ELOWEN"Hanggang sa muli, Baryo Isla..." bulong ko sa sarili ko, halos hindi ko na marinig ang boses ko. Napakawala ng ingay ng kalsada, kahit na may dumaraan pang ilang motorsiklo at traysikel, parang ang tanging tunog ay ang ritmo ng sariling paghinga at ang banayad na hangin na tumatama sa mukha ko.Tumigil ang tricycle sa harap ng bus station. Mabilis kaming bumaba, dala-dala ang maliit naming bagahe. Ang paligid ay puno ng tao-mga nag-aagawan sa pila, mga pasahero na nagmamadali, at ang mga tindahan sa paligid na unti-unting nagbubukas. Ngunit sa kabila ng abalang iyon, para bang kami lang ang naroroon ni Nadine, dala ang bawat alaala at pangarap na iniwan sa baryo."Okay, kaya natin 'to, Nadine. Para sa pamilya," bulong ko, pinipilit kumalma. Napangiti siya, mahina ngunit puno ng tiwala. Ang amoy ng bus-halo ng usok, kape, at lamig ng aircon-ay tila hindi mahalaga sa akin. Ang mahalaga, may kasama akong kaibigan, at may dala akong alaala ng pamilya ko na magpapatibay sa akin sa
최신 업데이트 : 2026-05-29 더 보기