Share

CHAPTER 14- HELL

Zayden Taylor:

Kapag may kinuha kang mahalagang bagay sa akin ay malalaman ko rin, Chaewon Jones. Stop provoking me.

Napangiwi ako nang mabasa ang text ng kugtong na lalaki. Tamang hinala talaga ito sa akin, eh. Well, yeah. May kinuha nga ako pero hindi naman siya sigurado kung ano 'yon. Hinuhuli lang ako ng isang 'to.

Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa. Bumaba na ako ng taxi.

Kagaya nang nakagawian ay naabutan ko na namang nagsisiumpukan sa gilid ng kalsada ang mga kasambahay ng kapit-bahay ko.

Si Ate Isay, Pau at Myrna. Sa tagal nila rito ay kabisado ko na rin ang mga pangalan nila. Mukhang may loyalty sila sa kanilang mga amo.

Lumapit ako sa kanila dahil nasa tapat ng katapat na bahay ko lang naman sila nagme-meeting.

"Hey," intrada ko pa. Mukhang nagulat pa silang lahat.

"Good morning, Ma'am Ganda," sabay-sabay nilang bati.

"Anong nangyari sa..." Siniko ni Ate Isay si Ate Pau na siyang naging dahilan para matigil ito sa pagtanong sa akin.

Alanganin naman akong napangiti. "
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status