Dumiretso muna ako ng bahay para magpalit ng damit. Naalala ko kasing may dinner pa ako kasama si Briana Smith. Napabuntonghininga ako nang sumalubong sa akin ang isang nakakabinging katahimikan ng Jones' Mansion.
Kaya mas gusto ko pang nasa opisina ko ako o kaya ay nasa lugar kung saan puwedeng kong makaengkwentro si Zayden Taylor, eh.Napasinghap na lang uli ako at pumasok ng kwarto. Diretso ako hubad ng aking damit at walang saplot na naglakad papunta sa kabinet. May dressing room naman ako rito pero mas gusto kong may lagayan din ako ng damit dito mismo sa kwarto ko.Dahil sa suot kong vision enhancer na hindi naman nasira kahit na nabasa ito dahil waterproof naman din ay malinaw kong nakita ang sobrang liit na red light na nakadikit sa sara ng kabinet. Kapag walang suot na enhancer ay posibleng mapansin ko ito.Sinuyod ko ng aking paningin ang kabuuan ng aking drawer. Marahas pa ang pagkakatanggal ko ng aking mga damit at basta na lang ang mga itong pinagtatapon sa sahig."What the fuck?!" matunog kong mura nang makita ang isang spy camera.Ibig sabihin ay lahat ng galaw ko dito sa kwarto kong ito ay naka-monitor?Napatakbo ako papalapit sa malaking salamin na nakaharap pa sa shower room ko. Kapag hindi nakababa ang kurtina ay kitang-kita rin ako sa loob dahil glass wall lang din ito. Hindi rin tinted."Fuck!" muli kong mura nang isa pang spy cam ang na diskubre ko. Lumapit ako sa camera at masama ang titig na ibinigay dito. "Nag-enjoy ka bang pagnasaan ang katawan ko, ha?! Psycho freak! If you're watching right now, you better watch your back from now on, bitch. I'll hunt you down!"Kinuha ko ang mga naka-install na camera at inilagay sa isang box. Sinigurado ko ring naka-turn off na ito. Kaagad ko ring tinawagan si Xia at sinabi ang aking nadiskubre. Kaagad naman din naman ako nitong pinuntahan.Xia is my first cousin. Dahil malapit kami sa isa't-isa simula pa noong mga bata pa kami ay siya ang pinili ni Daddy na maging personal secretary at assistant ko. Kaya naman kahit gustuhin kong palitan siya kung minsan dahil hindi kami magkasundo sa ibang mga bagay ay hindi ko magawa dahil nasa last will and testament iyon ng ama ko."Sabi ko naman kasi sa 'yong mag-hire ka ng body guard, Chaewon, eh!" kaagad na panenermon nito sa akin.Napasinghap naman ako at pagak na natawa. "Para? Malaman ng magiging body guard ko ang lahat ng kilos ko sa pamamahay na ito? Para malaman nila kung sino-sino ang dinadala ko rito just for one night stand and stuff like that?"Nahilot naman nito ang kaniyang noo. "Diyos ka, Chaewon! What are you talking about?! Ang point ko ay para maging safe ka! Tingnan mo nga ang nangyari! Hindi mo man lang alam na pinagpipiyestahan na pala ang katawan mo ng hindi mo kilalang tao!"Napakuyom naman ako sa galit. "Use my money to find that son of a bitch, Xia!" bulyaw ko na rin.Napalunok naman ito at marahang tumango."Okay. Let's calm down. Ako na ang bahala. May iba ka pa bang ipapagawa?""Mag-hire ka ng agent at ipa-check mo ang kabuuan ng bahay na ito. Hindi na ako mapanatag pa hangga't hindi ako sigurado na wala ng spy tools sa pamamahay ko.""Will do that. Iyan din naman sana ang isusuhestiyon ko sa 'yo. Kasambahay, ayaw mo bang kumuha?""May weekly cleaning service ako," tanggi ko naman. "At kung gusto mong may kasama ako rito ay lumipat ka kung gusto mo," deklara ko pa bagay na ikinanganga nito.I don't trust anyone except her. May mga labas-pasok man sa pamamahay kong ito pero lahat sila ay may non-disclosure contract na pinipirmahan. Kahit ang mga naging boyfriend ko ay merong gano'n. I also made sure that no