Share

kabanata 3

Author: Bluemoon22
last update Last Updated: 2025-10-28 14:45:45

Kabanata 3  Sa Gitna ng Puti at Katahimikan

(POV – Arielle)

Ang amoy ng alkohol at gamot ang unang bumungad sa akin nang dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. May kung anong bigat sa dibdib ko, parang may nakadagan, at sa bawat paghinga ko ay tila ramdam ko ang lagkit ng hangin sa ospital—malamig, mapait, at puno ng alaala ng sakit.

Mabilis kong napagtanto kung nasaan ako. Hindi na ito bago sa akin. Ilang ulit ko na ring nasilayan ang puting kisame at ang malamlam na ilaw na palaging nakasindi, parang hindi rin marunong mapagod kagaya ng mga taong pilit lumalaban sa pagitan ng buhay at kamatayan sa mga silid na tulad nito.

Mapait akong napangiti.

“May bago pa ba?” mahina kong wika, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses.

Marahan kong itinukod ang aking mga siko sa kama, pilit na bumabangon kahit humihigop ng lakas ang bawat paggalaw ko. Ang mga ugat sa braso ko ay tila mga bakas ng labang matagal nang ginagampanan ng katawan ko—laban na ayaw ko mang simulan, pero kailangan.

“Megan,” mahinang tawag ko sa aking kaibigan, halos paos pa ang boses ko.

Agad siyang napalingon mula sa upuang nasa tabi ng kama. “Arielle! Sa wakas, gising ka na,” mabilis niyang wika, halatang may halong pag-aalala at ginhawa sa tinig niya. Agad siyang lumapit at marahang inalalayan akong makaupo nang maayos.

“Maayos na ba pakiramdam mo? May masakit ba sa’yo? Nahihilo ka pa ba?” sunod-sunod niyang tanong habang isinasalansan ang unan sa likod ko para masuportahan ako.

Napangiti ako kahit may bahid pa ng panghihina. “Oo, maayos na pakiramdam ko,” sagot kong marahan. “Medyo masakit lang ulo ko, pero kaya ko na.”

“Salamat naman sa Diyos,” napabuntong-hininga siya ng malalim bago abutin ang isang basong tubig mula sa maliit na mesa sa gilid ng kama. “Uminom ka muna. Kanina pa kita pinagmamasdan, ang tahimik mo, akala ko hindi ka na magigising agad.”

Tinanggap ko ang baso at dahan-dahang uminom, ramdam ko ang lamig ng tubig na dumaloy sa aking tuyong lalamunan. “Salamat, Meg,” mahina kong sabi matapos kong maibalik sa kanya ang baso.

“Gusto mo bang kumain? May dala akong sopas. Mainit-init pa,” alok niya, pilit na pinapagaan ang tono ng boses niya kahit halata ang pag-aalala sa mukha.

Umiling ako at ngumiti nang tipid. “Hindi pa naman ako gutom, Meg. Mamaya na lang siguro.”

Napakurap siya at saka napailing, bago muling napabuntong-hininga. “Arielle, kumain ka muna kahit konti. Simula kahapon, tubig lang ‘yang laman ng tiyan mo. Hindi ka pwedeng magpaubos ng lakas, lalo na pagkatapos ng nangyari.”

Bahagya akong napayuko. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko nang marinig ‘yon. Parang bumalik sa isipan ko ang lahat ng dahilan kung bakit ako nandito—ang mga sigaw, ang pag-iyak, at ang sakit na pilit kong kinakalimutan.

Napansin kong sandaling natigilan si Megan, tila napansin ang pagbabago sa mukha ko. Nilapit niya ang kamay niya sa akin at marahang pinisil ang aking mga daliri. “Hey,” mahinahon niyang sabi. “Hindi mo kailangang isipin ‘yon ngayon. Ang importante, maayos na pakiramdam mo. Pahinga muna, ha?”

Tumango ako, pinilit ang isang ngiti. “Oo, Meg. Salamat talaga.”

Ngumiti rin siya, bagaman may bakas pa rin ng pag-aalala sa mga mata niya. “Alam mo namang nandito lang ako, ‘di ba? Huwag mong iisipin na mag-isa ka.”

Tahimik akong tumango, at sa pagitan ng katahimikan naming dalawa, narinig ko ang mahinang ugong ng aircon at ang tunog ng ulan sa labas. Sa kabila ng lahat, ramdam ko ang kaunting kapayapaan—dahil kahit gaano kasakit ang pinagdaanan ko, may isang tulad ni Megan na hindi ako iniwan.

Ngumiti ako, mahina at pilit. “Hindi ako nagugutom, Megan. Ayos lang ako.”

