MasukTALIA POV
Lumipas ang unang dalawang linggo ko sa mansyon na laging may kasamang kaba. Masasabi kong naging maganda ang takbo ng therapy ni Liam. Unti-unti na siyang sumasagot sa mga simpleng tanong ko, at minsan ay ngumingiti na rin siya. Pero ang pinakamalaking hamon ko talaga ay si Santi.
Tuwing hapon bago siya umalis papuntang opisina, o kaya naman kapag kararating niya lang gabi, palagi siyang dumadaan sa silid ni Liam. Alam kong hindi lang ang pamangkin niya ang pinupuntahan niya roon. Nararamdaman ko ang matatalas niyang tingin sa bawat galaw ko. Tuwing kakausapin ko si Liam, napapansin kong tumitigil siya para pakinggan ang boses ko. Kaya para makasiguro, binitawan ko na ang paggamit ng lavender lotion ko at nagpalit ng amoy rosas, pero ang hinala sa mga mata ni Santi ay hindi pa rin nawawala.
Isang Biyernes ng hapon, nagkaroon ako ng emergency. Tumawag si Nanny Tessa mula sa condo sa BGC.
"Naku, Lia, pasensya ka na talaga. Ang sakit-sakit kasi ng ngipin ko, namamaga na ang pisngi ko. Hindi ko na kayang tiisin, kailangan ko na talagang magpatingin sa dentista rito sa ibaba," bakas ang hirap sa boses ni Tessa sa kabilang linya.
"Hala, sige, Tessa. Pumunta ka na sa klinika. Huwag mong tiisin 'yan," nag-aalala kong sagot. Tiningnan ko ang oras. Malapit na ring matapos ang session namin ni Liam para sa araw na ito. "Pababauin mo na lang si Zeke dito sa mansyon. Itatago ko muna siya sa library o kaya sa garden habang tinatapos ko ang trabaho ko rito."
"Sige, sige. Isasabay ko na lang siya sa driver na magsusundo sa 'yo mamaya. Salamat, Lia," aniya bago ibaba ang tawag.
Makalipas ang isang oras, habang pinapakain ko ng meryenda si Liam, kumatok ang isa sa mga maid at sinabing nasa labas na raw si Zeke. Mabilis kong iniwan si Liam kay Nanny Rosa—ang matandang yaya na mabait naman sa bata—at nagmamadali akong bumaba sa garden.
Doon sa may malaking garden set malapit sa mga fountain, nakita ko ang anak ko. Suot niya ang kaniyang paboritong yellow t-shirt at denim shorts, habang abala sa paglalaro ng kaniyang iPad gamit ang kaniyang maliit na headphone.
"Zeke baby," tawag ko habang papalapit sa kaniya.
"Mommy!" Lumingon siya at agad na tumakbo para yakapin ang mga binti ko. "Ang ganda po rito, Mommy! May malaking pool po ba rito?"
"Meron, baby, pero bawal po tayong maglaro doon, okay? Trabaho ito ni Mommy," bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya. "Dito ka lang muna sa bench na ito, ha? May tatapusin lang si Mommy sa loob ng tatlumpung minuto, tapos uuwi na tayo. Huwag kang aalis dito, okay?"
"Opo, Mommy. Mag-i-iron man lang po ako rito sa tablet ko," sagot niya nang may malawak na ngiti, bago bumalik sa pag-upo sa bench at isinuot ulit ang kaniyang headphone.
Kampante akong bumalik sa loob ng mansyon para ayusin ang mga gamit ni Liam at ibilin ang mga kailangang gawin para sa weekend. Dahil masunurin naman si Zeke, alam kong hindi siya aalis sa pwesto niya.
Pero nagkamali ako.
Habang naglalaro si Zeke, biglang umihip ang malakas na hangin at tinangay ang kaniyang paboritong pulang sombrero papunta sa gitna ng sementadong pathway ng garden. Tinanggal ni Zeke ang headphone niya at hinabol ang sombrero. Habang pinupulot niya ito, hindi niya napansin na may isang lalaking naglalakad palapit sa kaniya.
Si Santi. Katatapos lang ng kaniyang huling meeting sa home office niya at nagpasyang magpahangin sa garden bago pumasok sa kumpanya.
Napatigil si Santi sa paglakad nang makita ang maliit na batang lalaki na nakaharang sa daan niya. Balak niya sanang tawagin ang security para tanungin kung kanino ang bata, pero nang tuluyang tumingala si Zeke para tiningnan siya, parang binuhusan ng malamig na tubig ang bilyonaryo.
Nanigas si Santi sa kaniyang kinatatayuan. Ang panga niya ay bahagyang lumaylay sa tindi ng gulat.
Ang batang nasa harap niya ay may matatalas na hugis ng mukha, makakapal na kilay, at pamilyar na bagsik ng tindig na tila ba nakatitig siya sa kaniyang sariling childhood photos. Pero ang mas nakakapanghina ay ang mga mata ng bata. Sa ilalim ng sikat ng araw, malinaw na malinaw ang pambihirang heterochromia nito—tsokolate ang kaliwa, at malabong asul na parang abo ang kanan.
