

“Anong kaya pala?”

“Hahaha wala naman Sam pagbutihan mo lang ang pag aaral mo.”

“Syempre manong kailangan eh may bantay ako.”

“Talaga naman si Jiro oh.”

Masaya ang araw ko ngayon, ibang iba ang mood ko kaso sinalubong ako ni Jude na may masamang mood, ayaw ko mahawa kaya umiwas ako pero ang sama ng tingin niya sa akin, ano naman kaya ang ginawa ko sa kaniya? Wala akong alam na ginagawang masama sa kaniya pero ang mga titig niya ayaw humiwalay sa akin.

Pumasok na ako sa klase at nandito rin si Jude.

Kagaya kahapon hindi niya ako iniimikan at hindi niya ako pinapansin, normal days ulit kaso hindi na siya kagaya ng dati na palatawa at mapag asar, ang seryoso na niya ngayon at hindi palaimik.

Para akong naaawa sa kaniya, hindi siya normal niyan, kung sabagay ang sabi nila nalugi bigla ang kompaniya nila.

Apektado siguro siya sa nangyari sa pamilya niya.

Hays bakit ko ba siya inaalala, namiss ko ba ang pang aasar niya? kase naman parang pakiramdam ko kasalanan ko ang mga nangyayari sa kaniya kahit wala naman akong kinalaman doon.

Kakatapos lang nang klase namin at maglulunch na ako, syempre hinahanap ko si Riri kaso napahinto ako sa office ng mga professor at nacurious ako kung nandito na ba si kuya Jiro.

Sinisilip ko siya kaso mukhang wala siya sa loob.

Naglunch na kaya siya?

Sino kayang kasabay niya kumakain?

May kakilala na ba siya dito?

May kaclose na ba siya?

Sa ugali niyang yun hindi siya nakikipagkilala at nakikisama kung kani-kanino, malamang loner siya, pero wala siya dito, imposible namang may klase siya ng alasdose?

Pasilip silip ako sa opisina ng mga professor habang naghihintay kay Riri. “Sinong hinahanap mo diyan?” nagulat ako sa boses ni kuya Jiro na mukhang kakarating lang.

“Saan ka galing kuya.”

“Saan mo baa ko huling nakita?”

“Galing ka pa sa bahay?” hindi siya umimik. “Ilan ba klase mo dito kuya? Anong oras first subject mo? kumain ka na ba?”

“Malapit na matapos ang lunch, before one pupunta na ako sa klase niyo.”

“Bakit ang aga.”

“Yun ang gusto ko eh.”

Oo nga pala sa araw na ito pang alauna siya, first subject ko siya sa tanghali, before one? Nagpaalam na ako na kakain, before one talaga? Ang aga niya ah yung ibang professor ko pumupunta late madalas pero siya hindi.

Kami lang ba nilelecturan niya?

Bakit kakapasok lang niya?

Grabe lang ang dami kong tanong pero hindi masagot ng maayos.

Pagkatapos kong maglunch dali dali akong bumalik sa klase kaso. “Sam.” May bumanggit sa pangalan ko, boses ni Jude yun pala inabangan ako sa gilid ng building.

“Bakit?” tanong ko agad.

Palapit na siya sa akin, mag isa lang niya ngayon kaso hahawakan sana niya ang braso ko ng may tumapik sa kamay niya.

“Magpapasurprise quiz ako, huwag na kayo tumambay dito.” Si kuya Jiro, tinapik niya yung kamay ni Jude para hindi ako mahawakan.

Si Jude naman hindi umiimik at nakatingin lang kay kuya Jiro, sumunod na lang ako kay kuya Jiro dahil ayaw ko naman kausapin si Jude.

May kakaiba talaga sa kaniya eh, parang ang sama ng loob niya sa akin, wala naman akong ginagawa sa kaniya pero pakiramdam ko galit siya sa akin.

“Doon ka sa harap umupo.”

“Bakit kuya.”

“Nakikipadaldalan ka sa likod, kaya sa harap ka.” Aray naman.

“Opo.”

Nakakahiya napapansin niya ako kahit papuslit na minsan ang pakikipag usap ko sa katabi. Ang talas naman ng mga mata niya.

Nag eenjoy talaga ako sa klase ni kuya Jiro, kahit napakaseryoso niya tignan, hindi kase sila sanay sa kaniya, eh ako? alam ko naman kung gaano kabait yan.

Nauna na siyang umalis sa klase, lumabas na rin ako para makapagpahinga dahil yung iba tumatambay dito at ang iingay nila.

Parang hindi sila college, kung sabagay you only live once.

Paglabas ko may humila ng braso ko at ginilid ako sa may pader, akala ko si kuya Jiro pero hindi, si Jude pala, kung sabagay hindi naman ganiyan si kuya Jiro, siya palagi nasa isip ko ano ba yan.

