Share

KABANATA 01

“Celes, baby, me and your daddy wants to tell you something.”

Napatingin ako kina mommy at daddy na nasa harapan ko nang marinig ang boses ni mommy. Ibinaba ko ang lapis na hawak ko at itinigil ko muna ang pag do-drawing sa malapad na canvas para harapin sila.

“Ano po iyon?” kunot-noong tanong ko sa kanila.

Their faces were serious. Minsan ko lang makitang seryoso ang dalawa kaya ibig sabihin no’n ay seryoso rin ang sasabihin nila.

Tumingin ako kay mommy at binigyan niya lang ako nang makahulugang tingin na para bang sinasabi niyang, “Brace yourself, anak.”

Napabaling ako kay daddy nang tumikhim siya bago magsalita, “You’re getting married, Celes.”

Apat na letra lamang ang salitang binitawan ni daddy ngunit para akong binuhusan nang malamig na tubig nang marinig ko iyon.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

Ako? Ikakasal? Joke ba ‘to?

“I beg your pardon?” I blinked. I can’t process what he’d just said on my mind. His word keeps repeating and repeating but I can’t just process it.

“You’re getting married, Celeste,” ulit ni daddy.

Napapikit ako at nanginginig ang labi na nagsalita, “P-Pero masyado pa po akong bata para mag-asawa, daddy. Hindi pa po ako handa,” nakatingin ako sa mga mata ni daddy habang binabanggit iyon, baka sakaling bawiin niya ang sinabi niya.

“Ilang taon ka na ba anak?” si mommy naman ang nagtanong.

Naguguluhan man ay sumagot pa rin ako, “26 po.”

“See? You’re already in the right age to get married na, anak. Hindi ka na bumabata pa,” aniya at tipidakong nginitian.

Napa-iwas naman ako nang tingin. Gusto kong magtampo sa kanila. Gusto kong humindi ngunit hindi ko ‘yon kayang gawin sa kanila. I don’t want to disappoint them.

“When?”

“As soon as possible,” ‘yon lang ang sagot ni daddy at lumabas na sila nang silid.

Napatulala ako sa kawalan. Hindi sa hindi ko pinangarap ikasal pero hindi pa talaga ako handa.

Ni hindi ko pa nga naranasan ang umibig tapos malalaman kong ikakasal na lang ako bigla?

Kahit ayaw ko ay hindi ko kayang salungatin ang desisyon nang mga magulang ko.

Sa kanila ako namulat, sila ang dahilan kaya narito ako ngayon. Kung wala sila ay wala rin ako.

Alam ko namang ginagawa nila iyon para sa ikabubuti ko, pero ikabubuti ko nga ba?

Ayokong matali sa lalaking hindi ko naman mahal. Papaano ko siya pakikisamahan? I don’t want to enter a loveless relationship!

Napabuntong-hininga ako nang may maalala. Ni hindi ko manlang natanong kung sino at anong pangalan nang magiging asawa ko.

Pinilit kong tapusin ang dino-drawing ko para may mapaglibangan naman ako kahit papaano. Nagugutom ma’y ayokong lumabas nang kuwarto.

Hindi ko pa sila kayang harapin dahil baka ano pa ang masabi ko.

Ayaw ko.

Ayaw ko pang ikasal.

Ngunit saglit..

Napatingin ako sa dino-drawing ko, napangiwi ako nang mapapangit ko lang iyon! Paano ko na lang kaya ito pipintahan?

Napapikit ako saglit at kinuha ang aking cellphone na nasa bedside table para tawagan si Ericka, ang kaibigan ko para may makausap naman ako kahit papaano. Gusto ko lang kasing ilabas ang nararamdaman ko.

“Hello, Celes! Kumusta ang lovelife?” nakangiti siya nang nakita ko ang mukha niya sa screen.

Napangiwi ako sa tanong niya. “I’m getting married.”

Halos malaglag ang panga niya sa sinabi ko. “A-Ano? U-Ulitin mo nga?”

“Ikakasal na ‘ko kako.”

Kumurap-kurap siya kaya napatawa ako. “Hala? Hindi ako makapaniwala, papaanong…”

“Hindi rin ako makapaniwala, Ericka. K

Kakasabi lang sa akin kanina nina mommy at hindi pa ko handa. Ano na lang kaya ang gagawin ko?” problemado kong sabi habang nakatingin ng maigi sa screen, umaasa na may maa-advice siya sa akin.

“Ano bang pangalan nang mapapangasawa mo? ‘Pag ayaw mo at pogi ‘yan sa akin na lang!” biro niya tila pinapagaan ang pakiramdam ko.

Napatawa naman ako. “Sira, ano ngang gagawin ko?”

“Go with the flow na lang, kaya mo bang tumanggi sa mga magulang mo?”

Umiling ako. Hindi ko kaya, masyado ko silang mahal para hindian.

“Naman pala, just trust them, Celes. Hindi sila magdedesisyon nang ikapapahamak mo lalong-lalo na ang mommy mo. Mom knows the best nga ‘di ba?” she smiled at me, a genuine one.

