Share

KABANATA 02

Matulin na lumipas ang mga araw. Isang umaga, nagising na lang ako na araw na pala ng kasal ko.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang altar habang akay-akay ako nina mommy at daddy.

Sa simbahan ginanap ang kasal namin habang sa isang kilalang resort na pag-aari ng mga Salvatore gaganapin ang reception.

Tahimik akong naglalakad kahit na nangangatog ang tuhod ko habang taimtim na pinapakinggan at sinasaulo ang liriko ng wedding song namin. 

"I'm so happy, Celes," boses iyon ni mommy na naluluhang naglalakad sa tabi ko. Tipid ko na lamang siyang nginitian.

Masaya rin naman ako. Masaya akong nakikitang masaya sila. Sapat na 'yon para ituloy ko 'tong kasal at huwag tumakas.

Habang sinasabayan ang tugtog ng musika ay para bang may nagtulak sa akin na magtaas ng tingin at bumaling sa altar na hindi ganoon kalayo ang distansya sa akin.

Napatingin ako sa kaniya na siyang nakatingin din sa akin at sa sandaling magtama ang paningin namin ay hindi ko napigilang maging emosyonal.

Ikakasal na ako...

Ikinakasal na ako...

Bata pa lamang ako ay pinangarap ko nang ikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. Mula sa damit na isusuot ko, sa simbahan, sa reception, sa mga ninang at ninong. I always dreamt about my wedding. Gusto ko ng kasal na tulad sa mga magulang ko, may ngiting nakaguhit sa kanilang mga labi habang binibigkas ang mga pangako sa isa't-isa.

Ngunit heto ako ngayon, ikakasal nga pero sa taong hindi ko naman mahal at hindi rin ako mahal.

Ang unfair talaga ng mundo.

Hiindi ko namalayang nakarating na pala ako sa harapan niya, maingat akong binitawan nina mommy at inilahad sa nakatayong si Lexus sa harapan ko.

Sa sandaling pagdampi nang katawan namin ay may naramdamaan akong kakaiba.

Hindi naman siya umimik, habang ako ay naka-isang timbang luha na yata. Naiiyak nga kasi talaga ako.

Iniisip ko pa lang ang pagsasama namin ay nahihirapan na ako. Tulala ako habang siya ay nakatitig lamang sa akin.

Nagsimula ang seremonya na ang tingin ko ay nalalihis sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang intensidad nang paninitig niya kaya't hindi ko magawang salubungin 'yon.

After saying I do, it's now our time saying our vows in front of god, the priest and the people.

"I vow to protect you with all my heart in anyways I can. I will do everything for you even if it means sacrificing my self. I, Lexus clark salvatore, take you thee, Celeste Hara Villamore, to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part." 

Dahan-dahan niyang binigkas ang mga katagang iyon habang nakatingin sa mga mata ko.

Isinuot niya ang singsing sa daliri ko nang hindi pinuputol ang tinginan namin.

Napapikit ako nang marahan bago ibinuka ang bibig ko para magsalita. Nakalimutan ko ang sasabihin ko kahit ilang beses ko pa iyon prinaktis kagabi sa harap nang salamin.

Humugot ako nang hangin bago marahan na ibinuga iyon at saka nagsalita habang nakatitig din sa mga mata niya.

"I vow to love you with all my heart. I vow to understand you in any ways I can. I vow to make everything I can do just to make you happy. I, Celeste Hara Villamore, take you, Lexus Clark Salvatore, to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

Nanginginig pa ako nang isuot ko sa daliri niya ang singsing na sumisimbolo sa pag-iisang dibdib namin.

Ilang sandali pa ay may binigkas ang pari hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang halik ng pag-iisang dibdib.

Naghiyawan ang mga tao ngunit wala sa kanila ang atensyon ko kung hindi nasa lalaking nasa harapan ko na dahan dahang inangat ang belo ko at saka walang pasabing sinakop ang labi ko. Napapikit ako habang sinasamyo ang halik niya.

Marahan iyon habang banayad na gumagalaw ang labi namin.

Napatingin ako sa kaniya nang maghiwalay kami ngunit hawak pa rin ng magkabilang kamay niya ang pisngi ko.

Mas lalo akong naiyak nang sumilay ang ngiti sa labi niya. Unang beses ko 'yong masilayan at parang may kung anong nagliliparan sa tiyan ko.

Dahan-dahan niya akong hinila at ikinulong sa mga bisig niya.

Ganito pala ang feeling kapag ikinakasal- kahit sa taong hindi mo naman mahal.

