Habang si Kara ay pilit pinatatagal ang kanyang pagkain kahit pa kakarampot lang naman ang laman ng kanyang plato. Nainis ang dalaga sa kanyang sarili dahil kahit na anong pigil ay nagnanakaw pa rin siya ng sulyap sa lalaking nasa kanyang harapan na busy sa kung sinomang ka-chat sa kanyang cellphone. Kunot na kunot pa ang noo ng lalaki na para bang may sino-solve na problema.
Maya-maya pa ay nag-vibrate ang cellphone ni Marco dahilan para tumayo ang lalaki at lumabas ng function room.
Pagkaraan ng ilang minuto, nag-ring ang cellphone ni Mrs. De Guzman. “Marco said he was sorry that he needs to leave without saying goodbye. He said something urgent came up.”
“It's okay, Mitch. We all know how busy your son is,” saad naman ni Reginald.
Hindi rin nagtagal at nagpaalam na ang mag-ama.
“Kara, I will call you maybe next week. We can have coffee or let’s go shopping!” nakangiting saad ni Mrs. De Guzman.
“Sure, Mrs. De Guzman!” nakangiti ring sagot ni Kara.
Bahagyang kumunot ang noo ni Mrs. De Guzman. “Mitch. You can call me Mitch.”
“O-okay, Mitch,” nahihiyang sagot ni Kara.
Nang makauwi sila ng ama ay nagpahatid na ito sa kanyang silid. Matapos ipaabot sa anak ang kanyang pantulog ay nagsabi na itong magpapahinga.
Dumaan ang dalawang linggo na tanging opisina at bahay lamang ang ruta ni Kara. Mahina pa rin ang sales ng mga librong nilimbag at ibinebenta nila. Wala na rin silang narinig pa sa pamilya De Guzman kaya posibleng hindi siya nagustuhan ni Marco at ng kanyang mga magulang. Iniisip na niyang ibenta ang kanyang apartment sa Paris kahit na hindi iyon sapat para mabayaran ang lahat ng utang ng kanyang ama sa bangko.
Habang nagbibihis ng pambahay ay napatiitig siya sa kanyang mga damit sa walk-in cabinet. “I could also sell my clothes online. I know these could also augment for the workers’ salary for this payday.”
Pumili siya ng sampung dress sa kanyang closet at limang bag at saka kinuhanan ng mga litrato. Isa-isa niyang ipinost ang mga iyon sa kanyang Instapage at nilagyan ng presyo. Ikinatwiran niyang kasalukuyan siyang nagde-declutter ng walk-in closet.
Pagka-post pa lang niya ay umani na ito ng samu’t saring reaksyon. May ilan na pinagtatawanan siya at sinasabing nalaos na kaya kailangan na ng pera habang ang iba naman ay nakikipagtawaran ngunit hindi naman tumutuloy na bumili.
Maya-maya ay may isang bumili ng kanyang itim na halter dress, hindi tumawad ang babae kaya lalo siyang natuwa. Pagkuwan ay sunud-sunod na ang bumili ng kanyang mga damit at bag hanggang sa maubos ang kanyang mga binebenta ng gabing iyon.
Nagising si Kara sa katok ng kanyang tiyahin. “Kara, wake up! Your dad wants to talk to you!”
Inaantok man ay masayang bumangon si Kara. “In a minute!”
Masigla siyang bumaba at bumati sa ama. “Good morning, Dad!”
“Good morning, muffin! Marco wants to meet you. His driver is waiting for you outside,” nakangiting sabi ng kanyang ama.
“Did he say why?” curious na tanong ni Kara.
Nagkibit lamang ng balikat si Reginald.
“Ohh. Then, I will take a quick bath,” sagot ni Kara na agad tumakbo paakyat ng hagdan.
Nang muli siyang bumaba ay nakasuot na siya ng peach na polo longsleeves na pinarisan ng puting dress pants at wedge. Sa labas ng kanilang bahay ay naghihintay ang SUV na sumundo rin sa kanilang mag-ama dati.
Makaraan ang tatlumpong minuto ay pumasok sila sa isang mataas na gate at sa lawak ng lupa ay hindi niya matanaw ang hitsura ng bahay. Nang malapit na sila sa bahay ay napamura siya sa kanyang sarili. Malaki na ang bahay nila na may limang kuwarto pero sa nakikita niyang bahay ngayon sa pakiramdam niya ay maliligaw siya rito. Pagkababa ng SUV ay sinalubong siya ng isang matandang babae na nagpakilalang mayordoma, pagkatapos ay iginiya siya sa isang silid.