Ngumiti ako pabalik, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Nagpaalam kami sa isa’t-isa bago ko pinatay ang cellphone ko, sakto namang pagkalam nang sikmura ko.

Nagugutom na talaga ako.

Tumayo ako at napagdesisyunan nang bumaba. Akmang pipihitin kona sana ang seradura nang bumukas iyon at nakita ko si mommy na nag-aalala ang tingin sa akin. May dala rin siyang tray na puno nang pagkain. Mas lalong tumunog ang tiyan ko kaya sabay kaming napatawa. Biglang natunaw ang pagtatampo ko.

“Akala ko hindi ka na bababa, pasensiya na anak, ha? Kung biglaan, para rin naman sa iyo ‘yon” she smiled warmly at me.

“Naiintindihan ko po,” sabi ko na lang.

Inaya ko siya papasok sa loob. Ibinaba niya muna ang tray sa bedside table ko at umupo sa malambot na mattress nang kama.

“Mom, how can I live in the same roof with him? I don’t want to tie a knot with a man I don’t even love,” I initiates out of nowhere.

“Anak, I’m really sorry but this is your father’s decision and I agree with him. This also for you, you are only our daughter and we don’t want to risk you. This is for your sake, Celes, trust us. We have enemies outside and they want to take you away from us. And this man who will you marry is powerful and can protect you more than what we can do. I’m sorry, baby. Don’t worry, he’s a good man and I’m sure he can take care of you. We only want what’s good for you. You know how much we love you, right? Always keep on your mind that we love you so much,” she gave me a reasurred smile.

Tumango-tango naman ako. Okay seventy five percent payag na ako pero.. “Mabibisita ko pa rin po ba kayo ni daddy? Hindi ko po kayang mawalay sa inyo, eh,” nakanguso kong sabi.

Sixteen na ako nang bumukod ako sa kanila nang kuwarto, noong una pa nga’y hindi ako makatulog pero kalaunan ay nasanay din naman ako.

Hindi lang talaga ako sanay na mapalayo sa kanila kasi hindi ko talaga kaya.

Tumawa naman si mommy at niyakap ako. “Ofcourse, baby ikakasal ka lang naman, eh. Hindi ka ki-kidnap-pin palayo sa amin.”

Hinayaan niya muna akong kumain at nang maubos ko iyon ay nagtanong muli ako sa kaniya.

“Sino po ba ang mapapangasawa ko? Hindi niyo naman po kasi sinabi kanina,” ani ko habang nahihiyang nakangiti.

“Why? Do you asked?” taas-kilay na tanong sa akin ni mommy na namimilosopo ngunit kapagkuwan ay tumawa rin.

“Malalaman mo mamaya, Celes. Hala siya, mauna na akong bumaba, ha? Mag aayos pa ako kasi dapat maganda ako mamaya. You should take a bath again and wear something fancy, may pupuntahan tayo” hinalikan muna niya ako sa pisngi at kinuha ang pinagkainan ko bago bumaba.

Tatlong palapag ang bahay namin at modern style iyon. Sa ikatlong palapag ang kuwarto ko habang sa ikalawa naman ang kina mommy at daddy.

Ang totoo niyan dalawa sana kaming magkapatid ngunit nakunan si mama dahil sa stress. We have many enemies when it comes to bussiness, they are always competing with us.

Buntis no’n si mama, limang buwan na, kinuha iyon na pagkakataon nang mga kalaban para sugurin kami.

Some pulled their investment in our company. They ruined our family name. They played dirty.

Muntikan nang bumagsak ang kumpanya namin at problemadong-problemado ang mga magulang ko. Gusto ko mang tumulong ay wala naman akong alam pagdating sa bussiness.

Minsan na akong trinain ni daddy dahil ako ang tagapagmana pero hindi ko talaga kaya. Hindi para sa akin ang bussiness world.

Sa sobrang daming problema ay nakunan si mama. Namatay ang kapatid ko sa loob nang tiyan niya.

Halos mawalan kami nang pag-asa no’n mabuti at tinulungan kami nang mga Salvatore. Sila ang dahilan kung bakit umangat muli ang kumpanyang pinaghirapang itayo nang mga magulang ko.

Utang na loob namin sa kanila iyon, hanggang ngayon naman. Salamat sa diyos at tinulungan nila kami. Simula noon ay naging magkaibigan na sina papa at si Jack Salvatore. Tinutulungan nila kami at tinutulungan din namin sila, kumbaga ay magkakampi ang mga kumpanya namin.

Naputol ang iniisip ko nang may maalala, kailangan ko pa pa lang maligo.

Matapos maligo ay naghanap ako nang maisusuot. Iyong floral dress ang pinili ko, hanggang itaas ng tuhod ko ang haba no’n.

Medyo hapit iyon sa akin kaya pag yumuko ako ay luluwa na ang hinaharap ko. Napabuntong-hininga na lang ako, tinatamad na akong hubarin pa ang suot ko at maghanap ulit nang iba kaya ito na lang. Pinaresan ko iyon nang three inches na kulay pulang pumps.

Hindi ko na kailangan pa nang make up para gumanda, hindi naman sa pagmamayabang pero natural ang ganda ko.

