Se connecterELOWEN
Pagkapasok ko sa VIP briefing room, agad bumungad sa akin si Madame Glory.
Mas malamig pa rin ang presensya niya kaysa sa buong hallway.
"Sit," maikli niyang utos.
Umupo ako sa harap ng isang glass table habang ang ID ko-EL REYES-ay tila mas mabigat tingnan sa ilalim ng ilaw.
Sandaling katahimikan.
Tapos binuksan niya ang folder sa harap niya.
"Your first assignment," sabi niya.
Parang huminto ang paghinga ko.
Hindi ko alam kung bakit pero kahit inaasahan ko na iyon, parang mas lalo pa rin akong kinabahan kapag narinig ko na.
"Client profile: Dominique Hudson."
Napakurap ako.
"Hudson?" ulit ko, hindi ko alam kung bakit ko kinailangan ulitin.
Tumango siya.
"Thirty-two. Business investor. Half-American. Frequent VIP guest."
Ipinakita niya sa akin ang tablet.
At doon ko siya nakita.
Matangkad.
Malawak ang balikat.
Matalim ang jawline, parang modelo sa magazine pero mas "real"-yung tipo ng itsura na alam mong sanay sa mga lugar na hindi mo kayang pasukin basta-basta.
6'4 ang taas, base sa file.
At kahit sa larawan lang, parang ramdam ko na agad ang presensya niya.
Napalunok ako.
"Siya po... first client ko?" mahinang tanong ko.
"Yes," sagot ni Madame Glory.
"Anong gagawin ko po sa kanya?" tanong ko agad, diretso na kahit kinakabahan.
Sandaling tumingin sa akin si Madame Glory.
"Companionship."
Tahimik.
Parang may gustong ipaliwanag pa ang salitang iyon pero hindi niya ginawa.
"Tonight," dagdag niya, "he requested a drinking session."
Napakunot ang noo ko.
"Drinking... session?"
Tumango siya.
"Private condo. No external guests. No media. No interruptions."
Mas lalo akong naguluhan.
Sandali kong tiningnan ulit ang file.
Dominique Hudson.
Businessman.
VIP client.
At ang unang gagawin ko ay... uminom kasama siya?
Parang hindi pa rin naglo-log sa isip ko.
"Bakit po..." napahinto ako, naghahanap ng tamang salita, "bakit kailangan pa ng ganito? Drinking session lang po?"
Napatingin sa akin si Madame Glory.
"Because VIP clients pay for presence."
Hindi ko agad nakuha.
"Presence?" ulit ko.
Tumango siya.
"Not service. Not performance. Not entertainment in the traditional sense."
Sandali siyang huminto.
"Company."
Mas lalo akong natigilan.
Parang doon ko lang unti-unting naiintindihan.
Hindi pala ito trabaho na "gumawa ng show."
Hindi rin simpleng "host."
Kundi... kasama lang.
Presence lang.
"Pero..." hindi ko napigilang sabihin, "ang mahal po ng bayad para lang sa... pag-inom?"
Biglang tumigil si Madame Glory.
Tumingin siya sa akin nang diretso.
"Do you drink, El Reyes?"
Napakurap ako.
"Hindi po."
Tumango siya.
"Exactly."
Parang mas lalo akong nalito.
"Then you will learn your role without being influenced by alcohol."
Mas humigpit ang dibdib ko.
So hindi pala ako kasama para uminom.
Hindi rin para maging parte ng inuman.
Kundi para... samahan siya habang umiinom siya.
Bakit?
Bakit may taong magbabayad ng ganito kalaki para lang doon?
Habang iniisip ko iyon, mas lalo akong kinakabahan.
"Transport will be provided," sabi ni Madame Glory habang isinasara ang folder. "Security will escort you. You will not move alone outside assigned areas."
Tumayo siya.
"Rules for first engagement: speak when spoken to, maintain composure, no personal disclosure unless asked, and always follow staff signal."
Parang sunod-sunod na bumabagsak sa akin ang mga instructions.
Hindi siya trabaho.
Parang protocol.
Parang script na hindi mo pwedeng baguhin.
Tumayo ako kahit nanginginig ang tuhod ko.
"Paano po kung..." huminto ako, "kung hindi ko alam gagawin ko?"
Saglit siyang tumingin sa akin.
"Then you observe."
Napahigpit ang hawak ko sa ID ko.
At doon ako mas lalong kinabahan.
Hindi dahil sa client.