Pagpasok niya ay naroon si Marco at nakaupo sa kulay itim na leather couch. Sinenyasan lamang niya ang mayordoma at tahimik itong lumabas.
“G-good morning!” alanganing bati ni Kara. Hindi rin niya magawang ngumiti dahil seryosong-seryoso ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa kanya.
“Sit here,” pautos na sabi ni Marco habang tinatapik ang espasyo sa kanyang tabi.
Sandaling napamaang si Kara nang marinig ang baritonong boses ng lalaki ngunit nang makitang tumaas ang dalawang kilay nito ay madali siyang lumapit at naupo.
Bumuntong hinga si Marco at saka bahagyang iniharap ang katawan kay Kara. Tinitigan niya ang kulay hazelnut na mga mata ng babae, ang katamtamang tangos ng ilong at mga labing parang inaakit siyang angkinin.
Napalunok ang lalaki at saka ibinalik sa mga mata ni Kara ang tingin. “Tell me honestly, why did you agree to marry me?”
“I- I cannot say no to my sick father,” halos mabulol na sagot ni Kara na parang mabibingi na sa lakas ng tibok ng puso niya.
Kumunot ang noo ni Marco. “Don’t you have a boyfriend?”
Tila may kumurot sa puso ni Kara nang marinig ang katagang boyfriend. “We broke up more than a month ago.”
Tumayo si Marco at humarap sa mataas na glass wall. “Are you sure you want to do this?”
“Yes!” sagot ni Kara. “I only have one request.”
Pumihit si Marco para harapin si Kara at saka ito tumingin na parang nagtatanong.
“Please retain our employees. And if you think you need to replace them to keep the company going, please give them another job,” nagmamakaawang sagot ni Kara.
Magsasalita sana si Marco nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina.
“Did you already agree on the theme of your wedding?” nakangiting tanong ng babae.
“Give her whatever kind of wedding that she wants,” sagot ni Marco bago lumabas ng silid.
“I only see her as my younger sister.” Paulit-ulit na naririnig ni Amari iyon sa kanyang isipan pati na ang paraan nang pagyakap ni Noah sa baywang ng kaklaseng babae kahit ilang buwan na iyong nakaraan.Napatitig sa malawak na soccer field si Amari, naroon ang buong team ni Noah na nagpa-practice. Kahapon ay kasama ng lalaki na nagpunta ang ama nito at Kuya Marco niya sa bahay nila at kinausap siya ni Noah. Hiniling ng lalaki na panoorin niya ang kanilang practice ngayon, hindi siya nangako pero natagpuan na lamang niya ang sarili na dumidiretso sa field pagkatapos ng kanyang klase.Naupo siya sa bench kung saan malapit na nakatambak ang mga gamit ng mga players. Tahimik siyang nanood ng cooking show sa kanyang phone habang nililingon-lingon si Noah na mula nang makita siya ay maya’t maya na ang pagkaway sa kanya.Kung hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki ilang buwan na ang nakalilipas, siguro ay kinikilig na siya ngayon. Hindi alam ni Noah na para siyang kinagat nang napakaraming
Buhat ni Amari sa kanyang likod ang backpack na naglalaman ng kanyang school tablet, at supplies na kailangan sa art project habang ang kaliwang kamay naman ay bitbit ang kanyang lunch box. Pababa na siya ng school bus at huling hakbang na lang nang may kung anong pumatid sa kanya at bumagsak siya sa sementadong sahig ng drop-off point nila sa school.Nagtawanan ang lahat ng kanyang kasama sa bus maging ang ilang estudyanteng nakakita sa kanya. Namumula na ang kanyang mata at sinubukan niyang tumayo pero masakit talaga ang pagkakabagsak niya. Natahimik ang lahat nang may lumapit sa kanya at halos buhatin na siya para maiangat. Nang tingalain niya ito ay walang iba kung hindi si Noah.“Where does it hurt?” kunot ang noong tanong ni Noah kay Amari.Nakagat ni Amari ang gilid ng kanyang pisngi para pigilan ang kanyang pag-iyak. Tiningnan ni Noah ang kanyang mukha at nang may makitang sugat sa panga ng batang babae ay bigla na lamang kinwelyuhan ang isang kaklaseng lalaki ni Amari na ka