one can harm me in my own territory.Napatingin ako sa camera na nasa box. Kung sino man ang may-ari nito ay paniguradong hindi siya kasama sa mga binigyan ko ng permisiyon na pumasok dito."Paulanan mo ng CCTV ang bahay ko at ilagay mo dito mismo sa kwarto ko ang control," utos ko sa malamig na tono."Noted that. May alam akong agency na nag-o-offer ng hi-tech CCTV with danger alarm.""That's good to hear," tipid kong sabi.Dumaplis ang suot kong roba sa aking balikat. Napansin kong napadapo ang tingin nito sa tinamo kong sugat. Napatayo pa ito at lumapit sa akin para mas masuri nito ang aking balikat."What the hell? What happened? Bakit may sugat ka na naman?" asik ka naman nito sa nag-aalalang tono. "Pagkatapos ni Lavioza ay sino na naman ang nakasagupa mo, ha?!""Wala lang ito...""Anong wala, Chaewon? Gusto mo na ba talagang mamatay? Sabihin mo lang para ako na ang tumapos sa 'yo!"Natawa naman ako. Masarap pa rin sa pakiramdam na may nag-aalala sa 'yo kahit sa brutal na paraan."May nakakatawa ba sa sinabi ko?""Wala, Xia Carpenter. Nagka-engkwentro lang kami uli ni Zayden Taylor.""Aish, that jerk! Binaril ka niya?""Ng mga tauhan niya," pagtatama ko pa."Gano'n na rin 'yon! Ano na lang ba ang gagawin ko sa 'yo, ha? Paano kung napuruhan ka nila? Sa tingin mo ba ay makakauwi ka pang buhay?""Relax, Xia. I can handle it. Isa pa ay alam mo namang nabubuhay ako para higantihan si Taylor."I've been living in both heaven and hell since I became the CEO of my late father's company, CJ Company, one of the biggest running businesses in the world. While my father's main office was built in Hong Kong, I chose to establish my base here in the Philippines and build my own legacy.It's quite funny how Zayden Taylor, one of the youngest billionaires and named the hottest businessman in the country, used to be my partner in crime. However, as we grew up and realized that many things weren't working for us, we both decided to part ways and become each other's biggest rivals instead."Tsk! Ewan ko sa 'yo. What if si Taylor ang may gawa nito?" nagdududa pa nitong usal."Alin? Spy cam? I hate that guy so much but I know that he's not crazily perverted to the point that he would install these shits in my room. Just find out who is behind this," utos ko."Tuloy ba ang dinner ninyo ni Ma'am Briana?" iba nito sa usapan.Napasinghap ako bago nagsalita. "Yeah.""What's with the long face? Parang napipilitan ka na lang yata ngayon?""Gustuhin ko mang hindi sumipot pero hindi puwede. May kailangan ako sa kaniya.""Gaano ka kasiguradong ibebenta nga sa 'yo ng babaeng iyon ang share niya sa FVF Company?"Nagkabit-balikat lang ako dahil hindi ko rin alam. Nararamdaman ko lang din na mukhang may kailangan din sa akin si Briana. Ramdam na ramdam ko iyon nang unang meeting pa lang namin noong nakaraang linggo. Wala namang masamang magbakasakali, eh."Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan, Xia," komento ko pa at tumayo na para magbihis."Right. Dapat mo lang talagang alamin kung sino ang kakampi at hindi.""Alam ko," tipid kong sabi.Sa mundong ginagalawan namin ay isang kasalanan ang magtiwala nang husto kahit sa kapamilya o kaibigan mo pa.Sa totoo lang din ay malaki ang tiwala ko kay Xia dahil simula't-sapul ay palagi na siyang nasa tabi. Dumarating siya kapag kailangan ko.Hindi ko lang maiwasang tanungin kung magiging ganito ba ang turing niya sa akin kahit na hindi siya naging parte ng last will and testament ng dad?Dahil sa ginawa ni Zayden Taylor ay lumala ang trust issue ko sa mundo. Siya ang dahilan kung bakit miserable ang buhay ko. Hinding-hindi