Share

CHAPTER 5- FLOCK TOGETHER

Napasunod ako ng tingin kina Zayden at Kiana na palabas ng resto. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa katotohanang bagay na bagay silang dalawa.

Ang akala ko ay si Cindy Dantes ang girlfriend niya? Ang bilis talagang magpalit ng babae ng lokong iyon.

Tumikhim si Briana kaya agad kong inalis ang aking paningin sa dalawa.

"Ayos ka lang, Miss Jones?"

Itinuon ko ang aking atensiyon sa babaeng kaharap ko. Nahuli ko pa itong titig na titig sa akin na para bang kinakabisa ang bawat anggulo ng aking mukha.

"Ah, yeah. I'm fine. Tapos ka na rin bang kumain? Puwede na tayong pumunta sa bar na sinasabi mo," nakangiti kong sabi.

"Yeah, sure. Uhm, bill please?" sabi pa nito.

Nang iabot ng waitress ang bill namin nagkatitigan pa kami. Mas mabilis akong kumilos kaya ako ang nakakuha nito.

"Ako na ang magbabayad," sabi ko pa.

Umiling naman ito at sinubukang kunin sa akin ang papel. "No, ako na. Ako naman ang nagyaya..."

Stubborn.

"Ako ang may-ari ng lugar na ito, Ms. Smith," kaswal kong sabi at kalmadong pinunit ang papel na hawak ko bago pa nito makuha sa akin. "Hindi natin kailangang magbayad," pagtatapos ko sa usapan namin.

Tumayo na rin ako kaya wala itong pagpipilian kundi ang tumayo na lang din. Sumenyas akong mauna na siya. Marahan itong tumango at naglakad na palabas ng resto.

"Magkita na lang tayo sa bar," suhestiyon ko pa dahil may sari-sarili naman kaming sasakyan.

"Okay," nakangiti nitong sagot.

She's kind and looks fragile. Paano siya naka-survive sa industry namin sa ganitong behavior?

O baka ganito talaga atake niya sa mga ka-negosyo niya? Kailangan kong makabisa at malaman ang strategic ng isang ito.

Hindi na rin masamang matuto sa paraan ng iba kung paano manatiling buhay at nakaangat sa industriyang ito. Mas matuto nga talaga tayo kapag maraming nakapalibot sa atin. Mabubuti o masasama man sila.

Sabay na kaming pumasok sa mga sasakyan namin. Nauuna ang slot na nakuha niya para paradahan ng sasakyan kaya siya ang mauunang lalabas ng parking lot kaysa sa akin.

Napakunot-noo ako dahil tatlong minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin umuusad ang sasakyan nito. Wala akong choice kundi ang bumaba at kinatok ang bintana nito.

"Hey, what's wrong?" bungad kong tanong nang pagbuksan ako nito.

"I don't know. Hindi nag-i-start ang engine ng car ko," sabi nito sa nadidismayang tono.

"Really?" nakakunot-noo kong tanong.

Baka naman may sumabotahe sa kaniyang sasakyan. Hindi rin naman imposible iyon dahil ilang beses ko na rin ba itong naranasan? Ang daming beses na rin. Darating ako sa isang lugar na maayos na maayos ang sasakyan ko pero uuwing naka-grab o taxi na lang.

Sadyang mga salbahe ang mga taong hindi masaya sa tagumpay ng iba kaya gagawa at gagawa ng paraan kung paano sila magiging masaya kahit sa simpleng pananabotahe lamang.

"Yeah. Hindi ko rin alam. Bago naman itong sasakyan ko at ayos na ayos naman ito kanina."

Saglit kaming nagkatitigan. Pinigilan kong mapabuntonghininga. Kung wala lang akong kailangan sa kaniya ay iiwan ko na talaga siya at uuwi na lang. Marami pa akong dapat na asikasohin. Idagdag pa na nararamdaman ko na naman ang hapdi ng sugat ko sa aking balikat.

