Share

kabanata 7

Penulis: Bluemoon22
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-10 21:05:00

Kabanata — Ang Pagbisita ni Nancy

“Kamusta ang buhay mo? Naging prinsesa ka ba sa piling ni Lucian?”

Napalingon ako sa likuran ko, kasabay ng paghaplos ng malamig na hangin sa batok ko. Ang boses na iyon—pamilyar, may halong pang-aasar at pangmamata. Mula pa lang sa tono, alam ko na kung sino siya.

“Nancy…” mahinang tawag ko, halos pabulong.

Napataas ang kilay niya habang nakatayo sa lilim ng puno ng santan. Maganda pa rin siya gaya ng dati—mestisahin, laging ayos ang ayos, at tila hindi man lang tinatablan ng problema. Suot niya ang kulay pulang bestidang hapit sa katawan, bakat ang bawat kurba. Lalong umangat ang ganda niya sa ilalim ng araw, ngunit sa likod ng maputing ngiti niyang iyon, alam kong may matalas na talim.

“Wow,” ani niya, sabay pikit-matang ngiti. “Hindi ko inakalang maaalala mo pa rin ang pangalan ko, Mrs. Lucian.”

Mahina akong napangiti, pero hindi iyon ngiti ng tuwa. “Paano ko makakalimutan?” sagot ko habang muling ibinalik ang pansin ko sa mga bulaklak na dinidiligan ko. “Ang mga taong mahilig mangialam, madalas tumatatak.”

Tila natawa siya, pero halata ang inis sa likod ng mapagkunwaring halakhak. “Uy, grabe naman. Dumaan lang ako dito, ganyan ka agad? Hindi ba ako pwedeng bumisita sa aking matagal nang kaibigan?”

“Kaibigan?” tumaas ang kilay ko, hindi ko na napigilang lumingon. “Si Lucian ang kaibigan mo, hindi ako. At kung ako ang tatanungin, ayaw kong makita ka rito.”

“Aba, ganon?” Umusad siya nang bahagya, at ngayon ay ilang dangkal na lang ang pagitan namin. “Ang yabang mo rin, ha? Akala mo kung sino ka na. Hindi porke asawa ka ni Lucian, may karapatan ka nang patalsikin ang mga kaibigan niya.”

Matatag kong sinagot ang titig niya. “Hindi ko kailangan maging mayabang, Nancy. Ako ang asawa niya. At kung totoo kang kaibigan, alam mong may hangganan ang pagbisita sa bahay ng may asawa.”

Halos marinig ko ang pagbitaw niya ng marahas na hinga. “Ikaw na nga ang palaging tinatanggol ni Lucian noon, tapos ngayon pati salita mo, ang angas.”

“Ah, ganon ba?” Ibinaba ko ang pandilig at diretsong tumingin sa kanya. “Kung gusto mong makipagpalitan ng salita, pwede naman. Pero kung gusto mong manira ng umaga ko, huwag dito. Hindi ako katulad ng mga babaeng kaya mong apihin sa tingin lang.”

“Bakit, sinong inaapi?” mabilis niyang sagot, tumaas ang tono ng boses. “Nagkakatuwaan lang tayo, Arielle. Huwag masyadong seryoso. Hindi naman kita kaagaw, ‘di ba?”

Ngumiti ako ng mapait. “Kung hindi mo ako kaagaw, bakit parang desperado kang makuha ang atensyon ni Lucian?”

“Excuse me?” tumaas ang boses niya. “Baka nakakalimutan mong matagal na kaming magkaibigan ni Lucian bago ka pa dumating. At kung may pinagsamahan kami—”

“—edi sana ikaw ang pinakasalan niya.”

Hindi ko napigilang putulin ang kanyang salita. Malamig, matalim, pero totoo.

Nanlaki ang mata niya at ilang sandali siyang natigilan. Kita ko ang pagnginig ng mga labi niya bago niya napigilang matawa nang pilit. “Wow. So mayabang ka na talaga ngayon. Akala mo, nakuha mo na di Lucian? Alam mo ba kung ilang babae ang kayang ipalit sa’yo ni Lucian kung gugustuhin niya?”

