Se connecterKABANATA 4 — Ang Alon ng Galit
POV – Arielle Pagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ng isang malakas, malutong na sampal. Pak! Halos mapatumba ako sa sahig. Umalingawngaw ang tunog sa buong sala, kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Napahawak ako sa pisngi kong namanhid, saka ko lang naramdaman ang hapdi—parang may nagliliyab sa balat ko. Pag-angat ng mukha ko, bumungad sa akin si Lucian. Nanlilisik ang mga mata niya, malamig pero puno ng apoy. Ang panga niya’y nakadiin, ang kamao’y bahagyang nakasara, tila pinipigil ang sarili na huwag akong muling saktan. “Saan ka galing, Arielle?!” singhal niya, halos pasigaw. Napaawang ang bibig ko, walang tunog ang lumabas. Hindi ko alam kung uunahin ko bang huminga o magpaliwanag. Halos ilang segundo lang ang lumipas, pero pakiramdam ko, ilang taon akong nakatayo ro’n sa harap niya. “Ilang araw kang nawala!” patuloy niya, ang bawat salita ay parang latigo sa pandinig ko. “Ano, ha? Nasa lalaki mo ba?” Napasinghap ako, hindi makapaniwala sa narinig. “Lucian, ano’ng sinasabi mo—?” “’Wag kang magkunwari!” sigaw niya, sabay hampas ng kamao sa mesa sa gilid namin. “Tinaon mo talaga, no? Nung wala ako, nagpakasasa ka sa kalaguyo mo!” Parang nanlabo ang paningin ko. Ang bawat salitang binibitawan niya ay parang matatalas na bubog na itinusok sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang lakas para tumugon. “Ano, hindi ka ba magsasalita o tama ang hinala ko na kaya gusto mo ng divorce ay may lalaki ka talaga?” ani nya habang nakadiin ang mga panga. “Pwede ba, Lucian! Pagod ako kaya gusto kong magpahinga, wala ba akong panahon makipag-away sa'yo?” Akmang tatalikod ako, ngunit napaaray ako sa sakit nang mahigpit niyang hawakan ang braso ko. “Ano, pagod ka?!” nanlilisik nitong turan. “Pagod ka makipaglaro sa apoy ng kalaguyo mo?” “Lucian, nasasaktan ako!” mariin kong sabi, pilit inaalis ang kamay niyang tila bakal sa higpit. “Masasaktan ka talaga!” At bago pa ako makapiglas, bigla niya akong hinila paakyat sa hagdan. Parang wala siyang pakialam kung matapilok ako, kung madulas, o kung masaktan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng mga yabag niyang galit na galit, habang ako nama’y pinipilit makasabay sa bilis ng hakbang niya. Pagdating namin sa itaas, halos ibagsak nya ang katawan ko sa kama. Tumama ang ulo ko sa ulunan ng kama. Ilang segundo akong nakapikit, sinusubukang makabawi ng hinga. “Anong gagawin mo?” tanong ko, halos hindi na marinig ang sarili kong tinig sa lakas ng tibok ng puso ko. “Oh, bakit tila natatakot ka? ‘Di ba ito naman ang gusto mo?” Ngumisi siya, malamig, mapanghamon. (###) Isa-isa niyang tinanggal ang suot niyang polo, bawat galaw ay mabigat at puno ng galit. “Lucian, huwag mong gawin ‘to,” pakiusap ko, nanginginig ang boses. “Hindi mo alam kung ano ang pinagsasasabi mo.” “Alam ko, Arielle,” madiin niyang sabi. “Alam kong matagal mo na akong niloloko.” Tumayo ako, pilit kong nilakasan ang loob ko kahit nanginginig pa rin ang katawan ko. “Kung may respeto ka sa sarili mo, huwag mo akong pagbintangan ng ganyan nang wala kang pruweba.” Ngumisi siya, mapait. “Pruweba? Kailangan ko pa ba nun, Arielle? Eh ilang araw kang nawala!?” Akmang babangon ako nang bigla na lamang akong daganan ni Lucian. “Lucian, ano bang ginagawa mo pwe–” hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang sunggaban ako ng halik nito sa aking mga labi. Narinig ko ang bigat ng kanyang paghinga, magkahalong galit at pananabik. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya sa ibabaw ko habang pinipilit kong itulak siya palayo. Ngunit mas lalo lamang niyang pinigilan ang bawat paggalaw ko. “Lucian, tama na!” halos pasigaw kong sabi, pero tila bingi siya sa bawat pakiusap ko. Mas mariin pa ang halik niya—marahas, puno ng poot at hinanakit. Para bang gusto niyang iparamdam sa akin ang sakit at galit na matagal niyang kinimkim. Ang mga palad niya, mariing nakahawak sa aking mga balikat, pilit akong ikinukulong sa pagitan ng kanyang mga bisig. Nang sa wakas ay kumawala ako, mabilis kong binigyan ng isang sampal ang kanyang pisngi. Tumigil siya, natigilan, at ilang segundo kaming parehong walang imik. Naramdaman kong dumadaloy ang luha ko, pero pinunasan ko agad. Hindi ko siya pagbibigyan ng kasiyahang makita akong marupok. “Dahil alam kong kahit ano pa ang sabihin ko, hindi mo rin naman pakikinggan.” Sandaling natahimik si Lucian. Pero bago pa ako makahinga nang maluwag, muli siyang nagsalita. “Sino siya?” malamig niyang tanong. “Yung lalaking pinuntahan mo?” Napatawa ako—mapait, mahina, puno ng luha. “Ganun na ba kababa ang tingin mo sa akin?” “Hindi mo kailangang umarte ng malinis, Arielle,” sagot niya, mabigat. Ang mga salitang iyon… tumagos hanggang kaluluwa ko. Kung dati, bawat tingin niya ay tahanan ko, ngayon bawat titig niya ay parang tingga sa dibdib ko. “Lucian…” mahinahon kong wika. “Hindi mo na ako kilala. Hindi na rin kita kilala.” Ngunit imbes na tumigil, lalo pa siyang lumapit. Ramdam ko ang bigat ng galit sa bawat paglapit niya. Amoy ko pa ang alak sa hininga niya—mapait, matapang, at nakakahilo. “’Yan ba talaga gusto mo?” bulong niya, halos dikit na ang mukha sa mukha ko. “Gusto mong magpa-divorce para makasama ‘yung lalaking ‘mo tama diba?” Ngumisi diya na para demonyo. “Pero kahit kailan hindi mo makukuha ang nais mo?” Mananatili ka habang buhay sa tabi ko?” Tumagilid ako, pilit na umiwas. “Huwag mo akong idamay sa mga ilusyon mo, Lucian. Kung gusto mong maniwala sa kasinungalingan, ‘wag mo akong pilitin sumama sa bangungot mo.” Sandaling lumabo ang paningin ko—hindi dahil sa luha, kundi sa sobrang pagod. Ilang araw akong walang maayos na tulog, walang maayos na kain, at ngayong nakaharap ko siya, parang gusto ko na lang mawala sa lahat ng ito. “Pagod ako, Lucian,” mahina kong sabi. “Pagod akong ipagtanggol ang sarili ko sa taong dati kong pinaniniwalaang kakampi ko.” “Pagod?” Natawa siya, mapait. “Pagod ka kasi siguro hindi ka nakatulog sa piling ng lalaki mo!” “Lucian!” sigaw ko, sabay tulak sa kanya. “Tama na! Hindi mo na ako ginagalang!” Ngumisi siya nang mas malalim, halos kasabay ng pagdilim ng mga mata niya. “Hindi mo alam kung gaano ako nasusuklam sa mga palusot mo. Sa bawat salita mo, sa bawat pilit mong maging inosente…” Tahimik akong nakatingin sa kanya. At sa kabila ng galit niya, may isang bagay akong malinaw na nakita—takot. Takot niyang mawala ako, pero mas pipiliin niyang sirain ako kaysa amining nasasaktan siya. “Lucian…” pabulong kong sabi, “kung ito na talaga ang tingin mo sa akin, siguro tama lang na matapos na tayo.” Isang malakas na kalabog ang gumulat sa akin nang suntukin niya ang dingding. “Hindi ako papayag!” sigaw niya. “Hindi mo ako basta iiwan, Arielle! Wala kang karapatang umalis!” “Wala akong karapatan?” tumaas ang boses ko. “Lucian, ilang taon na akong nakatali sa’yo—sa galit mo, sa selos mo, sa mga paratang mo! Ilang beses na akong nasaktan, ilang gabi akong umiiyak, pero nanatili pa rin ako! At ngayon sinasabi mong wala akong karapatan?!” Tahimik siya, pero kita ko ang pag-igting ng panga niya. Tila sinasakal siya ng sariling emosyon. “Kung talagang wala ka nang pakialam, bakit hindi mo ibigay ang nais kong makalaya?” “Yan na lang ang natitira para sa akin ang magkaroon ng respeto na hindi mo kaya ibigay sa akin please! Nagmamakaawa ako sa'yo. Tila natauhan si Lucian at dahan-dahang umalis ito sa aking ibabaw. Tumayo ito at kinuha ang mga nahubad na damit. “Kahit anong gawin mo, hinding-hindi ko ibibigay ang kalayaan