"Sumabay ka na lang sa akin. Lock mo lang itong sasakyan mo. Kung may mahalaga kang gamit ay dalhin mo na," sabi ko na lang.

Pwede ring itapon mo na lang din ang sasakyan mong ito sa bangin. Let's get this shit done. I'm tired!

Gusto ko iyong idagdag pero hindi ko magawa. Kailangan kong maging anghel sa harapan niya.

"Okay lang ba sa 'yo na sumabay ako?" alanganing tanong pa nito.

Pinigilan kong mapataas ng kilay. Hindi naman ako magsasabi ng gano'n kung hindi ako magiging komportable.

People are complicated.

"Bakit naman hindi? Tara na," yaya ko at ako na mismo ang nagbukas ng kaniyang pinto para makalabas siya. "Careful," paalala ko pa.

Nagpatiuna na rin ako papunta sa sasakyan ko. Binuksan ko muna ang bandang front seat at pinasakay ito bago ako umikot sa driver seat at sumakay na rin. Walang ingay na pinaandar ko na ang aking sasakyan palabas ng parking lot.

"Tama ba itong daan na tinatahak natin?" usisa ko sabay tapon ng tingin sa babae. Nahuli ko pa itong titig na titig na naman sa akin.

May problema ba ito sa mukha ko? Gusto niya bang maging kasing ganda ko? Hindi ko lang maintindihan kung bakit paborito yata nitong titigan o matulala sa aking mukha.

"Ah, pardon me? Hindi ko narinig ang tanong mo," sabi pa nito.

Bahagya akong natawa at napapalatak.

"Ayos ka lang ba? Alam kong busy kang tao pero ayos lang naman ang magpahinga. Mukhang lutang na lutang ka, eh," pandidiretso ko pa dito.

"Sorry, medyo stressful lang ang araw ko ngayon."

"Tama ba itong daan na tinatahak natin? Hindi pa ako nakapunta sa sinasabi mong bar."

"Ah, yeah. Tama naman."

Sinundan ko na lang ang direction guide. Mga 30 minutes lang din ang ginugol namin sa biyahe.

Maingat na ipinarada ko ang aking sasakyan sa parking slot na itinuro ng babae. Sinigurado ko ring lock ito bago iniwan. Sabay na rin kaming bumaba at pumasok ng bar.

"Uhm, Miss, VVIP room for us."

"Pasensiya na ho, Ma'am Briana pero ukupado na po lahat ng VVIP."

Nagkangitian pa kaming dalawa. Mukhang malas talaga kami pareho. O baka kaya minamalas ako dahil nakita ko na naman si Zayden Taylor sa resto kanina.

Nakakainis talaga ang lalaking iyon. Puro kamalasan na lang ang dala.

"Just in case we didn't receive your message..."

"Ah, no. Wala akong reservation. Nakalimutan ko rin at saka hindi rin kasi ako sigurado kung matutuloy kami rito ngayon."

"Kung gusto niyo po ay may VVIP extension room pa kami."

"Extension room? What's that? I mean, I am genuinely curious. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan," bulong ko pa kay Briana.

Mahina naman itong natawa at tinapik ang braso ko. "Dalawang grupo sa loob ng isang VIP room."

"Ah, pwede na rin siguro. Sa tingin mo?"

"Kung komportable ka..."

"Keri na rin," pamumutol ko sa sasabihin nito. "No choice at saka saglit lang naman tayo. Hindi ako puwedeng magtagal dito," dagdag ko sabay kibit-balikat.

"Okay. Kukunin na namin."

"Thank you, Ma'am. This way po."

Kaagad kaming sumunod sa waitress papunta sa sinasabi nitong extension room.

Pagkapasok namin ay kaagad na bumungad ang hindi naman kalakasang musika. Hindi rin gano'n kaliwanag.

"Bakante po ang isang table dito, Ma'am Bri," sabi pa ng waitress.