Matalim kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. “Kung mangyayari man ‘yon, problema na niya, hindi sa’yo. Pero habang ako ang asawa, walang karapatan ang sinuman na manghimasok sa buhay namin.”

Tumawa siya, malutong ngunit walang kaluluwa. “Buhay niyo? Sa’n banda? Eh kahit sa mga party, hindi ka na niya dinadala. Parang tago kang asawa, Arielle. Wala ka sa mga litrato, wala sa tabi niya. Alam mo kung anong tawag doon?”

“Hindi ko kailangan ng label mula sa mga tulad mo,” malamig kong tugon.

“Mga tulad ko?” Umangat ang kilay niya. “Ano ako sa’yo, basura?”

“Hindi ko sinabi ‘yon,” sagot ko, sabay talikod at muli kong kinuha ang pandilig. “Pero kung naaangkop sa’yo, ewan ko.”

“Bastos ka,” singhal niya sabay abot sa braso ko.

Napahinto ako sa gulat. Mariin ang kapit niya, tila ba gustong patunayan na mas malakas siya.

“Bitawan mo ako, Nancy,” mariin kong sabi. Pero imbes na sumunod, lalo niyang hinigpitan ang hawak.

“Hindi mo alam kung sino ang nilalabanan mo, Arielle,” aniya, halos idikit ang mukha sa akin. “Kung akala mo, panalo kana dahil ikaw ang pinakasalan ni Lucian, nagkakamali ka. Nakita ko kung paano siya tumingin sa akin noon. Alam kong may naramdaman din siya.”

“At alam naman natin, na napilitan lang siya dahil sa utos ng Ama niya. Talaga naman wala siyang pagmamahal sa'yo,” mapang uyam nitong wika.

Napakapit ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Oo, nakita mo siguro ‘yon, pero alam mo kung ano’ng mas malinaw? Ako ang pinakasalan niya. Kahit alam natin na pwede sayo magpakasal diba? Pero sino pinili ikaw ba hindi diba ako…” Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, kahit hindi niya ako mahal nakatali siya sa akin. Ako na nga nagsasavi mag divorce kami pero ayaw niya eh, kaya sino sa atin dalawa pa rin ang panalo?!” ganti ko rito kahit masakit na sa loob ko ang katotohanan ay nilabanan ko pa rin at pinakita kong matapang ako.

Mariin kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Namula ang mukha niya, galit at hiya ang halatang nangingibabaw.

“Ang kapal ng mukha mo,” aniya, halos pasigaw. “Hindi mo kilala si Lucian gaya ng pagkakakilala ko sa kanya. Kung alam mo lang kung sino talaga ang asawa mo, baka ikaw pa ang unang aalis sa bahay na ‘to.”

“Kung gano’n,” mahinahon kong tugon, “magpasalamat ka na lang na hindi ako katulad mo—hindi ako nabubuhay sa mga pahiwatig, sa mga tira-tirang pansin. Kung gusto mong ipaglaban si Lucian, bakit ngayon ka lang? Dahil alam mong wala na siyang oras sa akin? Dahil gusto mong makasingit sa pagitan naming mag-asawa?”

“Wala akong kailangang ipasingit,” mariin niyang sagot. “Darating ang araw, ikaw mismo ang lalayas dito.”

Hindi ko na siya sinagot. Sa halip, tumalikod ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Sa bawat patak ng tubig mula sa hose, tila tinatangay nito ang bigat ng mga salitang binibitawan niya. Pero kahit anong pilit kong manatiling kalmado, naramdaman ko pa rin ang panginginig ng dibdib ko.

“Hindi mo dapat tinutulungan si Lucian na maging miserable,” huling sabi ni Nancy, ang boses ay unti-unting lumalambot. “Kung mahal mo talaga siya, pakawalan mo siya.”

Napahinto ako, marahang huminga. “Miserable?” dahan-dahan kong lingon sa kanya. “Ang miserable ay ‘yung taong umaasa sa isang lalaking hindi kailanman pipili sa kanya.”

Halos maputla siya sa sagot ko. Saglit siyang napatigil, at nang tumalikod siya, doon ko lang naramdaman ang bigat ng bawat salitang binitawan namin.