mo!” malamig nitong turan pagkatapos ay walang salitang lumabas ito ng kwarto. Napahagulgol na lamang ako. “Bakit kailangan kong magpakahirap at masaktan ng ganito?” Napahawak ako sa aking dibdib, pilit pinipigilan ang panginginig ng aking katawan. Ramdam ko pa rin ang bigat ng kanyang presensiya sa ibabaw ko—ang lamig ng kanyang mga salita na mas masakit pa kaysa sa ginawa niyang paglapastangan sa damdamin ko. Huminga ako nang malalim, pero imbes na gumaan, mas lalo lamang sumikip ang pakiramdam sa dibdib ko. Ang luha, tuloy-tuloy na bumabagsak, tila walang katapusan. “Lucian…” mahina kong bulong, halos hindi na marinig. “Bakit mo ako kailangang saktan ng ganito?” Sa labas, naririnig ko ang malakas niyang pagbagsak ng pinto—isang tunog na parang huling selyo ng pagkawasak ng lahat ng pinagsamahan namin. Ang bawat kaluskos ng kanyang mga yapak papalayo ay tila unti-unting nag-aalis ng huling bahid ng pagmamahal na meron pa ako para sa kanya. Napasubsob ako sa kama, pinipigil ang hikbi ngunit wala akong nagawa kundi humagulgol. Ang mga alaala ng mga gabing puno ng halakhakan, ng mga pangakong “hindi kita sasaktan,” ay ngayon mga multo na lang na paulit-ulit akong binubulabog. “Hindi ko naman ginusto ‘to…” bulong ko sa pagitan ng mga hikbi. “Gusto ko lang naman ng katahimikan… ng kaunting pag-unawa.” Ngunit paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig kung bawat hakbang ay sugat, bawat yakap ay tanikala?KABANATA 6 — A R I E L L E (POV)“Ahh…” mahina kong buntong-hininga kasabay ng pagbangon ko mula sa kama.Panibagong araw na naman—panibagong sapalaran.Ngunit sa totoo lang, wala namang bago. Tulad pa rin ng dati, tila isang malamig na yelo si Lucian—walang pakiramdam, walang init, at para bang ang tanging layunin ay masaktan ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.Ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bigat ng gabi. Parang may nakaipit sa dibdib ko na hindi ko maalis kahit ilang ulit akong huminga ng malalim. Buong magdamag akong umiiyak, at hindi ko na namalayan kung kailan ako nakatulog. Ang huli kong alaala ay ang pagpatak ng mga luha ko sa unan, kasabay ng mga salitang paulit-ulit kong binubulong: Tama na, Arielle. Tama na.Tahimik ang buong silid. Ang mga kurtinang puti ay bahagyang kumikilos sa simoy ng hangin. Ang liwanag ng umaga ay pumapasok sa bintana, pero kahit gaano ito kaliwanag, nananatili pa rin akong nakakulong sa dilim ng sakit.Dahan-dahan kong inalis ang kumot n
KABANATA 5 – L U C I A N (POV)Halos isang lagok lang ang ginawa kong pag-inom sa alak, na para bang tubig; wala akong pakialam sa pait o init na dumadaloy sa aking lalamunan.“Ahh!” Sigaw ko kasabay ng pagbato ng basong hawak ko. Tumama ito sa sahig at nagkalat ang bubog kasabay ng tunog na parang sumasabay sa gulo sa loob ng utak ko.Galit na galit ako. “Hindi pa rin mawala ang imahe ni Arielle…” ang nagmamakaawang mga mata nito na puno ng luha.Nararamdaman ko pa rin ang bigat sa dibdib ko habang bumabalik-balik sa isip ko ang eksenang ‘yon—ang mga luhang pumapatak sa mukha niya, ang tinig niyang nanginginig sa takot at sakit.Muling napahawak ako sa ulo ko. “Tangina naman,” bulong ko, pilit pinapakalma ang sarili, pero lalo lang akong nadudurog sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya sa isipan ko.“Hindi ako papayag na makalaya ka sa akin,” mariing sambit ko habang tinititigan ang bakas ng alak sa mesa. “Pareho tayong magdurusa habang buhay… hangga’t sa kabilang buhay.”At sa m
