เข้าสู่ระบบELOWEN
"Hanggang sa muli, Baryo Isla..." bulong ko sa sarili ko, halos hindi ko na marinig ang boses ko. Napakawala ng ingay ng kalsada, kahit na may dumaraan pang ilang motorsiklo at traysikel, parang ang tanging tunog ay ang ritmo ng sariling paghinga at ang banayad na hangin na tumatama sa mukha ko.
Tumigil ang tricycle sa harap ng bus station. Mabilis kaming bumaba, dala-dala ang maliit naming bagahe. Ang paligid ay puno ng tao-mga nag-aagawan sa pila, mga pasahero na nagmamadali, at ang mga tindahan sa paligid na unti-unting nagbubukas. Ngunit sa kabila ng abalang iyon, para bang kami lang ang naroroon ni Nadine, dala ang bawat alaala at pangarap na iniwan sa baryo.
"Okay, kaya natin 'to, Nadine. Para sa pamilya," bulong ko, pinipilit kumalma. Napangiti siya, mahina ngunit puno ng tiwala. Ang amoy ng bus-halo ng usok, kape, at lamig ng aircon-ay tila hindi mahalaga sa akin. Ang mahalaga, may kasama akong kaibigan, at may dala akong alaala ng pamilya ko na magpapatibay sa akin sa mga susunod na araw sa siyudad.
Umupo ako sa tabi ng bintana, pinagmamasdan ang baryo na unti-unting lumalayo. Nakatingin ako sa bawat bahay, sa mga puno, sa mga daan na pamilyar sa akin mula pagkabata. Lahat ng iyon ay bahagi ng aking pagkabata, at sa bawat segundo na lumalayo kami, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng pagkawala, ngunit may halong pananabik din-pananabik sa bagong simula para sa pamilya.
Habang umaandar ang bus, huminga ako ng malalim. Sinubukan kong isipin ang darating na linggo-ang trabaho, ang bagong kapaligiran, at ang lahat ng bagay na susubok sa akin sa siyudad. Ngunit sa kabila ng takot, may maliit na pag-asa sa puso ko: ang pamilya ko, ang baryo, at ang alaala ng bawat simpleng sandali na kasama ko sila, ay palaging magiging gabay ko.
Tumigil ako sa pag-iisip sandali at napatingin sa kaibigan ko. Nakita ko ang determinasyon sa mga mata niya, at iyon ay nagbigay ng kakaibang lakas sa akin. "Kaya natin ito, Elowen" mahina niyang sabi. Napangiti ako, at sa unang pagkakataon mula nang umalis kami, naramdaman ko ang bahagyang kagaanan sa aking dibdib.
Ang bus ay tuloy-tuloy sa pag-andar, ang hangin mula sa bintana ay dumadampi sa mukha ko. Sa bawat kalsadang nilalakbay namin, unti-unti kong naiintindihan na ang bawat pamamaalam ay hindi ibig sabihin ay katapusan, kundi simula ng bagong kabanata. At habang lumalayo kami, dala ko ang bawat alaala ng aking pamilya, ng baryo, at ng pagkakaibigan, pinapaalalahanan ang sarili: kahit saan man ako makarating, may tahanan akong babalikan.
Hanggang sa muli, Baryo Isla. Hanggang sa muli, Nanay, Tatay, Ate Elona at Rowen. Hanggang sa muli sa mga alaala at halakhak, sa mga simpleng hapunan at umaga na puno ng huni ng mga ibon. Hanggang sa muli, sa lahat ng pagmamahal at pag-aalaga na bumuo sa akin bilang ako ngayon.
At sa bawat pag-ikot ng gulong ng bus, ramdam ko ang unti-unting pagtaas ng aking tapang. Ang takot ay naroroon pa rin, ngunit mas matimbang na ngayon ang pag-asa. Kaya sa harap ng bagong simula, nakangiti ako, handa na sa mga darating. Hanggang sa muli, Baryo Isla... ngunit ngayon, dala ko na ang lakas at alaala nito, sabay sa bawat tibok ng puso ko habang tinatahak ang landas patungo sa siyudad.
