Masuk
TALIA POV
"Palayasin niyo ang babaeng 'yan! I don't need your damn pity! Lumabas kayo!"
Isang kristal na baso ang humampas sa dingding, ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko. Hindi ako kumurap, kahit na naramdaman ko ang pagdapo ng maliit na piraso ng bubog sa pisngi ko. Sanay na ako. Dalawang linggo na akong ganito rito sa mansyon ng mga Elizalde, at halos araw-araw, may binabasag si Santiago.
Sa gitna ng king-sized bed sa madilim na master bedroom, nakaupo ang tinaguriang pinakamapangyarihang bilyonaryo sa bansa—si Santiago "Santi" Elizalde. Pero ngayon, wala ang bagsik ng isang sikat na CEO. Ang mga mata niya na dati ay kayang magpabagsak ng mga karibal sa negosyo ay nababalutan ng makapal na puting gasa.
Isang pagsabog sa planta niya ang naging sanhi ng pansamantala niyang pagkabulag. At kasabay ng paningin niya, nawala rin ang pasensya at katinuan niya.
*Habaan mo pa ang pasensya mo, Lia,* paalala ko sa sarili ko habang dahan-dahang naglalakad lapit sa kaniya. *Para sa operasyon ni Lola. Isipin mo ang bayad sa ’yo.*
"Sir Santiago, oras na po para sa gamot niyo," sabi ko sa pinakamalumanay kong boses. Nilapag ko ang tray sa nightstand at humakbang pa nang kaunti.
"Sino ka ba talaga? I told my stepmother I don't want any private nurse! Akala niyo ba dahil bulag ako, madali niyo na akong maiisahan para sa pera ko?!" asik niya. Nakatiim ang panga niya, sinusubukang tantyahin kung nasaan ako base lang sa tunog ng boses ko.
Hindi ako sumagot. Mas mabuting manahimik kaysa sabayan ang init ng ulo ng isang taong nabilanggo sa sarili niyang dilim. Lumapit pa ako lalo hanggang sa maramdaman ko ang init ng katawan niya. Marahan kong hinawakan ang nanginginig at nakakuyom niyang kamao. Ang mga kamay ko ay maliit kumpara sa kaniya, pero sinadya kong higpitan ang hawak para maramdaman niyang hindi ako natatakot.
Kasabay ng paglapit ko ang paglipad ng sarili kong amoy—isang banayad na timpla ng lavender at vanilla lotion na palagi kong ginagamit.
Natigilan si Santi. Ang mabilis at malalim niyang paghinga ay biglang naging marahan. Nahuli ko ang bahagyang pag-wang ng mga labi niya. Alam kong naramdaman niya ang lambot ng balat ko, at ang pamilyar na amoy na dalawang linggo nang nagpapakalma sa kaniya tuwing nagwawala siya sa madaling-araw.
"Bitawan mo ako," bulong niya. Pero wala na doon ang talas ng boses niya kanina. Para na lang itong pakiusap.
"Inumin niyo na ito, Sir. Para makapahinga na kayo," sabi ko pa habang ginagabayan ang kamay niya para hawakan ang baso ng tubig at ang tableta ng gamot.
Sa unang pagkakataon sa gabing ito, sumunod ang mailap na leon ng mga Elizalde. Ininom niya ang gamot nang walang reklamo habang ang mga bulag niyang mata ay nakatitig lang sa kawalan. Pero alam kong sa akin nakatutok ang buong sistema niya.
"Ano ang pangalan mo?" tanong niya nang maibaba ang baso. Itinagilid niya ang ulo niya, tila gustong hulihin ang bawat paggalaw ko.
Naalala ko ang mahigpit na utos ng stepmother niya sa akin bago ako pumasok sa trabahong ito: *Huwag mong sasabihin ang pangalan mo. Huwag kang mag-iiwan ng kahit anong pagkakakilanlan sa kaniya. Trabaho lang ang pinunta mo rito, nursing student ka lang. Kapag gumaling ang mga mata niya, aalis ka.*
"Wala akong pangalan, Sir. Isa lang akong anino sa dilim mo," bulong ko.
Dahan-dahan kong hinila ang kamay ko mula sa kaniya. Humakbang ako pabalik nang walang ingay, binitbit ang tray, at tahimik na lumabas ng silid.
Pagkasara ko ng pinto, napasandal ako sa malamig na pader ng hallway at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Punas-punas ko ang pisngi kong may bahagyang gasgas mula sa bubog kanina. Mahirap, pero kailangan kong magtiis. Tatlong buwan na lang, makukuha ko na ang kabuuang sweldo ko para sa transplant ng lola ko. Pagkatapos noon, babalik na ako sa normal kong buhay.
Naglakad ako pababa sa malaking hagdanan ng mansyon para ihatid ang tray sa kusina, pero bago pa ako makarating doon, hinarang na ako ni Chantal.
Si Chantal ang fiancée ni Santi. Maganda, mayaman, pero kung ituring kaming mga staff ay parang basura. Naka-cross arms siya habang nakataas ang isang kilay, suot ang isang marangyang silk robe.
