Share

3 Colliding Worlds Apart (Aubrey's POV)

Penulis: Wildrooster
last update Tanggal publikasi: 2026-06-10 21:27:27

"Bitawan mo ang kamay ko, Vondrick, baka may makakita sa atin dito at kung ano na namang isipin nila," pabulong kong asik habang pilit kong binabawi ang aking pulso mula sa kanyang mainit at malaking palad.

"Let them look, Aubrey, wala akong pakialam kung makita nila akong kasama ang babaeng nagpatigil ng mundo ko kagabi," sagot niya habang mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko, ang kanyang mukha ay may nakakalokong ngiti na puno ng kayabangan. "At bakit ka ba natatakot? Hindi ka ba nasisiyahan na ang isang bilyonaryong katulad ko ang naghahabol sa iyo ngayon?"

"Aba? Grabe din ang gangin mo ah...Hindi ako natutuwa dahil hindi ako laruan na pwede mong i-display kapag nababagot ka," pagmamasungit ko sabay tulak sa matigas niyang dibdib gamit ang libre kong kamay. "May trabaho pa ako sa karinderya sa labas ng campus kaya pakiusap, bitawan mo na ako kung ayaw mong isigaw ko na pinipilit mo ako."

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, sapat para maramdaman ko ang hininga niyang amoy mint. "Magkano ba ang kinikita mo sa pagtatrabaho sa maliit na kainan na 'yan? I can pay you triple your monthly salary right now kung mananatili ka lang dito sa tabi ko."

"Hindi nabibili ng pera mo ang lahat ng bagay, Castillo, kaya huwag mo akong madaan-daan sa kayamanan mo," mariin kong tugon habang buong lakas kong binawi ang aking kamay, at sa pagkakataong ito ay nabitawan niya ako.

"Lahat ng bagay at lahat ng tao may presyo, Aubrey, sadyang hindi mo pa lang nakikita kung gaano kalawak ang mundo ko kumpara sa maliit at madilim mong buhay," mayabang niyang saad sabay sandal sa haligi ng chapel, ang kanyang mga kamay ay isinubo niya sa bulsa ng kanyang varsity jacket habang nakatitog sa akin na parang isang premyo na alam niyang makukuha niya rin sa huli.

"Ayan ang problema sa iyo, napakayabang mo at akala mo hawak mo ang kapalaran ng lahat dahil lang marami kang pera," sabi ko sabay talikod sa kanya upang maglakad nang mabilis palabas ng chapel.

"Huwag mo na akong susundan ulit kung may natitira ka pang respeto sa sarili mo."

Narinig ko ang mahina niyang tawa habang papalayo ako, isang tunog na nagpataas ng balahibo ko dahil sa kakaibang determinasyong dala nito. Hindi ko na siya nilingon pa, dire-diretso akong lumabas ng gate ng unibersidad at sumakay ng dyip patungo sa maliit na karinderya kung saan ako nagtatrabaho bilang tagahugas ng plato at tagasilbi tuwing hapon. Ang buong byahe ko ay nagulo dahil sa mga salita niya, ang kanyang obsesyon na makapasok sa buhay ko ay tila isang malaking banta na hindi ko kayang iwasan.

"Aubrey, pakidala naman nitong dalawang order ng adobo sa table number four," sigaw ng may-ari ng karinderya pagkarating ko, agad kong itinali ang aking buhok at isinuot ang kupas na epron.

"Opo, Aling Marta, papunta na po," sagot ko habang maingat na binuhat ang tray ng mga pagkain.

Inihanda ko ang aking sarili na harapin ang mga gutom na customer, ngunit nang makarating ako sa table number four ay natigilan ako nang makita ang isang matangkad na lalaking nakaupo doon, pinaliligiran ng dalawang malalaking bodyguard na nakatayo sa magkabilang gilid ng maliit at lumang mesa. Si Vondrick, suot pa rin ang kanyang mamahaling varsity jacket, ay prenteng nakaupo habang pinupunasan ang kutsara gamit ang mamahalin niyang panyo.

"Anong ginagawa mo rito?" Halos mabitawan ko ang tray sa tindi ng gulat at inis na nararamdaman ko habang nakatitig sa kanya.

