Share

CHAPTER 2- NIGHT INTRUDER

"Ang lason na ginamit ay kadalasang ginagamit ng isang mafia lord para patayin ang kaniyang kaaway. Ibig sabihin ay isang mafia ang naka-engkwentro ni Ms. Jones," rinig kong sabi ni Doc Kristof.

"Nalunasan mo na ba ang sinasabi mong lason? Okay na ba si Miss Jones?"

"Mabuti na lang at may lunas ako para sa ganitong klase ng lason dahil hindi na ito ang unang beses na naka-encounter ako ng ganito. Sa ngayon ay kailangan niya lang ng pahinga at huwag munang gumalaw-galaw para hindi ma-pressure ang sugat."

"Salamat, Doc Kristof. Uhm, sa labas na lang tayo mag-usap," deklara ni Xia at inayos ang kumot na siyang tanging nagsisilbing saplot ko ngayon.

Nakadapa lang din ako para hindi ko madaganan ang aking sugat. Pakiramdam ko rin ay manhid at hindi ko maigalaw ang pang-ibabang katawan ko.

"Okay. Rest well, Ms. Jones. Don't worry, bukas ay wala na ang pangmamanhid sa katawan mo."

"Salamat, Doc," mahinang sambit ko.

"Mag-iingat ka palagi," sabi pa nito.

"Sa labas lang kami, Miss Jones. Don't worry. I'll settle everything. Just rest."

"Okay," tipid kong tugon.

Narinig ko rin ang mga hakbang nila papalabas ng kwarto ko. Imbes na mag-isip nang kung ano-ano ay ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaang lamunin ako ng antok.

Nagising ako dahil sa pagbukas ng bintana ng kwarto ko. Kahit sobrang hina lang niyon ay alam kong may taong pumasok.

Hindi ako puwedeng magkamali. Ilang dekada na akong nakatira sa pamamahay na ito at kahit kaibahan ng yapak ng butiki at ipis ay alam na alam ko.

Shit! Bakit nga ba nakalimutan kong ipa-lock ang bintana ng kwarto ko kay Xia?

Napalunok ako at ni hindi gumalaw. Nakapatay din ang ilaw kaya mas lalo pa akong kinabahan. Dahil pumapasok naman talaga ang sinag ng buwan dito sa loob ay hindi na rin kailangan pa ng ilaw ng intruder. Maaaninag pa rin nito ang kabuuan ng kwarto ko at maging ako na parang kahoy na nakatumba lang dito sa kama ko.

What if tauhan ito ni Lavioza at nandito ito para gantihan ako?

Nagsimulang kumalabog ang aking dibdib nang marinig ko ang mga yapak papalapit sa kama ko. Alam ko ring ingat na ingat ito sa bawat hakbang nito.

Damn it! Makakaligtas pa ba talaga ako sa pagkakataong ito?

Kahit gustuhin ko mang gumalaw at suriin kung sino ito ay hindi ko rin magawa dahil sa manhid pa rin ang kalahati ng aking katawan.

Bahagyang lumubog ang gilid ng kama ko, senyales na umupo pa ito.

Fuck! Wala pa naman din akong damit.

Ilang minuto rin siguro itong nanatiling nakaupo lang. Marahil ay mataman akong tinititigan. Hindi na rin ako nangahas na kausapin ito. Nagpanggap na lang akong natutulog dahil wala akong kalaban-laban ngayon.

Ilang minuto pa ay tumayo na ito. Narinig kong pinagbubuksan nito ang lahat drawer dito sa kwarto ko. Mukhang may hinahanap ito na kung anong bagay.

Son of a bitch! Pasalamat ka at inutil ako ngayon dahil kung hindi ay isusunod talaga kita sa amo mong si Lavioza!

Matapos ang mahihinang kalampag sa loob ng aking kwarto ay sinundan iyon ng nakakabinging katahimikan. Pinakiramdaman ko pa ang buong silid.

Umalis na ba ang taong 'yon?

Nagkamali ako nang isipin kong oo dahil maya-maya ay bumalik na naman ng upo sa gilid ng aking kama ang lapastangan na nanloob sa teritoryo ko ngayon.