"Magsibaba na po lahat, nandito na po tayo! Yung mga bababa po dito sa siyudad, aba, magsibaba na!" Bigla akong natigilan sa dami ng tao sa paligid, pero agad ko ring ginising si Nadine, na nakatulog pa rin sa upuan ng bus. Namumuo na ang kulay kahel sa kalangitan, palatandaan na matagal na ang aming byahe. Napansin ko ang kaba ni Nadine, siguro dahil pareho naming hindi pa alam kung saan kami matutuluyan. Pero dali-dali lang, bahala na, para sa simula ng aming bagong buhay.
Pagbaba namin ng bus, sumalubong sa amin ang mainit at medyo makapal na hangin ng siyudad. Halos hindi namin maaninag ang asul ng kalangitan dahil sa usok ng mga factory at dami ng sasakyan. Parang ibang mundo ito kumpara sa tahimik na baryo namin. Ang bawat tunog-busina ng mga kotse, motor, at pedestrian-ay parang koro na hindi mo maiwasang pakinggan.
"Humawak ka, Nadine!" tawag ko habang tinutulungan siyang makatawid sa abalang kalsada. Palibhasa wala kaming sanay sa bilis ng trapiko, halos pumikit kami sa kaba habang naglalakad. Sa wakas, nakatawid rin kami, at nang tumingin sa paligid, namangha kami sa laki ng mga building, sa taas at dami ng istraktura, at sa liwanag na halos nakakasilaw.
"Pwede ba kumain muna tayo, Elowen? Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko," sabi ni Nadine. Tama siya-halos limang oras na rin mula nang huling kumain kami sa baryo. Mabuti na lamang at pinabaunan ako ni Nanay ng putok na tinapay na may peanut butter. Agad naming inilabas ang mga dala namin.
Umupo kami sa isang maliit na bench sa tabi ng kalsada, sinusubukang huminga at mag-adjust sa gulo ng paligid. Maraming tao ang dumadaan-may mga nagmamadali, may mga naglalakad lang, at may mga nakatambay sa mga tabi ng kalsada.
Inilabas ko ang ice cream na dala ko sa baunan, at sabay na nilagay ang putok na tinapay na may peanut butter. Si Nadine naman ay inilabas ang kanyang juice at isang saging. Pinagtitinginan kami ni Nadine. Napangiti ako, at kahit maraming tao ang nakatingin, wala kaming pakialam-gutóm kami, at kailangan naming kumain bago pa man magpatuloy ang aming paglalakad.
Habang kumakain kami, napapansin ko ang mga detalye ng siyudad: ang sari-saring tao na dumadaan, ang ingay ng trapiko, ang halong amoy ng kape at mga tindahan sa paligid. Napakaiba ito sa baryo, pero may kakaibang saya rin sa paligid-isang pakiramdam ng bagong simula at posibilidad. Si Nadine, kahit nakasimangot sa simula, ay nagsimulang ngumiti habang kinakain ang kanyang saging.
"Alam mo, Elowen, ang dami pala ng tao dito... medyo nakakatakot din," sabi ni Nadine habang tinitingnan ang paligid. Napangiti ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Oo, Nad, iba ito sa baryo. Pero kaya natin, toh para sa pamilya"
Pagkatapos naming kumain, nagsimula kaming maglakad muli. Ramdam ko ang init ng araw sa balat ko, ang amoy ng siyudad, at ang mabilis na ritmo ng mga tao sa paligid. Kahit nakakapagod, may kakaibang excitement sa dibdib ko-isang halo ng kaba at saya. Si Nadine, na karamay ko sa bawat hakbang, ay patuloy na nakangiti kahit na ramdam ko ang kanyang pagod.
Sa bawat hakbang, mas lalo kong naiisip ang baryo-ang tahimik na umaga, ang halakhak ng pamilya, at ang amoy ng bigas na kape at tinapay sa kusina. Bigla ko tuloy naisip kung kamusta na sila sa baryo? Wala pa man din kaming dalang telepono ni Nadine.
"Natatakot ako, Elowen... wala tayong sapat na pera para makakuha ng mauupahan dito sa siyudad. Matutulog ba tayo sa kalye?"
