Niyakag na nina Luciana at Mrs. Z si Kara papunta sa auction venue. Hindi mawari ni Kara ang nararamdaman nang umapak sila sa pintuan ng hall. Sa tantiya niya ay nasa isang daan o higit pa ang naroon. “Our table is in front,” ani Luciana na nagpatiuna na sa paglalakad habang nakasunod naman sina Mrs. Z, Kara at Samuel.Sa bandang likuran, umuwang ang mga labi ni Victor nang makitang papasok ng hall ang dating nobya. Lalong tumingkad ang puti ng babae at kitang-kita ang makinis nitong balat sa suot na midnight blue gown. Nakalugay lamang ang bahagyang kinulot na mahaba nitong buhok na pinarisan ng simpleng make-up lamang. Napansin niya ang mga kalalakihan sa hall na hindi maiwasang humanga sa babae kahit pa may mga kasamang asawa at nobya. Nagsalubong ang mga kilay ni Victor nang makitang may nakasunod na lalaki kay Kara. Sa pagkakakilala ng lalaki sa babae ay hindi ito basta-basta nagpapalapit sa lalaki kahit pa manliligaw na niya ito. Kaya nagtataka siya na may lalaking nakasunod s
Abot-tainga ang ngiti nina Mrs. Z at Luciana sa naging presyo ng unang alahas ni Kara. Dumoble kasi sa totoong presyo ng alahas ang hammer price nito. Napangiti naman si Axel na kinindatan pa si Leah sa ‘di kalayuan. Kinikilig namang napangiti ang kaibigan ni Kara dahil alam niyang ginawa iyon ni Axel para sa kanya. Lihim na napailing si Kara sa pagiging corny nina Axel at Leah. Sumunod na isinalang ay ang set diamond earrings and necklace ni Kara na sinimulan sa bidding price na 500,000 dollars. Nanlaki ang mga mata ni Allona. Iyon ang kinaiinggitan niyang set ng diamond earrings and necklace na ibinigay ni Victor kay Kara. Napatingin ang babae sa katabi niya dahil hindi pa ito nagbi-bid. “550,000 dollars,” sigaw ng isang matandang lalaki sa katabing table nina Kara. Muling nilingon ni Allona si Victor ngunit nanatiling tahimik ang lalaki. Iniisip ni Victor na hayaan muna ang iba na mag-bid at saka niya pe-presyuhan ng malaki sa dulo. Napalingon si Victor nang itaas ni Allona a
Inilapag ni Victor ang dalawang kahon ng mga alahas sa harapan ni Kara. Pinadaanan lamang ng babae ang mga iyon nang tingin bago muling ibinalik ang mga mata sa dating nobyo. Nang nag-bid din ang lalaki kanina ay naghinala na siyang ibabalik ni Victor ang mga alahas sa kanya.“Why did you donate my gifts to charity?” may bahid ng lungkot na tanong ng lalaki.“I was decluttering. Instead of throwing them away, I donated them,” sagot ni Kara na hindi sinasadyang sumimangot.Sinubukan ni Victor na abutin ang kamay ni Kara na nasa mesa ngunit mabilis iyong inilayo ng babae. Napabuntong hininga na lamang si Victor.Mula sa kinatatayuan ni Marco ay kitang-kita niya ang nagaganap sa mesang kinauupuan ng kanyang asawa. Ngunit dahil mahina lamang ang pag-uusap ng dalawa at maraming bumabati sa kanya ay hindi niya magawang mag-focus sa dalawa. “Let’s get back together,” nanginginig ang boses na sabi ni Victor kay Kara. “I can’t live without you, baby.”Umuwang ang mga labi ni Kara sa narinig k