Tahimik kong tinitigan ang pintuan ng bahay. Ang katahimikan ng paligid ay parang dagat bago ang bagyo. Ang hangin ay malamig, at sa bawat dampi nito sa balat ko, ramdam kong may paparating na pagbabago.

Ngayon ko lang napansin kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng huling gabi namin ni Lucian.

Tulad pa rin ng dati—isang yelo sa anyo ng tao. Malamig, walang emosyon, at tila ba ako’y hangin lang na dumadaan.

Ngunit ngayon, habang nakatayo ako sa gitna ng hardin, tangan ang hose at pinapanood ang mga talulot na dahan-dahang bumabagsak sa lupa, isang bagay ang malinaw sa isip ko—

Hindi ko hahayaang tuluyang lamunin ng lamig ni Lucian ang pagkatao ko.

Hindi ako magpapamiserable, kahit anong mangyari.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 9

    Kabanata — Ang Babae sa SalaNapatigil ako sa aking pag-hakbang sa hagdan at napakunot ang noo nang mapansin ko kung sino ang nakaupo sa living room.Ang postura, ang damit, ang maiksing palda na halos kita na ang kaluluwa — hindi ko kailangang magtanong kung sino siya. Mula sa ayos at tikas niya, alam ko na agad.Si Nancy.Napabuntong-hininga na lang ako. Sa loob-loob ko, sana ay panaginip lang ito, pero hindi — totoong naririto siya, nakasandal sa mamahaling sofa na parang sariling bahay ang tinitirhan.Dahan-dahan akong bumaba, pilit pinapakalma ang sarili.“Ano bang ginagawa mo rito?” seryoso kong tanong, tinatanggal ang malamig na tono sa boses ko kahit mahirap.Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ang ngiti niya, matalim, tila nang-aasar.“Kung si Lucian ang dahilan kung bakit narito ka, sinasabi ko sa’yo, madalang sa patak ng ulan kung umuwi ro’n,” madiin kong sabi.Tumayo siya, iniayos ang buhok na kulot sa dulo, at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Well, alam ko naman ‘yon. H

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 8

    KABANATA — ANG PAGDALAW NI NANCY (Nancy’s POV)Mainit ang araw, pero mas mainit pa ang ulo ko habang papasok sa Davedant Empire Tower. Ilang buwan lang akong nawala, ngunit ramdam ko agad ang pagbabago sa paligid—lalo na kay Lucian.Bawat hakbang ko sa marmol na sahig ay may kasamang ingay ng takong, parang kumpas ng babala: narito na si Nancy. Suot ko ang maikling beige skirt na halos kita na ang kaluluwa, at blouse na bahagyang bukas sa dibdib, sinadya ko para ipakita sa bawat lalaking nadaanan—ako ang babaeng hindi basta-basta maipapantay.“Good morning, ma’am!” bati ng sekretarya niya, ngunit hindi ko siya nilingon. Itinirik ko lang ang mata ko at diretsong binuksan ang pinto ng opisina. Hindi na uso sa akin ang kumatok.Pagpasok ko, bumungad ang malamig na hangin mula sa aircon—at si Lucian, nakaupo sa swivel chair, abala sa pagbabasa ng dokumento. Naka-itim siyang long-sleeved polo, bahagyang bukas sa dibdib, at nakatupi ang manggas hanggang siko. Tahimik, matigas, at tila ba hi

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 7

    Kabanata — Ang Pagbisita ni Nancy“Kamusta ang buhay mo? Naging prinsesa ka ba sa piling ni Lucian?”Napalingon ako sa likuran ko, kasabay ng paghaplos ng malamig na hangin sa batok ko. Ang boses na iyon—pamilyar, may halong pang-aasar at pangmamata. Mula pa lang sa tono, alam ko na kung sino siya.“Nancy…” mahinang tawag ko, halos pabulong.Napataas ang kilay niya habang nakatayo sa lilim ng puno ng santan. Maganda pa rin siya gaya ng dati—mestisahin, laging ayos ang ayos, at tila hindi man lang tinatablan ng problema. Suot niya ang kulay pulang bestidang hapit sa katawan, bakat ang bawat kurba. Lalong umangat ang ganda niya sa ilalim ng araw, ngunit sa likod ng maputing ngiti niyang iyon, alam kong may matalas na talim.“Wow,” ani niya, sabay pikit-matang ngiti. “Hindi ko inakalang maaalala mo pa rin ang pangalan ko, Mrs. Lucian.”Mahina akong napangiti, pero hindi iyon ngiti ng tuwa. “Paano ko makakalimutan?” sagot ko habang muling ibinalik ang pansin ko sa mga bulaklak na dinidili

