Kumuha ng wedding planner ang ina ni Marco upang may kasama sila ni Kara na mag-ayos ng kasal. Kahit na sabihing hindi naman nila mahal ang isa’t isa, na-excite pa rin si Kara nang sabihin ng lalaki na ibigay sa kanya ang gusto niyang kasal.
Sa dami nang aasikasuhin, napagkasunduan ng mga magulang nina Marco at Kara na gawin ang kasal tatlong buwan mula ngayon. Hindi naman daw nila kailangang magmadali at makatutulong iyon para mas makilala pa ng dalawa ang isa’t isa.
Nag-message ang ama ni Kara na i-meet siya sa Italian Restaurant na malapit sa kanilang Company para sabay na mag-lunch, excited na nagpunta si Kara.
Pagdating niya sa Italian Restaurant, si Marco ang nakita niyang nakaupo sa pang apatan na mesa. Kunot ang noo ng lalaki nang makita ang dalaga pero tumayo pa rin ito para salubungin ang nagtataka ring babae.
“Hi! I’ll wait for my dad at another table,” saad ni Kara.
“No let’s just have lunch together,” saad ni Marco kaya kumunot ang noo ng dalaga.
“Dad said he will meet me here for lunch,” paliwanag nito.
Napailing si Marco. “Mom, said the same thing to me.”
Hindi makapaniwala si Kara na nagawa siyang dayain ng ama para lamang magkausap sila ni Marco. Sumunod na lamang siya kay Marco ng igiya siya nito sa mesang kinauupuan kanina na ngayon ay may mga pagkain na.
“I can’t believe our parents tricked us,” natatawang sabi ni Kara habang inaalalayan siya ni Marco na maupo.
“Maybe they will not stop until they see us signing our marriage certificate,” naiiling na sabi ni Marco na naupo na lamang sa katabing upuan ni Kara. “I ordered ahead and most of this are my parents’ favorite, but let me know if…”
“Marco, I am not a picky eater,” ani Kara sabay hawak sa kamay ni Marco na nakapatong sa mesa.
Napatango naman ang lalaki at saka ngumiti ng sarkastiko. “And you don’t eat much.”
Napangiti si Kara. Magsasalita sana siya nang mapalingon sila ni Marco sa lalaking nagmumura at papalapit sa kanila. Bago pa makapagsalita si Marco ay hinila na ito ng lalaki at inundayan ng suntok dahilan upang mawalan ng panimbang si Marco at mapasubsob sa isang bakanteng mesa.
Naghiyawan ang mga tao sa loob ng restaurant at nagtayuan palayo sa dalawang lalaki. Tulala naman si Kara at hindi alam ang gagawin. Muling sinuntok ng lalaki si Marco.
“Gago ka! Walanghiya ka!” galit na galit na sabi ng lalaki na hinila na ng kanyang mga kasama palabas ng restaurant.
Napatakbo si Kara kay Marco. “Oh my god, Marco! Are you okay?”
Tumango si Marco sabay hawak sa kanyang mata na tinamaan ng kamao ng lalaki. Sumubok itong tumayo ngunit nawalan ito ng balanse.
Lumingon si Kara sa mga taong naroon para humingi ng tulong nang makita niyang papalapit ang restaurant manager at isa pang waiter. Nagtulong ang dalawa na maisakay sa kotse si Marco at dinala sila sa pinakamalapit na ospital.
Sa Emergency Room ay tinanong silang dalawa kung ano ang nangyari bago sinimulang bigyan ng paunang lunas ang lalaki.
“We want to make sure that his head was not hit, we will do a CT Scan,” paliwanag ng doktor. “Please remove all metal objects and electronics from his body.”
Dahil medyo hilo pa ay tahimik lamang na nakahiga si Marco sa hospital bed kaya si Kara na ang nagsimulang magtanggal ng singsing at relo ng lalaki. Tinulungan din siya ng nurse na lalaki na tanggalin ang suot na belt ni Marco at saka dinukot nito mula sa mga bulsa ang susi ng kotse, wallet at cellphone ng lalaki at iniabot ang mga iyon kay Kara.
Naiwan si Kara sa labas ng Radiology Department. Tahimik siyang naupo at inisa-isang tingnan ang mga hawak na gamit na puro kay Marco lamang. At saka niya naalala na naiwan niya sa restaurant ang dalang bag kaya hindi niya magagawang sabihan ang ama sa nangyari para ipaalam sa mga magulang ng lalaki. Naka-screen lock din ang phone ni Marco kaya hindi rin niya magawang tumawag sa kanilang opisina.
Nabuhayan ng loob si Kara nang mag-vibrate ang cellphone ng lalaki at lumitaw ang pangalang Nick. Agad niya iyong sinagot. “Hello?”
Ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya. Ibababa na sana ni Kara nang marinig ang mala-anghel na tinig ng isang babae. “Is this Marco’s mobile?”
“Y-yes. But he is in the restroom right now. I’ll tell him that you called,” kinakabahan niyang sagot at nalilitong mabilis na ibinaba ang tawag.
“Why did you answer my phone?” madiing sita ni Marco dahilan upang lalong lumakas ang kaba ni Kara.
“I thought it could…” hindi natapos ni Kara ang sasabihin ng agad na kinuha ni Marco ang cellphone sa kanyang kamay at saka naglakad palabas ng ospital.
Pinagtinginan siya ng mga tao kaya nakaramdam siya ng pagkapahiya. Sumunod siya sa kung saan nagpunta si Marco at nakita niya itong nakasandal sa kanyang kotse habang seryosong nakikipag-usap sa phone. Nanatili siyang nakatingin sa lalaki hanggang sa matapos ang tawag at lingunin siya nito para yayaing umuwi.
Tatlong linggo ang lumipas nang magising siya sa isang text message mula sa isang unknown number.
This is Marco. I’m on my way to pick you up. Wear something white.
Napabalikwas si Kara at mabilis na naligo. Manipis na make-up lamang ang inilagay niya sa mukha at saka isinuot ang shortsleeve off-white A-line chiffon dress na lagpas sa kanyang tuhod. Narinig niya ang dalawang busina mula sa labas kaya dinampot na lamang niya ang kanyang puting bag at pumps at saka nagtatatakbo pababa ng hagdan hanggang sa marating niya ang kanilang pinto kung saan nakaparada sa tapat ang isang silver sports car.
Isinuot ni Kara ang kanyang pump heels at saka naglakad patungo sa passenger seat. Nang makasakay ay pinaharurot na ni Marco ang sasakyan hanggang sa marating nila ang labas ng Tax Court.
“Get down. We’re getting married today,” ani Marco bago bumaba ng kotse.
Napanganga naman si Kara sa narinig.
“Good morning!”Masayang mukha ni Marco ang bumungad kay Kara sa umaga. “Good morning!” nakangiting sagot ni Kara bago siya napalingon sa kanyang tabi. Wala ang dalawang bata. “Nasa swimming pool sila kasama sina Xander, Amari at Yaya Grace.” Isang pilyong ngiti ang nakapinta ngayon sa mukha ni Marco.Natawa si Kara. Kilala niya ang tingin at ngiti na iyon ng asawa. “Baka bigla silang bumalik.”Umiling ang lalaki. “Nag-usap na kami ni Xander.”Pinanlakihan ni Kara ng mga mata niya ang mister. “Pinag-usapan ninyo? Nakakahiya!”“Ngayon pa lang kita masosolo dahil busy tayo ng tatlong araw sa mga bisita tapos bukas babalik na rin tayo sa Palo Alto,” sagot ni Marco at saka mabilis na inangkin ang labi ni Kara.Magsasalita sana si Kara para tumutol pero nang ibuka niya ang kanyang bibig ay nilaliman na ng lalaki ang halik sa kanya. Mapusok ang mga halik nito dahilan para madala na rin si Kara. Maya-maya pa ay bumitaw sa kanyang labi ang lalaki at bumaba sa panga niya ang mga halik nito ba
“Grabe ka Marco, akala ko kami lang ang sinagot mo ang round trip ticket at accommodation. Iyon pala lahat ng guests sa kasal ninyo?” nanlalaki ang mga mata ni Layla na naka-abresiete sa kanyang mister.Si Layla ang Editor-In-Chief ng Showbiz Mag sa Pilipinas at isa sa mabuting kaibigan ni Marco noong sa Manila Office pa siya naka-assign. Maliban sa kanya ay kasama rin ang buong pamilya ni Nickelle at mismong si Kara ang namili sa mga anak ng babae bilang parte ng entourage. Si Nikolai bilang ring bearer habang sina Neisha at Naomi naman ang flower girls.“Anything for my wife,” nakangiting sagot ni Marco kay Layla.“Gaano ka na ba kayaman ngayon? Balita ko lalo kang nagpayaman noong iniwan ka ni Kara?” natatawang sabi pa ni Layla.“Hon, nakakahiya kay Kara,” pagsaway ng asawa ng babae na nasa kanyang tabi dahil ngayon lang nila nakasama ang misis ni Marco at bilang mga kaibigan nina Nickelle ay lubhang nag-iingat ang lalaki.Nanlaki ang mga mata ni Layla. “Bakit? Totoo naman iyon! For