ko siya mapapatawad at hinding-hindi ako titigil hanggang sa maubos ko rin ang lahat ng meron sa kaniya. Naghihintay lamang ako ng tamang tiyempo at panahon.Sa ngayon ay priority ko ang FVF Company. Kailangan ay mapasakamay ko ang kompanyang iyon."I heard that FVF isn't doing great these past days. It is gradually losing employees and their monthly sales are decreasing. There's a rumor as well that Mr. Businessman A is trying his best to purchase the whole company. And perhaps the reason why this company is about to collapse."Natigilan naman ako at tumitig kay Xia. "Really? Sino naman itong Mr. B.A?""I don't know pero puwede kong alamin kung sino kung gusto mo.""Do it.""Or you can just give it up...""Shut the fuck up, Xia. You know why I am desperately trying to buy the FVF. Stop messing with me right now. I am not in my very great mood," asik ko at lumabas na kwarto.Dumiretso ako ng dressing na katabi lang din naman ng aking kwarto."Fine. I'll support you. Lighten up your mood. Kailangan mong makuha ang loob ni Briana. Siya ang may pinakamalaking share sa kompanya.""I can trust you in this matter, right?" direktang pang-i-interrogate ko sa aking pinsan.Napakunot-noo pa ito at tinaasan ako ng kilay. "So, pati sa akin ay nagdududa ka na rin? C'mon, Chaewon! Wala akong balak na malagay sa posisyon mo, 'no? Kung hindi nga lang dahil sa iniwang sulat ni Tito Won ay hinding-hindi ako mananatili dito sa Pinas. I am doing this because of you, Chaewon. Kung pagdududahan mo lang din naman ako...""I'm sorry. I gotta go. Nag-text na si Briana," pagtatapos ko sa usapan namin.Masyado ng lumalalim ang usapan namin. Baka mamaya ay magkasambunutan na naman kami tulad ng nangyari noong nakaraang buwan."Okay, ingat ka...""At saka ano?" asik ko bago pa ako tuluyang makalabas ng dressing room. "May plano kang mangibang bansa?""Oo, dati. Alam mong mas gusto kong manirahan sa Hong Kong kaysa sa bansang ito.""Huwag na huwag kang tatakas ng Pinas kung ayaw mong ipa-hunting kita," puno ng banta kong sabi at inirapan pa ito pagkuwa'y lumabas na.Gamit ang aking Lamborghini Sian ay tahimik na tinahak ko ang CJ Premium Restaurant. Dito ang napag-usapan namin.Kahapon pa balak ni Xia na padalhan ng notice ang manager dito na ibakante ang VVIP 1 room pero pinigilan ko lang. Mas gusto kong sa common room lamang kami. Teritoryo ko ito kaya ligtas ako rito. Ayaw ko ng palaging nakakakuha ng special treatment dahil lang sa kapangyarihang meron ako sa lugar na ito."Ms. Jones, over here!"Napasunod naman ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kaagad kong nakita ang maliwanag pa sa ilaw na mukha ni Briana Smith. Ngumiti ako at nilapitan na ito."Masyado ba akong late?" tanong ko pa kahit na sampung minuto na akong nahuhuli."Ah, hindi naman. Halos kakarating ko lang din."Agad na may lumapit sa aming waitress at kinuha ang order namin. Habang naghihintay ng pagkain ay inilibot ko na muna ang aking paningin.Awtomatikong akong napakuyom nang mamataan si Zayden Taylor na nakaupo sa isang sulok habang may babaeng naharap. Nakaharap pa siya sa gawi ko.Wait... Sino nga ba ang kasama niyang ito?Anong ginagawa nila dito?"Uhm, okay ka lang?" untag sa akin ni Briana. Napakurap naman ako at kaagad na tumango."Yeah, I'm okay," tugon ko. "Oh, the food is here," dagdag ko pa. Maingat namang inilapag ng crew ang mga pagkain sa mesa namin.Pareho lang kaming tahimik ng babae habang kumakain. Panaka-naka ring nagtatama ang aming paningin. Tanging ngiti lang ang ibinibigay namin sa isa't-isa.Nakikiramdam din ako kina Zayden habang inaalala kung sino ba ang