Share

The Billionaire's Secret Heir
The Billionaire's Secret Heir
Author: Yuyieh

CHAPTER 1 (FORCING)

Author: Yuyieh
last update publish date: 2025-02-15 15:22:26

SERAPHINA POV

No! I can't!

"Seraphina, lower your voice!" matigas na utos ng aking ama, si Don Alejandro Montefiore, habang mariing nakatitig sa akin. Katabi niya si Mommy—si Estella Montefiore—ang babaeng lumuluha ngunit walang ginagawa para ipagtanggol ako. At sa harapan ko, si Victor Alaric Vasquez, ang lalaking ipinipilit nilang ipakasal sa akin.

"Lower my voice? Hindi ako papayag sa kasal na 'to! Wala akong pake kung anong mangyayari sa kumpanya ninyo! Hindi ako laruan na pwede niyong ipamigay!" Naramdaman kong nanginginig ang buo kong katawan sa galit, sa takot, sa sakit.

"Hija, this is for your own good," sabad ni Alaric, ang kanyang malamig na boses ay para bang binabaon ako sa hukay. "You will have a stable future with me. You will be secured."

"Secured?!" Halos matawa ako sa pang-aalipusta. "I’m twenty-four! I have dreams, I have a life I want to live! At hindi kasama doon ang ikasal sa isang matandang kagaya mo!"

Biglang tumayo si Daddy, ang kanyang presensya ay bumalot sa buong silid. "Seraphina Evangeline Montefiore! You will do as you're told! Hindi mo alam ang mga pinasok namin para mapanatili ang kapangyarihan ng pamilya natin."

Humalakhak ako nang mapait, pilit hinahadlangan ang namumuong luha. "Pamilya natin? Ang pamilya ba ay nagsasakripisyo ng anak para sa pera? Ano ako para sa inyo? Laruan para ibenta, Mommy, Daddy?!"

Napatigil si Mommy. Hindi niya ako matignan ng diretso. Sa halip, marahan niyang hinaplos ang kamay ni Daddy, na para bang sinasabing siya na ang sumagot.

"Hindi mo nauunawaan ang bigat ng responsibilidad," malamig na tugon ni Daddy. "Ang Montefiore Corporation ay nasa bingit ng pagbagsak. Ang kasal mo kay Alaric ang tanging paraan para mailigtas ito."

"So ibinibenta niyo ako?!" Muling lumakas ang boses ko. "My whole life, ginamit niyo ako para sa image ng pamilya natin! Para akong isang magandang painting na dapat lang tingnan, pero hindi kailanman magkaroon ng sariling desisyon!"

Tumayo si Alaric, at lumapit sa akin, ang kanyang presensya ay nakakasakal. "Seraphina, it's not like that. Once we’re married, I will give you everything you want."

Gusto kong sumigaw. Gusto kong itapon sa mukha niya ang iniinom kong champagne. Pero higit sa lahat, gusto kong tumakbo. Gusto kong lumayo sa impyernong ito.

"Hindi ako isang bagay na pag-aari mo, Alaric," madiin kong sabi, pilit pinapanatili ang katiting na dignidad na natitira sa akin. "And I will never marry you. Kahit kailan."

Biglang lumapit si Daddy sa akin at hinawakan ang braso ko nang mahigpit. Napapikit ako sa sakit. "You are my daughter! At gagawin mo ang dapat mong gawin bilang isang Montefiore!"

"A daughter? Or a pawn?" Mapait akong tumawa habang tumutulo ang luha ko. "Sa buong buhay ko, hindi ko naramdaman na anak ako sa inyo. Ngayon lang kayo nagpakita ng interes sa akin—dahil kailangan ninyo akong ipamigay para sa kumpanya?"

Isang matalim na sampal ang dumapo sa aking pisngi mula kay Mommy. Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang hapdi sa balat ko o ang katotohanang nagawa niya iyon sa akin.

"Huwag kang bastos, Seraphina!" nanginginig ang kanyang boses. "Hindi mo alam ang pinagdadaanan namin para lang mapanatili kang ligtas."

"Ligtas? O nakakulong?"

Napahagulgol na ako. Hindi ko na kayang panindigan ang tapang na pilit kong ipinapakita. Pakiramdam ko, unti-unting pinupunit ang kaluluwa ko sa bawat segundo na nandito ako. Wala silang ibang pakialam kundi ang pera, ang imahe, ang kumpanya. Hindi ang nararamdaman ko. Hindi ako.

Humakbang ako paatras, umaasang may makikita akong daan palabas. Ngunit nakita ko ang mga bodyguards na nakabantay sa bawat sulok ng silid. Pinapaligiran na nila ako.

Diyos ko. Ano ‘to? Kulungan?

Napakapit ako sa dibdib ko, habol ang hininga.

Hindi pwede ‘to.

"You can’t do this to me," mahina kong bulong, ngunit ramdam ko ang desperasyon sa bawat salita. "I have a life. I have the right to choose."