Iyon ang eksaktong kulay ng mga mata ng ama ni Santi, ng kaniyang lolo, at ng kaniyang sarili. Isang pambihirang genetic trait na tanging ang mga lalaking Elizalde lang ang nagtataglay sa loob ng tatlong henerasyon.
"Bata..." nanginginig ang boses ni Santi habang dahan-dahang lumuluhod para mapantayan si Zeke. "Anong... anong pangalan mo?"
"Ezekiel po, pero Zeke po ang tawag sa akin ni Mommy," inosenteng sagot ng bata, habang hawak ang kaniyang sombrero. "Kayo po ba ang may-ari ng malaking bahay na ito? Kamukha niyo po 'yung picture sa lumang kwintas ni Mommy."
Bago pa makasagot si Santi, narinig ko na ang usapan nila mula sa malayo habang pababa ako ng hagdanan ng garden. Halos malagutan ako ng hininga. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko, ang puso ko ay parang gustong lumabas sa dibdib ko sa sobrang takot.
"Zeke!" sigaw ko, hingal na hingal nang makarating sa pwesto nila.
Mabilis kong hinila si Zeke sa likod ko, pilit siyang itinago sa malawak kong slacks habang humaharap kay Santi. Ang mukha ko ay maputlang-maputla na parang nawalan ng dugo.
Dahan-dahang tumayo si Santi mula sa pagkakaluwal. Ang kaniyang mga mata ay hindi na lang nagtatanong—puno na ito ng galit, lito, at matinding poot. Humakbang siya nang malapit, bawat yabag ay parang hatol ng kamatayan para sa akin. Hinawakan niya ako nang magkabilang balikat at marahas akong ipinako sa pader ng mansyon.
"Magsabi ka ng totoo sa akin, Talia," bulong niya, ang kaniyang boses ay nanginginig sa galit habang ang kaniyang mainit na hininga ay dapo sa mukha ko. Nilapit niya ang mukha niya, sapat para makita ko ang mga ugat na lumalabas sa leeg niya.
"Sabi ni Chantal... siya ang nag-alaga sa akin sa dilim limang taon na ang nakararaan. Siya ang kasama ko sa kama noong gabing iyon bago ang operasyon ko," patuloy niya, habang ang kaniyang hintuturo ay itinuturo ang aking anak na nakasiksik sa likod ko. "Pero ipaliwanag mo sa akin... bakit ang anak mo, Talia... bakit ang mga mata ni Zeke ang kamukhang-kamukha ng mga mata ko?!"
TALIA POVHindi ako makahinga nang maayos habang nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ni Santi. Yakap-yakap ko pa rin si Zeke na nakatulog na sa hita ko pagkatapos umiyak nang husto sa garden. Tahimik ang buong kwarto, maliban sa marahang pag-pindot ng doktor sa kaniyang mga medical kit matapos kunin ang buccal swab sa amin ni Zeke, at ang ilang hibla ng buhok ni Santi. Lord, bakit ngayon pa? Bakit dito pa sa mansyong ito?Sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ko sana dinala si Zeke dito, kung nagtiis muna ako sa probinsya, hindi sana kami umabot sa ganito. Pero wala na. Nandito na ang team ng mga doktor mula sa pinakamalaking ospital na pagmamay-ari ng mga Elizalde. At kapag nalaman ni Santi ang totoo—na anak nga niya si Zeke—alam kong wala na akong magagawa para ilayo ang bata sa kaniya.Nakatayo si Santi malapit sa malaking bintana, nakatalikod sa amin at nakapamulsa habang nakatitig sa labas. Sobrang lamig ng aura niya, parang yelo na dahan-dahang lumulukob sa buong kwarto.Naisip
SANTIAGO POVNanginginig siya. Nararamdaman ko ang bawat pintig ng takot sa magkabilang balikat niya habang nakadikit siya sa pader. Pero wala akong pakialam. Kung nanginginig siya sa takot, ako naman ay halos mabuwal sa tindi ng halo-halong emosyon na sumasabog sa dibdib ko ngayon."Magsabi ka ng totoo sa akin, Talia," bulong ko. Pilit kong pinapakalma ang boses ko pero ramdam ko ang sarili kong panginginig.Tinitigan ko siya nang mariin. Ang malalaki at bilugang mga mata niya na dati kong nakikitang kalmado tuwing kausap si Liam ay halos maghisterya na ngayon. Bakit siya natatakot? Kung wala siyang itinatalo, bakit parang nakakita siya ng multo nang malapitan ko ang bata?"Sabi ni Chantal... siya ang nag-alaga sa akin sa dilim limang taon na ang nakararaan. Siya ang kasama ko sa kama noong gabing iyon bago ang operasyon ko," patuloy ko, bawat salita ay parang may lasing na humihiwa sa lalamunan ko. Tumingin ako sa ibaba, doon sa batang nakatago sa likod ng malawak niyang slacks. "Pe