babaeng kasama niya."Gusto mo bang sumama sa akin sa SX Exclusive Bar?" untag sa akin ng babae.Agad kong inaalis ang aking paningin sa puwesto nina Taylor at tinapunan ito ng tingin."Sure, wala naman din akong appointment after this. SXEB is becoming so popular in the past weeks, right?""Yeah because the management itself is great. Even their security team is on another level. That's what I heard so far. A lot of billionaires like you are visiting that place at least once a week.""Oh, really? Who's the owner of that bar?""I don't know."Napatango-tango na lang ako. Pag-angat ko ng tingin ay nagkasalubong pa ang mga mata namin ni Zayden Taylor. Halata sa kaniyang mga mata ang gulat pero kaagad naman siyang nakabawi.Right. Naalala ko na kung sino ang babaeng kasama niya. Is she Kiana Madera? Maidena? Hindi ako sure sa apelyido nito pero natatandaan ko ito dahil palagi itong top 1 sa klase noong high school kami.I see. Nakabingwit din siya ng matinong babae. Congratulations to him... or her? I don't care.Mukhang madalas ng magkatagpo ang mga landas natin, ha? Ibig bang sabihin ay nalalapit na rin ang totoong pagtutuos natin.Gusto ko na talagang umuwi pero dahil maging si Zack ay pinipigilan ako ay wala na akong nagawa kundi ang makipagplastikan nilang kina Cindy at Quincy na nandito pa rin. Alam kong hindi sila aalis hangga't hindi ako umaalis. "Bakit nandito ka pa? Malamig na, " untag sa akin ni Manang Celia. Nasa rooftop pa rin kasi ako kahit 6:10 p.m na. Wala si Zayden, nasa kompanya niya. Hindi rin ako makaalis-alis talaga dahil pinagbantaan niya akong hindi na lang itutuloy ang deal namin tungkol sa FVF kapag hindi niya ako inabutan dito."Okay lang ako, Nang. Dito muna ako," mahinahon kong tugon."Buksan ko ba ang ilaw?" tanong nito. "Huwag na ho. Ang ganda ng view pala dito kapag gabi.""Oo naman. Noong kayo pa ni Zayden ay wala pa ba ang rooftop na ito?" Hindi naman ako kaagad nakasagot sa biglaang pagbalik tanaw nito. Ang bahay na ito ang siyang saksi ng lahat ng kung anumang mayroon kami ng ex-boyfriend ko. "Mas mababa pa rito ang bahay niya." "Gano'n? Kung sabagay ay nasa kabilang mansiy
This is not all about cheating but an exciting yet deadly game. I can feel it. Kung kapangyarihan at pera ang usapan ay hindi magagawang makipagtapatan sa akin ni Cindy at mas lalong kahit anong mangyari ay hindi rin niya mapapasunod si Hersh sa gusto niyang mangyari. Ibig sabihin ay mas malakas na koneksiyon na nakasuporta sa kaniya ngayon. Iyong kayang patumbahin ako. At si Quincy Taylor lang ang makakagawa niyon. Siya ang dahilan kung bakit umayaw si Hersh na maging parte ng global clothing line ko. Ginagamit niya lang si Cindy bilang front cover. May goal din ang babae para makipaglapit at makipagrelasyon kay Zayden. Walang inosente sa larong ito. Aish! Dapat pala talaga ay ginantihan ko na ang babaitang ito nang sinampal niya ako kanina, eh! Nakakaasar. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking sarili na mapangisi. Ngayon ay alam ko na kung sino ba talaga ang dapat kong pagtuonang pansin sa dalawang babae na magkatabing nakaupo ngayon sa couches ng living area. "Ma