Halos mapalundag si Kara nang marinig ang sigaw ni Marco. Tiningnan niya ang mukha ng lalaki na kanina pa hindi siya tinatapunan ng tingin. Salubong ang mga kilay nito at parang anumang oras na hindi pa siya bumaba ay ipapakaladkad na siya palabas. “I-I’m sorry if I did something that pisses you.” Natatarantang binuksan ni Kara ang pinto sa takot sa bantang sinabi kanina ng lalaki. Biglang may kung anong nakadagan sa dibdib niyang napakabigat. Pagkasara ni Kara ng pinto, umandar na ang kotse ni Marco. Hindi na niya nilingon ito at dumiretso na sa elevator na ngayon ay bukas na habang naroon si Samuel na nakaalalay sa kanya.“You can leave now. I don’t need you here. No one knows where I live,” seryosong sabi ni Kara habang pinupunasan ang mukhang basa na sa luha.“I can’t do that, Mrs. De Guzman. Your husband instructed me to take care of you,” pagsuway ni Samuel na hinihintay pa ring makapasok si Kara sa elevator.Hindi napigilan ni Kara ang matawa ng hilaw nang marinig ang salitan
Puminta ang pagtatanong sa mukha ni Samuel at bago pa siya magsalita ay nasagot na siya ni Kara.“I just realized I left my silver clutch bag last night at the venue. My cellphone and credit card are in it,” paliwanag ng babae.Tumango si Samuel at may pinindot muna sa kanyang cellphone bago iyon iniabot sa babae.“Thank you!”Hindi na nag-aksaya ng oras si Kara at agad na tinawagan ang kanyang bangko. Matapos makumpirma ang kanyang identity ay naipa-cancel na niya agad ang kanyang credit card. Isinunod din niyang tinawagan ang kanyang network provider at ipinablock naman ang kanyang cellphone. “Sorry, one more call,” nahihiya niyang sabi kay Samuel.Tumango lamang ang lalaki. Kaya tinawagan naman niya ang telepono sa kanilang bahay. Agad niyang nabosesan ang kanyang tiyahin. “Aunt Liv, this is Kara.”“O-oh, hello Yvonne!” Napakunot ang noo ni Kara sa sinabing pangalan ni Olivia.“Auntie, are you okay?” nag-aalala niyang tanong.“Kara is not here. I will just tell her that you called
Napamaang si Kara sa narinig at saka kumunot ang noo. Naisip naman ni Samuel na hindi narinig nang maayos ng babae ang kanyang sinabi kaya inulit niya ito. “The boss threw it away.”“What?”“HAHAHAHAHA!”Magkaibang reaksiyon nina Kara at Reginald.“I bought that phone with my own money!” parang batang sabi ni Kara na sinabayan nang pagpadyak ng mga paa.Napakamot ng kanyang ulo si Samuel sa natunghayan.“How about my clutch bag and cancelled credit card?” tanong muli ni Kara sa bodyguard.“I’m sorry, ma’am, but I do not know,” tapat na sagot ni Samuel.“Where is the other guy?” inis niyang tanong at saka tumingin sa kanilang pintuan kung naroon pa si Noah.“They already left,” sagot muli ni Samuel.Natatawang tumayo si Reginald. Dumaan pa ang matanda sa gilid ng bodyguard at tinapik ang balikat nito na para bang sinasabihan siya ng goodluck. “I’ll go in the library,” paalam pa ng matanda na nakangiti pa rin.“Your phone?” tanong ni Kara sabay lahad ng kanyang kamay.Walang nagawa si
Dumaan ang halos dalawang buwan na hindi nakakausap o nasisilayan man lamang ni Kara si Marco. Hindi siya inuwian ng lalaki kahit na minsan mula nang gabing iyon. Iniwasan rin niyang magtanong kay Samuel at sa kanyang mother-in-law. Ginugol niya ang kanyang oras sa bagong nadiskubreng talento. Sinubukan niyang pag-aralan ang scriptwriting ng mga nauusong series ngayon sa internet.Sa loob ng mahigit isang buwan niyang pagsusulat ay kumita na rin siya. Hindi nga lang malaki tulad ng dati niyang kinikita bilang modelo pero naisip niyang nakabubuti rin na abala ang kanyang isipan sa ibang bagay maliban sa paghingi ng update kay Axel tungkol sa lagay ng kanilang kompanya.Kung may isang bagay na tinupad si Marco sa kanya iyon ay ang pagbibigay-sigla muli sa kanilang publishing company. Bagay na lubhang ikinatutuwa ng kanyang ama. Sa tuwing bibisita siya sa kanila ay laging bukambibig ng kanyang ama si Marco. Bilib na bilib ang matanda sa kanyang asawa kaya hindi na lamang ipinaalam ni Kar
