Share

Interesting Lady

TAGAKTAK ang pawis at habol ang hininga. Napaungol pa ako sa tinding pagka-unat ng aking kalamnan. "Sige pa isagad mo pa, Menang!" diin kong bulyaw na hiningal.

Mainam nang mag-iihersisyo bago maglako sa eskinita.

Sinusundan ko ang yoga tutorial sa youtube video na naka play sa phone ko.

Pinag-uunat ko ang aking mga binti at braso. Hindi ko alam kong seksi ba akong tingnan sa pinagagawa kong to'. Ah basta...

Bago ko pa natapos ang video ay nagloading na ang youtube ko. Ubos na pala ang data ko. Tang ina naman!

Padabog kong pinagpipindot pindot ang screen ng cell phone, sobrang loading. Second hand lang kasi to' nang mabili sa kalapit na pawnshop diyan sa kanto.

Naku, naman siguradong sinanla ito ng mandurukot na adik.

Napabuntong hininga nalang akong tinigilan ang pagpipindot ko sa pipitsyuging kong android phone.

Ako nga pala ay si Emena Paleria dalawang pu'ng taong nabubuhay sa mundo.

Kadalasan ay tinatawag ako ng aking mga suki't kapitbahay bilang Menang.

Kasi nga ki-ganda ganda daw ng pangalan ko, eh naglalako lang daw ako ng bibingka at nagtitinda ng gulay at isda sa palengke hindi raw nababagay ang Emena.

Sumang-ayon naman ako kahit na hindi katanggap-tanggap sa kalooban ko. Isipin n'yo, Menang ang palayaw eh ang ganda ko kaya sabi ng nanay ko.

Pero pinaunalakan ko na baka hindi na bibili ang mga iyon sa paninda ko. Mabuting sumabay na lang sa takbo ng utak ng mga suki ko kaysa mawawalan pa ako ng customer's count.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata sabay tingala sa bubong namin. Medyo may butas na at parang atang tumagos na ang paningin ko sa kawalan.

Napabuntong hininga ako pagkatapos.

Kailan pa kaya kami ni Inay makakaraos sa ganitong sitwasyon?

Matamlay na sinipat ko ang paningin sa butas at tagpi-tagpi naming bobong na kinakalawang na. Isang hagupit lang ni Oddette siguradong pakshit!

Oo nga nag-aaral nga pala ako, isang taon na lang at matatapos na ako ng kolehiyo, Business ad ang aking kinuhang kurso.

Kaunting sakripisyo't mapasaan man makakuha na rin ako ng trabahong maayos. Sinabayan ko nang kaunting pagtitinda at pagtulong sa inay sa palengke para naman mabawasan ang hirap ng inay ko.

Ang mahal kaya ng matrikula ko kaya kailangan magbanat ako ng buto para naman kahit papaano makapagtustus ako sa aking sariling pangangailangan.

Saka ayaw kong palagi na lang humihingi kay inay. Simula't sapol hirap na ang inay ko sa pagpapalaki sa akin. Maagang kinuha ang itay. Sobrang lasenggero at sinaksak sa kanto.

O siya! Medyo mahaba na ang pagpapakilala ko baka mahuhuli na ako't wala na akong maabutang suki sa kanto.

Nagsuot lang ako ng pink na bulaklaking palda mahaba ito at hanggang sa bakung-bakong ng aking binti. Pinaibabaw ko ito sa maiksi kong short na sobrang short, ta's bota pang-ulan.

"Perfect!" Isang pilantik ng daliri ang aking ginawa sabay na nag pose na daig pa ang isang modelo ng Victoria Secret.

Yes. Victoria Secret talaga. Kung ikukumpara ang sarili h'wag doon sa alanganin. Kumpara na nga lubus-lubusin na.

Makinis ang balat ko kahit sa eskwater ako nakatira. Laking pasalamat ko kay inay. Genes kumbaga. Kaya girl be confident! Lahat tayo pinanganak na maganda, be proud.

Madalian kong binitbit ang basket na puno ng aking panindang bibingka sabay pose ulit na akala mo'y exotic model sa eskinita.

"Ayan perfect!"

Magsisimula na ang araw ko. Go go go dapat.

Lumabas na sa munti naming tahanan, sinara ko ang lumang pinto at ni-lock.

Kahit na mahirap lang kami ay naku may mas mahirap pa talaga at walang sinasantong manloloob sa lugar namin. Daming nagkalat na adik.