“Ayos lang’? Lagi mong sinasabi ‘yan. Pero tingnan mo ang sarili mo,” umiling siya, halatang pinipigilan ang pag-iyak.

“Para kang kandilang unti-unting nauupos.”

Hindi ako sumagot. Pinagmamasdan ko na lang ang kamay na may suwero—payat, maputla, halos wala nang lakas. Ang bawat patak ng gamot na dumadaloy sa ugat ko ay parang paalala ng oras na dahan-dahan ding nauubos.

Tahimik akong tumitig sa labas ng bintana. Kita roon ang malawak na tanawin ng lungsod—mga taong abala, sasakyang nagmamadali, buhay na tuloy-tuloy habang ako… narito, nakahiga, naghihintay ng kung ano mang kasunod ng bawat araw.

“Wala pa rin bang balita kay Lucian?” tanong ni Megan, marahang pinupunasan ang luha sa gilid ng mata.

Umiling ako. “Nasa Singapore pa rin daw. Business trip.”

“Business trip…” mapait niyang ulit. “Palagi naman.”

Napangiti ako nang mapakla. “Oo. Palagi.”

Tahimik siyang umupo muli, saka marahang hinaplos ang kamay ko. “Arielle,” bulong niya, “kailan mo ipapaalam sa kanya ang tungkol sa sakit mo?”

Parang biglang huminto ang oras.

Ang tanong na iyon—ilang ulit ko nang tinakbuhan, pero lagi’t laging bumabalik.

Dahan-dahan kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya. “Hindi ko ipapaalam.”

Napalingon siya sa akin, gulat. “Ano? Arielle, seryoso ka ba?”

Tumango ako, kahit ramdam kong bumigat ang dibdib ko sa mismong sagot kong iyon. “Oo. Hindi ko sasabihin sa kanya.”

“Arielle, Diyos ko naman bakit?” halos pabulong ngunit puno ng pighati ang tinig ni Megan. “Asawa mo siya! May karapatan siyang malaman. Hindi mo puwedeng itago ‘to.”

Napangiti ako ng mapait. “Karapatan niya, asawa? Megan, alam mo naman ang trato sa akin ni Lucian  hindi asawa at matagal na niyang tinalikuran ang karapatan na ‘yan.”

“Pero—”

“Alam mo bang ilang linggo na siya hindi umuuwi  sa bahay nalaman ko nga lang sa kaniyang secretary na sa business trip si Lucian.”Tumigil ako sandali, huminga ng malalim. “Kahit nandito siya, parang wala rin. Wala na akong puwang sa mundo niya.”

Tahimik si Megan. Kita ko ang mga mata niyang puno ng awa, pero alam kong wala siyang maisasagot.

“Hindi ko gustong maramdaman niyang naaawa siya sa akin,” patuloy ko, habang pinagmamasdan ang maputlang balat ng aking mga daliri. “Ayokong bumalik siya sa akin dahil lang sa sakit ko. Ayokong isipin niyang kailangan niya akong alagaan dahil may utang siyang kabaitan.”

“Arielle, hindi mo alam… baka kapag nalaman niya—”

“Baka ano?” putol ko. “Baka magbago siya? Baka bigla na lang niyang maalala kung paano magmahal o mahalin ako?”

“Ayaw ko ng ganon, Megan at isa pa nakikipag hiwalay na rin ako sa kaniya hanggang kaya ko pa itago ang aking sakit.” 

“What?!” saad. Ni Megan.

“Ulitin mo nga ang sinabi mo? Nakikipag hiwalay ka sa asawa mo?” 

“Nagbibiro ka ba?” 

Marahan ako umiling. “Totoo ang sinabi ko Megan.” 

“Nasisiraan ka na ba ng bait? Alam mo may sakit ka bakit kailangan mo makipag hiwalay? 

Napatahimik si Megan.

Umiling ako, pinipigilan ang pagpatak ng luha. “Megan, matagal na akong umaasa na magbago siya. Na mamahalinrin niya ako. Pero ang pag-asang ‘yan… unti-unti na ring namatay. Kagaya ng katawan kong tinatablan ng sakit ngayon.”

“Pero—”

“Huwag mo na akong pilitin,” mahinahon kong sabi. “Ito na lang ang desisyon kong kaya kong panindigan. Kung darating man ang araw na mawala ako, ayokong magmukhang drama lang sa buhay niya.”

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas para magsalita ng gano’n, pero marahil kapag nasanay ka nang masaktan, natututo ka na ring magsalita nang walang panginginig.

Tahimik na naglakad si Megan patungo sa bintana. Tinitigan niya ang kalangitan, saka marahang nagsalita. “Alam mo, minsan naiinggit ako sa’yo.”

