Share

CHAPTER 3- DETHRONE

Bitbit ang isang libro na pinamagatang How To Get Revenge ay lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa living room. Halos isang buwan din akong nag-recover sa tinamo kong saksak noong nakaharap ko sa Lavioza.

Hindi nga talaga biro ang lason na ginamit sa akin ng lalaking iyon. Kaya rin pala siguradong-sigurado ang tono ng pananalito niyon nang sabihing magkita na lang kami sa impiyerno.

Well, ang swerte ko kasi hindi pa ako pumasa sa trial ni Kamatayan. Na-extend pa ang kandila ng buhay ko rito sa mundo.

Binuksan ko na rin muna ang TV para malaman kung ano na ba ang nangyayari sa mundo. Ilang araw na akong hindi updated sa mga current news. Masyado akong na hook sa binabasa ko.

Napakagat ako sa aking bibig at inayos ang suot kong eye glasses nang makita na naman sa TV screen si Zayden Taylor. Napakaaliwalas pa ng mukha nito na para bang isang anghel.

Anghel? He's a devil in disguise, everyone!

Nitong mga nakaraang araw ay mas naging matunog na naman ang kaniyang pangalan sa business industry dahil siya na ang nangunguna sa listahan ng billionaires sa bansa. Aaminin kong mas naiirita ako sa katotohanang iyon. Hindi ko tanggap na pumapangalawa na lang ako sa kanya.

Kung hindi lang talaga ako napuruhan ng Lavioza na iyon! Nakakairita!

"Welcome to The Billionaire show! Today, we have the extraordinary billionaire, Zayden Taylor, joining us!"

Namayani naman ang masigabong palakpakan mula sa studio audience nila. Nailing na lang ako. Dinaig niya pa ang isang celebrity.

Seated on the couch in the living room, I decided to watch his interview. Unintentionally, I let out a mocking laugh as I observed the female host nearly drooling while shaking hands with him.

It has been six years since we parted ways, yet I still keep tabs on his life. Whenever boredom strikes and I see him reveling in his full life, I transform into a media whistleblower to slightly diminish the joy he's experiencing.

"Kamusta ka, Mr. Zayden Taylor?" kaagad na tanong ng host nang makaupo na siya.

"I'm feeling great," nakangiti niya pang sagot. Napaismid lang uli ako.

Great, huh? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pang-aalipusta mo sa akin ng gabing iyon, Zayden Taylor! Ngayon na magaling at malakas na uli ako ay humanda ka na!

"Siyempre naman dahil ikaw na ang pinakamayamang tao sa bansa at kasali ka rin sa top 20 richest people in the world. Grabi!"

Napairap ako nang mamayani ang malakas na tilian at meron pang nagcha-chant ng kaniyang pangalan.

"Anong feeling na na-dethrone mo si Ms. Chaewon Jones? You know, siya ang may hawak ng titulo mo ngayon."

Dethrone? Ha! Saan ba nakatira ang host na ito at nang mapadalhan ko ng bomba?

"I don't know. Ano ba dapat ang ma-feel ko? For sure, pareho naman kaming hard working."

"Kung sabagay, and just to be cleared lang din, hindi naman din bumaba ang record ni Chaewon Jones. Sadyang tumaas ka lang..."

"Nang kaunti lang din naman," pamumutol niya sa lintanya ng host.

"Right. Change topic na tayo at bago pa maisip ng lahat na nagkukumpara tayo rito."

Buti naman at nahalata ninyo. May utak pa pala kayo, 'no?

"Right."

"So, let's start the real Q and A portion. Are you ready?"

"Always."

"Mr. Taylor, how do you manage to balance your demanding career with your personal life?"

"It's all about prioritizing and time management. I ensure that I allocate specific time slots for work, family, and personal pursuits. This helps me maintain a healthy balance and focus on what truly matters."

Healthy balance my foot.

