Share

Chapter 89

Penulis: Lilian Alexxis
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-11 22:20:06
Nanigas sa kanyang kinauupuan si Kara. Ilang beses niyang ikinurap ang kanyang mga mata at saka mahigpit na hinawakan ang kanyang cellphone habang pinanonood kung paano kumikinang ang mga mata ni Marco na yakap-yakap ang bata sa kanyang kandungan habang pinanonood ang bawat pagrampa ni Nickelle sa harapan. Pagkuwan nagpalakpakan ang lahat habang ang ilan ay nagtayuan pa kaya nawala na rin sa paningin nya ang lalaki.

Napansin niyang may umaakyat sa stage at nang titigan niya ay agad niyang nakilala ang Filipino Couturier na si Gideon Sanchez katabi ang kanyang endorser ngunit iba na ang suot nito kumpara kanina. Napayuko siya para sipatin ang kanyang wristwatch at nagulat siya na 9:00 na ng gabi.

Tumayo siya at nakipagsiksikan para makalayo sa audience. Nang makarating sa gilid ay ibinalik pa niya ang tingin sa kung saan niya nakita ang mag-ama kanina ngunit wala na ang mga ito roon.

Lumingon siya sa paligid at nakita niya si Noah sa ‘di kalayuan na nakamasid sa mga tao kaya mabilis niy
Lilian Alexxis

Sumasakit na dibdib ko para kay Kara.

| 10
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (19)
goodnovel comment avatar
Miss B🫶🏻❤️
Sana 2 o 3 chapters huhu
goodnovel comment avatar
bob ragil
Tagal naman ng update tapos paisa isa pa
goodnovel comment avatar
MeAnn Tenorio Pesigan Gallaron
ang tgal nman po ng update neto🥹🥹
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 97

    “Kara…”Iniangat ni Kara ang tingin kay Marco. Salubong ang mga kilay niyang pinakatitigan ang lalaki. “What?”Napalunok ang kanyang mister sa nakitang sungit sa mukha niya. Sa unang pagkakataon ay nasungitan siya ng asawa. Ngayon niya napagtanto na totoo ang laman ng ipinagawa niya dati na background check sa babae na may itinatago itong kasungitan.Magsasalita sana si Marco pero itinaas ni Kara ang kanyang kamay para pahintuin ito. “Please stop saying sorry. I do not want to hear your empty promises. Hindi ka ba napapagod magpanggap, Marco?” madiing sabi ni Kara.Kumuyom ang kamao ni Marco na hindi nakaligtas sa mga mata ni Kara.“Why are you clenching your fist? Are you planning to hurt me physically?” hilaw ang ngiting tanong ni Kara. “Hindi mo na kailangan gawin iyan, ilang araw na akong bugbog eh hanggang kaloob-looban ko.”Inunat ni Marco ang kanyang kamao at saka umiling. “You know that I cannot do that to you.”Gustong sumama ang loob ng lalaki dahil napag-isipan siya ng ka

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 96

    “Really, Marco? Weren’t you preoccupied with something else these past few days?" kunot-noong tanong ni Kara na sinigurong hindi malakas ang kanyang boses para hindi sila marinig sa labas ng kanyang opisina.Lumambot ang mukha ni Marco at saka inilang hakbang lamang ang pagitan nilang mag-asawa. Mahigpit niyang niyakap ang babae kahit nagpupumiglas ito sa kanyang bisig.“I’m so sorry,” pabulong niyang sabi at saka hinalikan ang sentido nito.Nag-unahan na namang nagbagsakan ang mga luha ni Kara mula sa kanyang mga mata. Nakaramdam siya nang panlalambot kaya ibinigay na lamang niya ang kanyang bigat sa asawa. Hindi niya gustong isuko ang pamamahala ng RBs pero ayaw rin niyang maging dahilan ng muling pagbagsak nito. Ayaw niyang masayang ang kanyang ginawang sakripisyo.“I want to sit,” anas ni Kara sa asawa nang makarmdam ng hilo.Agad siyang binuhat ni Marco at iniupo sa sofa at iniayos ang isang throw pillow sa likod ng babae para makasandal ito nang mabuti. Nag-aalala itong hinaplos