Hindi mapakali si Marco sa harap ng simbahan. Pinauna na kasi sila ng organizer at sinabing hindi sila sabay na babiyahe ni Kara mula sa hotel.“Bro, nakailang paroot-parito ka na. Maupo na lang muna tayo sa loob,” pag-aya ni Axel sa kanyang pinsan.“Nag-aalala kasi ako, nasa ibang bansa tayo at…” “At bitbit natin ang mga bodyguards ninyo. Nangako rin si Dom ng high security protocol. Wala ka bang tiwala sa kaibigan natin?” pagpapakalma ni Axel sa pinsang-buo.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawala ni Marco. Last week kasi ay nakatanggap siya ng isang patay na ahas na nasa box. Ito na ang pinakamalala kumpara sa mga text messages at sulat na sinasabihan siyang mag-iingat siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya lagi niyang pinasasamahan sa bodyguard noon si Kara. Nang mabunyag na sa publiko ang tungkol kina Kara at Kyros, maging ang kanyang mag-ina ay idinadamay na. Wala naman siyang maisip na naagrabyado pero hindi pa rin niya maipagsawalang-bahala dahil hindi lang buhay n
Nagising si Kara nang marinig ang isang musika na nagmumula sa isang violin. Napangiti siya dahil sigurado siyang may paandar na naman ang kanyang sweet na mister. Excited siyang naupo sa kama at napangiti siya nang makita ang isang pulang rosas sa night stand. Nakapatong ang bulaklak sa isang note:Happy 30th Birthday, my ever gorgeous wife!I love you times more than our networth!Love,HubbyNakangiting umikot ang mga mata ni Kara. Isang bulaklak at isang sweet note ay kaya na siyang pakiligin ng asawa.Kumunot ang noo niya nang mapansing nag-iisa siya sa kanilang silid. “Nasaan kaya ang tatlong boys ko?” pabulong niyang tanong, kausap ang sarili.Sinilip niya ang banyo, walang tao. Sumunod niyang sinilip ang walk-in cabinet sa pag-aakalang naroon ang tatlo at nagtatago pero wala rin sila roon. Napilitan na siyang maglinis muna ng katawan, magsipilyo at magbihis nang maayos na pambahay bago bumaba. Baka nag-aabang ang mga ito sa lanai para sa surprise breakfast.Pagbaba niya sa ha
“Hubby, wake up.” Ungol lamang ang isinagot ni Marco sa asawa dahil antok na antok ang lalaki. Wala pa kasing dalawang oras itong nakakatulog dahil hindi ito mapakali mula pa kaninang hapon nang magsimula ang contraction ng tiyan ni Kara kaya inaasahan na nila na anumang oras ay manganganak na siya. Napilitan nang bumangon si Kara mula sa kama para magpalit ng dami na pang-alis dahil mas dumalas na ang contraction pero nakailang hakbang pa lamang siya nang pumutok na ang panubigan niya. “Marco!” napasigaw ang babae nang may tumagas na maraming tubig mula sa kaniyang p*****a. Natatarantang napaupo si Marco. “What happened?!” “My water just broke. We need to be in the hospital as soon as possible!” aburidong sabi ni Kara sa takot na matuyuan. Alam niyang pagod ang asawa dahil sa kaliwa’t kanang meeting sa opisina at pasado ala una na ng madaling araw nakatulog kaya kahit ganun ay hindi niya magawang mainis sa lalaki na mahirap gisingin ngayon. Mabils na tumayo ang lalaki at tina
“Stop calling me baby. I am not one of your girls,” inis na sabi ni Amari.Napasinghap siya nang mas lalong hinigit ni Noah ang katawan niya. Napapikit siya sa inis, tiningnan muna niya kung may nakakakita ba sa kanila pero medyo madilim sa kinatatayuan niya. Sinubukan niyang magpapalag.“Don’t move, baby. Stay still,” paos at pabulong na sabi ni Noah.Nag-init ang mukha ni Amari nang maramdaman may kung anong bumubukol sa gitna ng lalaki at tumutusok iyon sa kanyang lower back. “Noah, you are drunk. Let go of me.”“Please..” pagmamakaawa ni Noah.Alam ni Amari na marami nang nainom ang lalaki at kung hindi ito mapipigilan ay posibleng gumawa na naman ito ng eksena pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kanya ng lalaki. Nagpalinga-linga siya at napansin niya ang paglapit ng kanyang Kuya Marco sa pinto habang may kausap na isang matandang babae.“Kuya!” pagtawag ni Amari.Agad hinanap ni Marco ang boses ng kapatid. Mabilis na bumitaw si Noah sa babae sa takot na may masabi sa kanya si