Kung sabagay, kahit gaano pa siya kaabala sa kanyang mga negosyo ay may oras pa rin siyang magpalit-palit ng babae.

He's a total jerk. Tsk.

"Impressive! Now, let's delve into your journey. How has your career impacted your approach to relationships and finding love?"

Love o lust? Pagak akong natawa at sabay iling.

"Building a successful career requires dedication and hard work, but it's crucial not to neglect personal relationships. I've learned to surround myself with people who support my ambitions and understand the demands of my career. It's about finding a partner who complements your lifestyle and shares similar values."

"Wise words, Mr. Taylor! Thank you for sharing your insights with us."

Ha! Wise words from a womanizer like him!

Walang ganang pinatay ko ang TV at tumayo. Hindi ako sigurado kung live o recorded ba ang interview niyang iyon. Hinigit ko ang aking cellphone at tinawagan si Xia.

"Ma'am Chaewon?" bungad naman nito. "Do you need anything, Ma'am?"

Marahil ay nasa isang conference room ito ngayon dahil sa pormal na tono na ginagamit nito sa akin.

"Recorded ba ang lahat ng episode sa The Billionaire Show?" direktang tanong ko. Saglit namang natahimik ang kabilang linya.

"Depende ho, Ma'am Jones. Ang iba ay live at meron namang recorded. Bakit? Nakatanggap ka rin ba ng invitation?"

"Ah, hindi. Naitanong ko lang."

"May video message na ipinadala si Zayden sa 'yo. Mamaya ko pa sana i-send pagkatapos ng meeting namin pero dahil napatawag ka ay i-send ko na lang din ngayon," bigay-alam nito sa akin.

Video message? What's for?

"Okay. Send it to me."

"Okay. And one more thing, he rejected your online appointment request with him."

"Na naman?! Aish, that jerk!" bulyaw ko pa.

"Naglagay din siya ng note na kung gusto mong magpa-set ng appointment ay ikaw mismo ang pumunta sa kanyang office."

"As if," may diin kong asik.

Kaagad kong pinutol ang tawag at naiiritang binuksan ang video message diumano ng lalaki.

("Ikaw na ang magsabi noon na huwag na tayong magkita pa kahit na kailan, Chaewon Jones. Pero kung gusto mo talaga akong makita ay ikaw mismo ang pumunta...")

Pagak akong natawa at hindi na tinapos pang panuorin iyon. Sunod kong tinawagan ay si Lavender. Agad naman nitong sinagot ang tawag ko.

"He has an urgent meeting today with Mr. Wei Yang at Crocus East Building. They are on the way to the venue. Just in case you need a tip. Mad Vulcanizing Shop is the best spot to shot someone. It closed a month ago. Mas maigi ring gumamit ng motor at marating ang shop sa loob ng 20 minutes."

Pinatay ko na ang linya sabay ngisi. Pumasok ako sa dressing room ko at binuksan ang isang kabinet. Bumungad kaagad ang collection ko ng leathers garments.

Kumuha ako ng jacket at pants na saktong-sakto lang sa aking katawan. Pinaresan ko ito ng komportableng boots. Pagkatapos kong maisuot ito ay hindi ko nakaligtaang magsuot ng itim na face mask at itinali nang mahigpit din ang aking buhok. Mayroon din akong vision at audio enhancer.

Kinuha ko rin ang isa sa bago ngunit murang helmet ko. Hindi ako puwedeng maglabas ng branded helmet dahil tiyak hindi ko na ito maiuuwi pa. Pasipol-sipol na binitbit ko ang helmet sa silid kung saan naka-park ang iba't-ibang klase ng aking motor. Pinili ko rin ang pinakamabilis at iyon ang inilabas.

Mabilis pa sa hangin ang aking pagmamaneho papunta sa tinutukoy na lugar ni Lavender. Hindi ko ininda ang traffic para marating ko kaagad ang shop bago pa dumaan doon ang sasakyan ni Zayden.