"Zack? Ikaw ba 'yan" gulat kong usal habang nangungumpirma ang tono. "Chaewon?" usal din nito. "Ikaw 'to, 'di ba?" "Hey!" sabay naming sambit. Kaagad pa itong tumakbo papalit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "I missed you so much," sabi nito sa excited na tono. Akmang sasagot na ako nang may mga kamay na humila sa akin. Napakalas tuloy ako kay Zack."Epal," asik ko sa pakialamerong Zayden. "Kapatid ko 'yan," paalala niya pa sa akin."Alam ko," sagot ko naman sabay irap sa kaniya. Tinapunan ko ng tingin si Zack at nginitian. "Nakauwi ka rin ng Pilipinas. Akala ko ay wala ka ng balak," dagdag sabi ko.Matagal na itong naninirahan sa ibang bansa. Doon na rin ito grumaduate sa elementary, high school at college. Sa katotohanan ay mas nauna ko itong naging kaibigan dahil kami ang magkasing-edad. Nang umalis ito ay saka ako mas napalapit kay Zayden at eventually ay naging magkaibigan din kami. "Kaya nga, eh. Akala ko ba ay nag-break na kayo? Nagkabalikan na pala kayo?" tanong nit
"Get lost, Zayden Taylor," malamig kong sabi sa kaniya. "If you don't want to see yourself on television while being dragged by my security guards right in front of my company. Hindi mo gugustuhing mailagay sa front page ng mga newspaper dahil sa pagiging intruder sa kompanya ko," dagdag ko. "Bakit ganyan ka...""Dahil sa 'yo," kaagad kong sagot. "Ganito ako dahil sa pangtra-traydor mo sa akin, Zayden," paalala ko pa sa kaniya. Saglit naman siyang natigilan at pagkuwa'y marahas na napabuntonghininga. "Gusto mo ba talaga malaman kung sino ang traydor, ha?!" Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtaas ng kaniyang boses. Napalunok ako at napakapit sa dulo ng aking mesa. "Leave," mahina pero may diin kong sabi. Padarag na bumalik ako sa pag-upo at ipinukos ang aking atensiyon sa aking laptop. Wala rin naman akong naiintindihan sa aking binabasa dahil ramdam ko ang kaniyang titig habang nakatayo pa rin sa kaniyang puwesto. Nag-angat ako ng tingin para salubungin ang kaniyang mga mata
Zayden Taylor:Kapag may kinuha kang mahalagang bagay sa akin ay malalaman ko rin, Chaewon Jones. Stop provoking me.Napangiwi ako nang mabasa ang text ng kugtong na lalaki. Tamang hinala talaga ito sa akin, eh. Well, yeah. May kinuha nga ako pero hindi naman siya sigurado kung ano 'yon. Hinuhuli lang ako ng isang 'to.Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa. Bumaba na ako ng taxi. Kagaya nang nakagawian ay naabutan ko na namang nagsisiumpukan sa gilid ng kalsada ang mga kasambahay ng kapit-bahay ko. Si Ate Isay, Pau at Myrna. Sa tagal nila rito ay kabisado ko na rin ang mga pangalan nila. Mukhang may loyalty sila sa kanilang mga amo. Lumapit ako sa kanila dahil nasa tapat ng katapat na bahay ko lang naman sila nagme-meeting. "Hey," intrada ko pa. Mukhang nagulat pa silang lahat. "Good morning, Ma'am Ganda," sabay-sabay nilang bati."Anong nangyari sa..." Siniko ni Ate Isay si Ate Pau na siyang naging dahilan para matigil ito sa pagtanong sa akin.Alanganin naman akong napangiti. "
Nagising ako dahil sa pagpatak ng tubig sa aking pisngi. Pagbukas ko ng aking mga mata ay mukha ni Zayden ang bumungad. Nakatungo siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat. Tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok niya. Ngayong bagong ligo siya ay litaw na litaw ang natural na pagkapula ng kaniyang bibig. "Do you want to kiss me?" kaswal niyang tanong habang nakadukwang sa akin. Malamang ay pinakatitigan niya ako habang natutulog. Wala yata siyang balak na gisingin ako, eh. "Sigurado kang ikaw dapat ang nagtatanong ng ganiyan at hindi ako?" usisa ko pa. Inakit ko pa siya sa pamamagitan ng tingin lamang. Umigting ang kaniyang panga at hindi na nga nakapagpigil pang halikan ako. Mabuti na lang at mabilis kong naiharang ang aking palad sa bibig ko. Iyon tuloy ang dinapuan ng kaniyang labi.Nang-aasar na tawa ang pinakawalan ko at bahagya siyang itinulak para makabangon na ako. "Leave me alone, Zayden. Huwag mong sirain ang araw ko. "Gusto mong maligo?" usisa niya pa. "Ha?" usi