Infairness, may tamis din pala siyang itinatago sa katawan.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang ikasal kami.

Habang maaga pa ay ipinasa na nila daddy ang pangalan nang kumpanya kay lexus, according to Lexus ay siya na rin ang magma-manage no'n.

May sarili kaming bahay pero hindi iyon pangkaraniwang bahay dahil sa laki kaya mansion na lang, ang sabi ni daddy Jack ay si Lexus daw mismo ang nagpatayo no'n.

Anong ibig niyang sabihin? na si Lexus mismo ang nag-construct no'n? Hindi lang pala siya business man, construction worker din kung gano'n!

Pero siyempre, biro lang.

Dalawa lang kami sa mansion ngunit maraming bantay sa labas. Tuwing Sabado ay bumibisita rito ang mga katulong para maglaba at maglinis nang bahay.

Ako ang nagluluto nang pagkain naming dalawa, ako lang ang maasahan sa aming dalawa sa trabahong iyon dahil maski noodles nga yata ay hindi niya kayang lutuin.

Wala siya ngayon dahil nasa office siya at nagta-trabaho. Wala naman akong alam sa gano'n kaya rito lang ako sa bahay, besides, hindi pa ako pwedeng lumabas. I don't want to risk my life either.

Mas mainam na 'yon kasi delikado ang buhay ko ngayon. Nalaman daw kasi nang mga kakompetensya ni daddy na ikinasal ako.  Ayon tuloy kumikilos na uli sila.

Napabuntong-hininga na lang ako. Napaka pakialamero nila, may sarili naman kasi silang buhay kaya bakit yung sa amin ang pinapakialaman nila? 

Pakialamero much?

 Kasalukuyan akong nakatayo sa sala nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Lexus na galing sa trabaho. Sumulyap ako sa orasan sa may dingding at napansing maaga pa para umuwi siya.

Ngunit imbes na makialam ay kumibit-balikat na lang ako. As usual ay hindi man lang niya ako tinapunan nang tingin. Tuloy-tuloy lamang siyang umakyat nang hagdan patungong kuwarto.

Napangiti ako nang mapait, ito na nga ba ang sinasabi ko. Ayokong maikasal sa taong hindi ko mahal at hindi ako mahal.

Simula nang makalipat kami rito ay hindi niya ako kinikibo, madalang niya lamang ako tapunan nang tingin.

Kakausapin niya lang ako kung may kailangan siya at bilang ang bawat salita niya sa daliri ko. Iyon lang, tapos wala na. Kumabaga ay para lang akong hangin sa kanya. Ayoko nang ganoon, hindi ganoon ang pinangarap ko.

Itiinutok ko na lang sa tv ang paningin ko, pilit na kinakalimutan ang presensya niya upang hindi ako makaramdam ng kirot sa dibdib.

"Let's eat," rinig kong boses niya habang pababa sa hagdan na hindi ko inaasahan.

Halos manigas ako sa kinauupuan ko. O gripped the remote so hard. I can't believe it, did he just ask me to eat with him?

Nakamaang akong bumaling sa kaniya, malamig lamang ang tingin niya sa akin na parang wala lang iyong pag-aya niya sa aking kumain. Kung wala lang 'yon sa kaniya, puwes, sa akin big deal 'yon.

Unang beses niya akong ayaing kumain. sino ang hindi magugulat?

But regardless of that, I juat nodded my head while I'm still in dazed. 

Nauna na akong pumunta sa kusina habang nakasunod naman siya sa akin.

Nang akmang kukuha ako nang kanin at ulam ay naunahan niya na ako.

Napalunok ako nang magtama ang paningin namin. Kapagkuwan ay siya na mismo ang naunang nag-iwas nang tingin. Siya na rin mismo ang naglagay no'n sa plato ko. 

Hinainan niya ako...

Napakurap-kurap ako nang ilang beses, tila naninibago.

Nang akmang susubo siya ay nagtanong ako, "Anong nakain mo?"

Tinaasan niya ako nang kilay at saka inismiran. "What do you mean by that?"

Lumunok ako nang dalawang beses bago sumagot, "Ahm... nung nakaraan kasi ay halos hindi mo ako pansinin. Hindi tayo sabay kumain at hindi mo man lang ako kinibo tapos ngayon ay inaya mo akong kumain at ikaw mismo ang naglagay nang pagkain sa plato ko..."

Parang hangin lang ako sa paligid niya, nararamdaman niya ang presensya ko, oo, pero parang hindi niya ako nakikita.

Naningkit ang mata niya na parang sinusuri niya ako. "Then? What's your point?"

Nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niyang iyon.

"A-Ano, n-naninibago k-kase a-ako," kanda utal-utal kong sagot saka nag-iwas nang tingin.

Humalahak naman siya na siyang ikinakunot nang noo ko. Anong nakakatawa roon?

"Silly girl," he smirked.

Napalabi ako at nagbaba nang tingin sa pagkain. Hiniwa ko sa maliit 'yong beefsteak bago isinubo.

Pinapanood naman niya ako. Nag-iwas muli ako nang tingin, naiilang ako.

Bakit ba niya ako tinititigan ngayon eh ni halos hindi niya ako tapunan ng tingin noon?

"Puwede mo naman sabihin sa akin kung gusto mo akong makasabay kumain, eh," sabi niya habang pumupungay ang mga mata miya "and I'm sorry, my wife for being a reckless husband. I'm just busy working for our future."

Nahulog ko ang kutsara at tinidor kaya umalingaw-ngaw ang tunog no'n sa buong kusina, imbis na pulutin iyon ay napatingin ako kay Lexus na mataman na nakatingin sa akin.

"What did you just say?"

He frowned with my question. "I said, I'm sorry, okay? I'm just -"

"No, hindi 'yon ang gusto kong marinig- you called me what?" I was looking desperately at him with hope glistening in my eyes. I'm hoping that I hear it right, na hindi lang ako pinaglalaruan ng isip ko.

Natigilan siya saglit saka pilyong ngumiti sa akin. "My wife... Hmmm, why? Do you have any problem with that?" mahina siyang tumawa at kinindatan ako "asawa naman kita."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-anong-" tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya. Pasimple ko naman 'yong inamoy saka napapikit.

Ang bango ng kamay niya!

He told me to keep quiet. "Huwag ka nang magreklamo, okay? Asawa kita, you're mine, I'm yours and you are my wife," he even emphasized the word 'my wife'.

Marahan naman akong tumango. Hindi ko alam pero may kung anong nagrarambulan sa loob nang tiyan ko. Naninibago talaga ako.

Pagkatapos naming kumain ay siya mismo ang nagpresintang maghugas nang pinagkainan, na nakakapagtaka para sa akin. Hindi ko rin alam kung alam ba niya kung paano gawin iyon.

"Ako na, ako naman gumagawa nito, eh," pamimilit ko. Concerned lang kasi ako sa mga babasaging plato at baso. Baka kasi mag-slip 'yon sa kamay niya at mabasag.

"No, I insist. Go upstairs and wait me there. We will talk," may pinalidad ang boses na sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Pero-" I looked at the plates and then at his face.

"Pero, what? Aangal ka na naman? Asawa kita kaya pag sinabi kong ako ang maghuhugas, ako ang masusunod, okay?" malumanay ang boses niya, he even kissed me my forehead.

Sa huli ay pumayag na lang ako at umakyat sa kuwarto ko.

Hindi kami tabi matulog, hiwalay kami at may sarili siyang kuwarto at meron din ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero siya ang nag-suggest no'n.

Nang tanungin ko naman siya ay "no, baka tatlo na tayong lumabas, and I don't want that YET to happen. It's too early for that and ayaw kitang biglain," 'yon lang ang sagot niya na hindi ko naman maintindihan.

Tatlo raw kaming lalabas? Paano 'yon? May isa sa amin na mahahati sa dalawa? Parang tanga.

Pero mag-uusap daw kami, ano namang pag-uusapan namin? 

At saan naman kami mag-uusap? dito sa kuwarto ko? Pero ang sabi niya ay bawal daw kami sa iisang kuwarto. Ang gulo niya, promise.

Nagpalit na lang ako nang puting sando at pajamang kulay krema na may spongebob na design.

Humiga ako sa kama ko at ini-on ang flatscreen na tv sa harapan ko.

Kung hindi ako nagkakamali ay may tv dito bawat kuwarto kasama ang guest room, ano paba ang aasahan ko? My husband is a billionaire kaya dapat na akong masanay. He can even buy the world if he wanted to.

Inilipat ko iyon sa cartoon network at tuwang-tuwa ako nang phineas and ferb ang palabas. Hindi porket 26 na ako ay hindi na dapat ako puwedeng manood nang gano'n.

Wala namang pinipiling edad ang panonood nang cartoons.

Isip-bata na kung isip-bata pero ano bang pake nila? Ako naman yung manonood hindi sila.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n si lexus. Nagtaka naman ako, anong ginagawa niya rito?

Pinagmasdan ko siya, nakaputing sando lamang siya at khaki shorts.