"Pinatulan ka na naman ba ng fiancé ko?" maarteng tanong niya habang tinitingnan ako mula ulo mukhang paa. "I heard something broke inside. Bakit ba hindi mo magawang pakalmahin ang hayop na 'yan nang hindi nag-iingay?"
*Hayop.* Iyon ang tawag niya sa lalaking pakakasalan niya dahil lang hindi na ito nakakakita ngayon. Tuwing umaga kapag may media, nagpapakasweet siya sa harap ng mga camera para sa image ng kumpanya. Pero kapag gabi at nagwawala si Santi, diring-diri siyang lumapit sa kwarto nito.
"Nabigyan ko na po ng gamot, Ma'am Chantal. Nakatulog na po si Sir Santiago," pormal kong sagot, pinapanatili ang propesyonal na tono para walang gulo.
"Good. Make sure he stays asleep. Ayokong may umiistorbo sa beauty rest ko," aniya sabay irap bago tumalikod at naglakad pabalik sa sarili niyang kwarto sa kabilang wing ng mansyon.
Ipinagpatuloy ko ang paglakad ko papuntang kusina. Hinugasan ko ang baso habang nakatitig sa bintana na natatanglawan ng buwan. Naalala ko na naman ang mukha ni Santi kanina—ang pagod at lungkot na pilit niyang itinago sa likod ng galit niya. Sa dalawang linggong pananatili ko rito, narealize ko na hindi naman talaga siya masamang tao. Sadyang natatakot lang siya na maiwang mag-isa sa dilim.
Umakyat ako ulit sa quarters ko para kumuha ng notebook. Hilig ko ang magbasa ng mga kwento sa kaniya tuwing hatinggabi kapag hindi siya pinapatulog ng trauma niya. Pagbalik ko sa tapat ng kwarto niya, dahan-dahan kong pinalundag ang hawakan ng pinto para tingnan kung maayos ang lagay niya.
Pumasok ako nang walang ingay at naupo sa couch na malapit sa kama niya. Sa ilalim ng mahinang liwanag ng buwan na tumatagos sa kurtina, nakita kong mahimbing na ang tulog niya. Mukhang naging mabilis ang talab ng gamot sa kaniya ngayon.
Lumapit ako nang kaunti para ayusin ang kumot na bahagyang nahulog sa sahig. Pero bago ko pa mabitawan ang tela, biglang gumalaw ang kamay ni Santi at mabilis na hinawakan ang pulsuhan ko.
Namilog ang mga mata ko sa gulat. Gising pala siya.
"Huwag kang aalis," paos at mababa ang boses na sabi niya, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. "Manatili ka muna rito. Kahit sandali lang."
Hindi ako nakasagot. Hinayaan ko na lang na hawakan niya ang kamay ko habang dahan-dahan siyang bumabalik sa pagtulog, habang ang tibok ng puso ko ay unt-unti ring bumibilis sa gitna ng katahimikan ng gabi.
TALIA POVHindi ako makahinga nang maayos habang nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ni Santi. Yakap-yakap ko pa rin si Zeke na nakatulog na sa hita ko pagkatapos umiyak nang husto sa garden. Tahimik ang buong kwarto, maliban sa marahang pag-pindot ng doktor sa kaniyang mga medical kit matapos kunin ang buccal swab sa amin ni Zeke, at ang ilang hibla ng buhok ni Santi. Lord, bakit ngayon pa? Bakit dito pa sa mansyong ito?Sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ko sana dinala si Zeke dito, kung nagtiis muna ako sa probinsya, hindi sana kami umabot sa ganito. Pero wala na. Nandito na ang team ng mga doktor mula sa pinakamalaking ospital na pagmamay-ari ng mga Elizalde. At kapag nalaman ni Santi ang totoo—na anak nga niya si Zeke—alam kong wala na akong magagawa para ilayo ang bata sa kaniya.Nakatayo si Santi malapit sa malaking bintana, nakatalikod sa amin at nakapamulsa habang nakatitig sa labas. Sobrang lamig ng aura niya, parang yelo na dahan-dahang lumulukob sa buong kwarto.Naisip
SANTIAGO POVNanginginig siya. Nararamdaman ko ang bawat pintig ng takot sa magkabilang balikat niya habang nakadikit siya sa pader. Pero wala akong pakialam. Kung nanginginig siya sa takot, ako naman ay halos mabuwal sa tindi ng halo-halong emosyon na sumasabog sa dibdib ko ngayon."Magsabi ka ng totoo sa akin, Talia," bulong ko. Pilit kong pinapakalma ang boses ko pero ramdam ko ang sarili kong panginginig.Tinitigan ko siya nang mariin. Ang malalaki at bilugang mga mata niya na dati kong nakikitang kalmado tuwing kausap si Liam ay halos maghisterya na ngayon. Bakit siya natatakot? Kung wala siyang itinatalo, bakit parang nakakita siya ng multo nang malapitan ko ang bata?"Sabi ni Chantal... siya ang nag-alaga sa akin sa dilim limang taon na ang nakararaan. Siya ang kasama ko sa kama noong gabing iyon bago ang operasyon ko," patuloy ko, bawat salita ay parang may lasing na humihiwa sa lalamunan ko. Tumingin ako sa ibaba, doon sa batang nakatago sa likod ng malawak niyang slacks. "Pe