Ipinarada ko ang aking motor sa liblib na lugar na hindi rin naman malayo sa vulcanizing shop. Nang masiguro kong ligtas na itong iwan ay patakbo akong pumunta at pumasok sa shop.

Naghanap ako ng magandang pwesto. Ilang metro lang naman ang layo nito sa kalsada at madalang din ang sasakyan na nadaan.

It's a perfect place to kill, indeed.

Inilibot ko pa ang aking paningin. Nang makita ko ang isang lagusan papuntang likuran ng shop ay patakbo kong nilapitan iyon at binuksan na.

Napanganga pa ako dahil bangin pala ang tatalunan ko kapag hinabol na

naman ako ng tauhan ni Zayden Taylor.

Hindi naman ito ang unang beses na pagtatangkaan ko ang kaniyang buhay. Maraming beses na at sa iba't-ibang paraan iyon. Hindi rin naman lingid sa aking kaalaman na gano'n din ang ginagawa niya sa akin. Maswerte lang kami pareho dahil hindi pa kami tuluyang sinusundo ni Kamatayan.

Nang makarinig ako ng paparating na sasakyan ay kaagad akong bumalik sa aking puwesto at inihanda ang aking baril para umasinta. Matunog akong napangisi nang bumungad sa aking paningin ang lalaking target ko.

"Heto na, Zayden. Ako na mismo ang pumunta para makita ka lang," sabi ko pa.

Kaagad kong binaril ang pwesto niya. Dahil sa special bullet na gamit ko ay kaagad kong nabasag ang salamin ng kaniyang sasakyan. Lahat sila ay naalarma. Ang pangalawang bala ay alam kong tumama iyon sa kaniyang braso. Nagsimula na rin silang magkagulo.

Buong lakas kong inihagis sa kalsada ang dalawang DZEQ Bomb. Maliit lang iyon pero malakas at mapanganib din.

"Fuck!" rinig kong mura ni Taylor at napangitin sa aking kinaroroonan.

Dalawang magkasunod na bala pa ang aking pinakawalan at kaagad na tumakbo palabas ng shop dahil alam kong pauulanan nila ako ng bala. Hindi nga ako nagkamali. Tumama pa ang isa sa aking balikat. Wala akong pagpipilian kundi ang tumalon na lang para hindi nila mahuli ng buhay. Tubig din naman ang aking kababagsakan. Ipinapanalangin ko na lang na malalim ito.

Nakahinga ako nang maluwag nang tumama sa tubig ang aking katawan. Malalim din ang parte na aking kinabagsakan.

Nanuot pa sa aking sugat ang lamig. Maging ang kakagaling ko lang na sugat sa tagiliran ay mukhang nagambala rin dahil sa lakas ng epekto ng pagkabagsak ko sa tubig.

Ilang minuto pa akong nangilid lang sa ilog at nagtago sa mga talahib na tumatawid sa tubig sa sobrang yabong.

Nang maalala ko ang mukha ni Zayden na impit na napahiyaw sa sakit ay napahalakhak na lang ako sa kabila ng hapdi na nararamdaman ko sa aking balikat.

What a fantastic shooting display, Zayden Taylor. It was truly satisfying. Once I have what I need from you, my gunshot will hit you square in the head.

Pagkalipas ng ilang minuto at nang masiguro kung wala na sila ay umahon na ako at pumanhik sa kinaroroonan ng aking motor.

"Sabi na nga ba."

Napapitlag pa ako dahil sa nagsalitang iyon. Napalunok ako nang makita ang pigura ng lalaking nasa TV pa lang kanina. Ang lalaking tinamaan ng aking bala kani-kanina lang din.

Napadapo ang aking tingin sa may benda niyang balikat. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon sa kaniyang presensiya ngayon.

