Share

Chapter 13

last update publish date: 2026-10-21 17:09:48
Chapter 13 - THE UNEXPECTED GUEST

SOFIA'S POV

Kung may isang bagay akong natutunan sa pagtatrabaho sa mga Monteverde, iyon ay ang huwag masyadong makampante, lalo na kung maayos ang takbo ng nakaraan mong araw.

Kasi siguradong may kasunod iyon na bagong trabaho.

Katulad ngayon. Katatapos ko lang ayusin ang mga dokumento mula sa restoration consultation nang lapitan ako ni Nanay Matet.

"Sophie, pagkatapos mong maglinis dito, paki-tulungan mo ang mga nasa kusina. May darating tayong important
Maxellian Axton

Sorry for the slow update, myloves! 🥺 Busy lang po ako mag-revise at mag-ayos ng mga scenes para sa mas magandang takbo ng kuwento .Pero I will try to update every day na po! HIhihi.... ​Thank you so much for your patience, continuous support, and for following my journey. Don't forget to hit that follow button! Kung hindi pa po kayo nakaka-follow, baka puwede po paki-click na rin ang follow/support button para updated kayo sa bawat bagong kabanata. ​Happy reading, and I love you all! 💕✨

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Sassy Maid   Chapter 13

    Chapter 13 - THE UNEXPECTED GUEST SOFIA'S POV Kung may isang bagay akong natutunan sa pagtatrabaho sa mga Monteverde, iyon ay ang huwag masyadong makampante, lalo na kung maayos ang takbo ng nakaraan mong araw. Kasi siguradong may kasunod iyon na bagong trabaho. Katulad ngayon. Katatapos ko lang ayusin ang mga dokumento mula sa restoration consultation nang lapitan ako ni Nanay Matet. "Sophie, pagkatapos mong maglinis dito, paki-tulungan mo ang mga nasa kusina. May darating tayong importanteng bisita mamayang hapon." "May bagong bisita na naman po?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Yes, very important visitor, at gusto ni Sir Gab na maayos ang lahat." Napanguso ako. Hindi na talaga nawalan ng bisita ang mansyong ito. "Ayie, ayieh, Captain." Binatukan niya ako. "Umayos ka, talagang bata ka!" "Aray naman, Nanay!" Umiling na lang ang matandang mayordoma at iniwan ako. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at mas binilisan pa. Pagsapit ng alas-tres, ipinatawag ako sa main hallway. Nand

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 12

    CHAPTER 12 — THE FAVORITISM RUMORSOFIA'S POVMasarap ang gising ko kinaumagahan. Ewan ko ba, parang may kung anong liwanag ang nakapalibot sa akin habang nag-uunat ako. Sino ba namang hindi gaganahang magtrabaho kung ang pinakamasungit na bilyonaryo sa bansa ay dalawang beses nang nagpasalamat sa iyo at may bonus pang 'Good work' kagabi? Feeling ko talaga, unti-unti ko nang nakukuha ang tiwala ng boss ko. Ayiee… muntik ko nang sabihing puso.Ngunit ang magandang mood ko ay agad na nawala rin nang magsimula na ako sa aking mga routine sa ikalawang palapag.Habang hawak ko ang walis at marahang naglilinis sa hallway, napansin ko ang tatlong kasambahay sa may gilid ng linen closet. Mabilis silang nagkumpulan at nagbubulungan habang nakasulyap sa direksyon ko, mga marites!"Siya na naman ang pinapasok sa study room kahapon, ’di ba?" pabulong na sadyang pinaparinig ng isa sa akin. "Oo. At balita ko pa nga, siya pa raw ang nagtimpla ng kape para kay Sir Gab kagabi," sagot naman ng isa pa.