Nagtatakbo si Amari sa likod ng bahay at hindi niya alam na sinusundan siya ni Noah, na siyang nakakita sa simpleng pananabunot sa batang babae ng madrasta nito. Bumigat ang dibdib niya sa nararanasang pang-aabuso ng batang babae sa kamay ng ina ng kanyang Kuya Marco.Alam niya ang pakiramdam ng hindi tanggap ng isang pamilya. Alam niya ang pakiramdam na makitang masaya ang kanyang ama sa binubuo nitong pamilya habang siya ay nanatiling anino ng pagkakamali ng kanyang mga magulang. Pagkakamaling nabuo noong kaedad niya lamang ang mga ito.Tahimik siyang nakatanaw sa tumatakbong bata habang binabaybay ang makitid na sementadong daan patungo sa mas madilim na likod na bahagi ng mansyon. Nilagpasan na nila ang swimming pool at garden, ngayon ay pumasok sila sa daan na may mga punongkahoy sa magkabilang gilid. Napahinto si Noah nang makitang pumasok sa isang pinto na parang malaking kubol si Amari. Pagkuwan ay bumukas ang ilaw sa loob. Ito kaya ang tirahan nilang mag-ina sa likod ng mans
“At bakit ka naririto, Selina?” nakataas ang dalawang kilay na tanong ni Mitch nang makitang nasa kusina ang kinamumuhiang yaya ng kanyang anak na si Marco.“Pinapunta kami ni Marco,” kalmadong sagot ng babae habang tinitingnan ang pagkakaayos ng plating ng mga prutas na tinalupan at hiniwa ng chef ng mansyon.Tumawa ng hilaw si Mitch. “Pinapunta o ipinagsisiksikan mo na naman ang sarili mo?”Napabuntong-hininga si Selina. Wala siyang planong patulan ang dating amo. “Hindi rin kami magtatagal ni Amari, babati lang kami kay Marco.”Magsasalita pa sana si Mitch nang pumasok si Roger sa kusina. “Nandito lang pala kayo. Hinahanap na kayo ni Marco.”Inis na umismid si Mitch at saka lumabas ng kusina.“Pagpasensiyahan mo na lang si Mitch, Selina,” mahina ang boses na sabi ni Roger pagkuwan ay iniikot ng lalaki ang paningin sa paligid na para bang may hinahanap. “Nasaan si Amari?”“Baka nasa kuwarto niya,” maiksing sagot ni Selina na hindi man lamang nilingon ang dating asawa.“Puntahan ko si
“Amari! Matagal ka pa ba diyan? Hapon na!” Umaalingawngaw ang boses ni Selina sa buong bahay. Nakailang katok na siya sa hagdanan pero hindi pa rin lumalabas sa kanyang silid ang sampung taong gulang na anak. Inis siyang umakyat sa hagdan at saka kinatok ang pinto ng silid ni Amari.“Anak, ikaw magpaliwanag sa kuya mo kung bakit wala pa tayo roon ha?” pananakot niya baka sakali bumilis na magbihis ang bata.Bumukas ang pinto pero bumalik sa kanyang higaan si Amari. Nakabihis na ang bata ng maong na pantalon at light pink na blusa na pinatungan ng grey na light jacket. “Mama, I know Kuya would understand if we skipped his party tonight,” tamad na sabi ni Amari habang nakatiitig sa kisame. "I'm his favorite sister, remember?"“Sa tingin mo ba hindi magtatampo ang kuya mo sa iyo? Graduation niya tapos hindi niya tayo kasama mag-celebrate?” nakahalukipkip na sabi ni Selina para konsensiyahin ang anak. "And you're his only sister. Wala naman siyang choice kung hindi maging favorite ka."
The Billionaire’s Rewritten Vow contains dialogues and scenes that are not suitable for readers below 18 years old. Every part of the story aims to impart knowledge, awareness, morals and values to every reader. Enjoy reading! -//- © 2025 All Rights Reserved This is a work of fiction. Everything written here is the product of the writer's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental. While names of actual persons, businesses, events and incidents are used in a fictitious manner. This story or parts thereof may not be reproduced in any form without prior written permission from the writer and Goodnovel.