MasukELOWEN
Mas lalong lumamig ang hangin nang tuluyan nang dumilim ang paligid. Tahimik kaming nakaupo ni Nadine sa isang lumang bench malapit sa waiting shed habang pinagmamasdan ang siyudad na unti-unting nabubuhay pagsapit ng gabi.
Nakakatawa lang isipin.
Habang ang ibang tao ay pauwi na sa kani-kanilang bahay upang magpahinga, kami naman ay walang ibang mapuntahan kundi ang lumang bench na halos kalawangin na sa tagal. Niyakap ni Nadine ang sarili nito habang nanginginig.
"Ang lamig..." mahina nitong reklamo. Napabuntong-hininga ako saka hinubad ang manipis kong jacket at inilagay sa balikat niya.
"Huwag na-" agad niyang tanggi.
"Mas giniginaw ka," putol ko.
Tahimik siyang napangiti ngunit halata pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Muli akong napatingin sa paligid. Mula sa kinauupuan namin ay kitang-kita ang matataas na gusali na punong-puno ng ilaw. Kumukutitap ang mga billboard habang sunod-sunod ang dumadaang sasakyan sa kalsada.
Napakaganda ng siyudad sa gabi.
Makulay.
Buhay na buhay.
Pero sa likod ng mga ilaw na iyon ay libo-libong taong kagaya naming pilit kumakapit para mabuhay.
"Naalala mo no'ng high school tayo?" biglang tanong ni Nadine habang nakatingala sa langit. "Sabi natin paglaki natin magiging successful tayo."
Napangiti ako nang mapait.
"Oo," sagot ko. "Ikaw gusto mong maging sikat na fashion designer."
"At ikaw naman writer na laging may interview sa TV." Pareho kaming natawa ngunit mabilis ding nawala iyon. Dahil pareho naming alam kung gaano kalayo ang realidad sa mga pangarap namin noon. Unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata ko dahil sa pagod. Ilang araw na rin kaming halos walang maayos na pahinga.
"Matulog muna tayo," mahina kong sabi. Tumango si Nadine saka sumandal sa bench. Pilitan kong inayos ang puwesto ko kahit halos bakal na ang tigas ng inuupuan namin. Masakit sa likod at mas lalong hindi komportable dahil sa malamig na hangin ngunit wala kaming choice.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang pilit iniisip na pansamantala lang ito. Na bukas... baka maging maayos din ang lahat. Pero kinabukasan, paggising ko ay tila binugbog ang buong katawan ko.
"Aray..." napangiwing reklamo ko habang dahan-dahang inuunat ang likod ko. Pakiramdam ko ay mababali ang katawan ko sa sobrang sakit. Ganito pala ang matulog sa bench. Namumungay din ang mata ni Nadine habang hawak ang batok nito.
"Hindi ko maramdaman likod ko," daing niya. Napatawa ako nang mahina kahit pareho kaming miserable.
"Buhay pa naman tayo," biro ko.
"Barely." Pareho kaming natahimik. Unti-unti kong nilibot ng tingin ang paligid. Maliwanag na ulit ang siyudad. Nagsisimula nang magbukas ang mga tindahan habang abala na naman ang mga tao sa kani-kanilang buhay.
At kami?
Naroon pa rin.
Pagod.
Gutom.
At walang direksyon.
Mahigpit kong hawak ang flyer habang naglalakad kami ni Nadine sa gilid ng kalsada. Ilang beses na naming chineck ang address para masiguradong tama ang direksyon na tinatahak namin. Wala na rin naman kaming pamasahe kaya kahit gaano pa kalayo iyon, kailangan naming lakarin.
Tahimik lang kaming dalawa habang nakikisabay sa dagsa ng mga tao sa siyudad.Ramdam ko ang pagod sa bawat hakbang. Masakit pa rin ang likod ko mula sa pagtulog sa lumang bench kagabi at parang anumang oras ay bibigay na ang tsinelas kong ilang beses nang nadikit.
"Malayo pa kaya?" mahinang tanong ni Nadine habang pinupunasan ang pawis sa noo nito.