Tinanggal nito ang kumot na nakatabing sa hubad kong katawan. Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ko sa aking isipan.

Kasunod niyon ay ang paglapat ng kamay nito sa aking likuran. Hinaplos-haplos nito ang aking likod.

Shit! Damn it!

Sa paraan ng paglalandas ng mga daliri nito sa balat ko ay alam na alam ko na kung sino ito. Hindi pa rin nagbabago ang lambot ng mga kamay nito na minsang nagpapabaliw sa akin noon.

Ha! I'll kill you, Zayden Taylor. Just wait. Hindi mo makukuha ang pakay mo sa pamamahay na ito. Hindi ako baliw para dito iyon itago.

Sino pa nga ba ang mangangahas na pasukin ang aking teritoryo at mangalkal ng mga gamit ko? Paniniguradong hinahanap niya ang blueprint.

"Fuck you, Zayden Taylor," mahina kong sambit. Hindi ko na napigilan ang sarili kong murahin ito kahit na hinang-hina pa ako.

Sa kabilang banda naman ay nagpapasalamat ako na siya lang pala ang nanloob sa kwarto ko at hindi ang tauhan ng mafia lord na iyon.

Mahinang tumawa pa ang kugtong. "I heard what happened to you. Hindi ka magalaw, 'no?" nang-aasar pa ang tono nito.

"I'll kill once na nakatayo ako sa kamang ito," may diing kong banta sa kanya. "Sumusugod ka sa ganitong hindi ako puwedeng tumayo at walang laban sa 'yo? Wala ka pa ring pagbabago. Duwag ka pa rin."

Tanging tawa lang din ang kanyang iginanti. Sunod na lumapat sa bandang batok ko ay ang kanyang labi. Napapikit ako at pinigilan ang sariling magpakawala ng kahit na anong tunog.

"Stop. It. Zayden."

"Alam nating pareho na sa ganitong sitwasyon lang kita mahahawakan nang ganito, Chaewon. Bakit ko ititigil, ha?"

Tumabi pa siya ng higa sa akin at ipinulupot sa aking katawan ang kanyang kamay. Naramdaman ko ang init ng kaniyang katawan. Napansin ko ring iniiwasan niyang masagi ang sugat ko.

"Goodness, I missed you so much," sabi niya pa sa paos na tono.

His hand went up and squeezed my right breast. It was just gentle. I held my breath to resist his teasing.

"May balak ka bang pagsamantalahan ako, ha?" sarkastikong tanong ko habang nilalabanan ang inis na aking nararamdaman para sa aking sarili.

Kung hindi sana ako naging kampante sa harap ni Lavioza ay hindi ito nangyayari sa akin ngayon.

You're idiot, Chaewon Jones! Now, taste your own stupidity!

"Gusto mo ba?" tanong niya naman at kahit hindi ko nakikita ang kaniyang mukha ay alam kong nakangisi siya.

"Hindi ka pa ba kontento sa kaliwa't-kanan mong pambababae?"

"Look who's talking. Ilang lalaki na ang nakasama mo sa kamang ito, ha?"

"Hindi ko na mabilang pa," kaswal na sagot ko kahit ang totoo ay hindi naman ako nakikipag-sex dito sa kwarto ko mismo. May sarili akong kwarto para sa panandaliang kasiyahan lamang.

"I want to kill them all, Chaewon. Gusto mo bang isa-isahin ko sila?"

"Tarantado ka," asik ko na naman. "Huwag mong pakialamanan ang buhay ko, Zayden. Kahit patayin mo pa silang lahat ay walang magbabago. Traydor ka pa rin sa buhay ko."

Nakahinga lang ako nang maluwag nang kumalas na siya sa akin. Kumalma na rin ang aking dibdib.

"This is not exciting at all, Chae," rinig kong aniya.

Napalunok naman ako. Dahil sinabi niyang iyon ay alam kong hindi pa siya tapos. May binabalak pa siyang gawin sa akin.

"What the fuck, Zayden? Do you really want to die?" asik ko. Ni pagtaas ng boses na hindi ko magawa.