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 6

    KABANATA 6 — A R I E L L E (POV)“Ahh…” mahina kong buntong-hininga kasabay ng pagbangon ko mula sa kama.Panibagong araw na naman—panibagong sapalaran.Ngunit sa totoo lang, wala namang bago. Tulad pa rin ng dati, tila isang malamig na yelo si Lucian—walang pakiramdam, walang init, at para bang ang tanging layunin ay masaktan ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.Ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bigat ng gabi. Parang may nakaipit sa dibdib ko na hindi ko maalis kahit ilang ulit akong huminga ng malalim. Buong magdamag akong umiiyak, at hindi ko na namalayan kung kailan ako nakatulog. Ang huli kong alaala ay ang pagpatak ng mga luha ko sa unan, kasabay ng mga salitang paulit-ulit kong binubulong: Tama na, Arielle. Tama na.Tahimik ang buong silid. Ang mga kurtinang puti ay bahagyang kumikilos sa simoy ng hangin. Ang liwanag ng umaga ay pumapasok sa bintana, pero kahit gaano ito kaliwanag, nananatili pa rin akong nakakulong sa dilim ng sakit.Dahan-dahan kong inalis ang kumot n

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 5

    KABANATA 5 – L U C I A N (POV)Halos isang lagok lang ang ginawa kong pag-inom sa alak, na para bang tubig; wala akong pakialam sa pait o init na dumadaloy sa aking lalamunan.“Ahh!” Sigaw ko kasabay ng pagbato ng basong hawak ko. Tumama ito sa sahig at nagkalat ang bubog kasabay ng tunog na parang sumasabay sa gulo sa loob ng utak ko.Galit na galit ako. “Hindi pa rin mawala ang imahe ni Arielle…” ang nagmamakaawang mga mata nito na puno ng luha.Nararamdaman ko pa rin ang bigat sa dibdib ko habang bumabalik-balik sa isip ko ang eksenang ‘yon—ang mga luhang pumapatak sa mukha niya, ang tinig niyang nanginginig sa takot at sakit.Muling napahawak ako sa ulo ko. “Tangina naman,” bulong ko, pilit pinapakalma ang sarili, pero lalo lang akong nadudurog sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya sa isipan ko.“Hindi ako papayag na makalaya ka sa akin,” mariing sambit ko habang tinititigan ang bakas ng alak sa mesa. “Pareho tayong magdurusa habang buhay… hangga’t sa kabilang buhay.”At sa m

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 4

    KABANATA 4 — Ang Alon ng GalitPOV – AriellePagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ng isang malakas, malutong na sampal.Pak!Halos mapatumba ako sa sahig. Umalingawngaw ang tunog sa buong sala, kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Napahawak ako sa pisngi kong namanhid, saka ko lang naramdaman ang hapdi—parang may nagliliyab sa balat ko.Pag-angat ng mukha ko, bumungad sa akin si Lucian. Nanlilisik ang mga mata niya, malamig pero puno ng apoy. Ang panga niya’y nakadiin, ang kamao’y bahagyang nakasara, tila pinipigil ang sarili na huwag akong muling saktan. “Saan ka galing, Arielle?!” singhal niya, halos pasigaw.Napaawang ang bibig ko, walang tunog ang lumabas. Hindi ko alam kung uunahin ko bang huminga o magpaliwanag. Halos ilang segundo lang ang lumipas, pero pakiramdam ko, ilang taon akong nakatayo ro’n sa harap niya.“Ilang araw kang nawala!” patuloy niya, ang bawat salita ay parang latigo sa pandinig ko. “Ano, ha? Nasa lalaki mo ba?”Napasinghap ako,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status