分享

12: HEAT

作者: MsUnknown
last update publish date: 2026-06-13 09:06:06

ELOWEN

Hindi mawala sa isip ko ang paraan ng pagtitig ni Grayson Hale sa akin mula sa balcony.

Kahit nasa ibaba ako at nasa taas siya, ramdam ko pa rin ang bigat ng presensya niya. Parang kahit hindi ko siya direktang tignan, alam kong nakatingin siya.

At mas nakakainis dahil habang iniisip ko iyon, mas lalo akong kinakabahan.

"Hoy." Tinapik ako ni Nadine. "Mukha kang lutang."

Napakurap ako saka mabilis na umiwas ng tingin sa balcony.

"Wala."

"Sure ka?"

Tumango ako agad saka uminom ulit ng wine
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   26: PREGNANCY TEST

    ELOWENNakaupo ako sa kama, nakasandal sa headboard, habang pilit kinakalma ang sarili ko. Ramdam ko pa rin ang bigat sa tiyan ko at ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko, pero kahit papaano, hindi na ganoon ka-umiikot ang paningin ko.Pinilit kong huminga nang maayos.Inhale. Exhale.Sa kabilang banda ng unit, naririnig ko ang kaluskos ng mga gamit sa kusina.Si Nadine."Hindi ka pwedeng nakahiga lang dyan buong gabi," sabi niya mula sa kusina, may halong pag-aalala at reklamo. "Magluluto ako kahit simpleng noodles lang. Kailangan mong kumain.""Hindi ako gutom..." mahina kong sagot."Wala akong pakialam," balik niya agad. "Kakain ka."Napangiti ako kahit papaano. Kahit pagod ako, si Nadine talaga, hindi marunong tumanggap ng "hindi" kapag concerned siya.Tahimik na ulit.Pinakinggan ko ang tunog ng tubig sa kettle, ang pagbukas ng cabinet, at ang pagkalansing ng mga utensils. Nakaka-relax kahit papaano. Parang kahit magulo ang gabi namin, may normal pa ring parte sa loob ng mali

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   25: PAGSUSUKA

    ELOWENHindi na nakapagpigil si Nadine.Isang hakbang lang ang lumapit si Martha, pero sapat na iyon para tuluyang maputol ang huling hibla ng pasensya niya."Ulol ka pala," ulit ni Nadine, mas malinaw at mas matalim ngayon.Napatingin ako sa kanya, agad na humawak sa braso niya."Nadine, tama na—" bulong ko, nanginginig pa rin ang boses ko.Pero hindi na siya nakinig.Tumaas ang dibdib niya sa galit habang nakatitig kay Martha. "Ano bang problema mo? Wala kang ibang alam gawin kundi mang-insulto ng tao?"Napangiti si Martha, parang naaliw pa siya."Ako pa ngayon ang may problema?" malamig niyang sagot. "Look at you. Mga taga-backroom lang naman kayo, akala niyo kung sino kayo."Parang may sumabog sa paligid.Humakbang si Nadine pasulong."Ulol ka talaga," mariing sabi niya. "Wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa amin."Doon, biglang nagbago ang aura ni Martha.Yung ngiti niya, nawala.Napalitan ng malamig na tingin."Say that again," sabi niya, mabagal.Napasinghap ako."Hindi

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   24: DESPERADA

    ELOWENHindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko habang nakatayo ako sa gitna ng storage room, nakayuko, at pinipilit ayusin ang paghinga ko. Ramdam ko pa rin ang malamig na tingin ni Madame Glory kahit nakatalikod na siya, at ang presensya ni Martha na parang nakaukit sa likod ng ulo ko.Parang bawat salita nila kanina ay nakadikit pa rin sa balat ko."Final warning.""Red Room.""At yung bumulong na hindi na raw ako kailangan dito."Napapikit ako nang mariin.Parang ang dami kong iniindang hindi ko na alam kung alin ang mas masakit—ang katawan ko o ang isip ko."Hey..."Mahinang boses ni Nadine ang pumutol sa lahat ng ingay sa ulo ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.Nandun siya, nakaluhod pa rin sa tabi ng mga basag na salamin, pero ngayon ay hindi na siya mukhang natatakot. Mas mukhang galit. At mas mukhang... determined."Lumapit ka nga dito," mahinang sabi niya habang inaabot ang kamay niya sa akin.Nag-alinlangan ako.Pero inabot ko rin.Hinila niya ako palapit sa isan