Kundi dahil sa ideya na hindi ako pinili para maging mahusay agad.
Kundi para matuto habang nasa loob na.
Bago pa ako makapagsalita ulit, may pumasok na staff.
"Ready for transfer," sabi niya.
Napatingin ako kay Madame Glory.
Tumango lang siya.
"Go."
At bago ako lumabas ng VIP briefing room, isang huling tanong ang hindi ko na napigilan.
"Madame Glory..."
Tumingin siya.
"Bakit po ako?"
Sandaling katahimikan.
Tapos simple niyang sinabi:
"Because Dominique Hudson specifically requested you."
Parang biglang bumigat ang buong mundo.
Hindi ko siya kilala.
Hindi ko alam kung paano niya ako nakita.
Pero isa lang ang malinaw.
Hindi na ito random assignment.
At habang dinadala nila ako palabas papunta sa private transfer route, paulit-ulit sa isip ko ang tanong na hindi ko masagot.
Bakit may taong tulad niya... magbabayad ng napakalaki para lang sa isang gabing may kasama sa pag-inom?
Tahimik ang byahe papunta sa condo.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas, basta ang alam ko lang ay habang papalapit kami, mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Nakasunod lang ang escort, tahimik, walang paliwanag, parang normal lang sa kanila ang lahat.
Hanggang sa huminto ang sasakyan sa harap ng isang high-rise na gusali.
"Fourth floor," sabi ng escort. "Unit 4B. Knock twice. Staff will leave after entry confirmation."
Napatingin ako sa glass door ng building bago ako bumaba.
At bago pa ako tuluyang pumasok, may inabot sa akin ang isang babae na staff ng Velvet Noir.
Isang simpleng box.
"Change attire," sabi niya lang.
Pagbukas ko, nandoon ang isang simple pero elegant na outfit-hindi revealing, hindi overdone, pero mas maayos kaysa sa silk uniform ko kanina. Neutral colors, soft fabric, parang sinadyang gawing "clean" at "presentable" pero hindi pang-entertainment stage.
Napakurap ako.
"Bakit kailangan ko pa magpalit?" mahina kong tanong.
Walang sagot.
"Protocol," sabi lang niya.
Napatingin ako sa paligid.
Walang emosyon. Walang paliwanag.
Parang lahat dito, kahit simpleng bagay, may dahilan na hindi ko dapat tanungin.
Kaya tahimik akong pumasok sa maliit na changing area na nasa gilid ng entrance ng condo.
Paglabas ko, pakiramdam ko mas "normal" ako tingnan.
Pero mas hindi pa rin ako komportable.
Huminga ako nang malalim bago ko tinulak ang pinto.
At pagkabukas ko pa lang...
napahinto ako.
Ang buong condo ay magulo.
Malamlam ang ilaw, may nakabukas na TV pero walang pinapanood. Sa sahig, may basag na bote ng alak. May mga upuang magulo ang ayos, may coat na nakasabit lang kung saan-saan, at amoy alak na halos sumuntok sa ilong ko.
Tahimik.
Pero hindi maayos na tahimik.
Yung klase ng katahimikan pagkatapos ng gulo.
"...Hello?" mahinang tawag ko.
Mula sa malapit na couch, may gumalaw.
Dahan-dahan akong lumapit ng kaunti.
At doon ko siya nakita.
Si Dominique Hudson.
Nakaupo siya, nakasandal, isang kamay nakahawak sa noo niya na parang sumasakit ang ulo. Naka-loosen ang sleeves ng suot niyang polo, buhok niya medyo gusot, at halatang galing siya sa matagal na inuman.
Pero kahit gano'n, hindi nawala yung presensya niya.
Yung matangkad na katawan, yung matalim na mukha kahit pagod.
Napatingin siya sa akin.
Sandaling katahimikan.
"...You're early," paos niyang sabi.
Hindi ako agad nakasagot.
"Sorry..." mahina kong sagot. "Ako po si El-"
Huminto ako.
El Reyes.
Parang biglang ang weird pakinggan sa ganitong sitwasyon.
Umayos siya ng upo, tinitigan ako nang mas maigi.
At bigla siyang natawa nang mahina, hindi pang-asar, kundi parang... naguguluhan.
"Wait," sabi niya. "You're... from Velvet Noir?"
Tumango ako, medyo kinakabahan.
Sandaling katahimikan ulit.