"Konti na lang siguro," sagot ko kahit hindi rin ako sigurado.
Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa flyer.
Entertainer.
Hindi ko pa rin alam kung anong klaseng trabaho iyon pero paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tatlong bagay na nakasulat doon.
No experience needed.
Free accommodation.
Malaki ang sahod.
Sa sitwasyon namin ngayon, sapat na iyon para sumugal. Habang papalapit kami sa address ay unti-unting nagbabago ang paligid. Dumadami ang mamahaling sasakyan, mamahaling restaurant, at mga taong mukhang mayayaman. Pakiramdam ko ay lalo kaming nagmumukhang kawawa.
Napatingin ako sa sarili ko.
Kulay kupas na oversized hoodie. Lumang pantalon. Gusot na buhok na basta ko lang itinali. Ni wala nga akong pabango. Sigurado akong amoy araw at usok na ako. Ganito rin si Nadine. Wala itong makeup at halatang pagod na pagod na sa buhay. Nang makarating kami sa tapat ng building na nasa flyer ay pareho kaming natigilan.
Napakalaki niyon.
Maitim ang salamin ng gusali habang kumukutitap ang ilaw sa harapan nito. May dalawang guard pa sa entrance at sunod-sunod ang dating ng mga babaeng nakaheels at fitted dresses.
Halos sabay kaming napalunok ni Nadine.
Lahat sila mukhang mamahalin.
Perpekto ang makeup.
Mabango.
Mapuputi.
Habang kami...
Mukha kaming naligaw lang.
"Parang... hindi tayo bagay dito," bulong ni Nadine habang bahagyang hinihila ang manggas ko.
Hindi ako agad nakasagot.
Habang pinagmamasdan ko ang mga babaeng pumapasok ay mas lalo akong kinakabahan. May ilan pa ngang nakatingin sa amin mula ulo hanggang paa bago nagbubulungan at natatawa.
Parang gusto kong umurong.
Pero nang maalala ko na wala kaming matutuluyan mamayang gabi, napapikit ako sandali saka humugot ng malalim na hininga.
"Kailangan natin ng trabaho," mahina kong sabi.
Napatingin si Nadine sa akin.
"Pero tingnan mo sila..." halos pabulong niyang sagot. "Mukha silang mga model."
Napababa ako ng tingin sa sarili ko.
Ni lipstick nga wala ako.
"Malay mo naman," pilit kong sabi kahit ako mismo ay walang kumpiyansa. "Sabi naman sa flyer hindi kailangan ng experience."
Tahimik si Nadine sa loob ng ilang segundo bago ito dahan-dahang tumango.
"Okay... susubukan natin."
Kasabay no'n ay bumukas ang malaking pintuan ng building.
Isang babae na naka-itim na dress ang lumabas habang hawak ang clipboard. Matalim ang tingin nito habang isa-isang sinusuri ang mga aplikante.
Nang mapunta ang tingin niya sa amin ay bahagyang tumaas ang kilay niya.
"At kayo?" tanong niya.
Napakapit ako nang mahigpit sa flyer.
"A-aplikante po..." sagot ko.
Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago siya tumalikod.
"Follow me."
Nagkatinginan kami ni Nadine.
At kahit parehong kinakabahan, dahan-dahan kaming sumunod papasok sa lugar na hindi namin alam ay tuluyan nang babago sa buhay naming dalawa.
Pagkapasok pa lang namin sa loob ng building ay agad akong natigilan.
Malamig ang hangin dahil sa aircon at bumungad agad sa amin ang napakalaking lobby na puno ng gintong ilaw at mamahaling dekorasyon. Kumikinang ang marmol na sahig habang may malumanay na tugtog na umaalingawngaw sa paligid.
Pakiramdam ko ay hindi ako dapat naroon.
Lalo na nang mapatingin ako sa tsinelas kong pudpod at sa repleksyon naming dalawa ni Nadine sa salamin.
Mukha kaming dugyot kumpara sa ibang aplikante.