Napakunot-noo ako. “Sa akin? Bakit naman?”

“Dahil kahit ganito ka na, kaya mo pa ring magmahal ng gano’n katindi.” Lumingon siya, nakangiti ngunit may luha sa mata. “Ako, matagal ko nang isinuko ang ganitong klaseng pagmamahal.”

Napayuko ako, napatawa nang mahina. “Hindi ko alam kung pagmamahal pa ‘to, o katangahan na lang.”

“Hindi,” sagot niya agad. “Kapag totoo, hindi ‘yan katangahan. Pero minsan, dapat marunong tayong piliin ang sarili.”

Tumango ako, bagaman mahina. “Siguro nga.”

Tahimik ulit. Tanging tunog ng makina ng oxygen at tibok ng puso ko ang maririnig.

Sa gitna ng katahimikan, binalikan ng isip ko ang mga alaala.

Ang unang araw na nakilala ko si Lucian—kung paanong napangiti ako sa unang beses niyang ngumiti sa akin.

Kung paanong pinaniwala niya akong kaya naming harapin ang lahat.

At kung paanong unti-unti, isa-isa niyang binura ang lahat ng pangako.

“Megan…” mahinang tawag ko.

“Hmm?”

“Kung sakaling dumating ang araw…” saglit akong napahinga nang malalim, “…na hindi ko na kayanin, huwag mo siyang sisihin. Huwag mo siyang hanapin para sa akin. Ayokong makita niya akong ganito. Ayokong maaalala niya ako na mahina.”

Lumapit si Megan, mariing hinawakan ang kamay ko. “Arielle, huwag kang magsalita ng ganyan.”

“Realidad lang, Meg,” sagot ko, marahang pinisil ang kamay niya. “Hindi ko alam kung ilang buwan pa ang natitira sa akin, pero habang may oras pa, gusto ko na lang mabuhay nang tahimik. Walang galit. Walang habag.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 9

    Kabanata — Ang Babae sa SalaNapatigil ako sa aking pag-hakbang sa hagdan at napakunot ang noo nang mapansin ko kung sino ang nakaupo sa living room.Ang postura, ang damit, ang maiksing palda na halos kita na ang kaluluwa — hindi ko kailangang magtanong kung sino siya. Mula sa ayos at tikas niya, alam ko na agad.Si Nancy.Napabuntong-hininga na lang ako. Sa loob-loob ko, sana ay panaginip lang ito, pero hindi — totoong naririto siya, nakasandal sa mamahaling sofa na parang sariling bahay ang tinitirhan.Dahan-dahan akong bumaba, pilit pinapakalma ang sarili.“Ano bang ginagawa mo rito?” seryoso kong tanong, tinatanggal ang malamig na tono sa boses ko kahit mahirap.Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ang ngiti niya, matalim, tila nang-aasar.“Kung si Lucian ang dahilan kung bakit narito ka, sinasabi ko sa’yo, madalang sa patak ng ulan kung umuwi ro’n,” madiin kong sabi.Tumayo siya, iniayos ang buhok na kulot sa dulo, at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Well, alam ko naman ‘yon. H

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 8

    KABANATA — ANG PAGDALAW NI NANCY (Nancy’s POV)Mainit ang araw, pero mas mainit pa ang ulo ko habang papasok sa Davedant Empire Tower. Ilang buwan lang akong nawala, ngunit ramdam ko agad ang pagbabago sa paligid—lalo na kay Lucian.Bawat hakbang ko sa marmol na sahig ay may kasamang ingay ng takong, parang kumpas ng babala: narito na si Nancy. Suot ko ang maikling beige skirt na halos kita na ang kaluluwa, at blouse na bahagyang bukas sa dibdib, sinadya ko para ipakita sa bawat lalaking nadaanan—ako ang babaeng hindi basta-basta maipapantay.“Good morning, ma’am!” bati ng sekretarya niya, ngunit hindi ko siya nilingon. Itinirik ko lang ang mata ko at diretsong binuksan ang pinto ng opisina. Hindi na uso sa akin ang kumatok.Pagpasok ko, bumungad ang malamig na hangin mula sa aircon—at si Lucian, nakaupo sa swivel chair, abala sa pagbabasa ng dokumento. Naka-itim siyang long-sleeved polo, bahagyang bukas sa dibdib, at nakatupi ang manggas hanggang siko. Tahimik, matigas, at tila ba hi