Tapos tumayo siya ng bahagya, tinitigan ako mula ulo hanggang paa-pero hindi bastos, parang sinusuri lang.
"Bakit ka nandito?" tanong niya.
Napakurap ako.
"Po?"
"Seriously," ulit niya, mas malinaw na ngayon. "Bakit ka nagtatrabaho sa lugar na 'yon?"
Napahinto ako.
Hindi ko alam kung anong isasagot.
Kasi kahit ako, hindi ko pa rin lubos na alam.
Tumingin siya sa paligid, sa mga basag na bote, sa magulong condo, tapos bumalik sa akin.
"Hindi ka bagay doon," diretso niyang sabi.
Mas lalo akong kinabahan.
"Ang ibig kong sabihin..." huminga siya nang malalim, "you look decent. You look... normal. Hindi ka mukhang kailangan magtrabaho sa gano'n."
Napayuko ako nang bahagya.
"Wala po kaming choice," mahina kong sagot bago ko pa mapigilan.
Natahimik siya.
Yung tingin niya, biglang nagbago-hindi na parang nagtataka lang, kundi parang may mas malalim na iniisip.
"Choice..." ulit niya, mahina.
Tumayo siya nang tuluyan, medyo unstable pa dahil sa alak, pero hindi agresibo.
"Okay," sabi niya pagkatapos ng ilang segundo. "Let's start over."
Huminga siya nang malalim.
"Dominique," sabi niya, sabay turo sa sarili niya.
Napakurap ako.
"...El Reyes," sagot ko, mahina.
Tumango siya.
"Alright, El... Reyes."
Sandaling katahimikan.
Tapos tinuro niya ang couch.
"Sit. I didn't call you here for anything weird."
Napahinto ako.
"Ha?"
Umiling siya, parang naiinis sa sitwasyon mismo.
"Drinking session lang 'to," sabi niya. "I just needed someone here so I don't end up talking to myself all night."
Napatingin ako sa kanya.
Mas lalo akong naguluhan.
"Bakit po ako?" ulit ko, mas honest na ngayon.
Tumingin siya ulit sa akin.
At sa unang pagkakataon, parang nawala yung "VIP client" image niya.
Isang pagod na tao lang.
"Because," sabi niya, "you're the first one from that place who doesn't look like she belongs in a cage of diamonds."
Napatahimik ako.
Hindi ko alam kung compliment ba iyon o hindi.
Pero habang nakatayo ako sa gitna ng magulong condo niya, habang amoy alak at basag na bote ang paligid, isang bagay lang ang malinaw sa isip ko.
Ang gabing ito... hindi tulad ng inaasahan ko.
At si Dominique Hudson... hindi rin mukhang tulad ng mga lalaking binabasa ko sa file sa Velvet Noir.
Napaupo ako sa couch na tinuro niya, dahan-dahan, parang takot akong may mabasag pa sa paligid kahit wala naman akong hinahawakan na bote.
Tahimik sandali ang buong condo.
Si Dominique ay tumalikod, kumuha ng baso sa mesa na may natitirang yelo, tapos ibinuhos niya ang konting alak mula sa bote. Para bang routine na sa kanya ang lahat ng galaw, kahit magulo ang paligid.
"Do you want something to drink?" tanong niya, diretso, English na mabilis at natural.
Napakurap ako.
"Ah... I... no po," sagot ko agad.
Tumingin siya sa akin, parang na-realize niya na may mali sa sagot ko.
"No alcohol?" ulit niya, mas mabagal na ngayon.
Umiling ako nang mabilis. "Hindi po ako umiinom."
Sandaling katahimikan.
Tapos bigla siyang napangiti nang kaunti, parang amused.
"That's... actually good," sabi niya.
Hindi ko siya masyadong naintindihan.
"Good?" ulit ko, naguguluhan.
Tumango siya habang umiinom ng kaunti.
"Yeah. Most people I meet here... they drink too much or pretend they don't care."
Hindi ko alam ang isasagot kaya tumango na lang ako kahit hindi ko masyadong na-gets lahat.
Huminga siya nang malalim saka umupo sa katapat kong upuan.
"Sorry," sabi niya bigla. "I'll slow down. English is okay for you?"
Napakurap ako.
"Ah... konti lang po," amin ko.
Napahinto siya.
Tapos tumawa siya nang mahina, hindi nakakatawa sa akin yung situation pero parang sa kanya, oo.
"Okay," sabi niya. "I'll try not to talk like a business meeting."