Pagkatapos ay buong kompyansyang nagsimula na akong humakbang at nagsisigaw sa maliliit na eskinita.

"Mga magagandang ale at nagagwapohang manong, bibingka po matamis, masarap, malambot, bili na po, galing po ito sa napakagandang dilag."

Nakangiting gamit gamit ko ang nakasanayan kong pang sales talk habang nilalako ko ang bibingka.

Wala akong pakialam kung ano ang isipin ng iba ang importante makabenta ako.

Hayon! Nagsimula nagdagsaan na ang mga suki kong mga bata.

Wala sa sariling napangiti ako sabay napa-indak ang kanang paa.

Naku! Pag sinuwerte ka nga naman mabenta talaga ako dahil ang ganda ko kaya add points na masarap na timpla ng bibingka ko.

"MENANG!" si Manang Luz ang suki ko na nagtitinda ng prutas.

Tumigil ako sa kakahakbang nang matapat ako sa fruit stand nito.

"Oh, aling Luz, bili na po," alok ko sa matanda na nginitian ko pa ito ng ubod tamis.

Mabilis naman itong kumuha ng pera sa loob ng apron.

"Ubusin niyo na po ito aling Luz, ito nalang ang natira eh."

"Magkano ba lahat iyan?" si Aling Luz na sinulyapan ang dala kong basket.

"Isang daan po, pero ibibigay ko sa iyo ng otseyenta Aling Luz kasi espesyal ka eh," patutsada ko para bumili lang ito.

"Sandali ah," sabi nito nang may isang customer na lumapit at bumili ng prutas.

Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino at sinentro ko na lang ang aking paningin sa maliit na tv na naka-installed sa tindahan ng matanda.

Nang makaalis ang customer ay muli kong hinarap ang sarili kay aling Luz at sige pa rin ang aming pag-uusap.

"Dalawang supot na lang po ito Aling Luz."

Isang malakas na simoy ng hangin ang dumaan sa aking kinatatayuan dahilan upang isayaw nito ang aking palda.

Sa haba ng palda hindi ko napansin na may isang kotse palang nakaparada sa aking likuran.

Nang pumasok ang may-ari ng kotse hindi nito napansin na na-ipit pala ang laylayan ng aking palda habang sinara nito ang pinto ng driver seat.

Ilang segundo ay nagsimula ng tumakbo ang kotse papalayo.

"Opo Aling Luz, bas—" napatigil ako sa pagsasalita nang may narinig ako isang tunog na parang may napunit sa suot ko.

Iyon pala ay nadala na ng kotse ang laylayan sa suot kong palda!

Crochet pa naman ang palda ko kaya habang lumalayo ang sasakyan ay unti-unting naubos ang telang sinulid na tumaping sa aking makinis na binti pataas sa aking hita.

Kinabahan at pinamulahan tuloy ako sa eksina.

"Anak ng tipaklong!" bulalas ko dahil unti-unting napunit at nauubos ang palda ko.

Paborito ko pa naman ito, binili ko ito noong isang araw sa ukay-ukayan.

Nanggalaiting sinundan ko ng tingin ang magarang kotseng tumatakbo papalayo.

Tuluyan na akong nahubaran. Naiwan ang shorts kong sobrang short.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid. Mabuti at nakapagshort ako ngayon kundi, naku hindi lang kahihiyan ang abutin ko, pati na pambabastos!

"Wow," bulalas ng isang adik sabay sumipol.

Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatunghay sa akin mas nanaig ang inis ko dahil sa pagkapunit ng aking palda.

Kaya hanggang hindi pa nakakalayo ang kotse ay sinagad ko na ng takbo.

"Hoy, tumigil kang h*******k ka!" tumatakbong sigaw ko. "Lagot ka sa akin ngayon!" walang ingat na hinagis ko sa isang tabi ang bitbit kong basket habang patuloy kong hinahabol ang magarang kotse.

Tumatakbong hinubad ko ang suot kong bota, mabilis kong hinagis ito sa likod ng kotse.

"Anak ng!" mura ko nang hindi natamaan. Muling hinablot ko ang kapares ng sapin ko sa paa't muling ibinato!

Hayon! Sapol ang salamin sa likuran ng kotse, tama lang upang maagaw pansin ng may-ari.

Laking pasalamat ko't hindi nabasag. Mas mahal pa ata ang kotseng iyon sa buhay ko. Basta di ko matukoy kung anong modelo basta magara.