TALIA POVLumipas ang unang dalawang linggo ko sa mansyon na laging may kasamang kaba. Masasabi kong naging maganda ang takbo ng therapy ni Liam. Unti-unti na siyang sumasagot sa mga simpleng tanong ko, at minsan ay ngumingiti na rin siya. Pero ang pinakamalaking hamon ko talaga ay si Santi.Tuwing hapon bago siya umalis papuntang opisina, o kaya naman kapag kararating niya lang gabi, palagi siyang dumadaan sa silid ni Liam. Alam kong hindi lang ang pamangkin niya ang pinupuntahan niya roon. Nararamdaman ko ang matatalas niyang tingin sa bawat galaw ko. Tuwing kakausapin ko si Liam, napapansin kong tumitigil siya para pakinggan ang boses ko. Kaya para makasiguro, binitawan ko na ang paggamit ng lavender lotion ko at nagpalit ng amoy rosas, pero ang hinala sa mga mata ni Santi ay hindi pa rin nawawala.Isang Biyernes ng hapon, nagkaroon ako ng emergency. Tumawag si Nanny Tessa mula sa condo sa BGC."Naku, Lia, pasensya ka na talaga. Ang sakit-sakit kasi ng ngipin ko, namamaga na ang pi
TALIA POVNakalapat ang mga talampakan ko sa sahig pero pakiramdam ko ay lumulutang ako sa kaba. Si Santi. Limang taon kong pinaghandaan ang pinto ng pagkakataon na baka makita ko siya ulit, pero walang kahit anong mental preparation ang sapat kapag kaharap mo na ang lalaking nagpabago ng buhay mo.Mas matikas siya ngayon. Mas seryoso. Ang mga mata niyang dati ay walang buhay at nakatakpan ng gasa ay nakatitig sa akin nang may matinding awtoridad."Sino ka?" ulit niya. Mas lumalim ang baritono ng boses niya, bawat pantig ay may bigat na nagpapakaba sa akin.Huminga ako nang malalim bago tumayo nang diretso. Pinilit kong huwag manginig ang mga tuhod ko. Ibang-iba na ako ngayon. Hindi na ako ang nursing student na naka-unipormeng kupas. Propesyonal na ako."Good morning, Sir. Ako po si Talia Soler, ang bagong Child Behavior Therapist ni Liam," sagot ko. Sinadya kong lakasan nang kaunti ang boses ko para magtunog pormal, pero pinanatili ko ang malumanay na tono para hindi mabigla si Liam
TALIA POVNapatitig ako sa screen ng phone ko matapos maputol ang tawag ng abogado ng mga Elizalde. Limang taon. Limang taon kong pinilit ibaon sa limot ang lahat ng may kinalaman sa kanila, pero sa isang iglap, heto na naman. Parang gustong bumaligtad ng sikmura ko sa kaba.*Elizalde.* Ang pamilyang sumira sa tiwala ko at nagpilit sa akin na magtago sa probinsya."Mommy? Okay ka lang po?"Nabalik ako sa realidad nang hatakin ni Zeke ang laylayan ng blouse ko. Tumingala siya sa akin, hawak ang kaniyang paboritong wooden robot. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ng anak ko, parang unt-unting nadudurog ang puso ko. Mas lumalaki si Zeke, mas nagiging carbon copy siya ng kaniyang ama. Ang matatalas na hugis ng panga, ang bagsik ng kilay, at ang tindig—lahat iyon ay galing kay Santi.Ang tanging pinagkaiba lang ay ang mga mata ni Zeke. Mayroon siyang heterochromia. Ang kaliwang mata niya ay kulay tsokolate, habang ang kanan naman ay may pambihirang shade ng malabong asul na parang abo."Oo na
TALIA POVTatlong buwan ang mabilis na lumipas. Sa loob ng mga panahong iyon, naging routine ko na ang manatili sa tabi ni Santi tuwing gabi. Sa dilim ng kwarto niya, unti-unting nawala ang bagsik niya kapag ako na ang kasama niya. Sabay naming pinakikinggan ang ulan, pinag-uusapan ang mga kwentong binabasa ko sa kaniya, at kung minsan, hinahawakan niya lang ang kamay ko hanggang sa makatulog siya.Naging takbuhan niya ako sa gitna ng kawalan ng pag-asa. At ako naman, hindi ko namamalayang unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Alam kong bawal, alam kong mali, pero mahirap pigilan ang puso kapag nakita mo ang totoong kahinaan ng isang tinitingalang Santiago Elizalde.Huling gabi ko na sana sa mansyon dahil bukas ang takdang operasyon sa mga mata niya. Pero bago pa dumating ang umaga, naganap ang isang bagay na hindi ko inaasahan.Dinala kami ng matinding emosyon. Sa pagitan ng mga bulong niya na natatakot siyang makakita ulit pero hindi ako mahanap, at sa takot ko na bak