Tahimik lang kaming sumunod sa babaeng may hawak ng clipboard hanggang makarating kami sa isang malawak na waiting area.
Doon namin nakita ang mas maraming babae.
Halos lahat sila ay naka-fit na dress, crop top, o maiikling palda. Makakapal ang makeup at mababango pa kahit medyo malayo kami.
May ilan pang nakatingin sa amin saka nagbulungan.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng isa.
"Applicants din ba 'yan?"
"Sure ka?"
"Parang naligaw lang."
Ramdam kong nanliit ako.
Napayuko si Nadine at bahagyang humawak sa braso ko.
"Gusto mo pa bang tumuloy?" bulong niya.
Hindi agad ako nakasagot.
Sa totoo lang, gusto ko nang umatras.
Pakiramdam ko ay pinagtatawanan kami ng buong lugar.
Pero wala kaming choice.
Kapag umalis kami rito, saan kami pupunta?
Saan kami matutulog mamayang gabi?
"Tumuloy na tayo," mahina kong sagot.
Maya-maya ay may babaeng lumapit sa harapan. Mas matanda ito sa amin at mukhang istrikta. Naka-pulang lipstick ito at hapit na hapit ang itim nitong dress.
"Listen carefully," malamig nitong sabi habang nakatingin sa aming lahat. "Hindi ito ordinaryong trabaho."
Biglang natahimik ang paligid.
"Kapag natanggap kayo, dito kayo titira. Sagot namin ang pagkain, damit, at accommodation. Malaki rin ang kikitain ninyo."
Nanlaki ang mga mata ni Nadine nang marinig iyon.
Ngunit ako...
Mas lalo akong kinabahan.
"Anong klaseng entertainer po?" tanong ng isang babae.
Bahagyang ngumiti ang babae sa harapan pero hindi umabot sa mga mata niya ang ngiti.
"Kayo ang bahalang umaliw sa mga VIP clients."
Napakunot ang noo ko.
"Sumasayaw po ba?" tanong ulit ng isa.
"Sometimes."
"Hostess?"
"Depends."
Lalong gumulo ang isip ko.
Parang iniiwasan niyang sabihin kung ano talaga ang trabaho.
Napansin ko ring may ilang babae na mukhang sanay na rito habang ang iba naman ay kinakabahan kagaya namin.
Pagkatapos no'n ay isa-isa kaming pinapila.
"Fill out the forms," utos ng babae. "Kapag pasado kayo, puwede na kayong magsimula agad ngayong gabi."
Biglang nanlamig ang kamay ko.
Ngayong gabi agad?
Napatingin ako kay Nadine at halatang kinakabahan na rin ito.
"Parang ang bilis naman..." bulong niya.
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may mali talaga.
Habang hawak ko ang bolpen at tinititigan ang application form sa harapan ko, pakiramdam ko ay may boses sa isip kong pilit akong pinipigilan.
Pero kasabay no'n ay naalala ko rin ang malamig na bench na tinulugan namin kagabi.
Ang sakit ng likod namin paggising.
Ang gutom.
Ang kawalan ng mapuntahan.
Mariin akong napapikit bago tuluyang isinulat ang pangalan ko sa papel.
Pagkapirma ko sa application form ay mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.
Hindi ko maipaliwanag pero habang tumatagal kami sa loob ng building na iyon, mas lalo kong nararamdaman na parang may tinatago silang bagay na ayaw sabihin nang diretsahan.
Tahimik kong ibinaba ang bolpen saka muling nilibot ng tingin ang paligid.
Masyadong elegante ang lugar para sa simpleng entertainer job.
May mga lalaking naka-itim na suit na paikot-ikot sa hallway habang may ilang babaeng sobrang sexy ng suot na palabas-masok sa malalaking pinto sa dulo. Ang iba ay tumatawa kasama ang mga lalaking mukhang mayayaman habang may hawak na wine glass.
Hindi iyon mukhang normal na trabaho.
At mas lalong hindi iyon mukhang lugar para sa mga katulad naming walang experience.