Halatang-halata ang pag-aalala sa mga mata ni Nadine habang mahigpit nitong yakap ang luma naming bag. Hindi ko rin siya masisisi. Sa totoo lang, ako man ay kinakabahan na rin. Limang daang piso na lamang ang natitira sa amin-pera na kailangang pagkasyahin para sa pagkain, pamasahe, at kung papalarin, matutuluyan kahit isang gabi lang.
Napatingin ako sa paligid. Ang siyudad ay kabaligtaran ng baryong kinalakihan namin. Dito, tila walang pakialam ang mga tao sa isa't isa. Abala ang lahat, nagmamadali, at parang walang oras para huminto.
Huminga ako nang malalim bago pilit na ngumiti kay Nadine.
"Hindi ko rin alam," mahina kong sagot. "Pero mas mabuti nang magpatuloy tayo sa paghahanap. Baka may makita tayong hiring."
Bahagya siyang tumango kahit bakas pa rin ang kaba sa mukha nito. Sabay kaming nagpatuloy sa paglalakad sa ilalim ng tirik na araw. Halos mangalay na ang mga paa namin kakalibot. Ilang establisyemento na rin ang napagtanungan namin ngunit puro "Kailangan may experience" o kaya nama'y "Mag-iwan na lang kayo ng requirements."
Requirements na ni isa ay wala kami.
Habang naglalakad, napansin ko ang isang maliit ngunit mukhang mamahaling restaurant sa gilid ng kalsada. Nakasabit sa salamin ang isang papel.
HIRING CASHIER
Biglang lumiwanag ang mukha ni Nadine.
"Elowen! Tingnan mo! Hiring sila ng cashier!" halos mapasigaw siya sa tuwa.
Hindi na niya ako hinintay pang sumagot at agad niya akong hinila papasok ng restaurant. Pagpasok pa lamang namin ay ramdam ko na agad ang malamig na aircon at ang mga matang nakatingin sa amin. Siguro dahil sa hitsura naming pagod, gusot ang damit, at halatang hindi sanay sa ganitong lugar.
Lumapit kami sa counter kung saan naroon ang isang babaeng kahera. Abala ito sa pag-aayos ng resibo ngunit nang mapansin kami ay tinaasan niya kami ng kilay.
"Magandang hapon po," magalang kong bati. "Mag-a-apply po sana kami bilang cashier."
Mula ulo hanggang paa ay sinuyod niya kami ng tingin. Para bang may mali sa simpleng pananamit namin.
"Mag-iwan na lang kayo ng resume," malamig nitong sagot bago muling tumingin sa hawak nitong papel.
Napakunot ang noo ko.
"Ho?" nagtatakang sambit ko.
Hindi napigilan ni Nadine na magsalita.
"Ano pong resume?"
Napabuntong-hininga ang babae at umirap pa.
"Saan ba kayong lupalop galing at hindi n'yo alam ang resume?" sarkastiko nitong sabi. "Tsk. Magsialis na nga kayo rito kung wala kayong resume."
Naramdaman kong uminit ang mukha ko sa hiya. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga matang nakatingin sa amin o dahil sa paraan ng pananalita niya. Totoo namang hindi namin alam ang resume. Sa baryo kasi namin, sapat na ang magtanong kung may trabaho at magsimulang magtrabaho kinabukasan.
Ngunit bago pa ako makapagsalita ay sumingit na si Nadine.
"Nagtatanong naman po kami nang maayos ah!" mataray nitong sagot. "Pwede naman kayong sumagot nang maayos. Aba, bakit ikaw ba ang may-ari ng restaurant?"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Nadine!" agad kong saway habang napapahawak sa noo.
Kahit kailan talaga, hindi marunong magpigil ang babaeng ito.
Lalong sumama ang mukha ng kahera.
"Kuya guard!" matinis nitong tawag. "Paalisin n'yo nga itong mga ito!"
Agad namang lumapit ang guard sa amin. Kahit hindi naman siya nananakot ay sapat na ang seryoso niyang mukha para maramdaman kong wala na kaming magagawa.
"Ma'am, pakiusap po, lumabas na lang po kayo," mahinahon nitong sabi.
Hinila ko na lamang si Nadine palabas habang ito naman ay patuloy pa ring nagbubunganga.
"Kala mo kung sino! Nagtatanong lang naman kami!" reklamo pa nito.