Ano ba 'yan ang guwapo pa rin. Kahit yata punit-punit na damit at madungis na pantalon ang suot niya ay babagay at madadala pa rin niya.

Napansin ko ring bagong-ligo siya kasi basa ang buhok niya.

Naglakad siya papalapit sa akin at nanuot sa ilong ko ang amoy niya. Napanguso ulit ako. Ang bango.

Kahit naman yata hindi siya maligo at pawisan ay mabango pa rin. Malinis din siyang tignan kahit may kaunting balbas siya sa mukha. Mas lalo lamang siyang gumwapo dahil doon.

"What are you watching?" tanong niya kapagkuwan, binalingan ko ang pinapanood ko at napangiti nang bumungad sa mukha ko ang mukha ni Vanessa at Ferb na magkasama.

"Phineas and Ferb," simpleng sagot ko.

"You're already twenty-six yet you're still watching that?" taas-kilay na tanong niya sa akin.

Napairap naman ako.

"Why do you care? It was me who's watching, not you so *tooott* (fuck) off."

Humalakhak naman siya pero hindi ko siya pinansin, ipinokus ko ang paningin ko sa pinapanood ko dahil nadi-distract ako sa presensya niya. 

"Tooott?" natatawang tanong niya na parang may sinabi akong katawa-tawa.

Sinamaan ko siya nang tingin bago nagsalita, "my mommy said if I want to say bad words, I should replace it with tooott* instead of saying the word. She also said that cussing is bad, that's why," inosente kong paliwanag.

'Yon ang sabi ni mommy noong bata ako at pinapaniwalaan ko pa rin 'yon hanggang ngayon. Tama naman siya kasi siya, eh. Masama ang nagmumura pero minsan pag galit ako ay napapamura ako, o kaya naman minsan ay nadudulas ako.

"Yeah?" 'yon lang ang sagot niya at itinigil na ang pagtawa ngunit ngayon ay nakangiti na siya.

Nang akmang uupo siya sa kama ko ay pinigilan ko siya, "stop!"

"What?" his forehead was creased together.

"You said that we shouldn't sleep in the same room, so what are you doing here in my room? You have your own, why are here?" sabi ko habang nakataas pa rin ang palad ko.

Napatiim-bagang naman siya. "Ano? Tang ina, we will talk kaya umusog ka."

Wala naman akong nagawa kung hindi ang umusog, naupo naman siya sa tabi ko, habang ako at itinuloy ang panonood.

Kita ko sa gilid nang mga mata ko ang pag sulyap niya sa akin ngunit ipinagsawalang bahala ko lang iyon. Ang bilis nang tibok nang puso ko, nakakainis naman! 

"Akala ko ba mag-uusap tayo?" hindi ko napigilang magtanong. Ang sabi niya kasi ay mag-uusap daw kami pero bakit hindi siya nagsasalita? Gusto ko nang matapos ang pag-uusap namin dahil naiilang ako.

Nadi-distract ako sa tingin niya at alam ko namang naka-on 'yong aircon pero naiinitan ako.

Nang humarap ako ay nagtama muli ang mga mata namin.

Napaawang ang labi ko nang aksidenteng bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Napalunok ako nang nag-form iyon nang ngisi. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nainitan. Para kasing may kung ano sa labi niya na gusto kong matikman. 

Gusto kong mag-iwas nang tingin pero hindi ko magawa. Ayokong gawin.

Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang baywang ko at ikinandong iyon paharap sa kaniya. Hindi ako tumutol at hinayaan siyang gawin ang gusto niyang gawin sa akin at sa katawan ko. 

Dinampian muna niya nang halik ang labi ko bago humiwalay at hinanap nang mata niya ang mga mata ko.

"W-What are we going to do?" kinakabahan kong tanong habang nahihiyang nakatingin sa kaniya.

Ngumis siya. "Our honeymoon."

Honeymoon? Hindi ba't 'yon ang ginagawa nang mga mag-asawa pagkatapos nang kanilang kasal?

Pero walang nangyari sa amin noon dahil hindi niya ako pinapansin.

Kung gano'n ay ngayon kami magho-honeymoon? Maglalabing-labing gano'n? 

Mas lalong napaawang ang labi ko sa naisip kong 'yon. I looked at Lexus and stilled when I saw that his eyes were burning with desire.

Unti-unti akong lumunok at ako na mismo ang yumuko upang sakupin ang labi niya.

"Celeste..."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay hindi kana fin nakapaghintay celeste ikaw na ang unang humalik
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status