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 11

    CHAPTER 11 — THE MIDNIGHT COFFEESOFIA'S POVHalos alas-onse na ng gabi. Tahimik at madilim na ang malaking mansyon dahil tulog na ang halos lahat ng mga kasambahay sa kanilang mga quarters.Dahil sa tindi ng sikat ng araw kaninang hapon habang nagdidilig ako sa garden, nagising ako ngayong gabi na tuyong-tuyo ang lalamunan. Bumangon ako mula sa aking higaan at tahimik na naglakad pababa patungo sa kusina para uminom ng tubig.Habang binabaybay ko ang madilim na hallway sa ikalawang palapag, napahinto ako nang mapansing may kaunting liwanag na nanggagaling sa bahagyang nakabukas na pinto ng study room.Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa maliit na siwang ng pinto."Grabe… hindi pa rin ba natutulog ang taong 'yon?" bulong ko sa aking sarili.Sa loob ng silid, naroon si Sir Gab. Nakaupo pa rin siya sa kaniyang high-back leather chair sa harap ng kaniyang laptop.Halos mapuno ang malawak niyang lamesa ng mga makakapal na reports, conference documents, at mga fin

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 10

    CHAPTER 10 — THE MILLION-PESO INVENTORY PART 2SOFIA'S POVNang matapos ang buong audit, halos mapaupo na ako sa sahig ng study room sa tindi ng pagod. Pawis na pawis na ako at nakakaramdam na ako ng ngawit sa aking mga binti. Subukan mo kayang sumunod sa boss mong parang hindi marunong mapagod. Baka ikaw rin ang mawalan ng kaluluwa bago pa siya hingalin.Iyong mukha kang hagard, dosa, samantalang iyong kasama mong amo na nakatayo sa harap ng kaniyang desk… mukhang pa ring bagong ligo ang hitsura at hindi man lang nagulo ang kaniyang buhok. Nakakainis ang stamina ng mga bilyonaryong ito. Kahit siguro maghapong magtrabaho o tumayo ito sa labas ng gate, mukha pa rin itong mabango.Kinuha niya ang makapal na bundle ng aking inventory sheets. Isa-isa niyang binuklat ang mga pahina, seryosong sinusuri ang bawat numero, description, at halaga ng mga isinulat ko.Katahimikan. Kinakabahan ako habang nakatitig sa kaniya. Para akong naghihintay sa hatol ng isang propesor kung tama ba ang mga sa

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 9

    CHAPTER 9 — THE MILLION-PESO INVENTORYSOFIA'S POVAkala ko talaga, pagkatapos ng naganap na 'Crystal Vase Incident' kahapon kung saan lihim na ipinagtanggol ako ni Sir Gab gamit ang CCTV footage, ay magkakaroon na ako ng kahit isang araw lang ng katahimikan at kapayapaan sa mansyong ito.Hindi pala mangyayari. Kinaumagahan, habang masaya akong kumakain ng pandesal at humihigop ng mainit na kape sa kusina, biglang sumulpot sa harapan ko si Nanay Matet. May hawak siyang isang napakapal na clipboard at seryoso ang kaniyang mukha. Ano na naman kaya ito? "May annual insurance at inventory audit ang buong Monteverde Estate ngayon," pormal na bungad ni Nanay Matet.Napakurap ako. Muntik na akong mabulunan sa kinakaing pandesal. "Inventory... audit? Ano po ’yon?" Ano naman ang kinalaman ko doon?"Bibilangin, i-che-check, at pormal na idodokumento ang lahat ng antiques, paintings, sculptures, crystal collections, at vintage collectibles sa buong mansyon," paliwanag niya. "At may utos si, Si

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 — THE FIRST WARNINGSOFIA'S POVKinaumagahan pagkatapos ng aking madugong library test, maaga akong bumaba sa kusina para kumuha ng tsaa. Masaya ako dahil kahit papaano, nakakuha ako ng salitang 'Acceptable' mula sa pinakamasungit na bilyonaryong amo sa buong bansa.Para sa akin, katumbas na iyon ng isang gold medal, Enebe Yen...Ngunit pagpasok ko pa lang sa kusina, agad na naputol ang marahan kong pagmuni-muni. Ang ilang kasambahay na nakatipon sa gilid ng counter ay mabilis na nag-iwas ng tingin, ngunit malinaw ko pa ring narinig ang kanilang mga pabulong na usapan."Paborito ka na yata ni Sir Gab," mahinang wika ng isa na sapat lang para umabot sa pandinig ko."Oo nga," sang-ayon naman ang katabi nito. "Tatlong beses mo na siyang naiistorbo sa loob lang ng isang linggo—mula sa library, sa silent dance mo, hanggang doon sa malaking meeting sa foreign investors—pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin niya pinapatalsik. Ang iba rito, isang maling galaw lang, i-impake na sila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status