"Elowen..." mahinang bulong ni Nadine habang bahagyang lumalapit sa akin. "Kinakabahan ako."
Napatingin ako sa kanya.
Halatang hindi na rin siya komportable. Panay ang himas niya sa palda niyang kupas habang palinga-linga sa paligid.
"Ako rin," totoo kong sagot.
Muli naming sinulyapan ang ibang aplikante.
Karamihan sa kanila ay mukhang preparado na. May mga naka-full makeup, nakaheels, at confident na confident habang nag-uusap-usap. Parang alam na nila kung anong klaseng trabaho ang pinasok nila.
Habang kami...
Walang kaalam-alam.
Parang dalawang tanga na basta na lang sumugal dahil desperado.
"Excuse me po..." maingat kong tawag sa babaeng may clipboard na dumaan malapit sa amin.
Bahagya siyang huminto at tinaasan kami ng kilay.
"Yes?"
"Anong... exactly po 'yung gagawin dito?" tanong ko.
Ilang segundong katahimikan ang lumipas.
Pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti.
"Kayo ang bahalang magpasaya sa clients."
Napakunot agad ang noo ko.
"Paano pong magpasaya?"
"Makipag-usap. Samahan sila. Sumayaw kung kinakailangan."
"Hanggang doon lang po ba?" sunod-sunod kong tanong.
Bahagyang nawala ang ngiti sa labi niya.
"Depende sa client."
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.
"Anong ibig sabihin no'n?"
Tinitigan niya ako nang diretso bago tumikhim.
"You ask too many questions."
Bigla akong natahimik.
Samantalang si Nadine ay mas lalong napahawak sa braso ko.
"Hindi naman po sa gano'n..." mabilis kong sabi. "Gusto lang sana naming maintindihan."
Huminga nang malalim ang babae bago tumingin sa paligid na tila sinisiguradong walang nakakarinig.
"Listen," mahina ngunit matigas niyang sabi. "Hindi madaling kumita ng malaking pera. Kung gusto ninyong magtrabaho rito, matuto kayong sumunod."
Pagkatapos no'n ay iniwan niya kami.
Napatitig lang ako sa likod niya habang mas lalong bumibigat ang dibdib ko.
"Pakiramdam ko may mali talaga rito," bulong ni Nadine.
Hindi ako agad nakasagot.
Kasi iyon din mismo ang iniisip ko.
Maya-maya ay may isang babaeng aplikante ang lumapit sa amin. Matangkad ito, maputi, at halatang sanay na sa mga ganitong lugar.
"First time n'yo?" tanong niya habang inaayos ang mahaba niyang buhok.
Dahan-dahan akong tumango.
Napangiti siya ngunit parang may awa sa mga mata niya.
"Halata."
Napahiya ako.
"Anong klaseng trabaho po ba talaga 'to?" tanong ni Nadine.
Bahagyang natigilan ang babae bago tumingin sa paligid.
"Hindi ba nila sinabi?"
"Sabi entertainer lang daw."
Napatawa siya nang mahina ngunit walang saya roon.
"Technically... entertainer nga."
Mas lalo akong nalito.
"Pero?"
Hindi agad siya sumagot.
Tila nagdadalawang-isip pa.
Pagkatapos ay bahagya siyang lumapit sa amin.
"Kapag mayaman ang client at nagustuhan ka..." mahina niyang sabi, "pwede kang i-request buong gabi."
Nanlamig agad ang katawan ko.
"A-Anong ibig sabihin no'n?" nauutal kong tanong.
Hindi siya agad sumagot ngunit sapat na ang tingin niya para kabahan ako.
"Depende sa gusto ng client."
Parang nawalan ako ng hangin.
Mabilis akong napatingin kay Nadine at halatang natakot din ito.
"Hindi naman siguro..." mahina niyang sabi ngunit hindi niya natapos.
Kasi pareho naming naiintindihan.
At doon namin tuluyang narealize na hindi simpleng trabaho ang pinasok namin.
Hindi ito basta pagsasayaw o pagho-host.
May mas madilim na bagay na nakatago sa likod ng magagarang ilaw at matatamis na pangako ng flyer.