"Thank you," tipid namang sagot ni Briana. Iniwan na kami nito.

Inilibot ko ang aking paningin. Halos matumba pa ako dahil sa gulat nang magtama ang paningin namin ni Zayden. Sila ang umuukupa ng kabilang table.

What the hell?! Bakit nandito na naman ang kugtong na ito? Nakakainis naman talaga!

Inirapan ko siya at walang imik na pumuwesto sa bakanteng table. Ibinagsak ko ang sling bag ko. Mukhang nagtaka naman si Briana sa naging kilos ko kaya alanganin akong ngumiti.

"Maupo ka," sabi ko na lang.

"May problema ba? Hindi ka ba komportable dito?"

"Hindi naman sa gano'n. Naninibago lang ako sa lugar na ito. Don't mind me," sabi ko.

Tumango na lang ito at um-order na lang din. Maya-maya ay may nag-serve na rin sa amin ng wine at kung ano-ano pa sa table namin. Agad kong binuksan ang isa at nagsimulang uminom.

"Hey, hindi ba at si Zayden Taylor iyang nasa kabilang mesa?" usisa ni Briana. Nangungumpirma ang tono.

Hindi naman ako nag-abalang tingnan pa ang tinutukoy nitong lalaki. Masisira lang lalo ang gabi ko.

"I don't know. Maybe?" pagkakaila ko naman.

Hindi naman kasi alam ng lahat na may nakaraan kami ng lokong ito. Mas maigi na rin iyong walang dahilan para ma-link kami sa isa't-isa.

"Chaewon?"

Napaangat ako ng tingin dahil sa bumanggit sa aking pangalan. Mukha ni Kiana ang bumungad.

"Chaewon Jones, right?" dagdag pangugumpirma nito.

"Ah, right," tipid kong sabi at umaktong hindi ko ito nakikilala. "Paano mo ako nakilala?"

Tumawa naman ito. "It's me. Kiana Maidena. Remember me?"

"Ah, wait. Your name is kinda familiar," sabi ko pa. "Saan ba tayo nagkita? Business meeting ba?"

"No, schoolmates tayo dati. I mean, batchmates."

"Ay oo nga, 'no? Yeah, naaalala ko na. Pasensiya ka na. Hindi ko na gano'n natatadaan ang high school days ko."

"Okay lang," nakangiti nitong sabi. "Hindi kita nakalimutan dahil palagi kang nasa front page ng newspaper."

Natawa naman ako. "Grabi ka naman, Kiana. Hindi naman palagi. Once or twice a month lang naman."

"Ah, right. My bad," agad niyang bawi. Sabay pa kaming natawa. Napansin kong tahimik lang si Briana.

"This is Brianna Smith. Kaibigan ko," pakilala ko pa sa isa. Mukhang nagulat pa ito sa huling dalawang salitang sinabi ko.

Right. Hindi naman talaga kami magkaibigan. May kailangan lang ako sa kanya.

"Oh, a bird of a feather flock together. I mean, pareho kayong maganda at mayaman."

Pagak namang natawa si Briana. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig dito dahil sa naging reaksyon nitong iyon.

"Mukhang interesado ka talaga sa mga mayayamang tao, 'no?" sabi pa nito kay Kiana.

"Excuse me?" asik naman ng isa.

May balak pa yata silang mag-away sa harapan ko. Iyon pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang may mag-away sa harap ko dahil sa walang kwentang rason o usapan.

Napahilot ako sa aking sentido at pabagsak na inilapag ang wine glass na hawak ko. Akmang magsasalita na ako para supalpalin ang dalawa nang may magsalita na lang bigla.

"Kiana, halika na." Boses iyon ni Zayden. "Bago ka pa kagatin ng isa sa kanila," dagdag niya sabay tingin sa akin. Hinawakan pa niya ang kamay ng babae at iginiya pabalik sa puwesto nila.

Kagatin?! Anong tingin niya sa akin? Aso?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status