“Ano nanaman bang kailangan mo?”

“Magsabi ka ng totoo, kaano ano m si prof?”

“Ha?”

“Kaano ano mo si Prof?”

“Bakit ba? Bakit mo tinatanong?” hindi naman sa kinakahiya ko si kuya Jiro, ayaw ko lang kase siyang sagutin dahil para siyang nanghahamon.

“Di bale na, may gusto akong ipaalam sayo.”

“Ano nanaman?”

“Ikaw ang dahilan kaya nalugi ang kompanya namin.”

“Anong kinalaman ko diyan?”

“Alam ko ikaw ang dahilan at yang Professor na yan, pero dahil may gusto ako sayo kinakalma ko na lang.” si kuya Jiro? Ano namang kinalaman namin?

“Nambibintang ka ng taong walang kamalay malay, may utak ka naman, nag aaral ka naman pero ganiyan ka mambintang, anong kinalaman namin? May proweba ka ba ha?”

“Wala, pero alam ko ang dahilan, pasalamat ka nga hindi ko sinasabi sa pamilya ko dahil ayaw kitang madamay.” Palapit siya ng palapit sa akin, hindi ako makakilos kase pader ang likuran ko. “Hindi pa rin naman nawawala ang pagkagusto ko sayo, kung sakaling malaman ng mga magulang ko ang dahilan kung bakit kami nalugi malamang walang magtatanggol sayo, kaya kung ako sayo matututunan mo naman akong mahalin, ganun naman lahat ng couple.”

“Nababaliw ka na.” hindi ko alam kung anong sinasabi niya, anong kinalaman ko sa kompanya nila? Nag aaral lang naman ako, at isa pa si kuya Jiro? Mangengealam sa kanila? Imposible naman yun.

Mas lalo siyang lumapit sa akin.

Gusto niyang mahalin ko siya? Ano siya? Hindi natuturuan ang puso.

“Hoy bata.” Napalingon ako sa likuran ni Jude, nandun si kuya Jiro. “Zero ka sa quiz, pumunta ka ngayon sa office ko.” Pareho na kami ni Jude ngayon na nakalingon kay kuya Jiro.

Sinong tinutukoy niya? si Jude ba?

“Paano ako mazezero? Alam ko naman yung mga sagot diyan kanina.”

“Hindi ikaw ang kinakausap ko.” Sabi ni kuya Jiro. “Sumunod ka sa akin Sam.”

“Ako?” tumalikod na siya at naglakad, ako naman sumunod din agad sa kaniya. “Zero ako? pano nangyari yun?”

Hindi ko na nilingon pa si Jude.

Sinusundan ko si kuya Jiro ngayon, ang bilis niya maglakad, ang hahaba naman kase ng binti niya. Kaso hindi naman kami sa office niya pumunta, nandito kami sa parking lot.

“Mali palang test paper yung nakuha ko.” Sambit niya.

“Ha?”

“Ibang Samantha pala, nasa ibang klase.”

“Ang layo na ng nilakad ko kuya ha, akala ko zero na ako, kinabahan ako dun ah, nag aral ako kagabi.” Napangiti siya sa sinabi ko. “Nakakahiya naman kase kung mazero ako tapos magkaapelyedo pa tayo.”

“Sige na bumalik ka na sa susunod na klase mo.”

Papunta na siya ngayon sa kotse niya. “Kuya!” napalingon siya agad.

“Bakit?”

“Ah eh wala naman.” Gusto kong tanungin yung sinasabi ni Jude kaso huwag na, imposible naman iyon, anong pakealam ni kuya Jiro kay Jude diba? Kelan lang sila nagkakilala bilang magteacher tapos ganun pa, imposible talaga.

Nagwave lang siya sa akin sandali bago siya pumasok sa kotse niya, bakit ganito pakiramdam ko iniwas niya lang ako kay Jude kanina, hindi kase ako makaalis dahil baka saktan niya ako, iba kase ang itsura ni Jude parang nadedepress ang laki ng eye bags.

Bahala na basta naiwasan ko siya, may family problem sila kaya naghahanap siya ng pagbubuntunan niya ng galit.

Sa last subject ko nalate yung professor namin, napansin kong kumukulimlim, heto nanaman tayo hindi ako mapakali dahil nakikita kong kumukulimlim sa labas.

Minsan kapag naabutan ako sa hapon ng malakas na ulan at kulog pinapahupa ko muna, nagkukulong ako sa comfort room ng mga babae at pinapaalam ko sa janitor yun, hindi naman niya nilolock yung pinto dahil alam niyang nandun pa ako.

Alam ko nanaman kalalagyan ko nito, magkukulong nanaman ako sa pinto CR nito.

