Share

kabanata 6

Auteur: Bluemoon22
last update Dernière mise à jour: 2025-11-06 19:11:28

KABANATA 6 — A R I E L L E (POV)

“Ahh…” mahina kong buntong-hininga kasabay ng pagbangon ko mula sa kama.

Panibagong araw na naman—panibagong sapalaran.

Ngunit sa totoo lang, wala namang bago. Tulad pa rin ng dati, tila isang malamig na yelo si Lucian—walang pakiramdam, walang init, at para bang ang tanging layunin ay masaktan ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.

Ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bigat ng gabi. Parang may nakaipit sa dibdib ko na hindi ko maalis kahit ilang ulit akong huminga ng malalim. Buong magdamag akong umiiyak, at hindi ko na namalayan kung kailan ako nakatulog. Ang huli kong alaala ay ang pagpatak ng mga luha ko sa unan, kasabay ng mga salitang paulit-ulit kong binubulong: Tama na, Arielle. Tama na.

Tahimik ang buong silid. Ang mga kurtinang puti ay bahagyang kumikilos sa simoy ng hangin. Ang liwanag ng umaga ay pumapasok sa bintana, pero kahit gaano ito kaliwanag, nananatili pa rin akong nakakulong sa dilim ng sakit.

Dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakabalot sa akin. Magulo ang kama, basa pa ang unan. Hinaplos ko ito sandali—tila tinatanong kung ilang gabi pa ba akong luluha bago tuluyang makalimot.

“Kailangan ko nang makalaya,” mahina kong sambit, halos pabulong. “Nais kong makapunta sa tahimik na lugar. Sa lugar na wala si Lucian, at wala ang mga alaala naming paulit-ulit na sumasakal sa’kin.”

Isa-isang tinanggal ng mga daliri ko ang suot kong damit. Tumapat ako sa salamin, at doon ko nakita ang sarili kong halos hindi ko na makilala.

Payat. Maputla. Walang sigla.

Ang mga mata kong dati ay may kislap sa tuwing nakikita ko siya, ngayo’y puno na lang ng pagod at takot. Para bang bawat araw na lumilipas, unti-unting hinuhubaran ako ng buhay ng lalaking minsan kong minahal.

Hinaplos ko ang pisngi kong namamaga pa mula sa pag-iyak. “Ganito na lang ba palagi?” tanong ko sa sarili ko, pilit na ngumingiti kahit ang totoo ay gusto ko nang sumigaw.

Pero ang katahimikan lang ang sumagot.

---

Flashback:

“Wala kang karapatang umalis sa bahay na ‘to, Arielle!” galit na sigaw ni Lucian noon, ang boses niya’y umalingawngaw sa buong kwarto.

“Lucian, please…” halos pabulong kong sagot, nanginginig ang boses ko. “Pagod na ako. Hindi ko na kaya. Araw-araw mo akong sinasaktan sa mga salita mo, dinudurog mo ako. Ano bang ginawa kong mali?”

“Kasalanan mo?” malamig niyang tawa, puno ng pang-uuyam. “Ang kasalanan mo ay dumating ka sa buhay ko. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko mawawala ang lahat ng meron ako.”

Parang tinuhog ng libong karayom ang dibdib ko. “Lucian…” mahina kong tawag, umaasang marinig niya ang sakit sa boses ko.

Ngunit tinalikuran lang niya ako at marahas na isinara ang pinto.

Kasabay niyon, narinig ko ang tunog ng pagkabasag—hindi mula sa gamit, kundi sa puso kong tuluyan nang nadurog.

---

Muling bumalik ang katinuan ko nang marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa lamesa.

Tring… tring… tring…

Napakunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahang tawag. Walang gustong kumausap sa’kin, at ayaw ko rin namang makipag-usap kahit kanino. Pero hindi ito tumigil. Paulit-ulit. Parang may gustong piliting marinig ko.

Sa wakas, dinampot ko ito. Unknown number.

Saglit akong nagdalawang-isip, pero napindot ko rin ang sagot bago pa ako makapagbago ng isip.

“Hello?” mahina kong sabi.

Tahimik. Wala akong narinig.

“Hello? Sino ‘to?” ulit ko, medyo tumaas ang boses ko, hindi dahil sa galit, kundi sa kaba.

Ilang segundo pa ang lumipas bago marinig ko ang isang tinig—mababa, malamig, at tila may laman na pananakot.

“Hindi ka makakatakas sa karma mo, Arielle.”

Napasinghap ako. “Sino ka?!” sigaw ko, agad tumayo, halos mabitawan ko ang cellphone.

Walang sagot. Narinig ko lang ang mabagal na paghinga sa kabilang linya, parang sinasadya niyang marinig ko iyon.

