Share

KABANATA 04

Simula nang may mangyari sa amin ay dikit na siya nang dikit sa akin. Lumiliban na rin siya sa kaniyang opisina dahil ayaw daw niya akong maiwang mag-isa sa aming bahay. Sa iisang kuwarto na rin kami natutulog dahil iyon ang gusto niya.

Napangiti ako, masyado siyang hands on sa akin, pati ang paghuhugas ng pinagkainan ay siya na rin ang gumagawa dahil ayon sa kaniya ay ayaw daw niya akong mapagod.

Ano bang nakakapagod sa paghuhugas ng pinagkainan? Kakaunti lang naman iyon dahil kami lang dalawa. Pero siyempre, ako pa rin ang nagluluto dahil hindi siya marunong sa gawaing iyon. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon.

Matulin akong napabalikwad mula sa pagkakahiga dahil may naaamoy akong kakaiba. Amoy na parang mayroong nasusunog. Sa kaba ay napatingin ako sa tabi ko at napansing wala si Lexus doon. San naman kaya nagpunta?

Dahil sa pagmamadali ay tanging roba lamang ang nasuot ko bago bumaba. Idinala ako ng mga paa ko sa kusina at doon ko nakita si Lexus na nakangiti habang nagluluto.

"What are you doing?!" tanong ko dahil umuusok na ang frying pan dahil sa lakas ng apoy na nagmumula sa stove.

Nakangiti naman siyang humarap saakin na para bang hindi nasusunog iyonh niluluto niya. Pagkatapos ay proud na proud pa siyang nagsalita, "I am cooking a breakfast for you, Celeste!" 

Napatampal naman ako sa aking noo at lumapit sa kaniya. Halos mapapikit ako sa amoy ng niluluto niya. Takang-taka naman siyang tumingin sa akin nang patayin ko ang stove at isinara ang tangke.

Muli ay napasulyap ako sa niluluto niya, hindi ko na mawari iyon dahil halos mangitim na. "Ano iyan?" tanong ko.

Ngumiti siya bigla na ikinangiwi ko. "That's scrambled egg, Celeste! See? I already know how to cook!"

Napahilamos ako sa mukha dahil sa frustration. Huminga ako nang malalim at saka kinalma ang sarili ko. Malapit na akong masigawan siya sa totoo lang.

"It doesnt look like an egg to me. Gosh! Throw that away, Lexus. Ang baho ng amoy," pinilit kong pakalmahin ang boses ko kahit papaano dahil ayaw ko siyang masaktan.

Nakita ko naman ang pagkalukot ng mukha niya. Lumaylay din ang kaniyang mga balikat bago tumungo.

"I'm sorry, I just want to cook for you eventhough I dont know how," mahina ang boses na paumanhin niya.

Nakonsenisya naman ako bigla kaya naglakad ako papalapit sa kaniya at niyakap siya. "Hey, it's okay, just don't do it again. It's my obligation to cook for you because Im your wife, not the other way around."

Ramdam ko ang paghigpit niya sa yakap ko at rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"I'm sorry, Celeste. Please, forgive me..."

Napatawa naman ako. "Forgiven. Now sit there, wait for me a d I will cook our breakfast, okay? Plese, behave," utos ko at para naman siyang maamong tutang sumunod at tahimik na umupo.

Napatawa ako nang maalala kong mulu iyon.

"What are you thinking again? Is it about what happened yesterday?" nakangusong tanong niya sakin.

"No," tanggi ko dahil paniguradong maasar na naman siya.

Napangiti ako nang yakapin niya ko at isinubsob ang ulo niya sa pagitan ng balikat at leeg ko. Nagpapalambing ang loko.

Ilang sandali pa kami sa ganoong posisyon nang tumunog ang cellphone niya. Narinig ko siyang umingos na tila naiinis.

"What?" tanong niya sa walang buhay na boses.

Hindi ko naman marinig ang sagot nang sa kabilang linya kaya pinagmasdan ko na lang siya.

Kumunot ang noo niya na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ng kausap. "What?How?... Fuck it..."

Sumulyap siya sa akin at nginitian ko naman siya. "Okay, I'll be there in ten minutes."

