ログインHello! I’m a new small author building my voice from scratch. This is where I share my rawest thoughts and wildest imaginations. Welcome, beloved readers! 📖✨ Your support means the world to me. So far, what is your favorite scene or lines? I’d love to hear what resonated with you! Share it below! 🙂 -MIYAAAW69 😘
SAVANNAHNagising akong malamig ang kabilang panig ng kama. Wala si Sebastian. Kinapa ko ang unan niya, pero bago pa ako tuluyang makapag-isip, bumukas ang pinto at iniluwa si Gina na may bitbit na kape. Seryoso ang mukha niya na agad kong ikinakaba."Gising ka na pala," bungad ni Gina, sabay lapag ng kape sa nightstand. "May problema sa De Cartier Group. Nagkaroon ng minor accident si Isabella habang may meeting sila ni Sebastian kanina. Nadulas daw sa hagdan ng main office."Nawalan ako bigla sa mood. Sa dami ng tao sa building na 'yun, bakit kailangang si Sebastian ang umasikaso? Alam kong sinabi niya kagabi na huwag ko nang alalahanin ang Isabella na 'yun, pero ngayon, paano ko hindi iisipin? Ala-una ng hapon ang start ng charity gala. Noong huli, magkasama kaming dumating doon, pero ngayon, ako lang ba ang mag-isa?Napansin ni Gina ang bagsak kong mukha habang inaayusan na ako ng glam team. "Don't worry, Savannah. I'll message him," bulong niya.Tumingin ako sa kanya sa salamin. I
SAVANNAHMaaga akong nagising dahil sa ingay ng notifications ko. Pag-check ko ng phone, halos mapangiti ako sa dami ng magagandang feedback sa social media. Trending kami sa bawat platform. My dad even praised us over the phone kanina, tuwang-tuwa siya dahil punong-puno kami ng positive comments. May mga nag-ha-hashtag pa na suitable daw talaga ako maging "Diamond Sweetheart" dahil sa lambot ng puso ko.Sana alam nila na sa likod ng lahat ng ito, ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng tunay na saya sa pagtulong. Hindi dahil sa script, kundi dahil totoo na ang nararamdaman ko.Maaga ang call time ko dahil may taping ako somewhere in Cavite. Pagbaba ko sa dining area, naabutan ko si Sebastian na nagkakape habang seryosong nagbabasa ng mga comments tungkol sa amin sa iPad niya. Saglit akong napatitig sa kanya. Alam kong galit siya kay Dad dahil sa pagiging "fake" nito sa harap ng camera at sa kung paano ako ituring ni Dad na parang produkto lang. Iyon ang dahilan kung bakit kahit
SAVANNAHIt’s our second month of being husband and wife based on the script we made. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit peke lang ang lahat ng ito, naghanda pa rin ako ng regalo para sa kaniya. Noong nakaraang buwan kasi ay wala akong naibigay dahil sa sobrang busy naming dalawa. Siguro, ibibigay ko na lang ito mamaya pagkatapos ng pagbisita namin sa dalawang charity events.Kasalukuyan akong nag-aayos sa harap ng vanity table ko. Sinadya kong hindi tawagan ang glam team ko, at maging ang alok ni Sebastian na gamitin ang glam team ni Tita Aurora ay tinanggihan ko rin. Ayokong magmukhang pupunta sa isang taping; gusto kong maging natural ang hitsura ko sa harap ng mga tao. Siyempre, dahil kilala kaming "Power Couple," asahan nang may media mamaya para mag-interview, pero this time, I want them to see the real me—with Sebastian by my side.Ayoko mang aminin sa puso’t isip ko, malaking bahagi siya ng pagbabagong nararamdaman ko bilang tao. Bilang Savannah. Hindi na lang ito dahil isa a