"Gutom ako, at sabi mo rito ka nagtatrabaho kaya dinala ko ang mga tauhan ko para tikman ang sinasabi mong madilim na mundo," mayabang niyang sagot sabay senyas sa akin na ilapag ang pagkain sa harap niya. "Masyadong mainit dito sa kainan ninyo, walang aircon, pero dahil nandito ka, titiisin ko."

"Vondrick, pakiusap naman, huwag mo akong ipahiya sa amo ko," pabulong kong pakiusap habang dahan-dahang inilalapag ang mga mangkok sa mesa. "Umalis ka na rito pagkatapos mong kumain."

"Bakit naman ako aalis? Nagbabayad ako nang tama, Aubrey, katunayan ay binili ko na ang lahat ng bakanteng upuan sa karinderyang ito para walang ibang lalaking makalapit sa iyo habang nagtatrabaho ka," seryoso niyang saad, ang kanyang mga mata ay biglang nagbago, naging madilim at possessive habang nakatitig sa aking mga kamay na may bahagyang sugat dahil sa sabon ng pinggan.

"Nababaliw ka na ba talaga? Hindi mo pwedeng gawin ang lahat ng gusto mo rito!" Asik ko sa kanya, ramdam ko ang tingin ng ilang tao sa labas na nagsisimula nang mag-usisa dahil sa marangyang sasakyan na nakaparada sa tapat ng maliit na kainan.

"I can do whatever I want, Aubrey, lalo na kung ang layunin ko ay ang bantayan ang pag-aari ko," matigas niyang sabi, bawat salita ay may dalang bigat na tila isang deklarasyon ng digmaan.

"Hindi mo ako pag-aari, Castillo, at hinding-hindi ako magiging sayo," sagot ko sabay talikod sa kanya upang bumalik sa kusina, ngunit bago pa ako makahakbang ay narinig ko ang pagtayo niya mula sa upuan.

"Marta, magkano ang kailangan kong ibayad para makuha ang oras ng empleyado mo ngayong hapon?" Malakas na tanong ni Vondrick sa may-ari na agad namang lumabas mula sa likod na may malawak na ngiti.

"Naku, Sir Vondrick, kayo po pala iyan! Kahit isama ninyo na po si Aubrey, bayad na po ang buong araw niya dahil sa laki ng iniwan ninyong pera sa counter," sagot ni Aling Marta na halos magkandarapa sa pag-asikaso sa bilyonaryong atleta.

"Kita mo na, Aubrey? Sabi ko sa iyo, madaling ayusin ang lahat ng bagay gamit ang tamang halaga," mayabang na bulong ni Vondrick sa likod ko habang hinahawakan ang aking balikat upang iharap ako sa kanya. "Tanggalin mo na 'yang epron mo, aalis tayo."

"Saan mo ba ako dadalhin? Wala akong kasama sa bahay at kailangan kong mag-aral para sa pagsusulit ko bukas," umiiyak kong sabi dahil sa tindi ng galit at kahihiyan, ramdam ko ang kawalan ng lakas laban sa kapangyarihan ng pera niya.

"Dadalhin kita sa lugar kung saan walang makakagulo sa ating dalawa," mariin niyang sagot habang binubuksan ang pinto ng kanyang mamahaling sasakyan para sa akin. "Huwag ka nang magreklamo kung ayaw mong buhatin kita sa harap ng maraming tao."

Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa loob ng kotse dahil sa takot na totohanin niya ang kanyang banta. Pumasok din siya sa tabi ko, at agad na umandar ang sasakyan patungo sa isang direksyon na hindi ko alam. Ang loob ng kanyang sasakyan ay napakalamig, may amoy ng mamahaling katad at pabango na lalong nagpatindi ng kaba sa aking dibdib.

"Bakit ba napaka-antipatiko mo? Akala mo ba lahat ng babae ay matutuwa sa ginagawa mong pagpilit?" Tanong ko habang nakatitig sa bintana, pilit na pinipigilan ang pag-agos ng aking luha.

