Chapter 2 – The Innocent Sacrifice
--- Mainit ang hapon sa maliit na barangay sa Quezon City. Sa isang siksik na compound na halos dikit-dikit ang mga bahay, doon nakatira si Solenne “Sol” Villareal kasama ang kanyang pamilya. Sa unang tingin, ordinaryo lang ang lugar na may mga batang naglalaro ng tumbang preso sa kalsada, mga kapitbahay na nakaupo sa bangketa habang nagtsi-tsimisan, at mga tricycle na dumadaan paminsan-minsan. Pero para kay Solenne, ang bawat araw dito ay laban para lang makatawid sa pang-araw-araw na buhay. Nasa edad beinte-tres si Solenne, mahaba ang kanyang buhok na natural na wavy, chestnut brown na kumikislap kapag tinatamaan ng sikat ng araw. Minsan, nakatali lang iyon sa simpleng ponytail para hindi sagabal habang nagtatrabaho. Maliit ang katawan niya, slim build, pero halata ang pagod sa bawat galaw. Hindi man siya maganda sa pamantayan ng mga sosyal, may kakaibang lambing at inosenteng ganda siyang hindi kayang pantayan ng makeup o branded clothes. Sa edad niyang iyon, ramdam na niya ang bigat ng responsibilidad bilang panganay na anak at breadwinner ng pamilya. Iyong mga ka-edad niya, nag-e-enjoy lang habang nag-aaral. Nabibili ang mga gusto sa buhay nang walang iniisip na gastos. Pero siya? Heto't nagbabanat ng buto at pumapasok sa kahit anong trabaho para lang kumita. Kung minsan nga, gusto na niyang sumuko. Minsan, gusto niyang sabihin sa kanyang Nanay Emilia na napapagod na siya. Na hindi naman niya responsibilidad na buhayin ang pamilyang iyon. Na may sarili din siyang buhay. Na dapat sa edad niyang iyon ay nag-aaral siya at nagagawa ang lahat ng gusto sa buhay. Pero hindi niya magawa. Dahil ulila na siya sa ama at ang kanyang Nanay Emilia ay may sakit pa. Bukod pa roon, mayroon pa siyang kapatid na nag-aaral sa highschool. Kaya kahit gusto niyang unahin ang sarili, bilhin ang lahat ng luho, at gawin ang lahat ng gusto, ay hindi kaya ng konsensya niya. Mahal niya kasi ang kanyang pamilya kaya kahit mahirap, handa siyang gawin ang lahat para sa kanyang Nanay Emilia at kapatid na si Julian. --- Suot and simpleng blouse at lumang jeans, naglalakad si Solenne pauwi mula sa pinagtatrabahuhang café. Hawak niya ang isang maliit na paper bag ng tinapay, kahit alam niyang kulang iyon para sa hapunan nilang tatlo. Wala pa kasi syang sahod at wala na rin siyang mautangan pa para pambili ng bigas. Pero kahit iyon lang ang kanilang hapunan, pilit pa rin niyang nginingitian ang bawat kapitbahay na sumasalubong. “Good evening, Sol!” bati ng isang ale na nagtitinda ng gulay sa kanto. “Good evening po, Aling Nena,” balik-bati niya, kahit ramdam ang pagod sa boses. Pagdating sa bahay, sa isang maliit na apartment na may isang kwarto at manipis na kurtina bilang divider ay agad niyang sinalubong ang malungkot na tanawin. Nasa lumang papag ang kanyang nanay, si Emilia Villareal, payat, maputla, at halos hindi na makagalaw. May oxygen tank na nakatabi sa gilid ng kama, at ilang bote ng gamot na nakahilera sa maliit na mesa. “Nay, nandito na po ako,” mahinang tawag ni Sol habang inilapag ang bag ng tinapay. Dahan-dahang iminulat ni Emilia ang mga mata at pilit na ngumiti. “Anak... buti dumating ka na. Napagod ka na naman.” Umupo si Sol sa gilid ng kama, hinawakan ang kamay ng ina saka marahang