Kumurba ang mga kilay ni Kara at napatitig siya sa guwapong mukha ng asawang ilang buwan niyang hindi nakita. Nang hubarin ng lalaki ang kanyang longsleeves, tumambad kay Kara ang malapad nitong balikat, matigas na dibdib at well-toned abs. Binuksan ng lalaki ang kanyang pantalon at kasamang ibinaba ang suot na briefs. Napalunok siya sa nakita ngunit biglang sumama ang mukha ng babae nang maalala ang naganap dalawang buwan na ang nakakalipas. “What are you doing?” masungit na tanong ni Kara.Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Marco dahilan para maguluhan si Kara at piniling manahimik at mag-obserba sa plano ng lalaki. Tahimik na inabot ni Marco ang body sponge at nilagyan iyon ng bath gel ng kanyang asawa. Pinabula pa niya iyon bago naupo sa gilid ng bathtub at saka inabot ang kamay ng babae at sinimulang kuskusin nang marahan. Sinubukang bawiin ni Kara ang kamay pero nagbago ang isip niya nang ibalik ni Marco ang tingin sa kanya na para bang ang mga mata ay nagsusumamo.Hindi rin ikin
Napasinghap ang mga tao sa restaurant at pinagtinginan ang dibdib ni Allona. Maging si Victor na hindi tinatapunan ng tingin ang katawan ng babae ay napilitan na ring tingnan iyon. Napakunot ang noo niya nang maalala na ganoon na ganoon nga ang hitsura at puwesto ng nunal sa dibdib ng babaeng nasa video na kamukha ni Kara. Nakuyom niya ang kanyang kamao sa galit. Iniisip na niyang umalis sa restaurant na iyon dahil unti-unti siyang nakararamdam ng kahihiyan para sa kanyang katangahan. Nilingon niya si Kara na tahimik at walang emosyong nagmamasid sa kanilang lahat. Tumawa nang napakalakas si Allona dahilan para lumipat ang atensiyon ng mga tao sa kanyang mukha.“You’re bluffing!” sagot ng babae kay Marco.Walang emosyong hinarap ni Marco si Allona. Lalo naman kumunot ang noo ni Victor. “Are you saying that he’s lying?”“What else? He knows you cannot debunk his claim because you were never intimate with Kara when you were together. He can easily divert the attention to me because
Isinuot ni Kara ang isang simpleng set diamond earrings and necklace na ipinares niya sa off shoulder dark blue dress. Binili nila iyon ni Marco last week sa mall para sa pupuntahan nilang dinner sa bagong bukas na seven-star hotel sa Palo Alto. Gustong subukan ng lalaki ang mga pagkain doon dahil ayon sa review ay magaling daw ang chef ng restaurant.Paglabas ni Kara sa kanilang unit ay naghihintay na si Samuel. Manggagaling pa kasi si Marco sa San Francisco dahil nag-attend ito ng pagpupulong ng mga businessman sa buong California. Pagdating nila sa main lobby ng Rosewood Resorts and Casino, dumiretso sila sa elevator.“What time is their ETA?” tanong ni Kara kay Samuel habang paakyat ang elevator sa floor kung nasaan ang restaurant.“They are expected to arrive in ten minutes,” magalang na sagot ni Samuel.Tumango lamang si Kara. Pagdating sa tamang floor ay sinamahan siya ni Samuel hanggang sa makaupo sa pina-reserve na spot ni Marco bago nagpaalam na magpupunta sa restroom.Napa