"Hindi ko kailangang maging mabait sa harap mo, Aubrey, dahil ang gusto ko lang ay makuha ang atensyon mo," sagot niya habang inilalagay ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking kandungan, marahan ngunit may diin. "Nasasanay akong nakukuha ang lahat ng gusto ko sa isang laro, at ikaw... ikaw ang pinakamalaking premyo na kailangan kong mapanalunan ngayon."

"Hindi ako premyo, Vondrick, tao ako na may nararamdaman," sabi ko sabay tingin sa kanya nang diretso, ang aking mga mata ay puno ng hinanakit. "Ang mundong ginagalawan mo ay puno ng karangyaan, habang ang sa akin ay puno ng pagod. Huwag mo nang sirain ang natitirang piraso ng buhay ko."

Bahagyang lumambot ang kanyang tingin, ngunit mabilis din itong napalitan ng pamilyar na kayabangan at obsesyon. "Hindi ko sisirain ang buhay mo, Aubrey... gagawin ko lang itong mas marangya at mas ligtas sa tabi ko."

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking condo building sa tanyag na bahagi ng lungsod. Bumaba kami at dinala niya ako sa pinakamataas na palapag kung saan matatagpuan ang kanyang personal na penthouse. Pagkapasok namin sa loob, nakita ko ang naglalakihang bintana na nagpapakita ng buong tanawin ng syudad, pinaliligiran ng mga mamahaling kagamitan at isang malaking grand piano sa gitna ng silid.

"Gusto kong turuan mo ako," biglang sabi ni Vondrick habang naglalakad patungo sa piano at marahang tinapik ang ibabaw ng makinis na kahoy nito.

"Turuan ng ano? Mayaman ka, Castillo, makakakuha ka ng pinakamagaling na tutor sa buong bansa kung gusto mong mag-aral ng musika," sagot ko habang nananatiling nakatayo malapit sa pinto, takot na lumapit sa kanya.

"Ayoko ng ibang guro, Aubrey, gusto ko ay ikaw ang magturo sa akin kung paano dalhin ang emosyon ng boses mo sa mga tipa ng piano na ito," mariin niyang saad, ang kanyang boses ay puno ng subtext ng isang lalaking hindi sanay na tinatanggihan. "Kaya simula ngayon, ito ang magiging bagong trabaho mo... ang maging personal kong guro sa musika."

"At kung tatanggi ako? Kung sasabihin kong ayoko sa presensya mo?" Hamon ko, pilit na itinataas ang aking kapangyarihan kahit alam kong talo ako sa usapang ito.

Humarap siya sa akin, ang kanyang mga mata ay naglalagablab sa isang matinding obsesyon na siyang nagpabilis ng tibok ng aking puso. Humakbang siya palapit sa akin hanggang sa mawalan na ako ng espasyo upang lumayo, ang kanyang malaking katawan ay muling sumakop sa aking buong paningin.

"Kung tatanggi ka, hihilingin ko sa unibersidad na alisin ang scholarship mo para wala ka nang ibang matakbuhan kundi ang mga kamay ko lang, Aubrey," pabulong ngunit matigas na banta ni Vondrick, ang kanyang mga labi ay halos magdikit na sa aking tainga na siyang nag-iwan sa akin sa gitna ng matinding takot at nagbabadyang pagpapasakop.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   31 Shattered Frames (Cassey's POV)

    "Eli... please, stop it. Hindi ko na kaya ang mga tanong mo, natatakot na ako," pakiusap ko habang pilit kong kinakalma ang aking boses para hindi ito marinig ni Mommy na kasalukuyan nang nagpupunas ng kanyang mga luha sa kabilang kwarto. Tinitigan ako ni Eli ng may seryosong ekspresyon na para bang sinusukat niya ang bawat tibok ng puso ko. Ramdam ko ang bigat sa aking dibdib habang nakatayo kami sa gitna ng makalat naming sala sa Toa Payoh. Ang aming paligid ay puro mga lumang karton at mga gamit na pilit naming itinatawid para sa kinabukasan. Ang boses ni Eli ay puno ng kakaibang awtoridad na hindi ko maintindihan. Bakit kailangan niyang maging ganito katalino? Bakit kailangan niyang hanapin ang sagot sa isang tanong na alam kong ikamamatay ng puso ni Mommy kapag nalaman ang katotohanan? "Cassey... ang blueprint ng katawan natin ay hindi lang basta hula... kailangan ko ng ebidensya para malaman kung sino ang lalaking nag-iwan kay Mommy sa ere," madiing sagot ni Eli habang hawak a