Pagkalabas namin ng restaurant ay saka ako napabuntong-hininga nang malalim. Pakiramdam ko'y lalo akong pinanghinaan ng loob.
"Nadine naman," sabi ko habang nakatingin sa kalsada. "Trabaho ang hinahanap natin, hindi gulo."
Tahimik siya sandali bago yumuko.
"Eh kasi naman, Elowen... ang sama nila kung makatingin sa atin. Parang ang baba-baba natin."
Hindi agad ako nakasagot.
Dahil tama siya.
Sa unang pagkakataon mula nang dumating kami sa siyudad, ramdam na ramdam kong maliit kami. Wala kaming pera, walang kakilala, walang alam sa kalakaran dito... at ngayon, ni simpleng salitang "resume" ay hindi namin maintindihan.
Ngunit kahit ganoon, hindi kami pwedeng sumuko.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Nadine at pilit na ngumiti.
"Hayaan mo na," sabi ko. "Matututunan din natin ang lahat. Makakahanap din tayo ng trabaho."
Kahit hindi ako sigurado sa sarili kong sinabi, kailangan kong maniwala.
Dahil sa malaking siyudad na ito, wala kaming ibang kakampi kundi ang isa't isa.
Unti-unting nilamon ng dilim ang kalangitan habang patuloy kaming naglalakad ni Nadine sa kahabaan ng mataong kalsada. Isa-isa nang nagsisindihan ang mga ilaw ng mga establisyemento at gusali, kasabay ng pagdami ng mga taong nagmamadaling umuwi. Ang malamig na hangin ng gabi ay tila mas lalong nagpapabigat sa pakiramdam ko.
Masakit na ang mga paa namin.
Pagod, gutom, at halos mawalan na ng pag-asa.
Napaupo na lamang kami sa isang lumang bench sa gilid ng parke. Tahimik si Nadine habang yakap nito ang bag namin. Ako nama'y napatingala sa madilim na langit, pilit iniisip kung paano namin tatawirin ang gabing iyon.
Limang daang piso.
Ilang araw lang ba ang itatagal niyon sa siyudad?
Napabuntong-hininga ako.
"Hindi ko na alam ang gagawin natin," mahina kong sambit.
Tahimik lamang si Nadine. Maya-maya ay narinig ko ang mahina nitong pagsinghot.
Napalingon ako rito.
"Umiiyak ka ba?"
Mabilis itong umiling at pinunasan ang mga mata.
"Hindi ah," sabi nito ngunit garalgal ang boses. "Napapagod lang ako..."
Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin gayong ako mismo ay natatakot na rin. Kaya tahimik ko na lamang siyang tinabihan habang pinapanood ang mga sasakyang dumaraan.
Makalipas ang ilang sandali ay biglang umihip ang malamig na hangin.
Kasabay niyon ay may papel na lumipad at dumampi mismo sa mukha ni Nadine.
"Aray naman!" inis nitong reklamo habang inaalis ang papel.
Natawa pa ako nang bahagya.
"Baka sign na 'yan ng kapalaran mo."
Tiningnan niya ako nang masama bago sinulyapan ang hawak na papel. Ngunit maya-maya'y biglang nagbago ang ekspresyon nito.
"Elowen..." aniya.
"Ano?"
Dahan-dahan nitong iniharap sa akin ang flyer.
Malalaki ang nakasulat dito.
HIRING ENTERTAINER
Napakunot agad ang noo ko.
Sa ibaba ng malaking letra ay may address at contact number, kasama pa ang katagang:
Malaki ang sahod! Free accommodation! Tumatanggap kahit walang experience!
Nanlaki ang mga mata ni Nadine.
"Elowen... tingnan mo! Hindi kailangan ng experience!"
Kinuha ko ang flyer at binasa iyon nang mabuti. Totoo nga. Hindi rin kailangan ng maraming requirements. Ang kailangan lang daw ay marunong makisama at may maayos na itsura.
"Entertainer..." mahina kong basa.
"Anong klaseng trabaho kaya 'yan?" tanong ni Nadine.
Hindi agad ako nakasagot.
May kung anong kaba akong naramdaman habang nakatingin sa flyer. Hindi ko maipaliwanag pero tila may mali.