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 95

    Matapos maghapunan, pati ang pagliligpit ng pinagkainan at kusina ay inangkin ni Marco. Hindi rin siya sumubok na pasukin sa banyo ang misis. Dahil unang nakapaglinis ng kanyang katawan ay nakahiga na si Kara nang sumampa sa kama ang mister. Nagsimulang tumambol ang puso ni Kara nang yakapin siya ni Marco at lalo pang lumakas iyon nang isiksik ng lalaki ang kanyang mukha sa leeg ng misis at sininghot pa ito ng ilang ulit. "Your scent is something I could fall in love with a thousand times and never grow weary of."Nagpanting ang tainga ni Kara sa narinig. “If you think you can sway me with words like that, you're mistaken. You just admitted yesterday that you’re in love with someone else. How can you say those lies?"Pilit niyang tinatanggal ang braso ni Marco sa kanyang katawan ngunit hindi niya ito magawa sa lakas ng lalaki na ngayon ay nakapikit na ang mga mata at mas lalo pang niyakap ang asawa. “I cannot undo the past Kara. We never asked about our former relationships before ty

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 94

    Kung kanina ay nakaramdam na ng antok si Kara habang pangko ni Marco, ngayong umalis nang biglaan ang lalaki ay hindi na siya dalawin ng antok. Gusto niyang umiyak na iniwan siya ng asawa para sa mag-ina nito pero walang luhang gustong pumatak ngayon. Natawa siya sa naisip na naubos na ang mga luha niya.“Dapat ba ay pinigilan ko siya?”“Ako kaya ang pipiliin niya kapag pinapili ko siya?”Nagising si Kara nang maramdamang may nakadagan sa kanyang tiyan. Nang tingnan niya kung ano iyon ay nakita niya ang kamay ng mister. Napatingin siya sa orasan, alas siyete ng umaga. Tumagilid siya paharap sa lalaking tulog na tulog pa hanggang ngayon. Napaisip tuloy siya kung anong oras umuwi ang lalaki, dati kasi ay maaga itong nagigising.Tinitigan niya ang mukha ni Marco, ang noo nito na katamtaman ang sukat, ang mga kilay na katamtaman ang kapal, mga mata at ilong na animo’y nililok ng Bathala para magmukhang perpekto at ang katamtamang kapal ng mga labi na laging tumutukso sa kanyang halikan.

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 93

    “She’s the woman I love, and the kid is my son.”Humapdi ang mukha ni Kara sa mga salitang narinig mula sa lalaking minamahal niya. Para siyang sinampal nang paulit- ulit. Kusang bumalong ang mga luha mula sa kanyang mga mata.Nataranta si Marco nang makita ang reaksyon ng asawa at mabilis itong niyakap ngunit nanatiling tuod sa pagkakaupo niya si Kara at kahit punasan ni Marco ang mga pisngi nito ay patuloy na dumadaloy ang kanyang mga luha na para bang may sariling isip ang mga iyon.Binuhat ni Marco ang misis at saka kinalong ito. Walang reaksiyon si Kara at umiiyak pa rin.Idinampi ni Marco ang kanyang labi sa gilid ng ulo ng babae. Alam niya na may nararamdaman na sa kanya ang asawa pero sa nakikitang reaksyon ng babae sa sinabi niya ay nakumpirma niyang mahal na siya nito at inaamin niya na masakit sa kanyang dibdiib na makitang nasasaktan niya ang babae. Ito ang dahilan kaya ayaw sana niyang umamin ngunit hiniling nito na maging tapat siya.“Bakit mo pa ako pinakasalan kung may

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 92

    Nanatili sa loob ng library si Kara para kalmahin muna ang sarili. Hindi niya alam kung nasa living room pa si Marco at kung paano ito pakikiharapan nang hindi maiiyak. Sa magkakasunod na araw na puro sakit ang kanyang nararamdaman, minsan naiisip niyang mali ang naging desisyon niya na pumayag magpakasal sa lalaki. Nang pumayag kasi siya noon sa kanyang ama ay hindi siya nakapag-isip ng tama dahil sa takot na atakihin ulit ito sa puso at ang ikabubuhay ng nasa limandaang empleyado na itinuring na nilang parte ng kanilang pamilya ay kanya ring isinaalang-alang. Noong mga panahong iyon ay hindi niya naisip na mahuhulog ang loob niya sa kanyang mapapangasawa dahil galing lamang siya break-up at ang unahin ang kapakanan ng nakararami ang kanyang binigyan ng prayoridad. Bahagya siyang nagulat nang may naramdaman siyang tao sa loob ng library dahil wala naman siyang narinig na pumasok. Nakatalikod kasi siya sa pinto at hindi niya alam kung may sumabay na pumasok sa paglabas kanina ni At

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status