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   30 Dangerous Minds of Innocence (Aubrey's POV)

    "Isubsob mo na lang ang mukha mo sa mga papeles na iyan, Aubrey, kaysa titigan mo si Eli na parang nakakita ka ng multo sa sobrang talino ng anak mo," sarkastikong puna ni Sophia habang inilalapag ang isang tray ng malamig na kape sa tabi ng aking lumang laptop.Inilipat ko ang aking paningin mula sa screen patungo sa sahig ng aming mas maliit at mas masikip na apartment dito sa Toa Payoh. Doon ay nakaupo ang aking pangalawang anak na si Eli, isang tatlong taong gulang na toddler na kasalukuyang tahimik na nagbubuo ng isang malaking puzzle na pang...matanda na binili ni Kuya Marcus mula sa isang second hand shop. Ang mga daliri ni Eli ay hindi nanginginig, napakabilis niyang ipinapasok ang bawat piraso sa tamang anggulo nang walang anomang pag...aalinlangan, isang ugali na lowkey nagpapakita ng isang nakakatakot at kalkuladong utak. Napahigpit ang hawak ko sa aking baso ng tubig dahil ang bawat kilos ni Eli, ang kanyang seryosong titig, at ang paraan ng pag...analisa niya sa paligid a

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   29 Traces of a Forbidden Smile (Aubrey's POV)

    "Clear the path, his oxygen levels are stabilizing but we need to transfer the strongest boy out of the intensive zone upang mabigyan ng sapat na espasyo ang kanyang mga kapatid," ang malakas na utos ng dayuhang doktor ang pumutol sa nagtatalo kong hininga habang pilit kong idinidikit ang aking mukha sa malamig na salamin ng NICU.Nakahinga ako nang malalim nang makitang muling naging normal ang mga linya sa monitor ni Eli, ang aking pangalawang sanggol na muntik nang bawiin sa akin ng tadhana. Subalit ang aking pansin ay mabilis na naagaw ng nars na dahan...dahan nang naglalakad patungo sa akin habang dala ang unang incubator kung saan nakahiga ang aking panganay na lalaki. Siya ang pinakamalaki, ang pinakamalakas, at ang unang nakatanggal ng makapal na tubo sa kanyang ilong dahil sa sarili niyang determinasyon na mabuhay sa labas ng aking sinapupunan."Look at him, Ms. Valencia, this little fighter is recovering faster than any premature baby we have handled this week," nakangiting

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   28 Terrifying First Cries (Aubrey's POV)

    "Ms. Valencia, stay with us, you are losing too much blood and we need to pull the babies out immediately!" Ang malakas na sigaw ng dayuhang doktor ang bumasag sa lumalabo kong kamalayan habang marahas nilang itinutulak ang aking higaan papasok sa operating room.Nasusuka ako sa halo...halong amoy ng sanitizer at metal sa loob ng silid. Ramdam ko ang mariing pagkapit ng aking mga daliri sa malamig na riles ng kama habang ang buong katawan ko ay nanginginig sa matinding takot at pait. Ang mga nars ay mabilis na nagkakabit ng mga kung ano...anong tubo sa aking mga bisig habang ang matinding kirot sa aking puson ay tila ba isang parusa na unt...unting pumupunit sa aking buong pagkatao. Sinubukan kong lumingon sa pinto ngunit huli na dahil tuluyan na itong isinara, iniwan si Mama Luciana at si Kuya Marcus sa labas na may bitbit na matinding trauma."Pakiusap, Dok... iligtas ninyo ang mga anak ko... huwag silang mamatay," paos kong pakiusap habang ang aking mga luha ay mabilis na humahalo

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   27 Silent Agony of Shadows (Aubrey's POV)