“Sabihin mo kung sino ka!” halos manginig na ang boses ko.

“Wala kang karapatang maging masaya,” mariing wika ng boses. “Dahil kahit saan ka magtago, kahit anong mangyari—magiging miserable ang buhay mo.”

At bago ko pa muling masabi ang kahit ano, naputol ang tawag.

Ilang segundo akong natigilan. Nakatingin lang ako sa screen na nagdilim, hawak pa rin ang cellphone na nanginginig sa kamay ko.

“Miserable?” mahina kong sambit, paulit-ulit sa isip ko ang bawat salitang binitawan niya.

Tumingin ako sa paligid—tahimik pa rin, pero iba na ang pakiramdam. Parang may malamig na presensiyang bumalot sa silid.

Lumapit ako sa bintana at binuksan ang kurtina. Sa labas, tahimik ang kalsada. Walang tao, walang gumagalaw, pero hindi ko maiwasang maramdaman na may mga matang nakamasid sa akin.

Muli kong hinawakan ang dibdib ko—ramdam kong mabilis ang tibok ng puso ko, parang sinasakal ako ng sariling takot.

“Lucian…” mahinang sambit ko, halos walang boses. “Ikaw ba ‘yon?”

Ngunit kahit anong sagot ang gusto kong marinig, alam kong hindi siya ‘yon.

Ang boses kanina ay iba—masyadong malamig, masyadong matalim… parang may lihim.

Huminga ako nang malalim, pero kahit gaano ko piliting kumalma, ramdam ko ang kaba na unti-unting bumabalot sa buong katawan ko.

Muli kong tiningnan ang cellphone. Walang pangalan. Walang bakas.

Tanging mga salitang iyon lang ang naiwan sa isip ko—

“Magiging miserable ang buhay mo.”

At sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang boses na narinig ko.

Bigla ako kinabahan at tila may pakiramdam ako na hindi pa matatapos ang lahat ng ito.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 9

    Kabanata — Ang Babae sa SalaNapatigil ako sa aking pag-hakbang sa hagdan at napakunot ang noo nang mapansin ko kung sino ang nakaupo sa living room.Ang postura, ang damit, ang maiksing palda na halos kita na ang kaluluwa — hindi ko kailangang magtanong kung sino siya. Mula sa ayos at tikas niya, alam ko na agad.Si Nancy.Napabuntong-hininga na lang ako. Sa loob-loob ko, sana ay panaginip lang ito, pero hindi — totoong naririto siya, nakasandal sa mamahaling sofa na parang sariling bahay ang tinitirhan.Dahan-dahan akong bumaba, pilit pinapakalma ang sarili.“Ano bang ginagawa mo rito?” seryoso kong tanong, tinatanggal ang malamig na tono sa boses ko kahit mahirap.Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ang ngiti niya, matalim, tila nang-aasar.“Kung si Lucian ang dahilan kung bakit narito ka, sinasabi ko sa’yo, madalang sa patak ng ulan kung umuwi ro’n,” madiin kong sabi.Tumayo siya, iniayos ang buhok na kulot sa dulo, at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Well, alam ko naman ‘yon. H

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 8

    KABANATA — ANG PAGDALAW NI NANCY (Nancy’s POV)Mainit ang araw, pero mas mainit pa ang ulo ko habang papasok sa Davedant Empire Tower. Ilang buwan lang akong nawala, ngunit ramdam ko agad ang pagbabago sa paligid—lalo na kay Lucian.Bawat hakbang ko sa marmol na sahig ay may kasamang ingay ng takong, parang kumpas ng babala: narito na si Nancy. Suot ko ang maikling beige skirt na halos kita na ang kaluluwa, at blouse na bahagyang bukas sa dibdib, sinadya ko para ipakita sa bawat lalaking nadaanan—ako ang babaeng hindi basta-basta maipapantay.“Good morning, ma’am!” bati ng sekretarya niya, ngunit hindi ko siya nilingon. Itinirik ko lang ang mata ko at diretsong binuksan ang pinto ng opisina. Hindi na uso sa akin ang kumatok.Pagpasok ko, bumungad ang malamig na hangin mula sa aircon—at si Lucian, nakaupo sa swivel chair, abala sa pagbabasa ng dokumento. Naka-itim siyang long-sleeved polo, bahagyang bukas sa dibdib, at nakatupi ang manggas hanggang siko. Tahimik, matigas, at tila ba hi