Ang sabi ni mommy ay may pupuntahan kami kaya kahit ayoko ay naglagay pa rin ako nang make up, light nga lang.

Kulay brown at may konting maroon ang eye shadow ko, natural ang kilay ko kaya hindi na kailangang ahitan pa iyon. Matangos ang ilong ko kaya hindi na kailangan ng noseline. Hazel ang mga mata ko kaya hindi na kailangan pa ng contact lens. Natural na kulay pula at plump ang labi ko kaya hindi na kailangan ang lipstick do’n pero linagyan ko pa rin. Makapal ang pilik mata ko kaya vaseline na lang ang nilagay ko ro’n para tumayo naman at magmukhang kaaya-aya kahit papaano. Iblinower ko naman ang buhok bago iyon brinaid at pinatungan ng putting laso.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin na nasa harapan at agad napangiti.

Ang ganda ko!

Nag-selfie muna ako at ipinost ‘yon sa i*******m. Wala pang isang minuto ay nakalimang daang heart na iyon. Napangiti naman ako, ang ganda ko talaga- biro lang.

Kinuha ko ang Gucci purse ko para may panlagyanan ako nang card at cellphone ko bago bumaba.

Nakita ko naman na kanina pa pala naghihintay sina mommy at daddy.

Pinuri naman nila ako na ang ganda ko raw. Alam ko naman iyon at hindi na nolakailangan pang ulit-ulitin sa akin dahil nasasaktan ako. Truth hurts!

Limousine ang sinakyan namin kaya hindi ko maiwasang magtanong. Madalang lang kasi nila itong gamitin kaya nakakpagtaka talaga.

“Saan po ba tayo pupunta at limousine ang ginamit na ‘tin?” hindi naman nila ako sinagot kaya napa-ismid ako. Ang snobber naman ng mga magulang ko!

Mayamaya pa ay tumigil kami sa isang mamahaling restaurant. Masasabi kong mamahalin iyon dahil kitang-kita naman sa loob at ilang beses na kaming kumain dito at talagang luluwa talaga ang mga mata mo sa presyo.

Pagpasok namin ay walang tao, nirentahan siguro.

Dalawang palapag ang restaurant na ito kaya naghagdan pa kami at halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang mga Salvatore na naka puwesto sa mesa at upuan na nasa gitna.

Doon ay may napagtanto ako. Damn! Don’t tell me? Ayaw kong mag-conclude.

Bumalik ang mata ko sa harapan, magarbo ang disenyo no’n at may stage rin sa gitna.

Nahihiya akong umupo sa harapan nila ngunit bago iyon ay b****o muna ako sa mag-asawang Salvatore. Ngiting-ngiti sila habang nakatingin sa akin.

“Good evening po, tito, tita,” I smiled and greeted.

“Good evening din sa’yo, ija,” they greeted back.

“Wait a minute, my son is already on his way with Loreen,” ani ni tito Jack Salvatore.

Si Loreen ang babaeng anak nila- na siyang bunso kaya overprotective ang pamilya sa kaniya. Well, what can I expect? We’re talking about the Salvatores right now. Mga bigatin!

Ilang sandali pa ay halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang tinutukoy niyang son.

Damn! Hindi ako magkakamali! Bakit ba hindi ko naisip ito?

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang magtama ang mga mata namin. Ramdam na ramdam ko ang paninigas at panginginig ng katawan ko sa magkahalong kaba, hiya at takot.

Bakit… Hindi kaya siya ang mapapangasawa ko?

Pinanood ko siyang maglakad papalapit sa amin at umupo sa harapan ko nang hindi man lang ako tinatapunan nang tingin. Parang gusto ko na lang lamunin ng mesang nasa harapan ko.

Tumayo sina tito Jack at daddy, sabay silang nagtungo sa stage habang may hawak na microphone.

“Okay, mic taste! Ehem! Good evening, ladies and gentleman,” panimula ni tito jack na nakangisi kaya napakunot ang noo ko, kami lang naman ang nandito, eh.

“We are here today to gather the- joke lang eto na,” si daddy naman ngayon. Halos nagtawanan naman lahat nang nandoon at wala pa man ay alam ko na ang sasabihin nila.

Napabuntong-hininga ako at napasulyap kay Lexus na hindi inaasahang matamang nakatitig sa akin.

Siya ang mapapangasawa ko.

Hindi nga ako nagkakamali dahil ini- announce nila ang tungkol sa kasal namin. Hindi naman nagsasalita si Lexus na nasa harap ko, mukhang tutol din siya tulad ko.

Paano na kaya ang magiging buhay namin? Papaano namin pakikisamahan ang isa’t-isa? Hindi naman kami masyadong magkakilala.

They both congratulated us. Ngumiti na lang ako.

Pero kahit papaano ay napanatag ako na siya ang mapapangasawa ko, at least our family knew each other.

And….

Yes, I’m going to marry a billionaire named Lexus Clark Salvatore.

Good luck to me.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Ronie Oadcin
Ganda Ng wento
goodnovel comment avatar
Rhoda Nocalan
newbie here
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
goodluck Celeste sana maging mabait sayo ang mapapangasawa mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status