ログインHello! I’m a new small author building my voice from scratch. This is where I share my rawest thoughts and wildest imaginations. Welcome, beloved readers! 📖✨ Your support means the world to me. So far, what is your favorite scene or lines? I’d love to hear what resonated with you! Share it below! 🙂 -MIYAAAW69 😘
Pagod na pagod ako pagbaba ko ng sasakyan. Halos alas-diyes na ng gabi at ang tanging gusto ko lang ay magbabad sa bathtub at burahin ang lahat ng traces ng concealer—at ng pagod—sa katawan ko. Habang naglalakad ako papasok sa mansion, hindi ko mapigilang mapahawak sa scarf na suot ko pa rin. Pakiramdam ko, bawat staff na madaanan ko ay alam kung anong itinatago ko sa ilalim nito.Pero pagpasok ko pa lang sa main door, ang amoy ng pamilyar na mamahaling pabango at ang matapang na scent ng whiskey ang agad na sumalubong sa akin. Isang amoy na dati ay nakaka-relax, pero ngayon ay nagpapatayo ng balahibo ko sa kaba at inis.Nandoon si Sebastian, nakasandal sa mini-bar sa living room. Loose na ang kaniyang polo, nakabukas ang unang dalawang butones, at bitbit ang kaniyang baso habang nakatingin sa akin nang may tipid na ngisi. 'Yung tingin na tila ba hinihimay niya ang bawat saplot ko."Welcome home, wife. How was your 'honeymoon effect' on set?" asik niya, ang boses niya ay malalim, paos
"Shit," bulong ko sa harap ng salamin.Alas-singko pa lang ng umaga pero dilat na dilat na ako. Hindi dahil excited ako sa panibagong araw ng taping, kundi dahil sa nakikita ko ngayon sa leeg at collarbone ko. Sebastian didn’t just make a claim last night; he left a trail. Tatlo hanggang apat na matingkad na hickey ang bumabati sa akin, at kahit anong anggulo ang gawin ko, hindi sila maitago ng basta-bastang concealer lang.Naramdaman ko ang paggalaw sa likuran ko. Doon ko nakita sa repleksyon ng salamin si Sebastian na bagong gising, magulo ang buhok, at may nakakalokong ngisi habang tinititigan ang gawa niya sa balat ko."Good morning, wife. I see you're admiring my art," paos niyang sabi bago lumapit at pumatong ang baba niya sa balikat ko."Art?! Sebastian, may shooting ako ngayon! Paano ko itatago 'to? Nakakahiya kay Dad at sa buong staff!" inis ko siyang hinarap, pilit na itinatago ang panginginig ng tuhod ko dahil sa sobrang lapit niya at sa amoy ng kaniyang bagong gising na sc
Hinila ako ni Sebastian patungo sa sasakyan na gamit namin ni Marcus kanina paghatid sa akin sa set. Habang naglalakad kami, narinig ko pa ang utos niya na paalisin na ang sarili niyang sasakyan na ginamit niya papunta rito. Ramdam ko ang diin at higpit ng hawak niya sa pulso ko, at ang tunog ng kaniyang panga na nanggagalaiti na—tila ba anytime ay handa siyang bungguin ang kahit na sino na haharang sa kaniya.This is the De Cartier effect. Trailer pa lang ito kung gaano siya kadelikado kapag nandidilim ang paningin. Pero bakit ba siya galit na galit? At bakit rin ba ako kinakabahan sa kaniya nang ganito? Bakit ko nararamdaman ang pangangailangang magpaliwanag sa bagay na alam ko namang trabaho lang? Matuturing rin naman na trabaho itong pagiging mag-asawa namin, 'di ba? Bakit pareho kaming apektado?Naputol ang pakikipag-usap ko sa sarili ko nang magsalita siya sa loob ng sasakyan."Make it faster, Marcus. I want to get rest," malamig na sabi nito."Yes, Sir," agad na sagot ni Marcus
LAGUNANagising ako sa mahinang tawag ni Marcus. "Ma'am Savannah, nandito na po tayo sa set."Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakatulog na pala ako sa biyahe kakaisip sa "fantasy" ko—este, sa pambabastos ng aroganteng Sebastian na 'yun sa akin sa message niya. Pinagbuksan ako ni Marcus ng pinto at sinalubong agad ako ni Gina para ihatid sa customized celebrity van ko.Matagal ko na itong gamit sa bawat taping. Si Dad ang nagpagawa nito dahil isa ako sa mga priority artists na binibigyan ng malaking budget ng management. Sa loob, parang mini-condo na ang set-up: may maliit na higaan, portable dressing room, CR, smart TV, at siyempre, ang vanity table ko na puno ng high-end makeup brands.Namiss ko rin ang buhay-artista. 'Yung mga panahon na script lang ang pinuproblema ko bago pa pumutok ang bar scene namin ni Sebastian. Agad akong inayusan ng glam team dahil may sampung scenes kaming kailangang tapusin ngayong araw. Comeback movie namin ito ni Marco kaya abot-langit ang exci
Naglalaro ang isang mapait na ngisi sa aking mga labi habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Laguna-bound kami para sa taping, at habang mabilis na tumatakbo ang sasakyan, mas mabilis namang tumatakbo ang plano ko sa utak. Akala ba ng Isabella na 'yon, siya lang ang marunong mang-bwisit sa social media? Na siya lang ang pwedeng magpa-trending sa asawa ko? Haha, no way, bruha. Magaling akong aktres, pero mas magaling akong asawa—kahit peke pa 'to.Naalala ko 'yung eksena kanina sa kwarto ni Sebastian. Bago siya pumasok sa banyo pagkatapos nung agresibong halik niya, n*******d na ang pantaas niya. Masyado siyang busy sa sarili niyang pride kaya hindi niya napansin na pasimple ko siyang pinicturan. Hindi 'yung buong mukha, kundi half body lang. Saktong-sakto ang anggulo—braso at abs lang niya ang nakikita, matitigas na muscles na bakat na bakat, basang-basa pa ng kaunting pawis. Ugh, kahit arogante, aminin ko man o hindi, nakakatakam talaga ang katawan nito.Kinuha ko ang
Maagang-maaga pa lang ay nabulabog na ang katahimikan sa loob ng kwarto ni Sebastian. Isang sunod-sunod na katok mula kay Nay Elena ang gumising sa amin. Napamulat ako ng mata at doon ko lang narealize na nakayakap pala sa akin ang aroganteng asawa ko. Kahit na nag-away kami kagabi, heto siya, mahimbing ang tulog na tila ba walang ginawang kasalanan."Sir Sebastian? Ma'am Savannah? Pasensya na po sa istorbo, pero nasa baba po si Don Roman at Ma'am Aurora. Kanina pa po sila naghihintay," boses ni Nay Elena mula sa labas.Agad kong niyugyog ang balikat ni Sebastian. "Uy, gising! Sabi ni Nay Elena, nandoon ang parents mo sa baba!"Tumingin ako sa cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko. Alas-sais pa lang ng umaga. Himala rin na hindi pa kumikilos itong aroganteng asawa ko, kadalasan ay maaga itong nag-e-exercise o nagbabasa ng emails. Dahan-dahan siyang nag-unat, ang kaniyang boses ay paos pa dahil sa antok."Nay Elena, susunod po kami. Pakisabi na lang po kina Mom, mag-aayos lang kami sa