Mayamaya ay napansin nito ang ginawa ko dahilan upang huminto ito.

Lakad takbo kong nilapitan ang tapat ng kotse. Marahas at padabog kong kinatok ang tapat ng driver seat kung saan sumabit ang palda ko.

"Hoy! Lumabas ka diyan!" nanggagalaiting bulyaw ko.

Hindi ko maaninag ang loob dahil tinted ang salamin ng kotse

"Hoy mag sorry—

Saktong nagbukas ang bintana. Tumambad sa akin ang isang lalaki. Hindi ko maaninag ang hitsura at deritso lang ang paningin sa harapan pero isang bagay lang ang alam ko. Ang lalaki ay gwapo at nakakahumaling.

"Hoy, mag sorry ka!" galit na utos ko sa may-ari ng kotse. Sadyang nakapamaywang ako.

"Why should I?" tanong nitong hindi parin ako binalingan. Ang boses nito ay napakalalim.

"Mister! napunit iyong palda ko!"

Dinig ko ang mahinang tawa ng lalaki. Mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Wait, wala akong maintindihan. As far as I could remember ay ni minsan hindi ako naging marahas sa mga babaeng dinala ko sa kama, wala akong naalalang pinunit ko ang mga damit n'yo in fact kayo pa ang kusang naghubad sa harapan ko." ta's bumaling na ito sa deriksyon ko.

Pinamulahan ako sa narinig. Hindi kami nagkaka-intindihan ng h*******k na to'.

"Mister, hindi ko sinasabing isa ako sa babae mo, ang sinabi ko napunit ang palda ko dahil sa katangahan mo!"

Nang marinig nito ang pahayag ko ay umigting ang panga ng lalaki. "What, tanga!?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Tumpak, sa katangahan mo!" sang-ayon kong tumango-tango.

Mas lalong nagdilim ang gwapong mukha ng lalaki't kontra gustong bumaba ng kotse.

Wala sa oras na napatungo ako, tiningnan ko ang mamahalin nitong sapatos na dahan-dahang lumapat sa aspaltong kalsada. Hindi ko napigilang lumunok ng laway dahil bigla na lang nanuyo ang aking lalamunan.

Sinuyod ko ng aking paningin ang lalaki mula paa paakyat sa ulo, ulo pababa sa paa. Sobrang halata.

Napakagat ako ng labi. "Girl!" gusto kong paypayan ang sarili dahil tila hindi ako makahinga na natunghayan. Taglay ng lalaki ang makalaglag panty na kagwapohan.

Halos ibalibag nito ang pinto ng kotse nang makababa ng tuluyan. Isang hakbang lang ay nakalapit na agad ito sa akin.

Nakapamaywang na nakipaglaban ako ng titig na animo'y walang kinatatakutan. Wala akong paki-alam kong indanger species to' sa kagwapohan. Dapat makahingi ito ng dispensa.

Lumapit ito sa akin saka dumukwang ng kaunti. Napatingala ako. Sobrang tangkad pala nito't halos mapugto ang leeg ko.

"Anong sabi mo? Ako, tanga?" mahina pero may diin na turan nito.

Halos lumipad ang bangs ko dahil sa mabango at mainit nitong hiningang pinaypayan ang mukha ko.

"O-Oo, tanga!" singhal kong nakipagtagisan ng titig sa estranghero. Sa totoo lang ibig ko ng mangisay dahil sa tension.

"What is your problem, as I told you wala akong naalalang namunit ako ng palda ng may palda. At sa pagkakatanda ko, ngayon lang kita nakita," wika nito na hinagod ako na tila ba sinaulo ang bawat parte ng mukha ko.

"Oo, ngayon mo lang talaga ako nakita dahil ngayon ka lang din namunit ng palda!" singhal ko na mas tiningala ito.

"And why are screaming out of nowhere, huh?"

"Kasi ang tanga mo at saka h'wag mo nga ako e-Ingles Ingles nandito tayo sa palengke kung hindi mo alam!"

"Stupid!"

"Ano? Ako, stupid?" nilakihan ko ng mga mata ang lalaki. "Eh ikaw nga hindi nakaka-intindi eh. Tingnan mo nga palda ko oh—" asik ko sabay turo sa gula-gulanit kong paldang nakasukbit sa ilalim ng kotse nito. "—naipit lang naman sa pinto ng kotse mo!" walang preno prenong giit ko sabay tiningala ito. Nakataas pa bahagya ang aking kilay.