Ngunit tila wala silang narinig.

Si Alaric ay kalmado pa rin, pero may bahid ng inis sa kanyang mga mata. "You will learn to love me, Seraphina. In time."

Halos maduwal ako sa sinabi niya. "Kailanman, Alaric. Never."

Wala nang ibang paraan. Kailangan kong tumakas.

Mabilis akong tumalikod at kumaripas ng takbo palabas ng silid, lumulusot sa pagitan ng mga bodyguards. Narinig kong sumisigaw si Daddy, si Mommy, si Alaric—lahat sila, pilit akong pinipigilan.

"Seraphina! Bumalik ka rito!"

Pero hindi na ako lumingon. Hindi na ako nagdalawang-isip.

Tatakbo ako. Tatakas.

Sa kahit anong paraan, hindi ako magpapakulong sa buhay na hindi akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miss Briannah
ang gandaaaa!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 47

    May mga gabi na mas tahimik kaysa sa dapat at sa mga gabing iyon doon ka pinaka-malakas maririnig ng sarili mong puso. At ngayon isa iyon sa mga gabing ‘yon hindi ako makatulog. Hindi dahil hindi ko kaya kundi dahil ayokong ipikit ang mga mata ko at maalala kung gaano ako kalayo kay Caelum. Nakaupo ako sa gilid ng kama, yakap ang sarili ko habang nakatitig sa sahig. Ilang oras na yata akong ganito. Hindi ko na alam hindi ko na rin alam kung anong oras na. Dito sa lugar na ‘to parang hindi umiikot ang oras parang lahat nakahinto.maliban sa sakit napapikit ako sandali.“Tumigil ka na…” Mahina akong napatawa ang sakit pakinggan lalo na’t ako mismo ang nagsabi noon. Kay Caelum pinilit ko siyang lumayo pinilit ko siyang sumuko. Pero ang totoo? Ako ang hindi kayang bumitaw.“Ang tanga mo, Seraphina…” bulong ko sa sarili ko dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit kinakalma ang sarili ko. Kailangan kong maging matatag kailangan kong mag-isip.Hindi pwedeng ganito lang ako habang hawak a

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 46

    Caelum POV Hindi ako huminga agad pagkatapos maputol ang tawag. Parang may humigpit sa dibdib ko parang may kamay na dahan-dahang pumipiga sa puso ko hanggang sa wala nang matira kundi sakit. “Hindi na ako babalik.” Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang mga salitang iyon ni Seraphina. Hindi iyon totoo kilala ko siya, kilala ko kung paano siya magsalita. Kung paano siya huminga sa pagitan ng bawat salita. Kung paano nanginginig ang boses niya kapag may tinatago siya. At kanina narinig ko iyon she was lying para sa akin para ilayo ako. “At akala niya… susuko ako?” napatawa ako nang mahina, pero walang saya doon puro galit at sakit lang. Napahawak ako sa mesa sa harap ko, mariin ang pagkakahawak hanggang sa mamuti ang mga daliri ko. Hindi siya babalik? Hindi niya kailangan ng tulong? Bullshit. “Mas kilala kita kaysa sa sarili mo, Seraphina…” bulong ko at hindi kita iiwan hindi ngayon, hindi kailanman. “Sir, please kailangan niyo pong magpahinga.” Hindi ko pinansin ang boses ng dokt

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 45

    THIRD PERSON POV Mabigat ang gabi hindi dahil madilim kundi dahil sa katahimikang parang may tinatago. Sa loob ng malawak ngunit malamig na mansion ni Alaric, bawat hakbang ay may kasamang kaba. Hindi ito lugar na nagbibigay ng seguridad ito ay kulungan na pinapalamutian lang ng karangyaan. Sa isang kwarto sa ikalawang palapag, tahimik na nakaupo si Seraphina sa gilid ng kama. Hindi siya nakatali hindi siya binabantayan sa loob. Pero alam niya hindi iyon nangangahulugang malaya siya. Ang bawat galaw niya ay siguradong minamasdan ang bawat hinga niya binibilang. Nakatitig siya sa sahig, tila malalim ang iniisip. Hindi na siya umiiyak. Hindi na rin siya nanginginig gaya kanina. Mas delikado dahil ngayon nag-iisip na siya. Sa kabilang bahagi naman ng mansion, sa isang malawak na opisina, nakatayo si Alaric sa harap ng malaking bintana. Tanaw niya ang dilim sa labas, ngunit ang nasa isip niya ay mas madilim pa roon. “Hindi siya sumisigaw,” sabi ng lalaking tauhan niya mula sa likod ta