Napakagat labi ako nang bahagya.
Hindi ko alam kung bakit pero medyo nakahinga ako nang konti.
"Why are you nervous?" tanong niya bigla, diretso na naman.
Napatingin ako sa kanya.
"Ah... kasi po..." naghanap ako ng English pero wala talaga, "first time po."
"First time?" ulit niya.
Tumango ako. "Yes po."
Tinitigan niya ako sandali.
Tapos parang mas lalo siyang na-amuse.
"You look like you're here for an interview, not a drinking session," sabi niya.
Hindi ko alam kung joke ba iyon kaya napangiti na lang ako nang pilit.
"Sorry po..."
Umiling siya agad.
"No, no. Don't apologize."
Tumayo siya at lumapit sa mesa, kumuha ng isa pang baso, tapos ibinuhos niya ang tubig lang sa isa.
Inabot niya sa akin.
"I'm not going to make you drink," sabi niya.
Dahan-dahan kong tinanggap.
"Thank you po," sagot ko.
Napatingin siya sa akin habang umiinom ulit siya ng kaunti.
"You're very polite," sabi niya.
Napakurap ako.
"Po?"
"Polite," ulit niya, parang ini-explain. "Mannered. Soft."
Hindi ko alam bakit, pero parang nakaka-conscious.
"Is that bad?" tanong ko, medyo kinakabahan.
Bigla siyang umiling.
"No. It's... rare here."
Sandaling katahimikan.
Tapos sumandal siya sa couch, nakatingin lang sa akin.
"Honestly," sabi niya, mas mabagal na ngayon, "I expected someone... different."
Napatingin ako sa sarili ko.
"Different po?"
Tumango siya.
"Yeah. Most girls from Velvet Noir... they come in with confidence. Or act like they don't care. Or... they're very polished."
Tumingin siya ulit sa akin.
"Pero ikaw..."
Huminto siya, parang hinahanap yung tamang salita.
"...you look like you're just trying to survive the day."
Napayuko ako nang bahagya.
Hindi ko alam kung insulto ba iyon o totoo lang.
Pero hindi siya mukhang nanlalait.
Parang obserbasyon lang.
"Sorry po," mahina kong sabi ulit, automatic.
Umiling siya agad.
"There you go again," sabi niya, medyo natawa.
Napatingin ako sa kanya.
"Why are you always apologizing?"
Hindi ako nakasagot agad.
Kasi hindi ko rin alam.
"Dahil po..." huminto ako, "baka mali po ginagawa ko."
Sandaling katahimikan.
Tapos bigla siyang napatawa nang mahina.
Hindi malakas.
Hindi pang-asar.
Parang genuinely amused lang.
"You're cute, and stop with po" sabi niya bigla.
Napasinghap ako.
"Ha?"
Umiling siya, parang na-realize niya rin yung sinabi niya.
"Sorry," dagdag niya agad, "that sounded weird."
Mas lalo akong na-conscious.
"Cute po?" ulit ko, hindi alam kung anong reaction.
Tumango siya, nakangiti na ngayon.
"Yeah. Because you're overthinking everything I say."
Napahawak ako sa baso.
Hindi ko alam kung matatawa ako o kabahan.
"Hindi po kasi ako sanay sa English..." paliwanag ko.
"Yeah, I noticed," sabi niya, nakangiti pa rin.
Huminga siya nang malalim, tapos mas relaxed na ang tono niya.
"Okay. Let's make it simple."
Tumingin siya sa akin diretso.
"I called you here just to have company. No tricks. No hidden agenda tonight."
Napatingin ako sa kanya.
"Company lang po?"
"Yes," sagot niya.
Sandaling katahimikan.
Tapos napahawak siya sa ulo niya, parang pagod.
"I've had meetings all week. People talking, smiling, lying. I just wanted silence... or someone normal."
Napatingin ako sa paligid ng magulong condo niya.
"Normal po?" tanong ko, hindi mapigilan.
Tumingin siya sa akin.
Tapos ngumiti ulit, mas totoo ngayon.
"Yeah," sabi niya. "Like you."
Napakurap ako.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang naging mas awkward ang hangin.
Ako?
Normal?
Sa Velvet Noir?
Habang tahimik akong nakaupo, si Dominique ay sumandal ulit, mas relaxed na ngayon, pinapanood lang ako na parang hindi niya rin alam bakit ganito ang sitwasyon.
"Can I ask something?" tanong niya bigla.