Ngunit nang maalala ko ang natitira naming pera at ang posibilidad na matulog kami sa kalye mamayang gabi, unti-unting natabunan ng desperasyon ang pag-aalinlangan ko.
"Subukan na natin?" mahinang mungkahi ni Nadine.
Napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata nito ang pagod at pag-asa.
Muli kong ibinaba ang tingin sa flyer na hawak ko habang malakas na umiihip ang hangin sa paligid namin.
Sa mga oras na iyon, wala kaming kaalam-alam na ang papel na lumipad papunta sa amin ang tuluyang magbabago sa buhay naming dalawa.
ELOWENSandaling katahimikan.Hindi siya agad sumagot. Nakatayo siya sa gilid ng desk niya, nakatingin sa akin na parang sinusukat nya ako kung dapat ba nya akong sagutin. Yung klase ng tingin na hindi pa rin naman malambot... pero hindi rin malamig.Controlled lang."Not everything is meant to be dumped on you at once," sagot niya sa wakas, mababa ang boses.Humigpit ang dibdib ko."Pero ako yung directly affected dito Sir," sagot ko, mas direkta na ngayon. "I was literally placed in a room I was never briefed about." Napahinto siya. For a moment, may dumaan sa mata niya—hindi inis, hindi galit... parang acknowledgment. Then he turned slightly toward the intercom on his desk."Call Martha now," sabi niya sa assistant line, calm pero final.Napakunot ako ng noo.Ilang segundo lang, may click sa linya. Sino naman si Martha"Ms. Martha speaking," sagot ng boses sa kabilang linya."Administrative," sabi ni Grayson agad, "report the Red Room placement incident."Sandaling katahimikan sa k
ELOWEN"I didn't know there was now off limits in your employees, Hale."Hale.That name.Parang mas lalo pang nagpaigting ng tension sa paligid.I didn't fully understand it, pero ramdam niya agad—hindi ito casual na pagkakabanggit. May history. May weight.Grayson slowly turned.At pagharap niya, mas malamig na siya kaysa kanina.Hindi na lang galit.Control na may halong threat."Careful, Hudson," Grayson said, mababa pero matalim. "You're in my premises."Hudson was still inside the Red Room doorway.Leaning slightly now, relaxed again—but Elowen could feel it wasn't real relaxation. Parang pinipilit lang niya ibalik yung usual demeanor niya, pero may naiwan na tension sa mata niya.His gaze shifted briefly to Elowen.Then back to Grayson."Your premises," Hudson repeated softly, parang natutuwa sa idea. "Or your people?"Elowen's stomach dropped.Grayson's jaw tightened."Don't start," he warned.Sandaling katahimikan ulit.Mas mabigat ngayon.Parang kahit yung elite clients sa lo
ELOWENMas lalo pang sumikip ang hangin sa Red Room.I could barely focus.Yung nausea ko hindi na simpleng hilo—parang sumasabay na sa tibok ng pusoko. Every beat, mas bumibigat yung pakiramdam niya na parang anytime, pwede siyang matumba. Pero pinipilit niya pa ring tumayo nang maayos, tray forgotten na sa side table, hands slightly trembling at her sides.Hudson was still in front of her.Too close now.Mas malinaw na niya siya makita—yung slight tension sa jaw niya, yung uneven na breathing na hindi na bagay sa calm image niya kanina. Parang may internal struggle na hindi niya maintindihan.I took another small step back. Pero Hudson followed—not aggressively,but enough to erase the space she was trying to create."Sir..."I tried to speak, pero mahina lang, parang hindi lumalabas nang maayos yung boses niya.Her vision blurred for a second.The room felt like it was tilting.At that exact moment—The atmosphere shifted.Hindi lang tension.Authority.Isang presence na mas sharp,