Hinalikan niya muna ako sa labi bago tumayo. "Wait for me here, okay? Don't go outside, please." Tahimik lang akong tumango.

Kinuha niya ang susi ng kotse sa night stand sa gilid ng kama bago naglakad palabas. 

Napabuntong-hininga ako saka napatawa, hinahanap na siguro siya ng kumpanya. Ilang araw din kasi siyang hindi pumasok, dahil sa akin. Bumabawi raw siya dahil hindi niya ako pinansin noong unang linggo namin.

Siguradong natambakan na iyon ng trabaho at mga pipirmahan at iba't-ibang uri ng mga papeles. Siya ang CEO ng kumpanya nila at kumpanya namin.

Siya lahat ang nagma-manage no'n at hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa nang hindi nalilito.

Wala namn akong gagawin kaya tinawagan ko na lang sila mommy at daddy. Ilang linggo ko na silang hindi nakakausap at baka nagtatampo na ang mga 'yon. Ang bilin pa naman nila sa akin ay tawagan ko sila kaagad pero hindi ko nagawa.

"Hello, mommy!" masayang bati ko nang makita ko ang mukha niya sa screen.

"Oh My God! Honey, come here!" sigaw ni mommy habang humahagikgik. Narinig ko pa ang pag 'what is it' ni daddy.

"Oh, come, honey! It's Celeste! Don't you missed her?" 

Napatawa naman ako. Para silang bata! Kapagkuwan ay nakita ko na silang dalawa. Kahit sa screen ko lang sila nakita ay parang kaharap ko lang sila.

"How are you, mom and dad?"

"Hundred percent okay, my princess. How are you?" si daddy iyon.

"How's married life?" sunod na tanong naman ni mommy.

Malawak naman akong ngumiti. "Okay lang po." 

"Masaya ka naman, anak?" puno nang pag-iingat na tanong ni mommy sa akin.

Naalala ko tuloy noong unang sinabi nila sakin na ikakasal na raw ako.

"I am very happy, mom. Thank you to the both of you," I sincerely said and smiled.

Rinig ko naman ang paghikbi niya sa sinabi ko kaya niyakap siya ni daddy.

"Awww," tudyo ko dahil ang sweet nilang tignan. Nasa singkuwenta na silang dalawa pero para pa rin silang kabataan kapag umakto. Minsan ay para na akong nilalanggam dahil PDA sila at sobrang sweet na para bang maya-maya lang ay mawawalay na sila sa isa't-isa.

"Pwede kabang magkuwento, anak?" tanong sakin ni daddy na nakangiti habang inaalo si mommy.

Humugot ako ng hangin at ibinuga iyon bago sinimulang magkuwento. Wala naman akong tinatago pagdating sa kanila. Wala lang, hindi kasi ako sanay na magtago at mag-keep ng saloobin sa sarili ko. Mahiyain ako pero pagdating sa mga magulang ko ay daig ko pa ang isang libro sa dami ng salitang lumalabas sa labi ko.

"It was hard at first because he didnt talk nor glance at me," panimula ko na ikinakunot-noo ni daddy. Napangiti ako sa naging reaksiyon niya. 

Sila man ang may gustong ikasal ako ay alam kong mahal na mahal pa rin nila ako at ginawa nila iyon para sa akin...para sa ikabubuti ko.

"Hindi kami sabay kumain, minsan ay nauuna siya o kaya naman minsan ay ako. Until one day, he asked me to eat with him. Hindi pa ako nakagalaw noong una dahil hindi ako makapaniwala. Isang linggo niya akong hindi kinibo dahil busy siya sa trabaho and I understand him naman po. Hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya, he's a busy person. Tapos aayain niya ako bigla na kumain? He even called me 'my wife' and then that night something happened to us." Kitang-kita art rinig na rinig ko ang pagtili ni mommy na siyang ikinapula ng buong mukha ko hanggang sa batok. Ayaw ko sanang sabihin dahil personal iyon peto siyempre, hindi naman sila others.

"Oh My God! Mag hihintay na ba kami ng nine months, anak?!"

Napakunot-noo ako, bakit naman sila maghihintay ng nine months? Ang tagal naman no'n? Ano bang meron sa nine months na 'yan?