Naririnig ko na ang kulog at napapapikit ako, hindi ako makaconcentrate dahil may phobia ako diyan, gusto ko na magkulong sa CR para walang gaanong marinig, ang hirap ng ganito pinagpapawisan ako kahit malamig ang hangin.

Hindi ako makaconcentrate kaya lalabas na lang ako.

“Excuse lang po sir.” Paalam ko sabay takbo palabas, wala na akong pakealam kung anong isipin nila sa akin, nakatakip ang tenga ko habang tumatakbo.

Nadapa pa ako sa lakas ng kulog pero pinilit kong tumakbo papunta sa comfort room.

“Ate huwag mo muna ilock ha.” Nagmamadali kong sinabi sa janitress at deretso ako sa isang cubicle ng comfort room.

Hindi ko masyadong madinig dito ang kulog dahil sarado at nakaaircon din, sa may classroom kase nakaaircon nga pero salamin yung bintana rinig at kita ko ang kidlat.

Kinakalma ko ang aking sarili, hindi ko nadala ang bag ko sa sobrang taranta.

Mabuti na lang napapakalma ko ang sarili ko kapag wala na naririnig, may mga tao sa comfort room na ito may mga nagpapagandang estudyante, nagreretouch ng mga make up nila.

Maya maya pa wala na akong narinig na tao.

Umuulan pa rin at alam kong kumukulog pa kaya hindi pa ako umalis.

Halos isang oras akong nandito sa loob, naalala ko may klase pala kami at mukhang tapos na, yung mga gamit ko iniwan ko sa loob ng room at yung phone ko nandoon maski yung wallet.

Saktong dumilim ang paligid, tanging ilaw lang sa maliit na bintana ang nakikita ko, lalabas na sana ako kaso. “Bakit nakalock?” tanong ko sa aking sarili. “Manang! May tao po ba? Manang! May tao pa po dito!” kinakalampag ko yung pinto ng comfort room pero walang sumasagot. “Manang!” sigaw ko ulit.

Tinignan ko ang oras higit isang oras na pala akong nandito, baka akala niya nakalabas na ako ng CR?

Nako po anong gagawin ko? Wala pa man din ang bag ko dito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Revenge   //88

    Chapter eighty eightJIROSabi ko na nga ba, tama ang kutob ko. Hindi ko na talaga siya pinigilan dahil ayaw ko na magsinungaling pa sa kaniya.Matagal ko nang gustong aminin sa kaniya kaso napanghihinaan ako, alam kog marami siyang maiisip kapag nalaman niya ang totoo, alam kong iiwan din niya ako.Hinahanda ko ang sarili ko sa sitwasyong ganun kaso hindi ko kaya, tao lang din ako may kahinaan lalo sa ganung sitwasyon. Kapag mahal mo sa buhay ang pinag uusapan iba talaga ang pakiramdam.Lalo na pagdating kay Sam.Noong una naghinala ako kung saan ba siya pumupunta dahil may tracker ako sa kaniya, alam ko kung saan siya galing kaso ayaw ko siyang sitahin lalo at nagsinungaling siya, hindi niya sinabi ang totoo sa akin na pinupuntaha na pala niya ang tunay niyang magulang.Natakot ako, hindi ko rin alam ang gagawin ko sa mga panahong iyon pero tahimik lang din ako at nagmamasid sa mga nangyayari, nararamdaman ko na noon pa na nag iimbistiga na siya tungkol sa kaniyang pagkatao.Hinihin

  • The Billionaire's Revenge   //87

    Chapter eighty sevenSamanthaNahinto ang pagluha ko pero namumugto ang mga mata ko, humihikbi ako ng wala sa oras dahil hindi ko mapigilan.Nakatitig lang ako kay kuya Jiro, samantalang siya? Normal na facial expression lang niya ang nakikita ko ngayon kahit nakikita niya akong nakasalampak dito sa sahig at mugto ang mga mata.Mukhang handa siya sa mga nangyayari.Parang alam niya kung anong nangyayari sa akin ngayon.“Bakit?” yan ang kusang lumabas na salita sa bibig ko. Mahina lang pero alam kong narinig niya. Hindi siya nagsasalita, hindi siya umiimik, nakatitig lang siya ng deretso sa akin kaya naman nainis ako. “Bakit hindi mo agad sinabi!” sigaw ko sa kaniya at doon na tumulong muli ang luha ko.Hindi parin siya umiimik, hinihintay ko siyang magpaliwanag pero wala siyang sinasabi, mas lalo lang akong naiinis dahil sa katahimikan niya!“Alam mo na pala ang lahat pero tinago mo sa akin? Bakit mo tinago ang totoo? Ilang taon akong nagdusa na walang magulang at hind imo yun alam!”