ngumiti. “Hindi po, Nay. Okay lang ako. Kumain na ba kayo ng lugaw na niluto ko kanina bago ako umalis?” Tumango si Emilia, pero halatang hindi sapat ang kinain. “Oo, anak. Pero huwag mo akong intindihin. Mas dapat mong alalahanin ang sarili mo. Ang payat-payat mo na.” Napangiti si Sol kahit na may kurot sa puso. “Nay, okay lang po ako. Kumakain naman po ako sa trabaho. Hati na lang po kayo ni Julian sa dala kong pandesal.” Inabot niya sa kanyang Nanay Emilia ang isang supot na may lamang limang pirasong maliit na pandesal. Maya-maya pa'y dumating na rin mula sa eskuwela ang nakababatang kapatid ni Sol, si Julian, katorse anyos pa lang at kasalukuyang nasa high school. Pawis na pawis at may bitbit na mabigat na bag. “Ate!” masiglang bati ni Julian, sabay lapit sa kanila at kaagad nagmano. “Perfect score ako sa Math quiz kanina!” Agad na napangiti si Sol, kahit pagod. “Wow, ang galing naman ng kapatid ko! Mana ka talaga sa ate mo.” “Hindi, ate. Mas matalino ka pa rin. Kung hindi ka tumigil mag-aral, siguradong graduate ka na ng college ngayon.” Bahagyang nanlumo si Sol, pero tinapik ang balikat ng kapatid. “Huwag mo nang isipin ‘yon. Ang importante, ikaw ang makakapagtapos. Basta promise mo sa akin, Julian, hindi ka susuko kahit gaano kahirap, okay?” Tumango si Julian nang seryoso. “Promise, ate. Para kay Nanay din.” Kinagabihan, habang natutulog ang kapatid at ina, mag-isa si Sol sa kusina, nakaupo sa maliit na mesa na halos luma na at may bitak-bitak na. May hawak siyang maliit na notebook na parang diary. Doon niya sinusulat ang lahat ng iniisip, ang lahat ng hindi niya kayang sabihin sa iba. Maya-maya pa'y napatigil siya nang makita ang resibo ng ospital na nakadikit sa notebook. Hindi na niya alam kung saan kukuha ng pambayad. Bukod sa gamot at check-up ng ina, may nakaambang operasyon na kailangan gawin agad. At kung hindi, baka hindi na umabot ang Nanay Emilia niya hanggang sa susunod na buwan. --- Kinabukasan, habang pinapalitan ni Sol ng oxygen mask ang kanyang ina, mahina itong nagsalita. “Anak... hindi ko na kayang makita kang nahihirapan nang ganito. Baka dapat—” “Nay,” putol ni Sol sa kanya, mariin ang tono pero may luha sa mga mata. “'Wag n’yo pong sabihin ‘yan. Hindi ako papayag. Lalaban tayo.” “Pero, anak...” “Nay, please. Ako na ang bahala. Gagawin ko ang lahat. Kahit ano.” Natahimik si Emilia, ramdam ang bigat ng boses ng anak. At sa likod ng ngiti ni Sol, naramdaman niyang may itinatago itong sakit at takot. --- Sa mga sumunod na araw, patuloy ang trabaho ni Sol bilang waitress. Pagod man, lagi siyang may dalang ngiti para sa mga customer. Pero tuwing uwian, siya lang ang nakakakita ng totoo niyang mukha—pagod, gutom, at halos bumibigay na. Minsan, nakikipagkita siya sa kanyang matalik na kaibigan, si Clarisse, isang nurse. Habang kumakain sila ng fishball sa kanto, agad na napansin ni Clarisse ang itsura niya. “Sol, you look terrible. Ilang oras ka bang natutulog?” “Mga... tatlo o apat lang,” sagot niya, pilit na nakangiti. “Girl, that’s not healthy. You can’t keep doing this. Kung may problema sa pera, sabihin mo. Tutulong ako.” Umiling si Sol. “Clar, alam kong nahihirapan ka rin sa pamilya mo. Ayaw ko nang dumagdag 'no?” Napailing si Clarisse, halatang naiinis pero nag-aalala. “Hay naku, ikaw