"Oh, hi, Zayden Taylor. It's been a while, right?" nakangiti kong sabi. Napansin ko ring napatingin siya sa sugat sa aking balikat. "Oh, patas lang tayo, 'di ba? Hindi kita kinasuhan ng sexual harassment kaya siguro naman ay hindi mo ako kakasuhan ng attempted murder? You can sue me, anyway. May tama rin ako, puwede kong baliktarin ang sitwasyon," paalala ko pa sa bandang huli.

"Patas? Nakadalawang tama ka sa akin at ako ay isa lang."

"Hindi ko na kasalanan kong mahinang nilalang ka. Hindi pa nga kita pinuruhan, eh. Nagpa-practise lang nang dumaan kayo," deklara ko sabay ngisi. "Congratulations nga pala, number 1 ka na. Bakit hindi sagutin ngayon ang tanong ng host sa 'yo? Anong feeling ng ma-dethrone ako?" matabang kong sabi.

"Anong feeling? Bakit hindi ikaw ang sumagot niyan, Chaewon Jones? Anong feeling na mabaril ako, ha?"

Napaatras pa ako nang magbunot siya ng baril. Atras-abante lang ang naging ganap namin hanggang sa wala ng espasyo pa para umatras ako. Kapag ginawa ko iyon ay mahuhulog na naman ako, bagay na hindi ko gagawin dahil malapad na bato na ang kababagsakan ko.

Nagkamali ako ng puwesto ng motor ko. Tsk!

Tumama ang dulo ng kaniyang baril sa dibdib ko mismo. Pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga dahil sa pagdidirilyo ng aking sistema. Napalunok ako at ikinalma ang aking sarili.

Hindi niya pa ako papatayin ngayon dahil may kailangan pa siya sa akin. Sa loob-loob ko ay pinagtatawanan ko lamang siya.

"Bakit hindi mo ituloy? Wala namang makakaalam kung papatayin mo ako rito, Taylor," hamon ko pa.

Walang emosiyon ang kaniyang mukha kaya hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan ngayon.

"I am not a killer, Chaewon. Isa pa ay kapag pinatay kita, hindi ko na makukuha pa ang blueprint sa 'yo, 'di ba? Kapag pinatay mo rin ako ay hinding-hindi mo na malalaman pa kung sino ang pumatay sa ina mo. Alam mong nasa akin ang lahat ng kailangan mo para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Tita Chelzea..."

Hindi niya na naituloy pa ang kaniyang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya. Bahagya pang tumabingi ang kaniyang ulo. Nasaksihan ko kung paano siya nagpakawala ng mapait na tawa.

"Wala kang karapatang tawaging 'tita' ang ina ko. Fine, 'tsaka na lang natin patayin ang isa't-isa kapag nakuha na natin ang kailangan natin sa isa't-isa," asik ko na lang.

Hinawi ko siya para makadaan ako. Sinadya kong tamaan ang kaniyang sugat sa balikat. Sumampa na ako sa aking motor at bago ko isinuot ang helmet ko ay tinapunan ko pa siya ng tingin. Nakatalikod pa rin siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang kaniyang pagmumukha.

"Aren't you trying so hard to stop the investigation into my mother's case? I can't help but wonder why. And do you want to know what is the one and only thing that always comes to my mind?"

Bahagya siyang napapihit papaharap sa akin pero hindi iyon sapat para magtama ang paningin namin.

"Hindi ka naman interesado sa sasabihin ko, 'di ba?" saad ko na lang at isinuot na ang helmet. Mabilis pa sa hangin na pinaharurot ko ang aking motor papalayo.

Sa bandang huli ay alam ko namang sa impiyerno lang din ang bagsak namin pareho. Susulitin ko ang pagiging demonyo ko pagdating sa lalaking iyon. Kailangan niyang magbayad sa ginawa niyang pangtatraydor sa akin.

Well, ngayon pa nga lang ay pareho ng impiyerno ang ginagalawan natin, Zayden Taylor. Kung meron mang dapat na sisihin sa lahat ng nangyayaring ito sa pagitan natin ay ikaw iyon.

Son of a bitch!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status