“Bakit gumising ka na? Go back to sleep,” malambing na utos ni Marco kay Kara nang makitang nagliligpit na ng kanilang kama.“Naiinip na ako dito sa bahay, puwede ba ako tumulong kay Dad sa publishing house?” Isang alanganing ngiti ang pinawalan ni Kara. Nag-aalala siyang hindi payagan ng asawa.Bahagyang kumunot ang noo ni Marco, tila nag-iisip kung pagbibigyan ba ang asawa. Nilapitan siya ni Kara.“Please? Naisip ko lang na sayang naman ang napag-aralan ko kung hindi ko magagamit,” pakiusap ng babae at saka nito niyakap sa baywang ang lalaki. Sinubukan pa niyang magpa-cute.“Hindi mo naman kailangang magtrabaho. Puwede mong bilhin lahat ng gusto mo, ubusin mo yung laman ng binigay ko sa iyong debit card, ikaskas mo pa ang black card,” mahabang litanya ni Marco para kontrahin ang hinihiling ng asawa.Bumitaw sa pagkakayakap ang babae at humaba na ang nguso. “Hindi naman pera at shopping ang gusto ko kaya ako magtatrabaho.”Masama ang loob na iniwan niya ang asawa at pumasok sa loob n
Nang masigurong tama ang sukat ng rubber shoes sa kanilang mga paa, hindi na pinahubad ni Marco ang bagong sapatos at binayaran na ang mga iyon. Hindi na rin ito kinontra ni Kara dahil nakita niya ang kakaibang saya sa mukha ng lalaki. Ipinabalot na lamang niya ang suot nila kaninang mga sapatos. Nang iabot sa kanya ng saleslady ang dalawang paperbag ay mabilis itong kinuha ni Samuel sa kanila para bitbitin.“Are you comfortable with your new shoes?” nakangiting tanong ni Marco habang naglalakad sila palabas ng boutique.“Yeah. How about you?” paniniguro rin ni Kara sa lalaki.“Comfortable as this,” ani Marco na biglang huminto sa labas ng boutique saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Kara at marahang pinatakan ng halik ang labi ng babae bago ito niyakap nang mahigpit.Napangiti si Kara sa pagiging sweet ng kanyang asawa. Napalingon sila nang humagikgik ang dalawang babaeng teenager na napadaan at halatang kinikilig sa kanilang dalawa.Nagkatinginan silang dalawa at nginitian ang
Umuwang ang mga labi ni Kara sa tinuran ng asawa. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Gusto niyang mainis sa ginawa ni Marco pero namamangha rin siya na nagawa nilang dalawa iyon sa loob ng sasakyan. Naisip tuloy niya kung ano pa ba ang kayang gawin ng asawa sa kanya.Napapikit siya sa naisip, gusto niyang kastiguhin ang sarili. Hindi naman kasi siya malibog na babae kaya nagtataka siya sa nagagawa sa kanya ni Marco. Hindi tuloy niya maiwasang maikumpara ang kanyang naging relasyon kay Victor, sa lalaking nagsumikap na mapaamo siya. Ilang beses ipinadama sa kanya ng dati niyang kasintahan na mahal siya ngunit nagawa siyang ipagpalit sa mana at ngayo’y ikakasal sa babaeng halos kapatid na ang kanyang turing.Habang si Marco na madali siyang nakuha sa one night stand, pinakasalan siya dahil sa kagustuhan ng mga magulang at ngayon ay tinuruan siya ng kakaibang pakiramdam. Bigla siyang nakaramdam ng takot, paano kung dumating ang araw na mas maha
Simpleng maong at white eyelet blouse lamang ang isinuot ni Kara na pinarisan naman ni Marco ng puti ring long sleeves polo at denim pants. Pagbaba nila sa basement parking ay nakahanda na ang silver na sports car ni Marco. Iniabot ni Samuel ang susi kay Marco.“Thanks, Sam!” ani Marco na sinagot lamang nang bahagyang pagyuko ng driver/bodyguard. Natigilan si Kara nang pagbuksan siya ng pinto ni Marco. Ikalawang beses na iyong ginawa ni Marco ngunit hindi pa rin masanay si Kara sa gawi ng lalaki. Hinintay pa ni Marco na nakaupo na nang maayos ang kanyang asawa bago isinara ang pinto at saka umikot para sumakay sa kotse. Dahil namamangha si Kara na obserbahan ang asawa, napapikit siya nang lumapit si Marco sa kanya sa pag-aakalang hahalikan siya ng lalaki ngunit hinila lang pala ng lalaki ang kanyang seatbelt, bago pa ito i-lock ni Marco ay mabilis siyang nagnakaw ng halik sa labi ng kanyang misis na hindi naitago ang gulat.“I know you’re waiting for that,” pilyong sabi ni Marco ha