"Continue," si dad. I smiled.

"After that night, nag-iba ang trato niya sa akin. He became sweet and gentle, ni hindi niya po ako pinagtatrabaho, and oh! He even tried to cook breakfast for me but he failed! The egg burnt!" Napatawa kaming tatlo dahil doon.

"Thank you, dad, mom..."

"For what?" sabay nilang tanong.

"For telling me to marry him, if it's not because of what you did, I wouldn't be happy like what I am now. Thank you so much, parents. God knows how much I missed both of you. I love you two!"

Tuluyan nang napaiyak si mommy habang si daddy ay inaalo ulit siya. "We miss and love you too princess, we're gonna visit you there tomorrow so tell Lexus about it, okay?"

Napatango-tango naman ako at nagpaalam na.Excited na tuloy akong makita sila bukas! Its been two and a half weeks since the day I last saw them! 

Tatayo na sana ako para maligo nang mag-ring muli ang cellphone ko. I looked at the caller and my forehead creased when I have noticed that it's coming from an unknown number. Sasagutin ko ba?

Sa huli ay napagdesisyunan ko rin iyong sagutin. Malay ko ba kung emergency hindi ba?

"Hello, who is this?" I initiated.

Ilang minuto ang lumipas pero walang sumagot sa kabilang linya kaya ni-end call ko na.

"Weird," I whispered to my self.

Ano 'yon? Trip lang niyang tumawag ngunit hindi magsasalita? Nagsasayang lang siya ng load.

Tatalikod na sana ako nang mag-ring ulit 'yon! Nanti-trip yata siya eh!

Inis na dinampot ko ang cellphone ko at saka iyon pabalang na sinagot. Hindi na ako nag,-abala pang tinignan kung sino ang tumawag. "Ano ba iyon, ha?!" inis na tanong ko.

Narinig ko naman ang pagtawa sa kabilang linya na siyang ikinakunot ng noo ko. Pamilyar ang tawang iyon! "Chill, it's me, my wife. Bakit muna parang galit ka? Hmmm? Did something bad happened?"

Lumambot naman ang mukha ko nang marinig ang boses niya at automatikong sumilay ang ngiti sa labi ko. "Uhmm... no, none. Btw why did you call?"

"Nothing new, I just missed you. Huwag kang aalis diyan, okay? Huwag ka ring lalabas ng bahay hangga't hindi ko sinasabi. Mangako ka sa akin, Celeste- asawa ko."

Napangiti ako, hindi pa rin ako sanay sa asawa ko.

Asawa ko...

Asawa ko...

Asawa ko...

Hala! Para akong dinuduyan sa langit. Pero natigil iyon nang may mahimigan akong pagkabahala at pag-aalala sa boses niya ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil ayaw ko nang mag-isip pa. Masyado akong masaya ngayong araw na ito para sirain ko rin.

Ako na mismo ang unang nagbaba ng tawag nang hindi na siya muling nagsalita pa. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Nagsimula kami sa pangit na pagtatagpo, kailan pa ba naging magandang tagpo ang ikasal ka kahit hindi mo gusto?

Ikinasal ako nang labag sa kalooban ko dahil hindi ko naman mahal iyong taong pakakasalan ko. Ngunit heto ako ngayon, sumasaya na sa piling niya. Akala ko ay hindi na dadating pa ang araw na ito, iyong magiging malapit kami sa isa't isa. Halos mamatay na ako kakaisip noong nakaraang linggo kung ano ang kahihinatnan ng kasal na 'to at kung pano ko siya pakikisamahan.

Ang sabi ng mga magulang ko ay kailangan ko siyang pakasalan dahil ang kapalit no'n ay ang kaligtasan ko. Masyadong desperado ang mga kalaban ni Daddy na kunin ako para panlaban sa kaniya. 

Masyadong makapangyarihan ang mga Salvatore, walang makakatibag sa kanila. They are on the top when it comes on bussiness world. Kilala sila sa buong mundo bilang isang negosyanteng bilyonaryo. They can get whatever they want in just a one snap. They are ruthless when it comes to bussiness. Seryosong-seryoso ayaw nila na nauutakan sila. 

Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Lexus ang panganay kaya siya ang susunod sa yapak ng kaniyang ama. Si  kuya Lace ang pangalawa at isang taon lamang ang agwat ko sa kaniya. Ang panghuli ay si Loreen, ang nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid.

Napabuntong-hininga ako at nag-isip kung anong puwede kong gawin dito sa loob ng bahay.

Ilang sandali pa ay may narinig akong sigaw sa labas kaya tumayo ako at sumilip sa kasing-laki kong bintana.

Napakunot-noo ako nang may makitang armadong mga lalaki na nagkalat sa labas. Nasa sampo sila at may kaniya-kaniyang hawak na matataas na kalibre ng baril. Napa-awang ang labi ko nang mapagtanto kung sino ang isa roon.

Sa isang iglap ay para akong binuhusan nang malamig na tubig dahilan upang hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Halos manginig ako sa takot! 

Hindi!

Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko para kumpirmahing nananaginip lang ako pero hindi!

Siya iyon! Hanggang ngayon ay tanda ko pa rin ang mukha niya. Siya iyong nanloob sa kumpanya namin at pinagbabaril-baril ang mga empleyado ni daddy. Hindi ko makakalimutan dahil nandoon ako mismo at nasaksihan ko ang buong pangyayari.

Ang lakas ng tibok ng puso ko, kaya ba ayaw akong palabasin ni Lexus? Kaya ba pinag+iingat niya ako? 

Asan iyong mga guards? Papaano sila nakapasok?

Oh My God!

Dali-dali kong in-open ang cellphone ko at idinial ang numero niya.

"Hello," malambing na boses niya ang agad na sumalubong sa akin pagkasagot niya sa tawag ko.

"L-Lexus..." nanginginig ang boses ko habang binabanggit ang pangalan niya.

"Hey, why? Are you okay?"

"L-Lexus! Please, c-come home! I-I'm s-scared!" hindi ko na maisabi nang maayos ang mga salitang iyin dahil sa labis na panginginig ng labi at buong katawan ko.

Ilang minutong walang nagsalita sa kabilang linya. Natatakot ako para sa sarili ko, alam kong ako ang pakay nila! Natatakot akong makuha nila, hindi! Ayoko pang mamatay! Pahihirapan nila ako. Hindi ako makakapayag! Hindi pa ako handa, hinding-hindi ako magiging handa.

Nang ibaling ko ang tingin ko sa labas ay halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Nakangisi na siya sa akin habang nakatutok sa akin ang baril na hawak niya. Kulang na lang ang iputok iyon.

Nabitawan ko ang hawak kong cellphone kahit sobrang higpit na ng hawak ko roon. Hindi ko na rin narinig pa ang sagot ni Lexus.

He slowly pulled the trigger and I shut my eyes tightly, waiting for the bullet to hit me.

Seconds has passed pero walang tumama sa akin. I slowly open my eyes and I saw the man lying on the ground with his own blood covering him.

My mouth parted in shock when I saw the man in his back. He shoot the man before the man can shoot me.

"L-Lexus," tawag ko sa pangalan niya. Anger was written all over his face habang nakatutok pa rin ang baril sa lalaki.

Napatingin ako sa paligid, lahat nang mga aramadong lalaki kanina ay nakahundasay na sa lupa at duguan. Muli ay napatingin ulit ako kay Lexus na mataman nang nakatingin sa akin.

Dali dali siyang tumakbo paloob at saka ako niyakap nang mahigpit. I gently closed my eyes as my tears flow down.

"Are you okay?" nag aalalang tanong niya. Amoy ko ang lansa ng dugo na tumilamsik sa kaniyang katawan ngunit ipinagsawalang-bahala ko iyon.

Nanginginig pa rin ang katawan ko sa takot. Hindi ako sumagot at niyakap lang siya nang mahigpit pabalik. Tahimik akong humikbi sa kabila nang panginginig ng labi ko.

Ngunit nang sandaling makulong ako sa bisig niya, pakiramdam ko ay umaliwalas ang pakiramdam ko. 

For the first time, I felt safe in someone's arms.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
buti nagawa mong makatawag celeste at mabuti mabilis na nakarating si lexus
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status