    "Huwag mo nang piliting pumasok bukas, Aubrey, dahil halos hindi mo na maiangat ang mga paa mo sa tindi ng pamamaga niyan," bungad sa akin ni Sophia sabay bagsak ng kanyang bag sa maliit na sofa ng aming apartment.Tiningnan ko ang sarili kong mga paa na kasalukuyang nakababad sa isang palanggana ng malamig na tubig, ramdam ko ang matinding panginginig ng aking mga kalamnan dahil sa maghapong pagtayo sa tapat ng plantsahan sa laundry shop. Malaki na ang aking tiyan kung saan sumisikip na ang tatlong maliliit na Castillo na patuloy na humihila sa aking natitirang lakas, isang mapagparusang sitwasyon para sa isang katulad kong nag...iisang ina dito sa Singapore. Inabot ko ang basahan sa aking tabi upang patuyuin ang aking balat, pilit kong itinatago ang hapdi sa aking likod na tila ba unt...unting dinudurog ang aking buong sistema."Kailangan ko ang perang ito, Sophia, dahil kulang pa ang kinikita ko sa pag...e-encode sa gabi para sa susunod na deposito sa ospital," seryoso kong tugon h

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   26 Unsent Confessions of Blood (Aubrey's POV)

    "Ibigay mo sa akin ang teleponong yan, Sophia... dahil sisiguraduhin kong ito na ang huling beses na makakariniUnsent Confessions of Blood (Aubrey's POV)g sila ng anoman mula sa akin," mariin kong utos sabay hablot sa aparato habang ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng aking puso.Inilapit ko ang lumang cellphone sa aking tainga ngunit bago ko pa man mapindot ang anoman ay biglang namatay ang screen dahil tuluyan nang naubos ang baterya nito. Isang malalim na buntong...hininga ang pinakawalan ko bago ko marahas na ibinalibag ang telepono sa maliit na basurahan sa gilid ng aking kama. Ang aking mga kamay ay dahan...dahan kong ibinalik sa aking patag pa na tiyan kung saan tahimik na lumalaban ang aking tatlong sanggol. Lumipas ang ilang araw at pinayagan na ako ng doktor na lumabas ng ospital upang lumipat sa isang maliit at lumang apartment na inarkila ni Sophia malapit sa Geylang."Kailangan mong magpahinga, Aubrey... huwag mong subukang maghanap ng trabaho habang ganyan an

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   PROLOGUE Fragile Promises Broken (Aubrey's POV)

    "Hindi kita kilala, Miss Valencia, kaya pakiusap, tigilan mo na ang pag-iimbento ng kuwento," malamig na binitawan ni Vondrick ang mga salitang iyon habang nakatutok ang daan-daang lente ng camera sa aming dalawa.Napakasakit. Ang boses na dati ay bumubulong sa akin ng mga pangako tuwing hatinggabi

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   4 Stolen Late Night Confessions (Aubrey's POV)

    "Ibababa mo ba ang panakot mo na 'yan o sadyang gusto mo lang akong titigan habang nakakulong ka sa mga braso ko, Aubrey?"Bumulong si Vondrick habang ang kanyang mukha ay nananatiling napakalapit sa akin, kitang-kita ko ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata na may halong pang-aasar. Napalunok a

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   2 The Unexpected Rescue (Aubrey's POV)

    "Hoy, skwater na sipsip, akala mo ba talaga sisikat ka na dahil lang nakasabay mo si Vondrick Castillo kagabi?"Hinarangan ni Bianca ang daan ko sa makipot na pasilyo ng building kasama ang dalawa niyang kaibigan na parehong nakataas ang kilay sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa aking m

  • The Billionaire's Unwilling Victim(Returned With Triplets)   1 The Voice That Captured Him (Aubrey's POV)

    "Aubrey, ikaw na ang sasala sa stage dahil biglang sumakit ang tiyan ni Chloe at umuwi na siya," pasigaw na sabi ng head organizer ng campus music event habang itinutulak ako pilit patungo sa gilid ng kurtina ng auditorium."Po? Teka lang muna, kuya, ako ang taga-ayos ng mga music sheet dito at hin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status