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   23: KONTRABIDA

    ELOWENBigla na lang bumukas ang pinto ng storage room."Anong ginagawa n'yo pa rin dito?"Parang tumigil ang hangin sa loob ng kwarto nang marinig namin ang boses ni Madame Glory.Mabilis akong napalingon, pati si Nadine agad na tumayo mula sa pagkakaupo. Pero bago pa kami makapagsalita, pumasok na si Madame Glory—kasunod si Martha.Nanigas ako.Si Martha.Nakatayo siya sa likod ni Madame Glory, nakataas ang kilay, may malamig na tingin na parang matagal nang may hindi gusto sa akin. Hindi siya nagsalita agad, pero ramdam ko na ang bigat ng presensya niya."Madame—" simula ni Nadine."Hindi ko kayo tinatanong," putol ni Madame Glory, malamig at matalim.Lumapit siya sa amin, tiningnan ang kalat, ang basag na baso kanina, at ang mga kamay ko na nanginginig pa rin."Akala ko ba sinabi ko nang bumalik ka sa floor?" sabay tingin niya sa akin."Pasensya na po... nahilo po ulit siya," mahinang paliwanag ni Nadine.Napabuntong-hininga si Madame Glory na parang naiinis na."Lahat ng empleyad

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   22: GAPS

    ELOWENHindi pa ako tuluyang nakakapagpigil ng pag-iyak nang marinig ko ang matitigas na yapak mula sa hallway.Kahit hindi ko pa siya nakikita, alam ko na agad kung sino iyon."Anong nangyayari dito?"Parang biglang tumigil ang hangin sa loob ng storage room nang pumasok si Madame Glory. Nakatayo siya sa may pintuan, naka-cross ang braso, malamig ang tingin na dumapo sa aming dalawa ni Nadine.Mabilis akong pinunasan ni Nadine ng tissue ang pisngi ko pero huli na—namamaga na ang mga mata ko at halatang galing ako sa pag-iyak."Madame—" simula ni Nadine, pero pinutol siya agad."Hindi kita kinakausap."Isang hakbang pasulong si Madame Glory. Tumingin siya sa sahig kung saan may basag na baso, pagkatapos ay sa akin."Anong klaseng eksena 'to sa gitna ng shift?" malamig niyang tanong.Nanatili akong nakaupo sa sahig, hindi makagalaw. Parang nanliliit ako sa ilalim ng tingin niya."Pasensya na po..." mahina kong sabi.Tumaas ang kilay niya. "Pasensya?"Tumawa siya ng maikli, walang saya.

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   21: ALA-ALA

    ELOWENHalos isang buwan na ako sa Private Lounge at masasabi kong mas madali nga ang trabaho roon kumpara sa dati. Hindi na ako gaanong pagod at mas tahimik ang trabaho rito. Kadalasan ay pag-aayos lang ng mga mamahaling alak, pagdadala ng drinks sa VIP rooms, at pag-aasikaso sa piling customers na kayang magbayad ng napakalaking halaga para lang sa privacy.Tahimik akong nagpupunas ng wine glass nang biglang nanlabo ang paningin ko.Napakapit ako agad sa lamesa."Shit..." mahina kong bulong habang pinipilit na hindi mawalan ng balanse.Parang umiikot ang buong paligid. Nanlamig pa bigla ang kamay ko kaya napapikit ako sandali at huminga nang malalim."Hoy!"Napamulat ako nang marinig ko si Nadine.Mabilis itong lumapit sa akin at agad akong inalalayan sa braso. "Okay ka lang?""O-oo..." pilit kong sagot kahit halatang hindi.Hindi na ito ang unang beses.Halos isang linggo na akong nakakaramdam ng kakaiba. Madalas akong hilo. Mabilis akong mapagod kahit hindi naman mabigat ang traba

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   7: DOMINIQUE HUDSON

    ELOWENPagkapasok ko sa VIP briefing room, agad bumungad sa akin si Madame Glory.Mas malamig pa rin ang presensya niya kaysa sa buong hallway."Sit," maikli niyang utos.Umupo ako sa harap ng isang glass table habang ang ID ko-EL REYES-ay tila mas mabigat tingnan sa ilalim ng ilaw.Sandaling katah

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   3: ENTERTAINER

    ELOWENMas lalong lumamig ang hangin nang tuluyan nang dumilim ang paligid. Tahimik kaming nakaupo ni Nadine sa isang lumang bench malapit sa waiting shed habang pinagmamasdan ang siyudad na unti-unting nabubuhay pagsapit ng gabi.Nakakatawa lang isipin.Habang ang ibang tao ay pauwi na sa kani-kan

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   2: FLYER

    ELOWEN"Hanggang sa muli, Baryo Isla..." bulong ko sa sarili ko, halos hindi ko na marinig ang boses ko. Napakawala ng ingay ng kalsada, kahit na may dumaraan pang ilang motorsiklo at traysikel, parang ang tanging tunog ay ang ritmo ng sariling paghinga at ang banayad na hangin na tumatama sa mukha

  • The Billionaire's Swapped DNA Heir Baby   1: PAG-ALIS

    ELOWENAlas sais pa lamang ng umaga ay nagising na ako dahil sa paulit-ulit na tilaok ng mga manok at sa banayad na huni ng mga ibon sa paligid. Hindi agad ako bumangon. Ilang segundo pa akong nakahiga habang nakatitig sa kisame, hinihintay na mawala ang antok na dahan-dahang kumakapit sa mata ko.

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status