At sa unang pagkakataon mula nang pumasok kami roon...
gusto ko nang tumakbo palabas.
ELOWENSandaling katahimikan.Hindi siya agad sumagot. Nakatayo siya sa gilid ng desk niya, nakatingin sa akin na parang sinusukat nya ako kung dapat ba nya akong sagutin. Yung klase ng tingin na hindi pa rin naman malambot... pero hindi rin malamig.Controlled lang."Not everything is meant to be dumped on you at once," sagot niya sa wakas, mababa ang boses.Humigpit ang dibdib ko."Pero ako yung directly affected dito Sir," sagot ko, mas direkta na ngayon. "I was literally placed in a room I was never briefed about." Napahinto siya. For a moment, may dumaan sa mata niya—hindi inis, hindi galit... parang acknowledgment. Then he turned slightly toward the intercom on his desk."Call Martha now," sabi niya sa assistant line, calm pero final.Napakunot ako ng noo.Ilang segundo lang, may click sa linya. Sino naman si Martha"Ms. Martha speaking," sagot ng boses sa kabilang linya."Administrative," sabi ni Grayson agad, "report the Red Room placement incident."Sandaling katahimikan sa k
ELOWEN"I didn't know there was now off limits in your employees, Hale."Hale.That name.Parang mas lalo pang nagpaigting ng tension sa paligid.I didn't fully understand it, pero ramdam niya agad—hindi ito casual na pagkakabanggit. May history. May weight.Grayson slowly turned.At pagharap niya, mas malamig na siya kaysa kanina.Hindi na lang galit.Control na may halong threat."Careful, Hudson," Grayson said, mababa pero matalim. "You're in my premises."Hudson was still inside the Red Room doorway.Leaning slightly now, relaxed again—but Elowen could feel it wasn't real relaxation. Parang pinipilit lang niya ibalik yung usual demeanor niya, pero may naiwan na tension sa mata niya.His gaze shifted briefly to Elowen.Then back to Grayson."Your premises," Hudson repeated softly, parang natutuwa sa idea. "Or your people?"Elowen's stomach dropped.Grayson's jaw tightened."Don't start," he warned.Sandaling katahimikan ulit.Mas mabigat ngayon.Parang kahit yung elite clients sa lo
ELOWENMas lalo pang sumikip ang hangin sa Red Room.I could barely focus.Yung nausea ko hindi na simpleng hilo—parang sumasabay na sa tibok ng pusoko. Every beat, mas bumibigat yung pakiramdam niya na parang anytime, pwede siyang matumba. Pero pinipilit niya pa ring tumayo nang maayos, tray forgotten na sa side table, hands slightly trembling at her sides.Hudson was still in front of her.Too close now.Mas malinaw na niya siya makita—yung slight tension sa jaw niya, yung uneven na breathing na hindi na bagay sa calm image niya kanina. Parang may internal struggle na hindi niya maintindihan.I took another small step back. Pero Hudson followed—not aggressively,but enough to erase the space she was trying to create."Sir..."I tried to speak, pero mahina lang, parang hindi lumalabas nang maayos yung boses niya.Her vision blurred for a second.The room felt like it was tilting.At that exact moment—The atmosphere shifted.Hindi lang tension.Authority.Isang presence na mas sharp,
ELOWENThe corridor going to the Elite Section felt longer than usual.Every step ni Elowen ay mabigat, hindi dahil sa tray na dala niya—kundi dahil sa pakiramdam na parang may humihila sa kanya papasok sa lugar na hindi siya dapat naroroon."Head up. Don't show hesitation," sabi ng staff escort sa kanya, isang babae na naka-black uniform at walang kahit anong emosyon sa mukha.Elowen swallowed hard. "Yes, ma'am."Tumahimik sila habang binabagtas ang hallway na unti-unting nagiging mas tahimik, mas malamig, mas... sterile. Parang lahat ng tunog ng ordinaryong mundo ay unti-unting pinapatay habang papalapit sa Red Room."Elite clients inside this section are... sensitive," paliwanag ng staff habang naglalakad sila. "You serve quietly. No unnecessary movement. No eye contact unless asked."Napakagat labi si Elowen, mas humigpit ang hawak niya sa tray."Serve tea only. Follow tray protocol. Two knocks before entry. One bow upon entering. Place tray on center table. Exit immediately after