KABANATA 4 — Ang Alon ng GalitPOV – AriellePagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ng isang malakas, malutong na sampal.Pak!Halos mapatumba ako sa sahig. Umalingawngaw ang tunog sa buong sala, kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Napahawak ako sa pisngi kong namanhid, saka ko lang naramdaman ang hapdi—parang may nagliliyab sa balat ko.Pag-angat ng mukha ko, bumungad sa akin si Lucian. Nanlilisik ang mga mata niya, malamig pero puno ng apoy. Ang panga niya’y nakadiin, ang kamao’y bahagyang nakasara, tila pinipigil ang sarili na huwag akong muling saktan. “Saan ka galing, Arielle?!” singhal niya, halos pasigaw.Napaawang ang bibig ko, walang tunog ang lumabas. Hindi ko alam kung uunahin ko bang huminga o magpaliwanag. Halos ilang segundo lang ang lumipas, pero pakiramdam ko, ilang taon akong nakatayo ro’n sa harap niya.“Ilang araw kang nawala!” patuloy niya, ang bawat salita ay parang latigo sa pandinig ko. “Ano, ha? Nasa lalaki mo ba?”Napasinghap ako,
Kabanata 3 Sa Gitna ng Puti at Katahimikan(POV – Arielle)Ang amoy ng alkohol at gamot ang unang bumungad sa akin nang dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. May kung anong bigat sa dibdib ko, parang may nakadagan, at sa bawat paghinga ko ay tila ramdam ko ang lagkit ng hangin sa ospital—malamig, mapait, at puno ng alaala ng sakit.Mabilis kong napagtanto kung nasaan ako. Hindi na ito bago sa akin. Ilang ulit ko na ring nasilayan ang puting kisame at ang malamlam na ilaw na palaging nakasindi, parang hindi rin marunong mapagod kagaya ng mga taong pilit lumalaban sa pagitan ng buhay at kamatayan sa mga silid na tulad nito.Mapait akong napangiti.“May bago pa ba?” mahina kong wika, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses.Marahan kong itinukod ang aking mga siko sa kama, pilit na bumabangon kahit humihigop ng lakas ang bawat paggalaw ko. Ang mga ugat sa braso ko ay tila mga bakas ng labang matagal nang ginagampanan ng katawan ko—laban na ayaw ko mang simulan, pero kailang
KABANATA 2 — Ang Tunog ng Pagguho POV – ArielleKinabukasan, maaga akong nagising kahit halos walang tulog. Paulit-ulit pa ring pumapasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Lucian kagabi—ang paghingi ko sa kanya ng divorce.Habang inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin, hindi ko maiwasang maawa sa repleksyong nakikita ko roon. Namumugto ang mga mata, nanlalalim na mga pisngi na tila ba unti-unti akong kinakain ng sakit na pilit kong itinatago. Ilang araw na rin akong walang maayos na kain at tulog. Minsan, bigla na lang akong nahihilo at nanghihina. Sa bawat tingin ko sa sarili ko, parang mas lalo kong nakikita kung gaano ako nangayayat, parang may unti-unting kumikitil sa buhay ko na ayaw kong tanggapin. Napahilamos na lang ako sa mukha at marahang napabuntong-hininga. “Kailangan kong bumangon... kailangan kong magpanggap na ayos lang ako,” mahina kong bulong sa sarili.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, pinapasan ang bigat ng sariling katawan at emosyon. Bawat hakbang ay par
KABANATA 1 — Ang Gabi ng PagpapalayaRamdam ko ang bawat patak ng orasan. Mabagal. Mabigat. Para bang binibilang nito ang bawat segundo ng isang buhay na unti-unting nauupos.Tahimik ang buong suite. Malamig, maluwang, at tila walang bakas ng kaluluwa. Ang mga ilaw ng siyudad sa labas ng salaming pader ay kumikislap na parang mga bituing matagal nang napagod sa langit. Ang mga alon ng ilaw ay bumabalot sa akin, ngunit ni isa roon ay hindi kayang pawiin ang lamig sa dibdib ko.Tatlong taon na akong nakakulong dito — sa ginto, sa karangyaan, sa apelyidong minsan kong pinangarap ngunit ngayon ay tila isang sumpa.Wala pa rin siya. Sanay na akong maghintay, sa wala.Isang mahinang click ng pinto ang sumira sa katahimikan, ayun siya.Si Lucian Davenhart — ang lalaking minahal ko nang buong buo, ngunit unti-unting pumapatay sa akin. Matangkad, maayos, makapangyarihan. Suot ang mamahaling suit na amoy tagumpay, amoy kayamanan, amoy ng isang lalaking tila walang kailangang ipaliwanag dahil al