talaga. Alam mo, minsan naiisip ko... what if may miracle na biglang mag-offer ng tulong sa’yo? Gagawin mo ba?” Napatahimik si Sol. Pero sa loob-loob niya, ang sagot ay oo. Kung may tutulong man sa kanyang Nanay Emilia na mapagamot, ipinapangako niyang gagawin niya ang lahat... kahit ano pa iyon. “Kung may paraan lang... kahit kapalit pa ng kalayaan ko... basta mabuhay si Nanay at makapagtapos si Julian... gagawin ko,” lihim na usal ni Solenne sa isipan. Pero lingid sa kaalaman ni Solenne, nakahabi na ang isang kapalaran na magpapabago ng kanyang kinabukasan...“Tomorrow, we’ll discuss about the marriage...” PAULIT-ULIT na tumatakbo sa isipan ni Solenne ang salitang binitiwang iyon ng lalaki. Kaya kahit madaling-araw na ay mulat na mulat pa rin ang kanyang mata. “Tama ba talaga 'tong gagawin mo, Solenne?” tanong niya sa sarili habang nakatingala sa puting kisame. Maya-maya, muling bumalong ang kanyang mga luha. Masakit para sa kan'ya na matatali siya sa kasal at ibibigay niya ang pagkababae sa lalaking hindi naman niya kilala. Na gagawin lang siyang kasangkapan para magkaroon ito ng anak na tagapagmana. Buong akala ni Solenne, sa drama lang iyon nangyayari. Pero ngayong naroon siya sa sitwasyong iyon, wala siyang magawa kundi umiyak nang umiyak. Wala na siyang pagpipilian kundi tanggapin ang kapalaran niya. Simula noong mamatay ang tatay niya, nangako na siya sa sarili na siya ang tatayong ama at ate sa kapatid niya. Kaya kung sa pamamagitan niyon ay mapapabuti ang lagay ng Nanay Emilia niya at ni Julian, pikit-matang tatanggapin niya a
Chapter 11 – The Silent Dinner---Hindi na namalayan pa ni Solenne kung gaano siya katagal nakatulog, basta nagising na lang siyang masakit ang kanyang ulo at may natuyo pang luha sa gilid ng mga mata. Mabigat din ang pakiramdam niya na para bang may malaking bato ang nakadagan sa kanyang dibdib.Paglingon niya, tumambad ang wall clock na nakasabit sa ibabaw ng lampshade. Pasado alas-siyete na ng gabi. Napakurap siya. Siguro ay oras na ng hapunan sa mansyon na iyon.Huminga siya nang malalim at luminga sa paligid. Ang lampshade sa tabi ng kama ay nakabukas na, at nagbibigay ito ng malambot na liwanag sa buong kwarto. Sa ibabaw ng queen size na kama, maayos na nakapatong ang isang simpleng sleeveless white dress at isang pares ng undergarments, malinaw na inihanda para sa kanya.Mabilis niyang naalala ang malamig na bilin ng lalaki sa kan'ya. “Maligo ka muna at magpahinga. Someone will call you for dinner later.”Kahit mabigat ang dibdib, bumangon siya. At dala ang damit, marahan siya
Chapter 10 – Chains Behind the Walls---Tahimik ang buong biyahe mula ospital patungo sa mansyon ng mga Valtieri. Nakaupo sa backseat si Solenne, halos nakadikit sa bintana ng itim na luxury car. Sa labas, mabilis na dumadaan kanilang sasakyan sa mga ilaw ng EDSA, mga naglalakihang billboard ng mga sikat na artista at modelo, matataas na poste ng kuryente, mga modern jeepney, at mga taong walang kamalay-malay na may isang babae sa loob ng magarang sasakyan na iyon na tila ibinabyahe papunta sa isang kulungan.Mahigpit niyang hawak ang strap ng sling bag, na parang iyon na lang ang natitirang bagay na kayang kapitan sa mga sandaling iyon. Pinipilit ni Solenne na huwag umiyak, pero hindi niya mapigilan ang matinding kabog ng dibdib na parang gusto nang kumawala.Samantala, kanina pa siya tinitingnan ni Rafe sa rearview mirror. Tahimik lang itong nagmamaneho, pero halata sa mga mata niya na nababasa niya ang kaba sa mukha ng kawawang dalaga.“First time mo sigurong lumayo sa family mo,”