ELOWENThe corridor going to the Elite Section felt longer than usual.Every step ni Elowen ay mabigat, hindi dahil sa tray na dala niya—kundi dahil sa pakiramdam na parang may humihila sa kanya papasok sa lugar na hindi siya dapat naroroon."Head up. Don't show hesitation," sabi ng staff escort sa kanya, isang babae na naka-black uniform at walang kahit anong emosyon sa mukha.Elowen swallowed hard. "Yes, ma'am."Tumahimik sila habang binabagtas ang hallway na unti-unting nagiging mas tahimik, mas malamig, mas... sterile. Parang lahat ng tunog ng ordinaryong mundo ay unti-unting pinapatay habang papalapit sa Red Room."Elite clients inside this section are... sensitive," paliwanag ng staff habang naglalakad sila. "You serve quietly. No unnecessary movement. No eye contact unless asked."Napakagat labi si Elowen, mas humigpit ang hawak niya sa tray."Serve tea only. Follow tray protocol. Two knocks before entry. One bow upon entering. Place tray on center table. Exit immediately after
ELOWENHabang paulit-ulit kong inuulit sa isip ko ang mga salitang "may mali," mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan kung galing ba sa takot o sa pagkalito.Parang may bagay sa loob ko na pilit na kumakapit sa isang alaala—pero tuwing sinusubukan ko itong abutin, sumasakit ang buong katawan ko. Hindi simpleng pagod. Hindi simpleng kirot.Parang babala.Parang may bahagi ng akin na nagsasabing: "Huwag mong pilitin."Pero paano ko hihinto kung pakiramdam ko may nawala sa akin?May bahagi ng gabi na hindi ko na maabot.At ang katahimikang iniwan nito... mas nakakatakot pa kaysa sa kahit anong sagot."El, bilisan mo diyan," tawag ng isa sa staff habang inaabot sa akin ang listahan ng bagong room assignment.Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bagong floor.Mas tahimik dito. Mas malamig. Ibang klase ang hangin—parang mas controlled, mas sterile. Walang ingay ng dating hallway namin. Walang kalat. Walang buhay."Dito ka na," sabi ng staff sabay turo
ELOWENHindi nya alam kung paano sya napunta ngayon sa ganitong sitwasyon, basta ang alam nya ay ang mukha ni Grayson sa harap nya papalapit habang sya nakahiga sa kama at nakatali ang kamay at paa nya. Oo nakatali sya at may kung ano pa sa bibig kung kaya't hindi sya makasigaw upang manghungi ng tulong. Pinanood nya si Grayson na lumapit sa mukha nya."You are mine tonight El.....I am your client for tonight"sinubukan nyang pumiglas pero hindi nya magawa dahil sa mahigpit na pagkatali nito sa kamay nya. "Hmmmm hmmmm"tanging yun lamang ang lumalabas sa bibig nya hindi sya makapagsalita, naramdaman na lamang nya ang paghawak nito sa dress nya at dahan dahan iyong binababa. Pakiramdam nya tuloy ang dumi dumi na nya dahil sa paraan ng pagtitig nito sa katawan nya, tanging ang suot na lamang nya ay ang itim na panty na basa pa sobrang nakakahiya. Mababakas sa mga mata nito ang pagnanasa habang pinagmamasdan sya. "You have such a gorgeous body"napakagat labi pa ito habang sinasabi iyon s
ELOWENPagkapasok ko sa VIP briefing room, agad bumungad sa akin si Madame Glory.Mas malamig pa rin ang presensya niya kaysa sa buong hallway."Sit," maikli niyang utos.Umupo ako sa harap ng isang glass table habang ang ID ko-EL REYES-ay tila mas mabigat tingnan sa ilalim ng ilaw.Sandaling katah
ELOWENNapahigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay habang nakatayo sa harap ng VIP escort.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganito kabilis ang lahat. Kanina lang, nasa training room kami ni Nadine na pareho lang namang nangangapa kung anong klaseng lugar ang Velvet Noir. Ngayon, hi
ELOWENTahimik ang buong training room. Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko habang nakatayo kami ni Nadine sa gitna ng line-up, suot ang silk crop top at shorts na kaparehong ipinasuot sa lahat. Nakatitig lang si Madame Glory sa amin. Hindi siya nagmamadali magsalita, parang sinasadya niyang p
ELOWENHalos alas-diyes na ng gabi nang matapos ang proseso ng applications. Pagod na pagod na ako sa kakahintay at kakaisip kung tama pa bang manatili kami roon ni Nadine. Ilang beses ko nang gustong umatras ngunit sa tuwing maaalala ko ang malamig na bench na tinulugan namin kagabi, napipilitan a