TALIA POVLumipas ang unang dalawang linggo ko sa mansyon na laging may kasamang kaba. Masasabi kong naging maganda ang takbo ng therapy ni Liam. Unti-unti na siyang sumasagot sa mga simpleng tanong ko, at minsan ay ngumingiti na rin siya. Pero ang pinakamalaking hamon ko talaga ay si Santi.Tuwing hapon bago siya umalis papuntang opisina, o kaya naman kapag kararating niya lang gabi, palagi siyang dumadaan sa silid ni Liam. Alam kong hindi lang ang pamangkin niya ang pinupuntahan niya roon. Nararamdaman ko ang matatalas niyang tingin sa bawat galaw ko. Tuwing kakausapin ko si Liam, napapansin kong tumitigil siya para pakinggan ang boses ko. Kaya para makasiguro, binitawan ko na ang paggamit ng lavender lotion ko at nagpalit ng amoy rosas, pero ang hinala sa mga mata ni Santi ay hindi pa rin nawawala.Isang Biyernes ng hapon, nagkaroon ako ng emergency. Tumawag si Nanny Tessa mula sa condo sa BGC."Naku, Lia, pasensya ka na talaga. Ang sakit-sakit kasi ng ngipin ko, namamaga na ang pi
TALIA POVNakalapat ang mga talampakan ko sa sahig pero pakiramdam ko ay lumulutang ako sa kaba. Si Santi. Limang taon kong pinaghandaan ang pinto ng pagkakataon na baka makita ko siya ulit, pero walang kahit anong mental preparation ang sapat kapag kaharap mo na ang lalaking nagpabago ng buhay mo.Mas matikas siya ngayon. Mas seryoso. Ang mga mata niyang dati ay walang buhay at nakatakpan ng gasa ay nakatitig sa akin nang may matinding awtoridad."Sino ka?" ulit niya. Mas lumalim ang baritono ng boses niya, bawat pantig ay may bigat na nagpapakaba sa akin.Huminga ako nang malalim bago tumayo nang diretso. Pinilit kong huwag manginig ang mga tuhod ko. Ibang-iba na ako ngayon. Hindi na ako ang nursing student na naka-unipormeng kupas. Propesyonal na ako."Good morning, Sir. Ako po si Talia Soler, ang bagong Child Behavior Therapist ni Liam," sagot ko. Sinadya kong lakasan nang kaunti ang boses ko para magtunog pormal, pero pinanatili ko ang malumanay na tono para hindi mabigla si Liam
TALIA POVNapatitig ako sa screen ng phone ko matapos maputol ang tawag ng abogado ng mga Elizalde. Limang taon. Limang taon kong pinilit ibaon sa limot ang lahat ng may kinalaman sa kanila, pero sa isang iglap, heto na naman. Parang gustong bumaligtad ng sikmura ko sa kaba.*Elizalde.* Ang pamilyang sumira sa tiwala ko at nagpilit sa akin na magtago sa probinsya."Mommy? Okay ka lang po?"Nabalik ako sa realidad nang hatakin ni Zeke ang laylayan ng blouse ko. Tumingala siya sa akin, hawak ang kaniyang paboritong wooden robot. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ng anak ko, parang unt-unting nadudurog ang puso ko. Mas lumalaki si Zeke, mas nagiging carbon copy siya ng kaniyang ama. Ang matatalas na hugis ng panga, ang bagsik ng kilay, at ang tindig—lahat iyon ay galing kay Santi.Ang tanging pinagkaiba lang ay ang mga mata ni Zeke. Mayroon siyang heterochromia. Ang kaliwang mata niya ay kulay tsokolate, habang ang kanan naman ay may pambihirang shade ng malabong asul na parang abo."Oo na
TALIA POVTatlong buwan ang mabilis na lumipas. Sa loob ng mga panahong iyon, naging routine ko na ang manatili sa tabi ni Santi tuwing gabi. Sa dilim ng kwarto niya, unti-unting nawala ang bagsik niya kapag ako na ang kasama niya. Sabay naming pinakikinggan ang ulan, pinag-uusapan ang mga kwentong binabasa ko sa kaniya, at kung minsan, hinahawakan niya lang ang kamay ko hanggang sa makatulog siya.Naging takbuhan niya ako sa gitna ng kawalan ng pag-asa. At ako naman, hindi ko namamalayang unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Alam kong bawal, alam kong mali, pero mahirap pigilan ang puso kapag nakita mo ang totoong kahinaan ng isang tinitingalang Santiago Elizalde.Huling gabi ko na sana sa mansyon dahil bukas ang takdang operasyon sa mga mata niya. Pero bago pa dumating ang umaga, naganap ang isang bagay na hindi ko inaasahan.Dinala kami ng matinding emosyon. Sa pagitan ng mga bulong niya na natatakot siyang makakita ulit pero hindi ako mahanap, at sa takot ko na bak