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 7

    Kabanata — Ang Pagbisita ni Nancy“Kamusta ang buhay mo? Naging prinsesa ka ba sa piling ni Lucian?”Napalingon ako sa likuran ko, kasabay ng paghaplos ng malamig na hangin sa batok ko. Ang boses na iyon—pamilyar, may halong pang-aasar at pangmamata. Mula pa lang sa tono, alam ko na kung sino siya.“Nancy…” mahinang tawag ko, halos pabulong.Napataas ang kilay niya habang nakatayo sa lilim ng puno ng santan. Maganda pa rin siya gaya ng dati—mestisahin, laging ayos ang ayos, at tila hindi man lang tinatablan ng problema. Suot niya ang kulay pulang bestidang hapit sa katawan, bakat ang bawat kurba. Lalong umangat ang ganda niya sa ilalim ng araw, ngunit sa likod ng maputing ngiti niyang iyon, alam kong may matalas na talim.“Wow,” ani niya, sabay pikit-matang ngiti. “Hindi ko inakalang maaalala mo pa rin ang pangalan ko, Mrs. Lucian.”Mahina akong napangiti, pero hindi iyon ngiti ng tuwa. “Paano ko makakalimutan?” sagot ko habang muling ibinalik ang pansin ko sa mga bulaklak na dinidili

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 6

    KABANATA 6 — A R I E L L E (POV)“Ahh…” mahina kong buntong-hininga kasabay ng pagbangon ko mula sa kama.Panibagong araw na naman—panibagong sapalaran.Ngunit sa totoo lang, wala namang bago. Tulad pa rin ng dati, tila isang malamig na yelo si Lucian—walang pakiramdam, walang init, at para bang ang tanging layunin ay masaktan ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.Ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bigat ng gabi. Parang may nakaipit sa dibdib ko na hindi ko maalis kahit ilang ulit akong huminga ng malalim. Buong magdamag akong umiiyak, at hindi ko na namalayan kung kailan ako nakatulog. Ang huli kong alaala ay ang pagpatak ng mga luha ko sa unan, kasabay ng mga salitang paulit-ulit kong binubulong: Tama na, Arielle. Tama na.Tahimik ang buong silid. Ang mga kurtinang puti ay bahagyang kumikilos sa simoy ng hangin. Ang liwanag ng umaga ay pumapasok sa bintana, pero kahit gaano ito kaliwanag, nananatili pa rin akong nakakulong sa dilim ng sakit.Dahan-dahan kong inalis ang kumot n

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 5

    KABANATA 5 – L U C I A N (POV)Halos isang lagok lang ang ginawa kong pag-inom sa alak, na para bang tubig; wala akong pakialam sa pait o init na dumadaloy sa aking lalamunan.“Ahh!” Sigaw ko kasabay ng pagbato ng basong hawak ko. Tumama ito sa sahig at nagkalat ang bubog kasabay ng tunog na parang sumasabay sa gulo sa loob ng utak ko.Galit na galit ako. “Hindi pa rin mawala ang imahe ni Arielle…” ang nagmamakaawang mga mata nito na puno ng luha.Nararamdaman ko pa rin ang bigat sa dibdib ko habang bumabalik-balik sa isip ko ang eksenang ‘yon—ang mga luhang pumapatak sa mukha niya, ang tinig niyang nanginginig sa takot at sakit.Muling napahawak ako sa ulo ko. “Tangina naman,” bulong ko, pilit pinapakalma ang sarili, pero lalo lang akong nadudurog sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya sa isipan ko.“Hindi ako papayag na makalaya ka sa akin,” mariing sambit ko habang tinititigan ang bakas ng alak sa mesa. “Pareho tayong magdurusa habang buhay… hangga’t sa kabilang buhay.”At sa m

  • The Billionaire's Widow Got An Affair    kabanata 4

    KABANATA 4 — Ang Alon ng GalitPOV – AriellePagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ng isang malakas, malutong na sampal.Pak!Halos mapatumba ako sa sahig. Umalingawngaw ang tunog sa buong sala, kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Napahawak ako sa pisngi kong namanhid, saka ko lang naramdaman ang hapdi—parang may nagliliyab sa balat ko.Pag-angat ng mukha ko, bumungad sa akin si Lucian. Nanlilisik ang mga mata niya, malamig pero puno ng apoy. Ang panga niya’y nakadiin, ang kamao’y bahagyang nakasara, tila pinipigil ang sarili na huwag akong muling saktan. “Saan ka galing, Arielle?!” singhal niya, halos pasigaw.Napaawang ang bibig ko, walang tunog ang lumabas. Hindi ko alam kung uunahin ko bang huminga o magpaliwanag. Halos ilang segundo lang ang lumipas, pero pakiramdam ko, ilang taon akong nakatayo ro’n sa harap niya.“Ilang araw kang nawala!” patuloy niya, ang bawat salita ay parang latigo sa pandinig ko. “Ano, ha? Nasa lalaki mo ba?”Napasinghap ako,

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status