Tumango ako nang maingat.
"Sure po."
Tumingin siya sa akin, seryoso na ngayon.
"Do you actually want to be there... at Velvet Noir?"
Natigilan ako.
At sa unang pagkakataon ngayong gabi, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
ELOWENNakaupo ako sa kama, nakasandal sa headboard, habang pilit kinakalma ang sarili ko. Ramdam ko pa rin ang bigat sa tiyan ko at ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko, pero kahit papaano, hindi na ganoon ka-umiikot ang paningin ko.Pinilit kong huminga nang maayos.Inhale. Exhale.Sa kabilang banda ng unit, naririnig ko ang kaluskos ng mga gamit sa kusina.Si Nadine."Hindi ka pwedeng nakahiga lang dyan buong gabi," sabi niya mula sa kusina, may halong pag-aalala at reklamo. "Magluluto ako kahit simpleng noodles lang. Kailangan mong kumain.""Hindi ako gutom..." mahina kong sagot."Wala akong pakialam," balik niya agad. "Kakain ka."Napangiti ako kahit papaano. Kahit pagod ako, si Nadine talaga, hindi marunong tumanggap ng "hindi" kapag concerned siya.Tahimik na ulit.Pinakinggan ko ang tunog ng tubig sa kettle, ang pagbukas ng cabinet, at ang pagkalansing ng mga utensils. Nakaka-relax kahit papaano. Parang kahit magulo ang gabi namin, may normal pa ring parte sa loob ng mali
ELOWENHindi na nakapagpigil si Nadine.Isang hakbang lang ang lumapit si Martha, pero sapat na iyon para tuluyang maputol ang huling hibla ng pasensya niya."Ulol ka pala," ulit ni Nadine, mas malinaw at mas matalim ngayon.Napatingin ako sa kanya, agad na humawak sa braso niya."Nadine, tama na—" bulong ko, nanginginig pa rin ang boses ko.Pero hindi na siya nakinig.Tumaas ang dibdib niya sa galit habang nakatitig kay Martha. "Ano bang problema mo? Wala kang ibang alam gawin kundi mang-insulto ng tao?"Napangiti si Martha, parang naaliw pa siya."Ako pa ngayon ang may problema?" malamig niyang sagot. "Look at you. Mga taga-backroom lang naman kayo, akala niyo kung sino kayo."Parang may sumabog sa paligid.Humakbang si Nadine pasulong."Ulol ka talaga," mariing sabi niya. "Wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa amin."Doon, biglang nagbago ang aura ni Martha.Yung ngiti niya, nawala.Napalitan ng malamig na tingin."Say that again," sabi niya, mabagal.Napasinghap ako."Hindi
ELOWENHindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko habang nakatayo ako sa gitna ng storage room, nakayuko, at pinipilit ayusin ang paghinga ko. Ramdam ko pa rin ang malamig na tingin ni Madame Glory kahit nakatalikod na siya, at ang presensya ni Martha na parang nakaukit sa likod ng ulo ko.Parang bawat salita nila kanina ay nakadikit pa rin sa balat ko."Final warning.""Red Room.""At yung bumulong na hindi na raw ako kailangan dito."Napapikit ako nang mariin.Parang ang dami kong iniindang hindi ko na alam kung alin ang mas masakit—ang katawan ko o ang isip ko."Hey..."Mahinang boses ni Nadine ang pumutol sa lahat ng ingay sa ulo ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.Nandun siya, nakaluhod pa rin sa tabi ng mga basag na salamin, pero ngayon ay hindi na siya mukhang natatakot. Mas mukhang galit. At mas mukhang... determined."Lumapit ka nga dito," mahinang sabi niya habang inaabot ang kamay niya sa akin.Nag-alinlangan ako.Pero inabot ko rin.Hinila niya ako palapit sa isan