Ipinatihaya niya ako at nilagyan ng unan ang bandang balakang ko para kahit papaano ay may agwat ang kama at likuran ko. Sa gano'ng paraan ay hindi ko rin madadaganan ang sugat ko. Aaminin kong mas komportableng posisyon pa nga ito.

This guy is surely knows a lot. Bwisit!

"Feeling better now?" usisa niya pa. Hindi naman ako umimik. "Alam mong magaling ako sa kahit anong posisyon," dagdag niya pa sa nang-aasar na tono.

Nakagat ko ang aking labi nang marahang naglakbay ang kaniyang daliri sa sensitibong parte ng aking katawan. Pigil-hininga rin ako para hindi makagawa ng kahit anong ingay.

"So wet, babe," bruskong bulong niya sa akin.

Pinaikot-ikot niya pa ang kaniyang dalawang daliri. Dahil sa manhid ang aking katawan ay ni pagliyad ay hindi ko kayang gawin. Iyon ang dahilan kung bakit tila isang parusa ang ginagawa niya sa katawan ko ngayon. Para bang sinisigaan ang buong sistema ko.

"U-ugh, s-stop it, Zayden Taylor."

Balak yata akong patayin nito sa sarap ng pakiramdam. Ang hirap pala kapag hindi man lang makapagtugon nang maayos ang katawan ko.

"I won't stop. Not until you cum for me, Chae."

"What do you think you're doing, huh? This is sexual harassment..."

"I am doing it so gently, not in a violent way tho. I'll make sure na mag-e-enjoy ka," bulong niya na naman at dinilaan ang tainga ko.

Shit! Shit! This is driving me crazy!

Muli akong napaungol nang lumapat ang kaniyang dila sa dibdib at hanggang sa dalawang sensitibong parte ko. Pinaikot-ikot niya pa ang kaniyang dila doon. Sinabayan pa iyon ng kaniyang malikot at mabilis na daliri sa aking baba.

Aish! You're driving me wild again, Taylor!

Simula nang maghiwalay kami ay meron na rin naman akong nakaka-one night stand at lahat sila ay magagaling sa kama pero bakit iba talaga ang dating ni Zayden Taylor sa sistema ko? Ganito pa nga lang ay nababaliw na ako...

Nakakainis man aminin pero ang sarap ng pakiramdam ng kaniya ginagawa.

Pull yourself together, Chaewon Jones! Don't let your guard down.

"Tell me now, Chaewon Jones. Ititigil ko ba?" nang-aasar niyang bulong sa akin.

Mariing napapikit ako at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong sabihin ang totoong sagot ko sa kaniyang sagot.

"Naghihintay ako sa sagot mo..."

Napatigil siya sa kaniyang ginagawa dahil sa mga yapak na naririnig namin na papalapit sa akin kwarto. Napangisi naman ako.

Perfect timing, Xia.

"You should leave or... die here, Zayden," nakangisi ko pa ring sabi.

Kasunod niyon ay ang dalawang katok. "Papasok ako, Ms. Jones. Kailangan mong uminom ng gamot," saad pa ni Xia.

Mabilis pa sa hangin na naibalik niya ako sa dati kong posisyon. Ibinalik niya rin ang kumot na nakatabing sa buong hubad na katawan ko at sa isang kisap-mata ay nagawa niyang lumabas uli sa bintana.

Limang segundo lang simula nang makalabas siya ay bumukas naman ang aking kwarto. Napapikit pa ako dahil sa pag-on ni Xia ng ilaw.

"Gising ka ba?" tanong pa nito.

"Hmmm," tipid kong sagot.

"Wait... Anong nangyari dito?! Oh my god! Napasok ka ba, Chaewon?!" nagpa-panic na tanong nito.

Mariin naman akong napapikit. Hindi puwedeng malaman nito ang ginawa sa akin ni Zayden. Mapapahiya ako.

"I don't know. Kakagising ko lang din nang marinig ko ang katok mo," palusot ko pa. "Bakit? Ano bang nangyayari?" maang-maangan kong dagdag tanong.

"Ang gulo ng kwarto mo. Lahat ng drawer mo ay bukas. Saglit lang at susuriin ko kung may gamit ka bang nawala."