Ang charity event na pupuntahan namin sa mga susunod na araw ay saktong pumatak sa petsa kung saan dalawang buwan na kaming kasal ni Sebastian. Of course, Dad knows that. Alam na alam niya kung paano gamitin ang bawat timing para sa imahe namin bilang "Power Couple." He wants us to be seen as a generous and powerful couple sa mata ng publiko. Ang charity na ito ay para sa mga bigating celebrities na gustong mag-donate sa kanilang napiling advocacies. Sa ganitong klaseng pagtitipon, hindi na mawawala ang mga taong genuine ang gustong tumulong, pero siyempre, mawawala ba naman ang mga pakitang-tao?I admit before, I hate going there. It's too crowded and annoying. Masyadong maraming plastik at masyadong maraming camera na nakatutok sa bawat galaw mo. Pero hindi ko alam kung bakit, this time, I feel excited. And to be honest, hindi na lang ito para sa camera. Gusto ko talagang makatulong sa mga tao ngayon. I am proud that I am changing for the better, at nararamdaman ko ang maturity na un
Nagising ako sa silaw ng araw na tumatagos sa kurtina ng kwarto ni Sebastian. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko, tila ba hindi sapat ang tulog ko kahit alas-dyes na ako ng gabi dinala rito. Ngunit ang mas nagpabigat sa pakiramdam ko ay ang braso ni Sebastian na nakapulupot sa bewang ko. Possessive even in sleep. Pilit kong iniaalis ang kamay niya nang hindi siya naggigising, pero tila ba may sariling isip ang mga daliri niya at lalo lang itong humihigpit sa bawat galaw ko.“Stop struggling, Savannah. It’s too early,” paos na boses niya ang bumasag sa katahimikan. Hindi man lang siya nagmulat ng mata pero ramdam ko ang ngisi sa boses niya.“Bitawan mo ako, Sebastian. May appointment ako kay Gina, at kailangan ko nang mag-ayos,” pagsisinungaling ko. Ang totoo, wala akong balak gawin kundi ang umiwas sa kaniya, pero sa posisyon namin ngayon, tila imposible iyon.Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, ang kaniyang malamig na titig ay agad na sumalubong sa akin. Walang bakas ng antok,
Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang maganap ang eksena naming iyon sa sasakyan ni Sebastian. Sa mga nagdaang araw, para kaming mga estranghero sa isa’t isa. Tila nag-aantayan kami kung sino ang unang kikibo sa aming dalawa. Maaari sigurong pareho kaming nagulat sa inasal namin noon sa kotse at sa mga bagay na napag-usapan namin. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salitang binitawan niya, at lalong-lalo na ang mga salitang binitawan ko na tila ba naging mitsa ng panibagong tensyon sa pagitan naming dalawa.Malapit na pala ang ika-dalawang buwan naming kasal ni Sebastian. Noong unang buwan kasi ay pareho kaming lunod sa trabaho. Masyado kaming naging busy, at ako naman ay tinapos ang huling taping na hindi namin nagawa ni Marco noon sa Laguna. Mabilis ang takbo ng oras, hindi ko akalain na magdadalawang buwan na pala kaming kasal, ngunit heto kami ngayon—parehong iniiwasan ang isa’t isa. Pero sa tingin ko, tama na rin siguro itong distansya na ito. Pareho kaming lit
Maagang-maaga pa lang ay nabulabog na ang katahimikan sa loob ng kwarto ni Sebastian. Isang sunod-sunod na katok mula kay Nay Elena ang gumising sa amin. Napamulat ako ng mata at doon ko lang narealize na nakayakap pala sa akin ang aroganteng asawa ko. Kahit na nag-away kami kagabi, heto siya, mahim
Pagkatapos ng nakakapagod na prenup shoot, tila bawat himaymay ng kalamnan ni Savannah ay sumisigaw ng pahinga. Hindi biro ang tumayo sa harap ng lente nang buong araw, lalo na’t kailangan mong dayain ang sarili mong emosyon para magmukhang in love sa taong hindi mo naman dapat mahalin. Humiling siy
R18 (Read at your own risk)Sa loob ng kwarto, ang tanging maririnig ay ang mabigat na hininga ni Sebastian na humahalo sa kabog ng dibdib ni Savannah. Hindi na nakapiglas ang dalaga nang mabilis na isara at i-lock ng binata ang pinto.Bago pa siya makabuo ng anumang depensa, sinalubong na siya ni
Kinabukasan, habang abala ang lahat sa pag-aayos ng mansyon, nanatiling nakakulong si Savannah sa kanyang silid. Hawak niya ang kanyang phone, nag-aalinlangan kung dapat ba niyang i-check ang mga updates tungkol sa kanya. Ngunit isang notification ang nagpatigil sa paghinga niya.Isang mensahe mula