ELOWENHabang paulit-ulit kong inuulit sa isip ko ang mga salitang "may mali," mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan kung galing ba sa takot o sa pagkalito.Parang may bagay sa loob ko na pilit na kumakapit sa isang alaala—pero tuwing sinusubukan ko itong abutin, sumasakit ang buong katawan ko. Hindi simpleng pagod. Hindi simpleng kirot.Parang babala.Parang may bahagi ng akin na nagsasabing: "Huwag mong pilitin."Pero paano ko hihinto kung pakiramdam ko may nawala sa akin?May bahagi ng gabi na hindi ko na maabot.At ang katahimikang iniwan nito... mas nakakatakot pa kaysa sa kahit anong sagot."El, bilisan mo diyan," tawag ng isa sa staff habang inaabot sa akin ang listahan ng bagong room assignment.Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bagong floor.Mas tahimik dito. Mas malamig. Ibang klase ang hangin—parang mas controlled, mas sterile. Walang ingay ng dating hallway namin. Walang kalat. Walang buhay."Dito ka na," sabi ng staff sabay turo
ELOWENHindi nya alam kung paano sya napunta ngayon sa ganitong sitwasyon, basta ang alam nya ay ang mukha ni Grayson sa harap nya papalapit habang sya nakahiga sa kama at nakatali ang kamay at paa nya. Oo nakatali sya at may kung ano pa sa bibig kung kaya't hindi sya makasigaw upang manghungi ng tulong. Pinanood nya si Grayson na lumapit sa mukha nya."You are mine tonight El.....I am your client for tonight"sinubukan nyang pumiglas pero hindi nya magawa dahil sa mahigpit na pagkatali nito sa kamay nya. "Hmmmm hmmmm"tanging yun lamang ang lumalabas sa bibig nya hindi sya makapagsalita, naramdaman na lamang nya ang paghawak nito sa dress nya at dahan dahan iyong binababa. Pakiramdam nya tuloy ang dumi dumi na nya dahil sa paraan ng pagtitig nito sa katawan nya, tanging ang suot na lamang nya ay ang itim na panty na basa pa sobrang nakakahiya. Mababakas sa mga mata nito ang pagnanasa habang pinagmamasdan sya. "You have such a gorgeous body"napakagat labi pa ito habang sinasabi iyon s
ELOWENPagkapasok ko sa VIP briefing room, agad bumungad sa akin si Madame Glory.Mas malamig pa rin ang presensya niya kaysa sa buong hallway."Sit," maikli niyang utos.Umupo ako sa harap ng isang glass table habang ang ID ko-EL REYES-ay tila mas mabigat tingnan sa ilalim ng ilaw.Sandaling katah
ELOWENNapahigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay habang nakatayo sa harap ng VIP escort.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganito kabilis ang lahat. Kanina lang, nasa training room kami ni Nadine na pareho lang namang nangangapa kung anong klaseng lugar ang Velvet Noir. Ngayon, hi
ELOWEN"Hanggang sa muli, Baryo Isla..." bulong ko sa sarili ko, halos hindi ko na marinig ang boses ko. Napakawala ng ingay ng kalsada, kahit na may dumaraan pang ilang motorsiklo at traysikel, parang ang tanging tunog ay ang ritmo ng sariling paghinga at ang banayad na hangin na tumatama sa mukha
ELOWENAlas sais pa lamang ng umaga ay nagising na ako dahil sa paulit-ulit na tilaok ng mga manok at sa banayad na huni ng mga ibon sa paligid. Hindi agad ako bumangon. Ilang segundo pa akong nakahiga habang nakatitig sa kisame, hinihintay na mawala ang antok na dahan-dahang kumakapit sa mata ko.