ELOWENBigla na lang bumukas ang pinto ng storage room."Anong ginagawa n'yo pa rin dito?"Parang tumigil ang hangin sa loob ng kwarto nang marinig namin ang boses ni Madame Glory.Mabilis akong napalingon, pati si Nadine agad na tumayo mula sa pagkakaupo. Pero bago pa kami makapagsalita, pumasok na si Madame Glory—kasunod si Martha.Nanigas ako.Si Martha.Nakatayo siya sa likod ni Madame Glory, nakataas ang kilay, may malamig na tingin na parang matagal nang may hindi gusto sa akin. Hindi siya nagsalita agad, pero ramdam ko na ang bigat ng presensya niya."Madame—" simula ni Nadine."Hindi ko kayo tinatanong," putol ni Madame Glory, malamig at matalim.Lumapit siya sa amin, tiningnan ang kalat, ang basag na baso kanina, at ang mga kamay ko na nanginginig pa rin."Akala ko ba sinabi ko nang bumalik ka sa floor?" sabay tingin niya sa akin."Pasensya na po... nahilo po ulit siya," mahinang paliwanag ni Nadine.Napabuntong-hininga si Madame Glory na parang naiinis na."Lahat ng empleyad
ELOWENHindi pa ako tuluyang nakakapagpigil ng pag-iyak nang marinig ko ang matitigas na yapak mula sa hallway.Kahit hindi ko pa siya nakikita, alam ko na agad kung sino iyon."Anong nangyayari dito?"Parang biglang tumigil ang hangin sa loob ng storage room nang pumasok si Madame Glory. Nakatayo siya sa may pintuan, naka-cross ang braso, malamig ang tingin na dumapo sa aming dalawa ni Nadine.Mabilis akong pinunasan ni Nadine ng tissue ang pisngi ko pero huli na—namamaga na ang mga mata ko at halatang galing ako sa pag-iyak."Madame—" simula ni Nadine, pero pinutol siya agad."Hindi kita kinakausap."Isang hakbang pasulong si Madame Glory. Tumingin siya sa sahig kung saan may basag na baso, pagkatapos ay sa akin."Anong klaseng eksena 'to sa gitna ng shift?" malamig niyang tanong.Nanatili akong nakaupo sa sahig, hindi makagalaw. Parang nanliliit ako sa ilalim ng tingin niya."Pasensya na po..." mahina kong sabi.Tumaas ang kilay niya. "Pasensya?"Tumawa siya ng maikli, walang saya.
ELOWENHalos isang buwan na ako sa Private Lounge at masasabi kong mas madali nga ang trabaho roon kumpara sa dati. Hindi na ako gaanong pagod at mas tahimik ang trabaho rito. Kadalasan ay pag-aayos lang ng mga mamahaling alak, pagdadala ng drinks sa VIP rooms, at pag-aasikaso sa piling customers na kayang magbayad ng napakalaking halaga para lang sa privacy.Tahimik akong nagpupunas ng wine glass nang biglang nanlabo ang paningin ko.Napakapit ako agad sa lamesa."Shit..." mahina kong bulong habang pinipilit na hindi mawalan ng balanse.Parang umiikot ang buong paligid. Nanlamig pa bigla ang kamay ko kaya napapikit ako sandali at huminga nang malalim."Hoy!"Napamulat ako nang marinig ko si Nadine.Mabilis itong lumapit sa akin at agad akong inalalayan sa braso. "Okay ka lang?""O-oo..." pilit kong sagot kahit halatang hindi.Hindi na ito ang unang beses.Halos isang linggo na akong nakakaramdam ng kakaiba. Madalas akong hilo. Mabilis akong mapagod kahit hindi naman mabigat ang traba
ELOWENNapahigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay habang nakatayo sa harap ng VIP escort.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganito kabilis ang lahat. Kanina lang, nasa training room kami ni Nadine na pareho lang namang nangangapa kung anong klaseng lugar ang Velvet Noir. Ngayon, hi
ELOWENTahimik ang buong training room. Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko habang nakatayo kami ni Nadine sa gitna ng line-up, suot ang silk crop top at shorts na kaparehong ipinasuot sa lahat. Nakatitig lang si Madame Glory sa amin. Hindi siya nagmamadali magsalita, parang sinasadya niyang p
ELOWENHalos alas-diyes na ng gabi nang matapos ang proseso ng applications. Pagod na pagod na ako sa kakahintay at kakaisip kung tama pa bang manatili kami roon ni Nadine. Ilang beses ko nang gustong umatras ngunit sa tuwing maaalala ko ang malamig na bench na tinulugan namin kagabi, napipilitan a
ELOWENMas lalong lumamig ang hangin nang tuluyan nang dumilim ang paligid. Tahimik kaming nakaupo ni Nadine sa isang lumang bench malapit sa waiting shed habang pinagmamasdan ang siyudad na unti-unting nabubuhay pagsapit ng gabi.Nakakatawa lang isipin.Habang ang ibang tao ay pauwi na sa kani-kan