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 44

    SERAPHINA POVHindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Ang alam ko lang noong dumilat ako, hindi na ako nandoon. Hindi na ako kasama ni Caelum at iyon ang unang bagay na sumira sa akin. Nanikip ang dibdib ko habang unti-unting nagiging malinaw ang paligid. Madilim ang kwarto, pero hindi ganap may ilaw na galing sa isang lamparang nasa sulok. Malamig. Malinis. Halatang hindi ito basta-bastang lugar. At lalo akong kinabahan dahan-dahan akong gumalaw. Masakit ang katawan ko, pero wala akong nakitang tali sa mga kamay ko. Hindi ako nakagapos.Pero hindi ibig sabihin noon na malaya ako bigla akong napaupo nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Click. Napatigil ako at doon pumasok siya si Alaric. Hindi siya nagmamadali. Parang walang nangyaring mali. Parang normal lang ang lahat parang hindi niya ako dinukot.“Good,” sabi niya habang papalapit. “Gising ka na.” Hindi ako nagsalita tinitigan ko lang siya. Galit, takot at pagkasuklam.“Bakit mo ginawa ‘to?” tanong ko,

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 43

    Tahimik ang paligid hindi yung payapang katahimikan kundi yung uri ng katahimikan na parang may nagtatago. Parang may nagmamasid. Sa loob ng pribadong rest house kung saan pansamantalang dinala si Caelum para makapagpahinga, mabigat ang hangin. Amoy antiseptic pa rin ang paligid paalala ng ospital na pinanggalingan niya. Nakatayo si Seraphina sa may bintana, yakap ang sarili hindi siya mapakali.“May mali,” mahina niyang sabi napatingin si Caelum sa kanya mula sa kama. Kahit may benda pa siya at halatang hindi pa fully recovered, malinaw alerto siya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya hindi agad sumagot si Seraphina. Pinakiramdaman niya yung pakiramdam na iyon… hindi bago qt doon nanlamig siya.“Si Alaric…” bulong niya at parang cue may kumalabog. Isang malakas na tunog mula sa labas pareho silang napalingon. Sunod-sunod na yabag. Mabibigat at mabilis hindi na sila nag-usap pa alam na nila.“Huwag kang lalapit sa pinto,” agad na sabi ni Caelum, pilit tumatayo kahit masakit. “Cael

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 42

    CAELUM POV Hindi pa rin nawawala yung sakit hindi na siya katulad ng sugat sa katawan hindi na simpleng kirot na mawawala sa pahinga o gamot. Ito’y mas malalim. Parang may kung anong pwersa na patuloy na kumakain sa loob ng isip ko, pilit binubuksan ang isang pintong matagal nang nakasara. At ngayon hindi ko na siya mapigilan napapikit ako, hinihingal, habang hawak ang ulo ko. Parang may mga boses na sabay-sabay na sumisigaw, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Mga larawan na hindi ko kilala pero pakiramdam ko, akin. “Ayos ka lang ba?” Boses niya seraphina dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko siya sa harap ko—punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. Parang natatakot siyang mawala ako. At hindi ko alam kung bakit pero ayokong mangyari ‘yon. “Ayos lang ako,” sagot ko, kahit halatang hindi siya naniwala kita ko sa mga mata niya. “Hindi,” mahina niyang sabi. “Hindi ka okay.” Tahimik ako kasi tama siya hindi talaga ako okay. “May nakita ka, ‘di ba?” tanong

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 5 (Forsaken)

    Seraphina's POVNaalimpungatan ako sa sinag ng araw na dumadampi sa aking balat. Masakit ang buong katawan ko, dulot ng gabi ng matinding pagnanasa at pagkalimot sa mundo. Bumaling ako sa tabi at nakita siyang mahimbing pa ring natutulog—si Caelum Darius Velasco. Ang lalaking sumagip sa akin mula s

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 4 (Consumed Spg)

    Third Person POV Hatinggabi na, pero hindi pa rin humuhupa ang init sa loob ng hotel room. Sa pagitan ng malalim na paghinga at mahihinang ungol, muling bumalot ang kanilang katawan sa isa’t isa—wala nang distansyang namamagitan, wala nang hadlang sa pagitan ng kanilang mga balat. Nakahawak si Ca

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 3 (Ecstasy Spg)

    CAELUM'S POVPagkasara ng pinto ng hotel room, wala nang ibang nasa isip ko kundi siya.Si Seraphina Montefiore.Ang babaeng ngayon ko lang nakilala pero parang hinila ako sa isang mundong hindi ko kayang takasan. Hindi ko na kayang tiisin ang tensyon sa pagitan namin.Humakbang ako palapit sa kany

  • The Billionaire's Secret Heir   CHAPTER 2 (SCAPE)

    STILL SERAPHINA POV No! I can't stop to escape and run! I need to escape! Humahagibis ako sa dilim ng gabi, patuloy ang pagtibok ng aking puso sa takot at adrenaline. Hindi ako maaaring mahuli. Hindi ko hahayaang ikulong ako sa buhay na hindi ko pinili. Naririnig ko ang mga sigaw ni Daddy, n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status