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 7

    Kabanata — Ang Pagbisita ni Nancy“Kamusta ang buhay mo? Naging prinsesa ka ba sa piling ni Lucian?”Napalingon ako sa likuran ko, kasabay ng paghaplos ng malamig na hangin sa batok ko. Ang boses na iyon—pamilyar, may halong pang-aasar at pangmamata. Mula pa lang sa tono, alam ko na kung sino siya.“Nancy…” mahinang tawag ko, halos pabulong.Napataas ang kilay niya habang nakatayo sa lilim ng puno ng santan. Maganda pa rin siya gaya ng dati—mestisahin, laging ayos ang ayos, at tila hindi man lang tinatablan ng problema. Suot niya ang kulay pulang bestidang hapit sa katawan, bakat ang bawat kurba. Lalong umangat ang ganda niya sa ilalim ng araw, ngunit sa likod ng maputing ngiti niyang iyon, alam kong may matalas na talim.“Wow,” ani niya, sabay pikit-matang ngiti. “Hindi ko inakalang maaalala mo pa rin ang pangalan ko, Mrs. Lucian.”Mahina akong napangiti, pero hindi iyon ngiti ng tuwa. “Paano ko makakalimutan?” sagot ko habang muling ibinalik ang pansin ko sa mga bulaklak na dinidili

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 6

    KABANATA 6 — A R I E L L E (POV)“Ahh…” mahina kong buntong-hininga kasabay ng pagbangon ko mula sa kama.Panibagong araw na naman—panibagong sapalaran.Ngunit sa totoo lang, wala namang bago. Tulad pa rin ng dati, tila isang malamig na yelo si Lucian—walang pakiramdam, walang init, at para bang ang tanging layunin ay masaktan ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.Ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bigat ng gabi. Parang may nakaipit sa dibdib ko na hindi ko maalis kahit ilang ulit akong huminga ng malalim. Buong magdamag akong umiiyak, at hindi ko na namalayan kung kailan ako nakatulog. Ang huli kong alaala ay ang pagpatak ng mga luha ko sa unan, kasabay ng mga salitang paulit-ulit kong binubulong: Tama na, Arielle. Tama na.Tahimik ang buong silid. Ang mga kurtinang puti ay bahagyang kumikilos sa simoy ng hangin. Ang liwanag ng umaga ay pumapasok sa bintana, pero kahit gaano ito kaliwanag, nananatili pa rin akong nakakulong sa dilim ng sakit.Dahan-dahan kong inalis ang kumot n

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 5

    KABANATA 5 – L U C I A N (POV)Halos isang lagok lang ang ginawa kong pag-inom sa alak, na para bang tubig; wala akong pakialam sa pait o init na dumadaloy sa aking lalamunan.“Ahh!” Sigaw ko kasabay ng pagbato ng basong hawak ko. Tumama ito sa sahig at nagkalat ang bubog kasabay ng tunog na parang sumasabay sa gulo sa loob ng utak ko.Galit na galit ako. “Hindi pa rin mawala ang imahe ni Arielle…” ang nagmamakaawang mga mata nito na puno ng luha.Nararamdaman ko pa rin ang bigat sa dibdib ko habang bumabalik-balik sa isip ko ang eksenang ‘yon—ang mga luhang pumapatak sa mukha niya, ang tinig niyang nanginginig sa takot at sakit.Muling napahawak ako sa ulo ko. “Tangina naman,” bulong ko, pilit pinapakalma ang sarili, pero lalo lang akong nadudurog sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya sa isipan ko.“Hindi ako papayag na makalaya ka sa akin,” mariing sambit ko habang tinititigan ang bakas ng alak sa mesa. “Pareho tayong magdurusa habang buhay… hangga’t sa kabilang buhay.”At sa m

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 4

    KABANATA 4 — Ang Alon ng GalitPOV – AriellePagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ng isang malakas, malutong na sampal.Pak!Halos mapatumba ako sa sahig. Umalingawngaw ang tunog sa buong sala, kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Napahawak ako sa pisngi kong namanhid, saka ko lang naramdaman ang hapdi—parang may nagliliyab sa balat ko.Pag-angat ng mukha ko, bumungad sa akin si Lucian. Nanlilisik ang mga mata niya, malamig pero puno ng apoy. Ang panga niya’y nakadiin, ang kamao’y bahagyang nakasara, tila pinipigil ang sarili na huwag akong muling saktan. “Saan ka galing, Arielle?!” singhal niya, halos pasigaw.Napaawang ang bibig ko, walang tunog ang lumabas. Hindi ko alam kung uunahin ko bang huminga o magpaliwanag. Halos ilang segundo lang ang lumipas, pero pakiramdam ko, ilang taon akong nakatayo ro’n sa harap niya.“Ilang araw kang nawala!” patuloy niya, ang bawat salita ay parang latigo sa pandinig ko. “Ano, ha? Nasa lalaki mo ba?”Napasinghap ako,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status