Tanging ingay na ginagawa lang nito ang sunod kong narinig. Hindi pa rin ako nakaka-recover sa katarantaduhan ni Taylor.

"Wala namang nawala sa gamit mo. Check ko muna ang CCTV," sabi nito at lumabas na ng kwarto ko.

Napamura na talaga ako nang sunod-sunod sa aking isipan. Kailangan ko na sigurong lagyan ng window grills ang lahat ng bintana ng pamamahay ko para kahit makalimutan kong mai-lock ang mga ito ay safe na safe ako. Lalo na sa Zayden Taylor na iyon.

Hintayin mo lang talaga na gumaling ako Zayden! I'll kill you!

Maya-maya pa ay bumalik na si Xia. Narinig ko ang buntonghininga nito.

"May nahagip nga na tao sa harap ng gate pero isang minuto lang din at nawala ito. Wala rin namang CCTV dito mismo sa bedroom mo kaya wala rin tayong makuha. Saan kaya dumaan ang lokong iyon?"

"Nai-lock mo ba ang bintana ko?" inosente ko pa kunwaring tanong.

Agad naman nitong sinuri ang mga bintana. "Ay, damn it! Hindi naka-lock ang isang ito. Malamang ay dito nga dumaan iyon. Magpapadagdag na ako bukas ng CCTV sa MDC Agency. Palalagyan ko na rin dito sa likuran para wala ng ligtas ang mokong na iyon."

Hindi na lang ako umimik pa. Hinayaan ko na lang itong mag-rant nang mag-rant.

"Oo nga pala. Uminom ka na muna ng gamot."

Tinulungan ako nitong makaupo. Manhid pa rin talaga ang kalahating katawan ko. Kaagad kong ininom ang gamot na ibinigay nito.

"Kamusta ang usapan ninyo ng doktor?"

"Settled na ang lahat. Don't worry too much. By the way, do you know Briana Smith?"

Saglit naman akong natigilan. "I heard that she's currently one of the shareholders of FVF Company."

"She emailed you. She's saying something about the proposal? I don't know about it. Kayo lang ang nakakaalam tungkol doon."

Napalunok naman ako."Puwede mo ba akong dalhan ng laptop? I need to send her a response."

"Right now? Sa lagay mong 'yan? Bukas na lang, Chaewon. You need to rest. Makakapaghintay naman si Ms. Smith. Magpagaling ka muna para magawa mo ang gusto at dapat mong gawin."

"May balita ka ba tungkol sa meeting nila Taylor at Cavalier?"

"Ang sabi ni Lavender ay nagkasundo ang dalawa na gawin ang isang project. Masyadong confidential ang naging usapan ng dalawa kaya wala pa tayong impormasyon tungkol sa kung anong binabalak nilang gawin."

"Sino ang girlfriend ngayon ni Taylor?" pag-iiba ko sa usapan.

"Si Cindy Dantes, unica hija ng A-list celebrities na sina Hera Quezon at Paul Dantes."

Wala akong pakialam sa kung sino ang mga magulanf nito. Ang kailangan ko malaman ay kung ano ang trabaho nito mismo.

"And she is?"

"A brand endorser and fashion model."

"Okay," tipid kong sagot.

"Huwag mong sasabihing..."

"I-sabotage ang career ng girlfriend ni Zayden Taylor?" Bahagya akong natawa. "Hindi ko gawain 'yan, Xia. Alam mo 'yan."

"Ikwento mo 'yan sa mga namayapang dinosaur, Miss Jones. Baka sakaling maniwala sila sa 'yo"

"I want to sleep. Puwede ka ng lumabas. Turn off the light," pagtatabuyan ko pa rito.

Matunog na singhap naman ang pinakawalan nito.

"Ano na lang ang gagawin ko sa 'yo?" namomoblema nitong asik.

Hindi na ako umimik pa hanggang sa makalabas ito. Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan.

Hindi ko mapigilang maitanong kung sino ba ang magwawagi sa amin ni Zayden sa bandang huli.

I'm doing my best to stay alive. Matira ay matibay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hara Miya
excited ako sa update ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status