Habol, Marco!
Matapos mag-almusal nila Kara sa cute na apartment ni Miles ay tiningnan ni Kara ang laman ng dalawang kahon ng mga damit at dalawang kahon ng bags at sapatos niya. Napapailing na lamang siya sa dami ng gamit niya. Samantalang, taun-taon naman ay nagpa-pack siya ng mga gamit niya para ipauwi sa Amerika. Heto yung perks ng pagiging endorser ng clothing line.Pumili lamang siya ng ilang pirasong damit, underwears, dalawang sapatos at dalawang bag na magkakasya sa katamtamang laki ng luggage niya dahil hindi na siya nakapagbitbit ng damit mula sa Amerika. Ang lahat ng natira ay ipapadala na niya sa Palo Alto. Naligo sila ni Olivia at nagpalit ng malinis na damit bago tumulak sa pinakamalapit na freight services para ipadala sa kanilang bahay sa Palo Alto ang kanyang mga gamit. Mula roon ay nakipagkita naman sila sa bumili ng kanyang apartment. Pinirmahan lamang niya ang Deed of Absolute Sale dahil na-deposito na ng matandang babae ang buong kabayaran sa kanyang account kahapon.Lumipat
Naihilamos ni Marco ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Dalawang oras na siyang naghihintay pero hindi pa lumalabas ang clearance nilang lumipad.“Is there something wrong?” Mainit na ang ulo ng lalaki. Kating-kati na siyang makita at mayakap ang asawa.Marami siyang dapat ipaliwanag sa kanyang asawa ngunit hindi niya alam kung paano, hindi nga niya maintindihan ang nararamdaman para sa babae hanggang ngayon. Basta ang alam lamang niya na habang hindi niya ito nakikita ay hindi siya makakahinga nang maluwag.“Sir, Ms. Nickelle said you haven’t eaten anything,” nag-aalalang sabi ni Enrique na kanina pa niyayaya kumain ang kanyang boss ngunit hindi siya nito pinapansin.“I’m not hungry, Enrique. You can go home now. Make sure everything in the office is in order while I am away,” kunot ang noong sagot ni Marco.Hindi kumibo ang kanyang assistant. Plano nitong masiguro muna na nakalipad nang maayos ang kanilang CEO bago umuwi ng kanyang apartment.Nang lumabas ang clearance nila para
Nang oras na iyon tila huminto ang mundo niya. Nagsimula siyang mabingi sa naririnig na kabog ng kanyang dibdib kaya napatitig na lamang siya ngayon sa bibig ni Nickelle at inabangan ang bawat buka ng bibig nito para maintindihan ang anumang sasabihin ng babae. “Ano na nga ba ang name niya?” nag-isip pa ang babae. “Ah, Ara!”Nanigas ang katawan ni Marco at napatitig sa family portrait. Bigla siyang nakaramdam ng takot. “Bakit hindi mo ako ginising?”Kunot-noong napalingon si Nickelle kay Marco nang marinig ang pagtaas nito ng boses at nabasa niya ang labis na takot sa mukha nito. Kumurap ang kanyang mga mata. Sa loob ng anim na taon na magkakilala sila, ngayon lamang niya nakita na matakot nang ganito ang lalaki.“Papa, I’m hungry.” Sabay silang napatingin sa bata. Muli silang nagkatinginan. Nang mapansin ni Marco na walang plano gumalaw si Nickelle ay pasigaw nitong tinawag ang tagapag-alaga ni Nikolai. “Mary!"“Sir!” humahangos na lumapit ang isang mahigit beinte anyos na babae.“
“Papa, I’m hungry. Please wake up!” Naupo ang batang lalaki sa tiyan ni Marco at saka marahang tinatapik ang dibdib ng ama.Kumunot lang ang noo ng lalaki na nanatili pa ring tulog. Nakasuot pa ito ng light blue longsleeves polo at itim na pantalong pang-opisina.“Marco, gising na. Ayaw kumain ni Nikolai ng hindi ka kasabay,” pagsegunda naman ni Nickelle na ngayon ay nakatayo sa paanan ng kama ni Nikolai.“Mom, why is Papa so sleepy? It's only 8 in the evening. He promised me that we would play, but he fell asleep.” Humaba ang nguso ng bata na parang pinipigilan umiyak. “He used to do everything he promised. Now, I miss Daddy.”“Your Papa is a busy man. Didn't we already explain that to you?” puno ng pasensiya na paliwanag ng babae.Nakasimangot na tumayo ang bata at nakahalukipkip na naupo sa tabi ni Marco. “I remember before I met Daddy, Papa was always around; he slept with me, played with me, and ate with me. Mommy Lola keeps on saying that I will understand everything when I grow
“Always remember that I love you so much!” parang musika na paulit-ulit sa pandinig ni Marco.“Sir, Enrique has already called. Mr. Brown is on his way to GPEAC. Let us know if you want to leave now,” pagpukaw ni Noah ng atensyon ng amo. Doon lamang napansin ni Marco na matagal na pala siyang tulala roon at kanina pa nakababa sa sasakyang ang kanyang misis. Hindi siya makapaniwala na nakahanap siya ng babaeng tulad ni Kara. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinawalan. “Mula ngayon hindi na kita hahayaang umiyak sa piling ko, asawa ko,” bulong ni Marco sa sarili.Sa opisina ni Kara, tiningnan niya ang mga folder na naiwan at tinapos lahat ng dokumentong nangangailangan ng kanyang pirma. Pagkuwan ay pinatawag niya si Friedrich upang makumpleto ang pag-turnover. Nagbilin din siya kay Mrs. Adler.Pagdating ng alas singko ng hapon ay nakatanggap siya ng text mula kay Marco.Hubby to Kara:I sent Noah to pick you up and drive you to Aunt Liv. I will fetch you tonight at 10 pm. I
Tinitigan ni Marco ang mukha ng asawa. Pagkuwan ay kinulong niya sa kanyang mga palad ang magkabilang pisngi ng babae at saka pinatakan ng halik ang labi nito bago niyakap ng mahigpit si Kara. Nang hindi pumalag ang babae ay sinimulan niyang halikan ang leeg nito, napakagat sa loob ng kanyang pang-ibang labi ang babae. “Marco, I just went out of the hospital,” pagpapaalala niya sa asawa.“Dadahan-dahanin ko wifey, nagwawala na talaga eh,” pagsusumamo ni Marco na hinuli pa ang kamay ni Kara at ipinahawak ang kanyang sandata. “Ang tagal na nito please, wifey.”Hindi nakakibo si Kara. Napatingin siya sa mukha ni Marco at lubhang naguluhan sa inaasal ng asawa. “Bahala ka kung gusto mo,” walang emosyong sagot ni Kara na nagpakunot sa noo ni Marco. “Basta samahan mo na ako matulog sa ospital mamayang gabi kapag nanghina ako ulit,” dagdag pa ni Kara.Napapikit ang lalaki. At saka binuhat ang asawa bridal style. Dinala siya sa kanilang silid at marahang inilapag sa kama. Pagkuwan ay naghub