Chapter 9 – Between Hope and Chains---Tahimik ang biyahe pauwi sa hospital. Nakaupo si Solenne sa likuran ng itim na luxury car na ipinahanda ni Caelum. Sa labas ng tinted na bintana, dumadaan ang mga ilaw ng Maynila, mga poste ng kuryente, mga gusaling puno ng buhay, at mga taong walang kamalay-malay sa bigat na dinadala niya.Nakahawak pa rin siya sa kontrata na nakatupi at nakasiksik sa loob ng kanyang sling bag. Kahit hindi niya ito tingnan, parang nakaukit na sa isip niya ang bawat salita. Every clause felt like shackles binding her to a fate she never chose.Huminga siya nang malalim, pinilit ipaalala sa sarili kung bakit niya ginawa ito. “Para kay Nanay… para kay Julian…” iyon lang ang mantra niya sa isip habang tinutunaw ng kaba ang dibdib.---Pagdating nila sa East Avenue Medical Center, agad siyang sinalubong ng mga tauhan na inutusan ni Caelum. May nakaabang na nurse para ihatid siya papunta sa surgical wing.“Miss Villareal?” tawag ng nurse. “Your mother has been moved
Chapter 8 – The Price of Surrender---Tahimik ang buong silid nang mapagtanto ni Solenne na wala na siyang ligtas na daan. Nakatitig pa rin siya sa kontratang hawak, nanginginig ang mga daliri at mabigat ang dibdib. Para siyang nilamon ng sitwasyon na siya mismo ang pumasok, at hindi niya alam kung paano siya makakalabas.Sa kabilang dulo ng silid, nakaupo si Caelum, walang bakas ng emosyon. Ang mukha nito ay parang marmol, matikas at malamig. Ang bahagyang kurba ng labi niya ay nagbigay ng impresyong nanalo siya sa isang laban na hindi man lang niya pinagpawisan. Parang isang negosyanteng nasungkit ang billion-dollar deal, iyon ang aura ng lalaking ng mga sandaling iyon.Huminga nang malalim si Solenne, pero kahit paano niya subukang pakalmahin ang sarili, ang kabog ng dibdib niya’y parang drum na walang tigil. She hated the fact that he was right... her mother was lying in a hospital bed, fighting for her life, at siya lang ang may hawak ng susi para sa kaligtasan nito.Maya-maya p
Chapter 7 – The Contract of No Return“So, ikaw pala si Solenne Villareal… my surrogate bride.”Nanigas si Solenne sa kinatatayuan niya. Para siyang nahulog sa isang bangin sa narinig. Napakabilis ng tibok ng puso niya, pero inisip niyang baka nagkamali lang siya ng pandinig. “Hindi… imposible. Siguro mali lang ang pagkakaintindi ko...” isip-isip niya at basta na lang binalewala ang narinig.Mabilis siyang lumapit at naupo sa swivel chair na nakaharap sa kanyang bagong “amo” at pilit na ngumiti kahit na ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga kamay.“Good evening po, Sir,” mahina niyang bati, halos hindi makatingin ng diretso.Nakaupo si Caelum sa likod ng malaking desk, hawak-hawak ang isang basong may mamahaling alak. Ang tingin nito, malamig at mapanuri, na para bang binabasa ang bawat iniisip niya.“I know you needed money,” panimula ni Caelum, diretso at walang pasakalye.Napasinghap si Solenne, hindi inasahang agad na bubuksan ng lalaki ang usapan.“At ibibigay ko ang halaga