“I’m sorry,” mahinang sabi ni Kara at saka ipinulupot ang dalawang braso sa katawan ni Marco.“Shhhhh,” pagsuway ni Marco sa babae. “That’s not your fault.”“Hindi na lang sana ako nagtanong,” malungkot na sabi ni Kara.Hinawakan ni Marco ang baba ni Kara at iniangat ang tingin nito sa kanya. “Puwede mo akong tanungin ng mga bagay na gusto mong malaman tungkol sa akin at sa iba pang bagay basta kaya kong sagutin.”Tinitigan lamang ni Kara sa mga mata si Marco. Nababasa pa rin niya ang lungkot sa mga mata ng lalaki. Isiniksik niyang muli ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg at dibdib nito. Rinig na rinig niya ang malakas na tambol ng puso ni Marco.Pagkuwan ay inilipat ni Marco sa kanyang leeg ang mga kamay ng asawa. Hinawakan niya ang puwitan para buhatin at saka iniyakap ang mahabang legs ng babae sa kanyang baywang. “Hmmmm. This feels better,” pilyang sabi ni Kara at saka parang bata na isiniksik muli sa leeg ng asawa ang mukha. Sininghot pa niya ang mabangong leeg nito.Seryoso lama
“Just sit there and relax. I’ll prepare our breakfast,” malambing na utos ni Marco kay Kara habang pinauupo sa isa sa mga stool sa kitchen counter.Alanganing napangiti sa kanyang asawa si Kara. Hindi niya alam ang sasabihin at nangangapa siya sa dapat maging reaksiyon. Kinurot pa niya ang sarili para masigurong hindi siya nananaginip.Kumuha ng mug si Marco at sinalinan iyon ng gatas. Ininit pa muna niya iyon sa microwave bago inabot sa asawang tahimik na pinapanood ang kanyang bawat galaw.“From now on, heat your milk first before drinking,” malambing na bilin ni Marco na pinatakan pa ng halik sa buhok ang misis bago muling bumalik sa tapat refrigerator.“Okay, sir!” natatawang sagot ni Kara.Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Marco sa asawa bago binuksan muli ang refrigerator, kinuha ng lalaki ang wheat bread. Hinanap pa muna nito ang expiration date bago isinalang sa toaster ang ilang pirasong tinapay. Pagkuwan ay pinahiran niya iyon ng cream cheese at saka inihain sa harap ni
Isang magaan na halik mula kay Marco. May ibinulong pa ang lalaki sa kanya ngunit hindi na maalala ni Kara kung ano iyon. Napatitig siya sa kisame ng kanilang silid habang nakahiga pa rin sa kanilang king size bed. Parang totoong nangyari pero ngayong dilat na dilat na ang kanyang mga mata at nag-iisa na naman siya sa kama, naisip niyang isa lamang iyong panaginip. “No, Kara. It was just a dream,” pangungumbinsi pa niyang muli sa sarili. Puno nang disappointment na naupo siya. Nakita niya ang kanyang repleksiyon sa malaking TV na nakasabit sa dingding na katapat ng kama. Kinapa ng babae ang tapat ng kanyang puso at tinanong ang sarili kung bakit sumasama ang loob niya sa tuwing iniiwan siya ng asawa? Aminado siya sa sarili na attracted siya sa kanyang mister pero ang alam niya ay simpleng atraksiyon lamang iyon. Isang paghanga sa hindi maikakailang kaguwapuhan at magandang pangangatawan ng lalaki. Handa siya makipagtalo kapag may nagsabi sa kanyang hindi guwapo ang lalaking kanyan