  • The Billionaire's Revenge   //86

    Chapter eighty sixSamanthaIbang iba ang pakiramdam ko ngayon, maski ata si kuya Jiro napapansin ang pagbabago ng mood ko, palagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ako, kung may problema ba ako, ang palagi kong sinasagot sa kaniya ay baka rereglahin ako kaya umiiba mood ko.Madalas akong tulala at tahimik, ganito pala kapag stress ka habang naghihintay ng resulta, hindi ko kase magawang ngumiti at maging kagaya ng dati na jolly at walang iniisip na problema.Halos ayaw pumasok ni kuya Jiro sa kompanya dahil sa akin, sabi ko ayos lang ako masakit puson ko kahit hindi naman totoo, hinihintay ko kase ang resulta ng DNA test kaya palagi akong nasa bahay, baka bigla nila akong tawagan na kasama si kuya Jiro kaya naman nagdadahilan ako.Im sorry Jiro, kailangan kong gawin ito.Nagpaiwan ako dito sa mansyon, inaaya niya akong pumunta sa kompanya dahil pagkatapos nun ay deretso na kami mamasyal at mag dinner sa labas.Nakokonsensya ako kay kuya Jiro pero naiintindihan naman niya, alam

  • The Billionaire's Revenge   //85

    Chapter eighty fiveSamanthaTinititigan niya lang ako habang nakatayo ako sa may tapat ng pinto, parang ayaw kong humakbang palapit sa kaniya.“Halika maupo ka dito.” Turo niya sa upuan sa may harapan niya.Lumapit ako upang makausap siya ng maayos at marinig ko din ng maayos ang mga sasabihin niya. “Pinapatawag niyo daw po ako?”“Yes noong nakaraang araw pa kaso ayaw mo daw.”“Pasensya na kase akala ko mga kidnapers yung dalawang lalake na tauhan niyo kase naman tinatanong ko sila kung saan ako dadalhin iba iba ang sinasabi.” Natawa siya sa sinabi ko, totoo naman yun kase yun ang hinala ko sa kanila.“Anyway, hind imo alam siguro kung bakit kita pinapahanap, dahil noong nakaraan nabanggit mo ang tungkol sa anak ko, hindi kita nakausap ng maayos dahil nagmamadali ako that time, and because of my curiosity after ng meeting ay naalala ko yung mga sinabi mo kaya gusto kitang makausap ng masinsinan.”“Sige ho, pasensya na kung naungkat ko ang tungkol doon.”“Paano mo nasabing same kayo n

  • The Billionaire's Revenge   //84

    Chapter eighty fourSamanthaAng sarap gumising na nasa bisig ng taong mahal mo, yun bang wala ka agad problem ana maiisip kase kinikilig ka.Dating pangarap ko lang ito, yun bang magkagusto din sa akin ang taong gustong gusto ko, pero ngayon natutupad na.Nauna akong nagising sa kaniya, ang ganda ganda pa ng view dahil tanaw namin mula dito sa higaan ang dagat, ang laki naman kase ng salamin sa labas at yung dagat talaga ang bubungad.Nagdahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap ni kuya Jiro kase nagvavibrate yung phone ko.Kinuha ko ito mula sa bag ko, kagabi pa kase ito hindi natitignan, si Riri pala ang nagmimissed call, naalala ko nandoon nga pala siya sa graduation ko, hindi ko na nasabi sa kaniya na umalis na ako doon.Baka hinahanap niya ako kaya tawag siya ng tawag, makikipagkita na lang ako sa kaniya mamaya kapag nakauwi na kami ni kuya Jiro.Hinatid ako ni kuya Jiro sa mansyon niya bago siya pumasok, nagpaalam siya na baka gabihin at doon na daw ako matulog sa kwarto niya,

  • The Billionaire's Revenge   //83

    Chapter eighty threeSamanthaKagaya nga ng sinabi ni kuya Jiro binigyan niya ako ng body guard, pinakilala niya sa akin ang dalawang body guard ko, pero hindi sila naka uniform, nakacivilian sila parang normal na kasuotan lng din kapag nasa labas ng bahay.May picture taking kami, graduation picture kaya kailangan ko pumunta dito sa campus, yung mga body guard ko nasa bench, kunwaring may hinihintay. Hindi nila ako nilalapitn pero sinusundan nila ako sa malayo.“Uy Sam sino ba yung naghahanap sayo?”“Ang kukulit nila.”“Sabi sa kompanya daw na pinag OJThan mo kaya sinabi naman kung nasaan ka, kaso bakit ka tumakbo?”“Basta mahirap ipaliwanag.”Iba ang dinahilan nila sa mga classmates ko, iba rin ang sinasabi nila sa akin kaya paano ako magtitiwala sa kanila? Hays mabuti na lang nakatakas ako muntikan na akong makuha ng mga taong iyon.Natutulala na ako kakaisip kung bakit hinahanap ako ng mga taong yun, wala naman akong atraso sa kanila.May nagmamake up na sa akin kase isasalang na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status