Ngumisi ito, tumambad sa paningin ko ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin.

"Oh, so iyan pala ang problema mo kaya ka nagwawala?"

"Hoy, excuse me? Kung makaasta ka ay parang maliit na bagay lang to, ako ang nabastos dito, Mister!"

"So, you think this was my fault? I don't think so?" isang mahinang ngisi ang pinakawala nito. Yumuko pa ito lalo upang magtapat ang mukha namin, dahil sa ginawa nito ay tarantang napa-atras ako.

"Diyos ko Lord!" wala sa sariling napasambit ako sa maykapal. Ikaw ba naman lapitan ng isang napakagwapong nilalang diba mawala ka rin sa katinuan. Tinambol tuloy ang dibdib ko sa ginawa nito.

"Ah! ibig mong sabihin ako pa ang may kasalanan ha? Ako pa ang may kasalanan sa lagay na to ha?"

Nakapamaywang na inilapit ko ang mukha sa lalaki. Keber, papatol talaga ako sa tukwang ito.

Sunod-sunod na tango ang ginawa nito at pagkatapos ay umayos ng tayo. Pinagkrus pa nito ang braso sa tapat ng dibdib at sinandal ang likod sa pag-aaring kotse. Nanatili ang mga mata nitong nakatitig sa aking mukha. May pilyong ngiti sa labi.

"Exactly! Kung hindi mo mamasamain bakit kasi pakalat kalat ka sa gilid ng kalsada at hindi man lang tinitingnan ang paligid. Alam mo naman na public place ito, and then ano ka artista para pagtuonan kita?" nakataas din ang kilay nitong sabi.

Sobrang yabang ng porma nito na gusto kong pagtatadyakan. Napakagat ako ng labi sabay na nalukot ko ang aking noo.

Isang palatak na tawa ang aking pinakawalan upang mainis ito sa akin. Pero parang hindi ata effective at nakangiting nakatingin lang ito sa dieksyon ko. Tuloy ako itong naiinis sa eksina namin.

"Hindi mo ba nakita ha? Ako na ang nadedehado dito at nababastos dahil sa nangyari!" asik ko na hindi pa rin sumusuko. "See... kita mo?" bahagya kong ipinangalandakan dito ang mapuputi kong hita. "Kung hindi ako nakashorts eh ano, hindi lang kahihiyan ang abutin ko, kaya magsorry ka ngayon din!" matigas na utos ko sabay irap ng aking mga mata.

"Sorry? Why should I?" sabi nitong sinulyapan ang mga binti ko.

"Magsorry ka!"

Mas lumapad ang mga ngiti nito sa labi, mas lalong atang gumagwapo ito sa paningin ko.

"Wala sa bukabularyo ko ang salitang sorry, Miss," malamig nitong sabi. Umayos ito ng tayo sa akmang buksan ang kotse.

"Ah ganun ha! Ayaw mong magsorry, pinakulo mo talaga dugo ko ha!" pagkatapos sabay kong kinuyom ang dalawa kong palad.

Ilang segundong humanap ako ng bwelo kasunod isang malakas na suntok ang tinapon ko sa gwapong mukha nito. Ayon! sapol ang panga nito.

"Oh shit!" mura ng lalaki dahil sa ginawa ko sabay himas sa nasaktan panga. Nawala tuloy ang angas nito.

Kinabahan ako sa ginawa ko pero bahala na kailangan makaganti ako sa h*******k na ito. Nakita kong galit na tumitig ang lalaki sa akin. Mahahalintulad sa isang halimaw na gusto akong lamutakin.

Kailangan na makaalis agad ako bago pa mahuli ang lahat.

"Simple lang naman ang hiningi ko, di mo pa masabi!" tinaasan ko ito ng kilay pagkatapos ay mabilis akong tumalikod! Bago ko iniwan ito tinaas ko ang middle finger ko sabay dila dito.

Patakbong nilisan ko ang kinaroroonan nito, baka kung ano pa ang gagawin nito sa akin mahirap na.

Naiwan ang lalaking blanko ang expression sa mukha na nakasunod tanaw kay Emena na tumatakbo papalayo. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito pagkatapos.

"She is an interesting lady isn't she, Paula?" mahinang tanong ng lalaki sa hangin.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Badeth Mendoza
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status